Live or Die

By Prinsxepe

36.6K 1.2K 172

Sa pagbabalik ni Patricia sa Sebastian Academy, isang sikreto tungkol sa mga kaibigan niya ang malalaman niya... More

Live or Die
Prologue
Introduction
01: I'm Back
02: Caught
03: Feelings
04: Kidnapped
05: Secrets
06: Lost Picture
07: Threats
08: Video
09: I Saw Her
10: Family
11: Bloody Event
12: After Exam
13: Massacre
14: Nightmare
15: Birthday Gift
16: Where's Prince?
17: Savior
18: Jealous
19: The Past
20: Trauma
21: Payback Time
22: Out of Control
23: Flashbacks
24: You're Next
25: Grim Son
26: Command
27: Masked Girl
28: Last Three
29: Truth and Lies
30: Old Friend
31: Investigation
32: Hang
33: Confused
34: Bianca's Plan
35: Unexpected Visitor
36: Keep Everything
37: Cemetery
38: The Party
39: Light's Off
40: Hide and Seek
42: Next Move
43: Mastermind
44: Revelations
45: Live or Die?
46: Final Game
Epilogue
Acknowledgement

41: Kill Them

164 8 0
By Prinsxepe


Bianca's POV

Iyak lang ako ng iyak habang yakap-yakap ko ang mga binti ko. Nakainom ako ngunit alam ko ang mga nangyayari. Isa-isang pinapatay ni Cyrill ang mga kaklase namin at hindi ko alam kung anong dahilan niya.

Alam kong mugto na ang mga mata ko sa kakaiyak ngunit wala akong balak na tumigil lalo pa't wala akong laban sa kanya. Isa siyang mabait na kaklase sa pagkakaalam ko ngunit ko akalaing nasa loob rin pala ang kulo niya.

Demonyita.

Nang imulat ko ang mga mata ko ay bumalik na ang kuryente. Nakabukas na ang lahat ng ilaw sa loob ng bahay namin. Gumuguhit pa rin sa ilong ko ang masangsang na amoy na iyon na hindi ko alam kung ano ang pinagmumulan.

Nang igala ko ang mga mata ko sa paligid ay napasigaw ako nang makita ang mga wala ng buhay na mga maids namin. Halos puro saksak sa dibdib at tiyan ang kinamatay nila. Ngunit ang isa na siyang nagpalala sa takot na nararamdaman ko ay wala ng mga daliri.

Sino ang may gawa nito?

Napatigil ako sa pagsigaw nang marinig na may nagbukas ng pinto. Pinilit ko talagang huminto sa pagiyak para lang hindi ako makita ng kung sinomang taong iyon. Natatakot ako.

Ayoko pang mamatay.

"M-mommy..." Nanginginig na ako at kinakagat ko na ang daliri ng kuko ko dahil sa sobrang takot.

Nang dahil sa sobrang taranta ko sa naririnig kong mga yabag, pumasok ako sa isa sa mga cabinet na nasa ilalim ng lababo. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at ginawa ko iyon ngunit isa lang ang nais ko.

Makaligtas sa nangyayaring ito at sana panaginip lang ang lahat.



Cyrill's POV

Bago pa man ako makapasok sa loob ng bahay ay bumalik na ang supply ng kuryente. Mukhang mas pinapadali ni Aira ang paghahanap ko sa mga kaklase namin upang mapatay ko sila.

Naiiyak ako sa sitwasyon ko ngayon. Kinokontrol niya ko upang ako ang tumapos sa mga kaklase namin. Hindi ko inasahan na ganito ang magiging plano niya. Buong pagaakala ko ay tatapusin na niya ako agad matapos ang nangyari kay Caroline ngunit hindi ganon ang nangyari.

Ginawa niya akong kasangkapan.

Ginamit niya ako upang kumilos para sa kanya. Siguro'y tinatamad siyang kumilos o di kaya'y gusto niyang paglaruan muna sina Patrica dahil wala pa ring kaalam-alam ang mga ito sa totoong pagkatao niya.

"Hayop ka talaga, Aira!" sigaw ko nang mabuksan ang pinto.

