When Love Goes Wrong (Book 1...

Od frappiness

729K 10.2K 537

Leigh Scarlett Alegre has everything she needed. Materyal na bagay, pera, at edukasyon. Naging marangya ang b... Více

When Love Goes Wrong (Book 1 of WL Trilogy) (ML Series #1)
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Wakas

Kabanata 29

11.9K 163 10
Od frappiness

Kabanata 29

I won't

 

Lumuwag ang hawak ni Benj sa kamay ko. Pero napako lang ang tingin ko sa kanya at hindi ako tumitingin kay AJ. Napaawang ako ng bibig. Maraming tanong pumasok sa isipan ko nang mga oras na ito.

Paano kung hindi talaga nakakalimutan ni Benj si AJ?

Paano kung rebound talaga ako?

Paano kung hanggang ngayon si AJ pa rin?

Napalunok ako. Hindi naman ako tatayo lang dito para pagmasdan sila! Ako na ang nagkalas ng hawakan namin. Tumalikod na agad ako kay Benj. Napakagat ako ng labi dahil sa espasyong pinaghahatian naming dalawa ni Benj kahit malayo pa si AJ sa amin. Damn, AJ!

“Una na ‘ko. May…gagawin pa ako,”—Humakbang na ako ng isa para mapansin ni Benj na baka sakaling sumunod siya sa ‘kin. Humakbang pa ako pero wala akong naririnig na pagkilos niya—“Sige—una na ‘ko!” Tumakbo na ako paalis sa pwesto ko. Gusto kong sumunod si Benj sa akin pero napakaimposible kasi nakita na niya si AJ. Wala naman ako sa kanya kapag nandyan ‘yung totoo.

Tumakbo pa ako ng tumakbo hanggang sa makarating na akong Grecia. Ganon lang kadali ang lahat? Kapag ba nakita mo ‘yung dati mababalewala na ‘yung bago? Freaking shit! Ganun lang ba ‘yun?! Napahawak ako sa dress ko. Sinabi ko naman sa sarili ko na panandalian lang ‘to at hindi ‘to tatagal kung ano man ang gusto ko. Dito na siguro magtatapos ang lahat.

Hinubad ko ang dress ko at dali-daling lumusong sa tubig. Kailangan kong mahimasmasan. Lumangoy agad ako at inalis sa isipan ko ‘yung nakita kong itsura ni Benj habang tinitignan si AJ. O God! Bakit ko naman sinasabi ‘yun! Lumangoy pa ako sa malayo hanggang sa hindi na ako  matanaw ng mga tao.

Nakakainis. Nakakainis. Siya. Sila. Lahat na nakakainis! Ako nakakainis! Lahat-lahat nakakainis. Bwisit! Lumusong pa ako hanggang sa umalon ng malakas at natangay na ako ng alon. Pumunta ang tubig sa ilong at bibig ko!

“SHIIIT!” may malakas na kamay at humila sa akin. “GOD, SCARLETT!”napalunok ako at huminga. Bigla kong nasapo ang mainit na dibdib ng humila sa akin. Napaangat agad ako ng ulo para makita kung sino ang humila sa akin.

Napairap agad ako, “Okay lang ako!” kumalas agad ako sa hawak niya. Umatras ako sa kanya. Narinig kong nagbuntong hininga si Benj pero hindi ko pinansin at lumangoy na lang. Pero bago pa ako lumangoy at umalon na naman ng malakas. Hindi ko na naman nakayanan ang sarili ko at natangay na naman ako.

Nakakainis!

“JESUS, SCARLETT!” napalunok ako sa sigaw na ‘yon. Hinatak na naman niya ako, “Don’t move! I’m warning you!” ani ulit ni Benj. Naistatwa na ako sa yakap niya sa akin habang nakapatong ang ulo niya sa ulo.

“Go away. I’m fine,” I mumbled while staring at his chest. Bumaba taas naman ang hubad niyang dibdib dahil nagbuntong hininga siya. “Go with someone. Go with them. Go with her. I’m damn fine!” napapikit ako sa inis na hindi ko na mapakalma.

“I’m sorry,”  Para saan naman at nagsosorry siya? Sa sarili ko ako naiinis. God, tumigil nga ‘tong si Benj! God! Lalo akong naiinis sa ginagawa niya. Tinulak ko siya gamit ang kamay ko pero lalo humigpit ang yakap niya sa akin. Lalo akong napalunok pero tinulak ko ulit siya, “Don’t move,” aniya pero tinulak ko ulit siya, “I said, don’t move!” naistatwa na ako. Para bang nawawalan ako ng lakas sa lapit niya sa akin.

