CAPTIVATED BY TYRONE GREENE (...

By fedejik

53.9M 758K 54.3K

Si Tyrone Greene ay anak ng kilalang business tycoon at multi-billionaire na si Sebastian Greene. Lumaki ma... More

Synopsis & Author's Note
Beginning
Chapter 1.1.2
Chapter 1.2.2
Chapter 2.1.2
Chapter 2.2.2
Chapter 3.1.3
Chapter 3.2.3
Chapter 4.1.3
Chapter 4.2.3
Chapter 4.3.3
Chapter 5.1.2
Chapter 5.2.2
Chapter 6.1.2
Chapter 6.2.2
Chapter 7.1.4
Chapter 7.2.4
Chapter 7.3.4
Chapter 7.4.4
Chapter 8.1.5
Chapter 8.2.5
Chapter 8.3.5
Chapter 8.4.5
Chapter 8.5.5
Chapter 9.1.4
Chapter 9.2.4
Chapter 9.3.4
Chapter 9.4.4
Chapter 10.1.4
Chapter 10.2.4
Chapter 10.3.4
Chapter 10.4.4
Chapter 11.1.4
Chapter 11.2.4
Chapter 11.3.4
Chapter 11.4.4
Chapter 12.1.3
Chapter 12.2.3
Chapter 12.3.3
Chapter 13.1.2
Chapter 13.2.2
Chapter 14.1.4
Chapter 14.2.4
Chapter 14.3.4
Chapter 14.4.4
Chapter 15.1.3
Chapter 15.2.3
Chapter 15.3.3
Chapter 16.1.2
Chapter 17.1.2
Chapter 17.2.2
Chapter 18.1.2
Chapter 18.2.2
Chapter 19.1.2
Chapter 19.2.2
Chapter 20.1.2
Chapter 20.2.2
Author's Note
Chapter 21.1.2
Chapter 21.2.2
Chapter 22.1.5
Chapter 22.2.5
Chapter 22.3.5
Chapter 22.4.5
Chapter 22.5.5
Chapter 23.1.4
Chapter 23.2.4
Chapter 23.3.4
Author's Note
Chapter 23.4.4
Chapter 24.1.2
Chapter 24.2.2
Chapter 25.1.2
Chapter 25.2.2
Chapter 26.2.4
Chapter 26.3.4
Chapter 26.4.4
Chapter 27.1.4
Chapter 27.2.4
Chapter 27.3.4
Chapter 27.4.4
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30.1.2
Chapter 30.2.2
JorTy Readers
Epilogue
Special Greene Chapter
Special Announcement
Special Greene Chapter & TV Movie @ TV5

Chapter 3.3.3

797K 9.8K 778
By fedejik

#LumalandiSiJordan

CHAPTER 3.3.3

TYRONE's POV (Cont.)

While eating dinner, talagang in-interview nila nang husto si Jordan. Obviously, my family loves her dahil kaunting sabihin lang ni Jordan ay talagang humahagalpak sila nang tawa.

"You should stop working at the bar, Jordan. It's dangerous for you." Si Dad.

"Naku, Tito, okay lang po. Sanay na rin po ako."

"I can help you find a job in one of our company and puwede rin kitang tulungan sa school ni Ty."

"Naku! Hindi na po! Okay lang po talaga! Nakakahiya naman! Okay lang po talaga ako!" Panay ang tanggi at iling ni Jordan. At least she's not some opportunist.

"All right. Just don't hesitate to ask for my help. Basta special sa anak ko, special na rin sa amin." As expected.

"There is nothing special going on with us, Dad. So, stop assuming, okay?" I rolled my eyes at humagikhik naman si Kirsten. Si Mom naman ay panay lang din ang ngiti nang nakakaloko sa akin. These people are unbelievable.

"Just saying..." Ngingiti-ngiti rin si Dad as if may nalalaman siyang hindi ko nalalaman.

"You guys are impossible." I smirked.