Sunod-sunod na kalabog ang narinig ko mula sa itaas. Parang may mga nagtatakbuhan at nagaaway. Hindi ko sigurado pero bumilis na naman ang tibok ng puso ko.

Heto na naman. Kusang kumikilos na naman ang katawan ko.

Mabilis na tinungo ko ang ikalawang palapag at nagpalakad-lakad sa paligid. Ngunit wala akong makitang tao. Nagtungo pa ako sa ibang parte ng bahay pero wala pa rin talaga. Mukhang ginalingan nila sa pagtago kaya wala akong makita ni isa sa kanila.

"Bilisan niyo! Takbo!"

Napalingon ako sa likod ko nang may maglabasan sa isang kwarto. Sa tansya ko'y hindi lalagpas sa pito ang bilang nila at lahat sila'y takot na takot. Nagmamadali silang lumabas at tumakbo upang takasan ako.

Nagulat nalang ako nang kusang tumakbo ang mga paa ko at hinabol sila. Puro lang sila sigawan at iyakan habang pababa ng hagdan hanggang sa marating nila ang pintuan.

Nahawakan ko ang huling kasama nila na palabas na sana. Nilaslasan ko siya agad sa leeg at mabilis na lumabas upang habulin ang iba pa.

"Bwisit! Ayaw bumukas!"

"Bilisan mo Cyrus! Nandiyan na siya!"

"Aaahhhh!! Papatayin niya tayo!"

Muli silang nagtakbuhan nang makita nila ako. Talagang hindi nila mabubuksan ang pinto sapagkat hawak ko ang susi nito. Nadampot ko ito kanina nang mahulog sa bulsa ni Bianca. Hindi na niya siguro namalayan kasi sa sobrang enjoy niya sa party.

Katangahan.

"Magtago kayo! 'Wag kayong magpapakita sakin!" sigaw ko.

Tumakbo na naman ang mga paa ko but this time, sa likod bahay ako nito dinala. Tahimik ang atmosphere nang dumating ako. Aalis na sana ako kasi wala naman akong nakitang tao. Ngunit akmang hahakbang na sana ako nang marinig kong may kumaluskos mula sa mga halaman at may nagbagsakan pa.

Napalunok ako.

"Sinabing magtago kayo!"

Napaiyak na ako nang kusang gumalaw ang mga paa ko at pinuntahan ang pinagmulan ng ingay. Ang dami nila. Ayoko. Mapapatay ko sila. Lalo akong napaiyak para sa susunod kong gagawin.

"Pakiusap... 'Wag mo kaming papatayin," sabi ng isa habang nakaluhod na sa harap ko.

"Cyrill, bakit mo ginagawa samin 'to? Anong kasalanan namin?!" Nagiyakan na sila.

"Itigil mo na yan!" Napahawak sila sa isa't-isa.

"Sabihin mo kung anong kailangan naming gawin para lang buhayin mo kami!" Umiling-iling lang ako.

"Hindi ako ang may gusto nito. Patawarin niyo ako." Humagulgol ako ng iyak habang nakatingin sa kanila.

Napapikit ako nang gumalaw ang mga kamay ko.

Isang malakas na pagsigaw ang narinig ko na siyang nagpadilat sakin. Nagimbal ako nang makitang nakatusok na ang mga daliri ng kanang kamay ko sa mata ni Romana. Umagos ang masaganang dugo roon. Nagsisisigaw lang siya habang unti-unting dinudukot ng mga daliri ko ang mga mata niya.

"Aaaahhh!!!"

Iniwan nila si Romana. May isa akong naabutan at walang awang pinagsasaksak ko iyon ng hawak kong kutsilyo. Pinakain ko sa kanya ang mata ni Romana at hiniga ko siya at dinaganan sa may tiyan.

"Ang sakit! Tama na!" sigaw niya ngunit hindi pa rin tumigil ang mga kamay ko na saksakin siya.

Maya-maya'y huminto na rin ang mga kamay ko nang bawian na siya ng buhay. Tumayo ako't muling nilapitan si Romana na sigaw pa rin ng sigaw dahil sa ginawa ko sa mata niya.