“But I said, I’m fine!” sigaw ko rin at malakas na tinulak si Benj. Nawala naman ako sa yakap niya at lumayo agad sa kanya. Nakakainis. Na halos hindi mo matukoy kung bakit sobrang nakakainis siya sa ginagawa niya. Kung ayaw niya akong palanguyin, huwag na siyang sumunod sa akin! I don’t need him!

Tumalikod na ako sa kanya. Narinig ko na namang nagbuntong hininga siya, “My girl is stubborn,”—naramdaman ko na naman ang kamay niya sa balikat ko—“What I’m going to do?” malakas na buntong hininga na naman ang ginawa niya, “Should I stay or leave her wearing only a bikini? This is so selfish of me but I can’t leave her. I’m going to stay here and watch her,” napairap ako habang nakatalikod sa kanya. I don’t care. I don’t care, duh!

“But she’s mad at me,” he added. Lumangoy na ako at naramdaman kong sinundan niya rin ako. Napapikit ako para kumalma at walang masabing kahit anong salita. Nilubog ko naman ang ulo ko at laking gulat ko ng gawin rin iyon ni Benj. Hinarap pa niya ako at ngumiti siya sakin habang nasa tubig kaya napaahon agad ako. I don’t mind him. Bahala siya! Gusto ko lang mapag-isa!

Lumangoy na lang ako ulit. Ganun din siya. Pero napatigil siya nang may sumigaw ng pangalan niya, “Benj! You promised. Tara na!” napatingin ako sa tumawa sa kanya. Nagtama agad ang mata namin ni Gorg. Umirap siya at umirap din ako. Sampalin ko ‘yan e! “Tara na! Alis na tayo!” sigaw pa ulit ni Gorg. Wala akong pake kung sumama siya sa Gorgina babaitang hipon na ‘yan! Go!

Lalangoy na sana ako nang may pumigil na naman sa akin. Tinignan ko siya ng nakataas ang kilay. Para bang sinasabihan ako ni Benj na pigilan ko siya. God, sumama siya kung gusto niya. Hindi ko hawak ang buhay niya. “Go with her! Go with Gorg!” inalis ko ang hawak niya sa akin pero binalik ulit niya.

“But you’re mad!” he said.

“No! Go with Gorg. I don’t care!” aalisin ko sana pero ang higpit ng hawak niya. Nakita ko naman na papunta na si Gorg sa pwesto namin. Naaligaga naman ako kasi baka makita niya ang katayuan naming dalawa ni Benj.

“I care. You’re mad at me,” ani Benj.

“NO! Hindi! Sumama ka na sa kanya!” pinilit kong alisin ang kamay niya sa akin. Tinignan ko na siya pero nakangiti si Benj habang pinagmamasdan ako. God! Inirapan ko siya mas ngumiti pa siya. “Benj! What the heck?! Bitawan mo ko,” mas hinigpitan na ngayon ni Benj ang hawak sa braso ko.

“Tell me, you’re jealous. God, tell me please you’re jealous right now, Scar,” nagpantig ang tenga ko sa sinabi niya.

“Of course!” napalunok ako sa sinabi ko. Benj smiles wider. God, no. “OF COURSE—NO! I’M NOT!” napasigaw na ako at kinalas ko ang hawak niya sa akin. Pero si Benj na ang kumalas. He beams at me again.

“Give me a minute. And don’t move, I’m warning you again, please, Scar,” ewan ko kung bakit tumango ako sa kanya habang sinasabi niya ‘to. Hindi ko alam. Kusa ng gumalaw ang ulo ko sa kanya dahil tinitigan niya ako. Hindi ako kumilos at pinagmasdan ko lang si Benj na puntahan si Gorg. Pero nairita ako ng gumapang ang galamay ni Gorg sa braso ni Benj. Tumawa si Gorg at napakagat ako ng labi sa inis. Pero biglang tumingin si Benj sa akin at tinuro pa ako kay Gorg. Biglang sumimangot si Gorg sa akin at nagpapadyak siyang lumayo. Inalisan ko naman sila ng tingin ng paalis na si Gorg at papunta na si Benj sa pwesto ko.

