CAPTIVATED BY TYRONE GREENE (...

By fedejik

53.9M 758K 54.3K

Si Tyrone Greene ay anak ng kilalang business tycoon at multi-billionaire na si Sebastian Greene. Lumaki ma... More

Synopsis & Author's Note
Beginning
Chapter 1.1.2
Chapter 1.2.2
Chapter 2.1.2
Chapter 2.2.2
Chapter 3.2.3
Chapter 3.3.3
Chapter 4.1.3
Chapter 4.2.3
Chapter 4.3.3
Chapter 5.1.2
Chapter 5.2.2
Chapter 6.1.2
Chapter 6.2.2
Chapter 7.1.4
Chapter 7.2.4
Chapter 7.3.4
Chapter 7.4.4
Chapter 8.1.5
Chapter 8.2.5
Chapter 8.3.5
Chapter 8.4.5
Chapter 8.5.5
Chapter 9.1.4
Chapter 9.2.4
Chapter 9.3.4
Chapter 9.4.4
Chapter 10.1.4
Chapter 10.2.4
Chapter 10.3.4
Chapter 10.4.4
Chapter 11.1.4
Chapter 11.2.4
Chapter 11.3.4
Chapter 11.4.4
Chapter 12.1.3
Chapter 12.2.3
Chapter 12.3.3
Chapter 13.1.2
Chapter 13.2.2
Chapter 14.1.4
Chapter 14.2.4
Chapter 14.3.4
Chapter 14.4.4
Chapter 15.1.3
Chapter 15.2.3
Chapter 15.3.3
Chapter 16.1.2
Chapter 17.1.2
Chapter 17.2.2
Chapter 18.1.2
Chapter 18.2.2
Chapter 19.1.2
Chapter 19.2.2
Chapter 20.1.2
Chapter 20.2.2
Author's Note
Chapter 21.1.2
Chapter 21.2.2
Chapter 22.1.5
Chapter 22.2.5
Chapter 22.3.5
Chapter 22.4.5
Chapter 22.5.5
Chapter 23.1.4
Chapter 23.2.4
Chapter 23.3.4
Author's Note
Chapter 23.4.4
Chapter 24.1.2
Chapter 24.2.2
Chapter 25.1.2
Chapter 25.2.2
Chapter 26.2.4
Chapter 26.3.4
Chapter 26.4.4
Chapter 27.1.4
Chapter 27.2.4
Chapter 27.3.4
Chapter 27.4.4
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30.1.2
Chapter 30.2.2
JorTy Readers
Epilogue
Special Greene Chapter
Special Announcement
Special Greene Chapter & TV Movie @ TV5

Chapter 3.1.3

795K 9.2K 299
By fedejik

CHAPTER 3.1.3          

Jordan

Halos magdadalawang linggo na kaming magkasama ni Ty dito sa condo pero hindi niya ako kinakausap. As in! Ni ha, ni ho, wala! Kung bakit kasi hindi ko mapigilan ang kadaldalan ko?! Ayan tuloy pati kay Cary paniguradong galit siya. Hindi na nga rin tumabi sa akin sa bed after n'ung huling paghatid niya sa akin pauwi. Nagtitiyaga na siyang matulog sa sofa kahit na nga nakabaluktot lang ang posisyon niya. Naaawa naman ako kaso naman ni hindi niya ako tinitingnan as if hindi ako nage-exists sa paningin niya.

Nandito ako sa school canteen at nagpa-part time ulit. Kasama na naman niya 'yung mga kapwa niya greek gods na pinaglalawayan na naman ng mga babaeng estudyante rito sa school. Kung titingnan, wala naman talaga sa aura ni Tyrone ang bading. Ang gwapo niya kaya! 'Yung gwapong hinding-hindi mo hihiwalayan nang tingin kasi malulusaw ka na lang sa harapan niya. Kaya nga noong hinalikan niya ako noon sa bar, parang gusto ko ulit balikan ang labi niya na sobrang full at lambot! At ang hininga niyang pamatay sa bango! May gan'un palang amoy nang hininga? Kung hindi ko nga lang siguro alam na bading siya tulad nang sabi ni Cary ay baka isa na ako sa mga estudyanteng nagpupunas ng laway sa pagtitig sa kanya. Sayang talaga...