Nanlaki ang mga mata ko nang hawakan ko siya sa buhok ng mahigpit at malakas na inuntog ang ulo niya sa may pader. Sunod nun ay kinaladkad ko siya papunta sa garden kung saan maraming mga bato at bulaklak.

Kumuha ako ng isang bato doon na malaki at malakas na hinampas sa ulo niya ng paulit-ulit hanggang sa madurog ang mukha niya. Bigla akong naluha nang maalala si Ate. Sa ganoong paraan ko din siya pinatay.

"Patawad," sabi ko habang pinagmamasdan ang katawan niya.

Hindi na siya makilala dahil sobrang napuruhan ang mukha niya. May mga laman pa ngang dumikit sa bato na siyang nagpapadiri sakin. Basa na ng dugo ang puting jacket na suot ko, gayon rin ang mukha ko.

Tumayo ako't dinampot ang isang kagamitan na nandito sa garden. Hindi ko alam kung anong tawag doon. Ang hitsura niya'y parang malaking gunting. Ito ata yung ginagamit upang ipangtanggal sa mga patay na dahon sa isang halaman.

Ah, natatandaan ko na. Pangtabas.

Nilagay ko ang kutsilyo sa bulsa ko at ang bagay na iyon na lang ang hinahawakan ko. Medyo malaki ito at mabigat. Hindi ko alam kung anong gagawin ko dito.

Ayoko na pumatay.

Binuksan ko ang pinto at pumasok ako sa loob ulit ng bahay. Napatingin ako sa kusina nang may marinig akong mabasag mula doon.

Kusang gumalaw ang mga paa ko at dinala ako nito doon. Hindi ko inasahan ang bubulaga sakin pagkarating ko. Ang daming patay na maids na nandito. Puro saksak ang halos ikinamatay nila. May isa na putol ang mga daliri at may hawak na kutsilyo. Mukhang kinontrol siya ni Aira.

Nilibot ko ng tingin ang paligid. Walang ibang narito maliban sa mga bangkay na nandito. Kung ganon, sino yung nakabasag? Nakapagtataka naman.

Lumakad ang mga paa ko at umikot sa kusina. Natigilan ako nang makakita ng pares ng paa sa cabinet sa ilalim ng lababo. May tao roon. Ngunit, sino? Hindi ko matukoy kung kanino iyon dahil hindi ako pamilyar kaya bigla akong napaisip.

'Wag sana si Patricia.

"Lumabas ka!"

Biglang gumalaw ang mga paa nang magsalita ako. Pilit niyang sinisiksik ang sarili niya sa loob ngunit hindi niya magawa. Hindi ko alam kung dapat ba akong matawa o maawa para sa kanya.

"Sinabing lumabas ka! Magpakita ka sakin!"

Isang babae ang unti-unting lumabas mula doon sa cabinet. Hindi ko siya agad nakilala dahil sa nakatalikod siya sakin. Ngunit nang sandaling makatayo na siya ay nanlaki ang mga mata ko.

"C-cyrill?!" gulat niyang sabi at napakuha bigla ng kutsilyo sa tabi niya. "'Wag kang lalapit kungdi hindi ako magdadalawang isip na patayin ka!" Tinutok niya sakin ang kutsilyo.

"B-bianca?"

Continue Reading

You'll Also Like

673K 47.5K 74
During the spread of the deadliest virus in 2054 Philippines, Santhy Gozon struggles to survive to reach the last quarantine. *** A sixteen-year-old...
19.3K 715 32
Napagkatuwaan nila Pamela at ng mga kaibigan nya na laruin ang isang Apps na Call Momo, na nakakapagtawag umano ng espirito. Akala nila hindi ito to...
1.2M 18.3K 58
Nerd, kind hearted, naive by day yan si Mayumi Young. Pero pag gabi ... she turns into a cold hearted, demonic gangster. kaya pag nakabanga mo siya y...
85.3K 2.7K 47
[NO SOFT COPIES/ REVISED EDITION/ COMPLETE] Si Angel Ciara Locsin ay si Heartbreaker, gustong-gusto niyang manira ng isang relasyon dahil ang tingin...