ANONG GAGAWIN KO?

Biglang naaligaga ang isip ko nang papalapit siya sa akin. Ano nang gagawin mo, Leigh Scarlett! Lumayo ka sa kanya! Lumayo ka! Pero paano ba ulit lumangoy o lumakad? Paano ba ulit? God, paano ba ulit mag-isip?!

Wala na akong pagtatangkang umalis dahil bigla na lang ngumiti si Benj na nagpatalon ng puso ko. Teka…ano ba?! Lumayo ka, Scarlett. Pero nanuyot na ang lalamunan ko nang biglang hawakan ni Benj ang kamay ko. “Binabawi ko na, mabait pala ang Scar ko,” tumawa naman si Benj sa sinabi niya. Pero ‘yung ‘Scar ko’ ang nagpaawang ng bibig ko. Teka! Magsalita ka naman Leigh!

Pero wala naman akong nagawa at sumunod na ako kay Benj hanggang sa makarating kaming buhangin. Nakita ko naman ang sundress ko at pinulot ko iyon kahit nakahawak ang kamay ko kay Benj. Kumalas ako at napatingin si Benj sa akin. Pinakita ko naman ang sundress ko sa kanya. Napatango siya at ngumiti. Simangutan ko siya. “I love every part of you, Scar,” bigla akong napatalikod sa sinabi niya. Aba! Teka ano ‘to?! Tumawa naman si Benj.

“Aalis na ko,” sabi ko. Humarap na ako sa kanya.

“No, please. We’re not yet done,” sumeryoso na ang mukha ni Benj. Umupo siya sa buhangin, “it’s about AJ, please,” tumingin na siya sa dagat.

“Ayoko,” sabi ko.

“Please, Scar. Give me time, please,” napakagat agad ako sa isang daliri ko. “Saglit lang, please,” tumingin na siya sa akin kaya napaupo na ako ng malayo sa kanya pero madidinig ko pa rin.

“Go,” ani ko at tumingin na sa dagat pero ramdam ko ang pagtingin ni Benj sa akin.

“Wala na. I’m done with her,” triny kong kumalma pero hindi ko kakayanin sa sinabi niya. “My life was fucked up when I was trying to get her off in my mind. Ginagawa ko lahat ang sinasabi ni Conrad at Newt. Date a girl and forget her. Make out and forget her. Wander and forget her. Pero wala sa mga sinabi ni Conrad o ni Newt ang nagpabago sa akin. I was a mess. My mom and dad were worried about me. But I was thankful of Maggie to covered me up,” napakagat na naman ako ng daliri. Hindi ko alam kung paano ako magsasalita pagkatapos nito.

“Tinago nga ni Maggie ‘yung nangyayari sa akin. But still, I was fucked up! Nakalimutan kong may mundo pa pala,” napatingin ako kay Benj. Ganito pala ang nararamdaman niya. Ganito pala ‘yung naranasan niya. Ganito pala. “But Scar, you came. You were unexpected. And a girl like you brought me back to life,” bigla siyang tumingin sa akin. I bit my inside cheek. Iiwas? Titigan siya? “Thank you, because I never thought of any girl can look at me the way you looked. You treat me bigtime. You put all your attention to me. God, Scar, you’re…a miracle,” I swallow. My eyes meet his. Benj smiles and I melt. “But trust me. Trust the whole me because AJ knew only a part of me but I want you to know the whole me. I want you, Scar,” biglang gumapang ang konsensya ko sa sinabi niya. Trust. ‘Yung tiwalang binibigay ni Benj sa akin hindi ko deserve. I don’t deserve him but he makes me believe that I’m worth for him. “Please, don’t be mad at me. Please, don’t tell me to stop courting you. Please, start believing me. AJ is nowhere to me but you—you’re here in every part of me,” napapikit ako sa sinabi niya. Lalo akong nakonsensya dahil masasaktan ko siya. Kapag niya nalaman niya mawawasak siya ulit. Masasaktan ko siya. Ngayon gusto ko nang sabihin sa kanya ‘yung katayuan ko pero natatakot akong masaktan siya at magalit sa akin. Na ako na ang dahilan ng paglubog niya ulit. Ayoko. Ayoko na siyang masaktan.

Pero paano? Wala ng paraan. Wala ng palusot sa sitwasyon ko ngayon. Wala ng solusyon pa. Pwede ba akong maging makasarili kahit ngayon? Kahit ngayong sandali?