Pero pansin ko lang, kapag yata nandito silang lima, napupuno ang canteen? Kahit na ang kumakain ay lima hanggang sampu lang? Tangnang mga babaeng 'to! Ang lalandi! At kung may lalaki man, mga bading naman! Tsss... Sa halip na mag-aral paglalandi ang inaatupag, e!

Kumaway si Chance sa akin at wala pa sa loob kong napalingon sa likuran ko dahil baka nagfe-feeling lang ako. Pero wala namang tao sa likod ko at sumenyas ako sa kanya kung ako ba talaga. Tumango lang siya at matamis na ngumiti. Oh, shit... Ang swerte ko naman. Ang gwapo kaya ni Chance! Kung tutuusin parang magka-level sila nang kagwapuhan ni Ty. Mas pa-mysterious nga lang ang aura ni Ty. Samantalang itong si Chance, ang bait na agad ng hitsura. Though kapag seryoso, juskoo! kahit mukhang suplado ang sarap reypin! Ano ba 'yun?! Saan nanggagaling ang kalandian mo Jordan?!

Lumapit ako sa kinalalagyan nila habang nakamata sa akin ang mga tagahanga nila. Parang may inggit na galit na hindi ko maintindihan. Mukhang mahirap ma-inlove sa kanila dahil mukhang mapapabugbog ako sa kanto kapag nagkataon.

"May order kayo?" nakangiting bungad ko kay Chance. Tamang napasulyap ako kay Tyrone pero nananatiling nakakunot-noo lang siya at ni hindi man lang ako tinitingnan! Ang arte talaga ng bading na 'to!

"Same lang ulit. Makidagdagan na lang ng isang tuna sandwich para sa akin." Buti pa itong si Chance, ang bait-bait. 'Yung ibang barkada nila bukod sa sobrang gwapo ay parang ang susungit din ng aura tulad ni Tyrone. At oo nga pala, mga babaero. Ang kataka-taka lang, talagang nagpapagamit ang mga babae sa kanila. Eto lang yatang si Chance ang halos 'di ko makitaan ng partner. Ah! Si Ty nga rin pala, medyo madalang. Pero kunsabagay, front nga lang niya kasi bading nga. Haist, sayang talaga!

"Sige. 'Yun lang ba?" Iginala ko lang ang tingin sa kanila at mga nagngitian lang nang tipid maliban pa rin kay Ty na nanahimik sa tabi. "Ty?" Alanganin ko pang tawag sa kanya pero ni hindi man lang ako nilingon. Ewan ko ba, parang apektado ako na hindi niya ako kinikibo kahit pa hindi ko rin masasabi na friends kami. Pero siyempre kahit papaano napatunayan kong nice naman siya kahit suplado.

"Okay na sa kanya 'yung dating order niya." Si Terrence ang sumagot at sinulyapan pa si Tyrone na parang sinamaan lang siya nang tingin. "Kulang lang sa sex kaya masungit!" dugtong pa niya sabay humalakhak nang malakas.

Umismid lang si Ty pero hindi pa rin ako tinitingnan.

"Sige..." Noon na ako lumayo sa kanila at lumapit muna sa counter para ibigay 'yung dating order nila.

Pansin ko ay pare-parehas silang mahilig kumain ng rice. Karaniwan si Chance lang ang parang medyo mahina at paburger-burger lang siya.

"Hey, you!" Nagulat pa ako nang biglang may dumagil sa akin. 'Yung malanding Tarah!

"Hey, you ka rin!" Umismid ako at hindi ko feel ang kalandian niya!