Si Jordan naman ay namumula nang husto at pilya ring sumusulyap nang ngiti sa akin.

"You know, son, sometimes when you fall so hard, it was harder to pull yourself up."

"Why am I having this feeling that you didn't believe what I just told you right now?" Iginala ko ang tingin sa kanila at panay lang ang ngitian nilang nakakaloko sa akin. "Jordan, you might want to say something?"

"Nagsasabi po ng totoo si Tyrone. Hindi po ako ang type niya kasi—"

"Jordan!" Aish! Mukhang iba na naman ang lalabas sa bibig niya, a!

"S-sorry..." Napangiwi siya at mabilis na nag-iwas nang tingin sa akin.

"There is a best time for everything, I suppose." Si Dad pa rin at pilit na pinipigilan ang mangiti nang maluwag.

"Ulan ba 'un?" Si Mom na napatingin pa sa labas.

"Opo, Ma'am. Umuulan po." Si Manang Norma na bigla na lang sumulpot galing sa kusina at ngiting-ngiti itinuon ang atensyon sa akin.

"Manang Norma!" Agad naman din akong tumayo at sinalubong ko siya nang yakap ko. Oh, how I missed her! She's like a second mother to me. She's family to us.

"Kumusta, Ty?" Tinapik-tapik pa niya ako sa likod.

"I'm okay, Manang. You?"

"Namimiss ka namin dito." Hinaplos niya ang aking pisngi at pasimpleng nilingon si Jordan na nakamata pala sa aming dalawa. "Girlfriend?" Pilya pa siyang ngumiti at marahan lang akong napailing. Mukha ba talagang girlfriend ko siya?

"No." I rolled my eyes when I saw their reactions.

"First time mong nagdala ng babae rito? Special friend?" Kumindat-kindat pa siya.

"Not even closer. Jeez, get over it, guys! We're not an item, okay?"

"Oh-kay..." Si Dad na nahuli kong kumindat pa kay Mommy. "Dito na kayo magpalipas nang gabi. Mukhang ang lakas ng ulan."

"Oo nga naman, Ty. Tutal wala naman yata kayong pasok bukas, 'di ba?"

"Naku! Hindi na po," mabilis na tanggi pa ni Jordan. "Nakakahiya po. Wala man lang akong dalang damit." Kung may dala palang damit ay willing siyang mag-stay? Ibang klase.

"That won't be a problem, Ate Jordan." Si Kirsten. "I think I have something in my closet that will fit you."

"Oo nga naman, Jordan." Si Mommy. "Kahit ako mapapahiram din kita."

"Hmm..." Binalingan ko siya habang nakataas ang aking kilay. It was all over her face. Papayag siya.

"Sige po. Mapilit kayo, e." Kinagat niya ang kanyang habang pinipigilan ulit mangiti nang maluwag.

"Hindi man lang nagpakipot," mahinang naibulong ko na lang sabay paikot sa mga mata.

"Tyrone..." Pasimple naman akong siniko ni Manang Norma sa tagiliran.

"W-what?" kumunot ako at sumimangot.

"Ikaw ang pakipot." Iyon lang ang sabi niya bago muling pumunta sa kusina.

"Come, Ate Jordan, hanap tayo ng damit mo!" Si Kirsten na noon na rin tumayo at agad na hinila si Jordan sa kamay.

"S-sige," nahihiya pang sabi niya. "Iwan muna po namin kayo." Tumingin siya sa akin pero umiling lang ako sa kanya.

"Feel at home, Jordan." Si Mommy.

Si Dad naman ay ngumiti lang din at nakipagngitian kay Mom. Nang bumaling sila nang tingin sa akin ay parang nahuhulaan ko na ang ibig nilang ipakahulugan doon.

Unbelievable.

Jordan

Hanggang ngayon ay hindi pa rin magsink-in sa akin na anak ng multi-billionaire na si Sebastian Greene si Tyrone! OMG. Ngayon ko higit na naiintindihan kung bakit ayaw niyang ipaalam na bading siya! Kawawa naman pala si Ty. Sikat na sikat ang Daddy niya. At kasiraan talaga kung malalaman nang iba na bading siya. Haist... My poor Tyrone. Kung may magagawa lang ako.