“Wala na siya. Ikaw na lang ang nandito,” bumukas ang mata ko at bumungad sa akin ang kamay ni Benj na nakalagay sa hubad niyang dibdib. Bumaba taas iyon kaya napatingin ako sa mukha niya.

But i am selfish. “I don’t want you stop. Please…don’t stop,” biglang kumurba ang labi niya sa isang ngiti. Parang ‘yung layo namin sa isa’t isa naging malapit dahil sa ngiting binigay niya.

“I won’t,” ani Benj, “I will not stop. Kahit anong mangyari,” tinitigan ko siya sa mata hanggang unti-unting kumurba ang labi ko sa isang ngiti. Please, Benj kahit anong mangyari. Kahit na malaman mo ang totoo. Huwag kang titigil. Kahit malaman mo ang lahat, don’t stop, please.

“Promise?” God, bakit ko sinabi ang nasa isip ko!

“Promise, Scar,”

**

“Saan ka ba nagpupunta?!” palakad lakad si Gaile sa harapan ko. “Kayo! Kayo ni Benj saan kayo nagpunta! Hindi mo man lang sinabihan si Yuan tungkol sa pag-alis mo!” tumigil siya at tinignan ako ng masama.

“Alam mo bang muntik nang tawagan ni Yuan si lolo?!” tumayo naman si Lucy at hinarap ako. Napayuko ako at napatitig sa paa ko. Hindi ako makapagsalita dahil sila at sila lang din ang nagsasalita. “Mabuti na lang nakita ni kuya Zeke at naantala si Yuan!” pumadyak naman si Lucy sa harapan ko. O God, thank you Ezekiel!

“Sorry. Okay? Sorry!” sabi ko at tumayo. Hindi ako makahinga sa dalawang ito! Pero pinaupo nila ulit ako. Napairap ako sa kanila.

“God, Leigh! Muntik na tayong mapauwi nito!” ani Gaile at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. “Saan ba kasi kayo nagpunta ni Benj?!” angal pa niya. Biglang nanlamig ang buong katawan ko sa pangalang binanggit niya. “Don’t tell me, mayroong namamagitan sa inyo!” dagdag pa niya.

“O God, Leigh Scarlett!” Lucy shouted.

Nililigawan niya lang ako! Ano ba kayong dalawa?! “No! Of course! Pumunta kami ni Benj sa kabilang bayan! Alam niya ‘to! Tinour niya lang ako!” umirap ulit ako sa kanila. “Kailangan ba laging nagpapaalam?!” dagdag ko pa.

“OO!” napahawak naman ako sa tenga ko sa sigaw nila. “Dapat lang!” they added.

“Sorry na!” napabuntong hininga sila.

“We’re just worried about you, Leigh,” ani Lucy at tinabihan ako sa kama. “Alam mo naman si lolo,” aniya.

“Ayaw lang namin na magalit na naman siya sa’yo,” tumabi din si Gaile sa akin. “Okay?” kumalma na sila kaya napakalma na rin ako.

“Okay,” niyakap nila akong dalawa. Papikit na sana ako nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto namin.

“Girls, labas na!” si James. Tumayo naman sina Gaile at Lucy. Pumunta agad sila sa pwesto ni James. “Leigh, tara na!” lumapit siya sa akin.

“Bakit?” napakunot ako ng noo.

“Basta!” hinila na niya ako para mapatayo. Wala na akong choice kung hindi sumunod sa kanila. Nagtatanong ako kila Gaile at Lucy wala namang sumasagot sa akin. Si James naman hindi rin ako sinasagot. Teka? Ano bang balak ng mga pinsan ko?!

Pagkalabas namin ng hotel, bumungad sa amin sina Chico, Newt, Conrad, Ezekiel, Cid, Gorg, Sebastian, at Benj. Bigla akong napakagat ng labi ng makita siya…si Benj. Ganun din si Benj. He mouthed ‘miss you’ when I met his eyes. Bigla akong napayuko at napatitig sa sandals. God, Benj, don’t make me crazy!

Pero ma dumunggo sa akin. Chico! “We’ll talk,” napalunok ako sa seryosong bulong niya. Tumango na lang ako at tinitigan ‘yung paligid hanggang sa nakita ko si Sebastian. Ngumiti siya sa akin kaya ngumiti rin ako.