"Stop flirting with Tyrone!" Aba't ang lakas pala nang tagas ng babaeng 'to, e!

"I am not flirting with him!" Shit! Mapapalaban ba ako ng englishan dito?!

"Oh, c'mon!" Iiling-iling pa siyang ngumisi. "Akala mo ba hindi ko nakikita ang malalagkit mong tingin sa kanya?! Ilusyonada ka masyado! Hindi ang tipo mo ang magugustuhan ni Ty, okay?!" masungit pa niyang sabi. Ang lakas din pala nang tama ng babaeng 'to, e!

"Para po sana sa information ninyo, 'no? Wala sa atin ang mata-typan ni Ty dahil ba—" Oh shit! I almost forgot! 'Di nga pala siya public!

"What?!" Kumunot pa siya na parang naguguluhan.

"Wala. Managinip ka na lang na magugustuhan ka niya dahil sure akong hindi mangyayari 'yun!" inis na sagot ko pa at nagpipigil pa ako nang lagay na 'to. Ayoko lang mawalan ng trabaho at kahit papaano maganda rin ang sahod ko sa canteen na 'to! At siyempre pa, sa susunod na semester ay dito na rin ako papasok. Kung papalarin.

"Just don't go near him. Believe me, you don't know what I am capable of doing." Sarcastic lang siyang ngumiti sabay umirap nang pagkatalim-talim sa akin. Aish! Sarap patulan! Pasalamat siya at nandito kami sa loob ng school nila pero kung nasa labas lang kami ay sasapakin ko talaga siya sa mukha! Hmp!

Tyrone

I decided na hindi na muna sumama sa gimik ng barkada ngayong araw dahil plan ko sanang umuwi muna at doon mag-dinner kina Mommy. I missed my Mom. Hindi rin kasi ako nakapunta sa invitation niyang dinner last week sa dami ng project ko sa school. Yeah, it's been two straight weeks na hindi ako umuuwi ng bahay at kahit sa condo unit ko. Nagpa-plano akong bumalik na ulit sa unit ko pero hindi ko naman magawang iwan si Jordan mag-isa sa condo unit ni Cary. At kahit pa hindi ko siya pinagkakakausap lately, a part of me is telling that she was my responsibility.

"Tyrone!" Huh? Pagbaling ko nang tingin sa aking likuran ay nakita kong humahangos na palapit si Jordan. Jeez... 'Di rin marunong makaramdam ang isang 'to, e. Iniiwasan na nga kausap pa nang kausap!

"What?" Kumunot ako at nagpamukhang hindi interesado.

"Wait—" Hihingal-hingal pa siyang kumapit sa braso ko habang naghahabol nang hininga! "A-ang bilis mo maglakad! P-pinagod mo ako!"

"Who told you to run after me anyway?" Nagtaas ako ng kilay at sumimangot.

"'Wag ka na magalit, please?" Sumamo pa niya at nag-puppy eyes pa. "Peace na tayo, sige na?"

Napatitig ako sa mukha niya na halos mabasa ng pawis marahil nga ay dahil sa paghabol sa akin.

"Magpunas ka nga ng pawis mo! Parang hindi ka babae!" Inilabas ko ang panyo mula sa aking bulsa at iniabot iyon sa kanya.

"T-thank y-you..." Naghahabol pa rin siya nang hininga at pinunasan na nga ang mukha niya gamit ang panyo ko.

"Tangna, Ty... Ang bango naman ng panyo mo! Ganitung-ganito rin ang amoy mo kapag lumalabas ka ng banyo. Nakakaadik!"

"Aish... Pervert." Kakaiba talaga ang pagka-blunt niya.

"Tss... Sama naman nito! E, sa nababanguhan naman talaga ako! Mamahalin 'to for sure! 'Di ko siguro afford 'tong perfume mo." Inamuy-amoy ulit niya ang panyo ko bago punasan din ang bandang leeg niya. Hindi ko naiwasang mapatitig sa kanyang makinis na leeg habang ginagawa iyon. Who would have thought na galing siya sa mahirap na pamilya? She's flawless.