Paakyat na kami nang magandang kapatid ni Tyrone na si Kirsten sa second floor ng mansion nila habang inaabala ko pa rin ang sarili ko sa pagmamasid. Nang lumingon si Kirsten sa akin ay hindi ko pa rin maiwasan ang mamangha sa kanyang ganda. Hindi naman kataka-takang gan'un kaganda si Kirsten dahil ang gwapo at hot ni Sebastian Greene! Tangna! Hindi ako makamove-on! Pati ang mommy niya na si Tita Ady ay parang dyosa rin sa ganda. Talagang bagay na bagay sila! Parang lahi yata sila ng mga magagandang nilalang! Wish ko lang malahian din ako! Sayang talaga si Tyrone!

Dinala ako ni Kirsten sa kwarto niya na sobrang bonggacious sa ganda! Combination of sky blue and pink ang mga colors ng room niya. Babaeng-babae talaga. Parang Barbie house lang. May sobrang laking bed siya sa sentro, may study room, may parang mini sala rin na malapit sa veranda. Kumpleto rin sa entertainment appliances at may pagkalaki-laking flat t.v. na nakadikit sa wall. Nang pasukin naman namin ang comfort room, gosh... parang isang kwarto rin sa laki! May bathtub siya na mukha na yatang swimming pool sa laki, Jacuzzi at oval shower na may glass wall at door. At 'di pa pala d'un natapos ang tour namin dahil may isa pang pinto kaming pinasukan at iyon pala ay ang super laking dressing room na punung-puno nang iba't-ibang klaseng damit. Juskoo! Parang artista lang talaga. Pangarap ko ring magkaroon nang ganito, pero mukhang hanggang pangarap lang talaga 'yun. Not unless pikutin ko si Tyrone at puwersahin ko siyang maging lalaki. Ang sama ko lang!

"Here, try this one." Inabot pa niya ang kulay pink na cotton blouse at checkered na pajama.

"Sa tingin ko kasya na 'to." Mukhang hindi naman kami nagkakalayo ng katawan ni Kirsten. Magsing sexy kaya kami!

"Wait! Lingerie pa nga pala!" May binuksan siyang closet at bumulaga sa akin ang terno-terno niyang panty at bra! Tangna! Mga branded pa! Jusko, ako na ang buhay mayaman kahit ngayong gabi lang! "Hmm..." Saglit siyang natahimik at matamang tinitigan ang boobs ko. "Size 34... tama?"

"Yup!" Nahihiya naman akong tumango.

"Don't worry, brand new pa 'to. Kahit 'yung panties mga brand new pa."

"Okay lang kahit pinaglumaan mo na lang. Nakakahiya."

"That's okay. Ang dami ko pa ngang hindi nagagamit. 'Yung iba naman d'yan mga gifts lang," ngiting-ngiti pang sabi niya. Kung sana kasing bait niya si Ty kahit bading siya papatusin ko na.

"Come, I'll show you your room." Nakangiti pa niya akong hinila. I wonder kung ano ang pumapasok sa kukote niya. Parang may something, e.

Lumabas kami ng kwarto at sa opposite side niya ako dinala. Pagpasok namin ay halos same lang din ang hitsura pero hamak na mas maliit sa kwarto ni Kirsten. Dirty white ang paint na may touch of brown. May malaking t.v. rin sa wall na nakatapat sa katamtamang laki rin ng bed. Maganda din naman ang comfort room pero wala na nga lang Jacuzzi sa loob.

"Next door is my brother's room," pilya pang sabi niya. "Katukin mo na lang kapag 'di ka makatulog!" Pilya ah!

"Sabunu— I mean, sige..." Shit! Muntik na naman akong madulas!