“All right!” sigaw ni Cid. “We’ll party hard tonight. We’ll dance up all night. Drink merciless but we don’t need to pay for any drinks we wanted,” napangisi si Cid sa sinabi niya. Teka close na sila agad?! Ang bilis naman hata!

“You forgot about girls, Cid,” napatingin kaming lahat kay Newt. Umirap ako sa suggestion ng manyak na ‘to.

“All right, girls!” naghiyawan naman ang mga lalaki maliban kay Benj sa sinabi ni Cid.

“But the thrill is…” bigla namang nagsalita si Zeke. “We’re going to play a game at Grecia Tribe for our drinks,” may pinakitang poster si Ezekiel sa akin. Naningkit ang mata ko sa poster.

Grecia Tribe

Win the game and drink everything.

“Bakit kailangan pa nating maglaro kung may pera naman tayo?” biglang nagsalita si Gorg at kumapit agad kay Benj. Aba, teka ano ‘to?!

“Gorgy, let’s just play this game. Ain’t fun?” nagsalita na rin si Conrad.

“Tama!” sumigaw naman si Lucy at Gaile.

Kaya wala ng nagawa si Gorg kung hindi sumunod sa amin. Wala na rin naman akong choice kaya sumunod na rin ako. Ngayon papunta kaming Grecia Tribe para laruin ‘yung sinasabi ni Cid. May sinasabi siya pero hindi ko naintindihan dahil may dumunggo sa kamay ko. Napatingin agad ako roon at tumaas ang tingin ko sa mukha niya.

Magsasalita na sana ako nang may bumunggo naman sa balikat ko, “Yuan!”

“Can we talk?” O God! Hindi pwedeng magsalita si Yuan nang kung ano ngayon dahil nandito si Benj sa tabi ko. Anong gagawin ko?

Kailangan kong kumalma. Tumango tango ako kay Yuan at nilapit ko ang mukha ko sa tenga niya. “Okay, later,” ani ko at umalis agad sa pwesto ko at lumipat kay Chico. Tumingin muna ako kay Benj at tinuro-turo ko si Chico. Sana naintindihan ni Benj na kunwari kakausapin ko lang ang kambal ko.

Maniwala siya sana na wala lang ‘yun kung narinig man niya si Yuan.

Sandali lang ang nilakad namin at nakapunta na kami sa Grecia Tribe. Maraming tao sa labas nito at nagsisigawan sila. Tumingin ako sa paligid. Ewan ko pakiramdam ko may mangyayari. Bigla na lang kumabog ang dibdib ko.

Umalis si Chico sa tabi ko at pinalitan ito ni Sebastian, “can we talk?” sabi niya agad.

“Bakit?” napakunot ako ng noo.

“Please…” sumeryoso ang mukha ni Sebastian. Ang dami ko namang kakausapin ngayon. Una si Chico, sumunod si Yuan tapos si Sebastian. Teka? May problema ba sila sa akin ngayon?!

Iba. Iba ang pakiramdam ko sa pag-uusapan namin ni Sebastian. Napatitig na lang siya sa akin. “Sige, mamaya pagkatapos nito,”

“Thanks Leighly,” niyakap ako bigla ni Sebastian. At sa pagyakap na ‘yun nakita ko si Benj na nakatitig sa akin. Kasama niya si Gorg kaya nairita agad ako pero seryosong nakatingin siya sa akin. Umiling ako sa kanya.

This is nothing—nothing about us, Benj.

Pero ngayon, iba ang kabog ng dibdib na parang may masamang mangyayari.

Pokračovat ve čtení

Mohlo by se ti líbit

1.6K 162 34
Everyone is craving for love. And what we want is to have someone who can be our peace amidst of all the chaos in this world. But what if you already...
98.4K 8.1K 74
WARNING: SOME THEMES AND SCENES ARE NOT SUITABLE FOR YOUNG AUDIENCE Clark Mendoza likes to play, but he stumbled into a different kind of conflict wi...
8.1M 73.3K 58
Alysson Jane Rodriguez has everything she wants in her life. Mapagmahal na pamilya, mapagkakatiwalaang kaibigan, at maayos na edukasyon. Sa tatlong i...
9.8K 1.1K 40
World Trip Series 6 Previously working as a personal assistant, Raijine was called back to work to this popular Korean superstar after being enlisted...