"You can always dream, Jordan. You can always dream," sarcastic na sabi ko bago tinabig siya para makaraan palapit sa kotse.

"Uy, pasabay naman, oh!" Ang kapal talaga ng mukha! Ginawa pa akong service, a!

"I am going to my parent's house. Your's is out of the way," walang ganang sagot ko at agad na pinatunog ang kotse.

"E, 'di sama na lang ako!" Bigla na lang nakipag-unahan pa siya sa pagsakay at hindi na ako hinintay na makapagsalita! Unbelievable!

"What do you think you're doing?" Kinatok ko pa siya sa salamin ng kotse at ngiting-ngiti pa niyang ibinaba ang tinted window.

"Sasama ako sa'yo! Wala naman akong work sa bar ngayon! Sakay na!" Aba't?!

"Hey! Hey!" Ugh! What the hell?! "Get the fuck out of my car!" malakas pang sigaw ko habang kinakatok ang bintana ng kotse. God, she's so annoying!

Matagal-tagal din akong kumakatok sa salamin ng kotse pero dedma lang talaga siya. The nerve of this girl! Ugh!

At kahit na inis na inis ay sumakay na rin ako sa kotse na ginagawang service ng babaeng 'to!

"Let's go!" pa-cute pang sabi niya at may papikit-pikit pang nalalaman!

"Don't act cute, you're not cute!" panunuplado ko pa.

"Sus! Deny ka pa! Ikaw lang ang nagsabing hindi ako cute!" Ngumuso siya at umirap.

"I don't know what you've been taking lately, but it's so obvious that it's taking toll on your brain!"

"Aish! Masyadong mabilis ang English mo, 'di ko carry humabol!" Umirap siya at humalukipkip. Lakas nang tama ng babaeng 'to!

"Ano kaya ang hitsura ng parents mo? Excited na akong makilala sila!" pumapalakpak pang sabi niya. Kung 'di ko pa alam ay dadayo lang siya nang kain.

"Magsing yaman siguro kayo ni Cary, 'no? Iyon nga lang wala na yatang mansion si Insan at ibinenta na kaya nagko-condo na lang siya."

Hindi na ako nagkomento pa sa huling sinabi niya. I'm glad na hindi talaga niya ako kilala and for that ay mapapasaya niya ako sa mga reactions niya later. I can't wait 'til she saw my Dad.

I did not waste time at agad ko na ring pinaandar ang kotse ko.

********

Tabi-Tabi lang po, pa-plug lang po.  Sa mga gusto lang magbasa COMPLETED na, daan lang po kayo sa Profile ko, madami naman na po ako naipost noon.

POV STYLE

Loving Sebastian Grey

One True Love (Revised Version lang po ito ng OTL kong posted din dito - Mas maayos naman na siguro ng kaunti ang grammar LOL)

Married To You

Falling Slowly

And I Love You So (Isa sa fave kong sinulat)

The rest po ng mga posted stories ko THIRD PERSON POV or AUTHOR's POV po.  Kung trip lang try nyo po ang NO ORDINARY LOVE, proud din ako sa sinulat ko na yun.  Actually, lahat naman pinaghirapan ko kaya loves ko lahat. 

Yun lang po.  Salamat sa support CBTG.  :)

Continue Reading

You'll Also Like

30K 475 44
Si bianca coleen lincoln ay simpleng babae lamang natural ang kanyang ganda kaya't marami ding nakakapansin nito. Lagi syang active sa social media...
342 53 8
Started: August 27, 2016 Ended: November 24, 2022 Ksenia just met the saddest eyes on earth. And the guy who owns those is Lander. When she first saw...
72.3K 2.2K 23
CROSSROADS SERIES #2 Based on psychologic study, a crush only lasts for a maximum of 4 months. If it exceeds, then you are already in love. All...