"So, paano? I'll leave you here na. Para makapagpahinga ka na rin," sabi rin naman niya sabay lapit sa may pinto.

"Thanks, huh."

"Sure. Basta special sa Kuya ko, special na rin sa akin." Kumindat pa siya sa akin bago tuluyang lumabas ng pinto.

"Good night, Ate Jordan," kumakaway pang sabi niya.

"Good night, Kirsten."

At nang mawala na siya sa paningin ko ay tsaka ko na lang isinara ang pinto. Wow! Ang swerte ko lang! Buhay prinsesa ako ngayon!

Kaya naman wala na akong inaksayang panahon at nagdiretso na sa banyo. Gusto kong maramdaman kung kakaiba rin ba ang tubig sa mansion nila. Masyado kasi silang naggagandahang nilalang dito at baka sakaling paglabas ko kasing ganda na rin nila ako.

Matapos ko makapagbabad sa bathtub at makigamit ng mga imported na sabon ay tsaka na ako lumabas ng banyo. Pero muntik nang malaglag ang puso ko nang mabungaran ko si Tyrone na nakaupo sa bed!

"Putcha! Ginulat mo ako!" gulat pang sabi ko at kabadong hinaplos haplos ko ang tapat ng aking dibdib. Nagulat talaga ako! Akala ko ay multo na, e!

"Itong gwapo kong 'to, kagugulatan mo?" Umismid siya at noon ko na lang napansin na hubad baro pala siya at nakabalandra ang kanyang heat inducing abs. Shemay, kaunting galaw lang niya ay lumilitaw na ang mga muscles niya! Paano naging bading ang gagong 'to?!

"Um, magbibihis lang ako. Lumabas ka na nga!" Fine, masyado akong nako-concious sa katawan ko lalo pa ngayon at tanging tuwalya lang ang nakatapis sa katawan ko. Dati naman akong ganito sa condo, a, ngayon pa ba ako ma-concious? Sus, Jordan! Pinagnanasahan mo kasi! 'Di kayo talo!

Sumilay ang nakakalokong ngiti sa kanyang labi bago tumayo at marahang humakbang palapit sa akin.

"Why are blushing?" nakangisi pang tanong niya. Ang hot naman kasi nitong gagong 'to! Kitang-kita na kasi 'yung V shape sa katawan niya pababa dun sa— "Love what you see?"

"Nakita ko na 'yan, 'no! Hmp!" Mabilis akong tumalikod upang ikubli ang pamumula ng aking mukha. Too late, Jorge, nakita na niya. Bakit parang uminit?

"Anyway," malambing pang sabi niya at literal na nanigas ang buo kong katawan ko nang maramdaman ang kanyang hininga sa punong tainga ko! Shit! "Enjoy your stay. Good night." Oh my, bakit ba sobrang sensual n'ung pagkakasabi niya? At ano ba 'yung naramdaman ko sa bandang pigi ko? Butotoy ba niya 'yun?! Napalunok na lang ako nang hindi ko namamalayan at narinig ko na lang na humahalakhak siya palapit sa pinto. "Sleep tight!"

At nang lingunin ko siya ay saktong halos kakalabas lang niya ng pinto. Tarantadong Tyrone 'yun, ah! My God! Bakit ba bigla akong naapektuhan sa kanya? Bakit ba parang hindi naman siya bading? Pero malabo! Hindi naman ako bingi noong sabihin sa akin ni Cary na bading si Ty. Pinagti-tripan lang talaga ako ng gagong 'yun! Hmp!

~~

Shit! Anong petsa na?! Bakit hindi ako makatulog?! Pagsilip ko sa wallclock ay 11:30 na. Kanina pa ako nakahiga pero hindi man lang ako dalawin nang antok. Akala ko naman ito na ang magiging pinakamasarap kong tulog sa buong buhay ko. Ngayon pa ba ako mamahay?! Anak naman ng tokwa, oo! Tulog na kaya si Ty? Parang gusto ko siyang puntahan. Okay lang kaya? Baka sakaling kapag sa kanya ako tumabi ay dalawin ako nang antok. Mukhang tahimik naman na ang buong bahay. Wala naman na sigurong makakakita kung puntahan ko siya sa kwarto. Alam kong medyo late din naman siya matulog. Haist... Bahala na nga!

Dahan-dahan kong ibinukas ang pinto at sinilip ang pasilyo. Mukhang clear naman, pero naging maingat pa rin ang paggalaw ko at mahina akong kumatok sa kwarto ni Tyrone.

"Ty, gising ka pa?"

Shit... Wala nang sumasagot. Tulog na yata!

"Ty, gising ka pa?" Parang tanga ko lang? Magtanong sa possibleng tulog? Alangan namang sumagot ang tulog, 'no?

Susuko na sana ako nang maringgan kong may naglalakad palapit sa pinto. At doon bumungad ang tila nagising ko nga lang na si Tyrone.

"What?!" irritable pang bungad niya at bahagya pang nagkusot ng mata.

"Hindi ako makatulog... Patabi?"

"Baliw ka na ba?!" inis pang aniya nang nakakunot-noo. Isasara na sana ulit niya ang pinto,pero nakipag-unahan na ako sa kanya at ipinilit ko ang sarili kong makapasok!

"What the fuck?!" inis pang nasabi niya at hindi maikakaila ang gulat sa kanyang mukha. Kuh, bagu nang bago wari. Bading.

Hindi ko siya pinansin at sa halip ay mabilis akong dumiretso sa bed at nahiga! Gosh, amoy Tyrone everywhere! Itong amoy na 'to ang hinahanap ko.

"Get out!" Masungit pang sigaw niya at irritableng pinasadahan ng mga daliri ang kanyang buhok. Namaywang siya sa harapan ko at matigas naman akong nanatili sa bed! Shit those abs!

"No. Dito na lang ako!" pagpipilit ko pa.

"Are you even thinking?! Nandito tayo sa mansion namin and my parents are just around the corner!" pigil ang inis na sabi lang niya at marahas na napahilamos ng mukha. "Out!"

"Hindi ako makatulog! Ang laki naman ng bed mo! Sige na! Please!"

"Out! Jordan!" mas matigas pang sabi niya at ako naman ang napaigtad sa gulat!

"Ang sungit naman nito!" Sinimangutan ko siya at dinedma. "Good night, Ty!" Nangingiting dumila ako sa kanya at agad na nagtalukbong ng kumot. Amoy Tyrone talaga! Ang bangu-bango!

"I said, out!" Marahas niyang hinila niya ang kumot at nakipaghilahan naman ako!

"Dito na lang ako, please!" sumamo ko pa habang nakikipaghilahan ng kumot!

"Out! Jordan!" Ano ba 'yun? Nakaka-seduce naman ang paraan ng pagtawag niya sa pangalan ko! Huh? Kinikilig ba ako? Naku, Jordan! Magtigil ka! Mahirap ang one-sided love! Hindi babae ang type ni Tyrone!

"Tyrone naman, e! Ang arte-arte!" maktol ko pa. Hindi pa rin ako sumuko kahit na malapit na akong malaglag sa bed!

Pero gan'un na lang ang gulat ko nang buong puwersa niyang hinila ang kumot at ayun na nga, nalaglag na ako sa bed una ang puwet! Putcha! Buti na lang at carpeted ang buong kwarto kung nagkataon ay bukol pa inabot ko sa bading na 'to!

"I told you." Nakangisi pa siyang umismid at hindi man lang ako tinulungang makatayo. Ang sama talaga! "Please lock the door when you leave." Ala-John Lloyd pa 'tong gagong 'to! Noon na siya padapang humiga sa bed at 'di na ako pinansin.

Akala naman niya susunod ako sa kanya, huh? Wari ay lumapit ako sa pinto at binuksan iyon. Hindi naman siya nakatingin kaya noong isara ko ay nasa loob pa rin ako. Parang narinig ko lang siyang napabuntong-hininga nang malalim.

"She's driving me nuts..." bulong pa niya habang nakabaon ang mukha sa unan. And I will definitely drive you nuts, Tyrone!

Kaya naman nagdahan-dahan ulit ako nang lapit sa bed at bumuwelo sa gagawin kong pagtalon.

Hindi ko napigil ang mangiti habang nagbibilang sa isip ko...

One, Two, Three!

"Oh, shit!"

"What the fuck?!"

Saglit na tumigil ang mundo ko sa nangyari. Paano naman kasi, saktong pagtalon ko ay siya namang pagtihaya niya nang higa! Ayun! Napapatong ako sa kanya! As in patong!

"Ooops..." Napangiwi ako habang tiim-bagang siyang nakatitig sa akin. Patay! "S-sorry..."

Hindi siya nakakibo sa sinabi ko hanggang sa unti-unting nagbago ang aura niya sabay ngumisi.

"So, do you want to feel me, Jordan?"

"Huh?" Ano raw? Feel him? Hinapit niya ako sa baywang para mas lalong mapadiin sa kanya. Oh my... Ano 'yung mahabang nararamdaman ko sa tiyan ko?! Could it be his-?!

"Bastos!" Noon na ako kumawala sa kanyang yakap at malakas siyang sinapak sa braso. Nag-init ang mukha ko sa nangyari! Naramdaman ko 'yun, e. Ang nipis parehas ng suot namin at wala pa siyang damit pang-itaas!

"Good night, Jordan," nakangisi pang sabi niya at iiling-iling na umayos na nang higa. Ang sama talaga!

"Hmp! Akala mo papaapekto ako sa kalandian mo! Nevah!"

Kaya lakas loob pa rin akong nahiga sa tabi niya. Feeling niya magpapapigil ako?!

"Aish, Jordan!" irita pang sabi niya at salubong ang kilay nang bumaling sa akin.

"Good night, Ty," nakangiti namang sabi ko sabay yakap sa isang unan niya. Hinila ko rin ang kumot niya para maki-share dahil ang lamig naman talaga sa kwarto niya. Pero bakit hubad baro pa rin siya? Balat kalabaw din yata ito, e! Nagtatago lang sa magandang kutis!

"Tsss..." Hindi naman na siya nag-react pa at tumalikod na lang sa akin. Buti naman at sumuko ka na.

At sa wakas ay nakaramdam na rin ako nang antok na kanina ko pa gustong maramdaman. Sabi ko na nga ba! Amoy lang ni Ty ang sagot!

********

My Dear Angels,

Magkakaroon ng major change ang LSG at CBTG oki?  Di ko pa lang alam when ko magagawa pero at least na-inform ko na kayo.  LOVING SEBASTIAN GREY will be LOVING SEBASTIAN GREENE.  Nabanggit ko na 'to sa note ko sa LSG oki?  Inulit ko lang.  At siyempre, si TYRONE will be CAPTIVATED BY TYRONE GREENE.  I have my reasons why and I will take full ownership of this story.  So, sa mga gumagawa po ng Soft Copies sana tigilan na po ninyo.  At sa mga Avengers sa Watty sana matulungan nyo ako hanapin ang matitigas ang ulo na pamigay ng pamigay ng SC hahaha

So, yun lang.  Love you!

Loves,

Ate Dean

Continue Reading

You'll Also Like

342 53 8
Started: August 27, 2016 Ended: November 24, 2022 Ksenia just met the saddest eyes on earth. And the guy who owns those is Lander. When she first saw...
18.5M 331K 87
Dalton Ace Samaniego, nag-iisang anak at total Casanova. Kahit na minsan ay 'di siya nagseryoso sa buhay at naging mapaglaro sa mga babae. Malaya n...
15.1M 585K 48
(Game Series # 5) Lyana Isobel Laurel never wanted complication. She never dreamed of marrying into a wealthy family-a family that's way out of her l...