My Princess Charming (girlxgi...

נכתב על ידי callmesnow

295K 4.8K 93

Falling in love with a boy is normal. Pero paano nga kung habang minamahal at hinihintay mo sya eh na-fall ka... עוד

My Princess Charming
Chapter 1. My lady in shining armor
Chapter 2. Sleeping beauty
Chapter 3. "Gay"
Chapter 4. The rebel
Chapter 5. Trouble # 2
Chapter 6. Trouble # 3
Chapter 7. Bad Dreams
Chapter 8. GIRLFRIEND?!!!
Chapter 9 Special number.
Chapter 10. The secret
Chapter 11. Flight
Chapter 12. Childhood Sweetheart
Chapter 13 rumors
Chapter 14
Chapter 15. ThisIPromiseYou
Chapter 16 missing her
Chapter 17 first night
Chapter 18 The jealous bestfriend
Chapter 19. Fight or fall
Chapter 20. Fight for you
Chapter 21. The confession
Chapter 22. Bestfriend or Lovelife?
Chapter 23. The party
Chapter 24. First date
Chapter 25. Counting stars
Chapter 26. Confused as fuck
Chapter 27. Coldness
Chapter 28. My Valentine
Chapter 29. First monthsary

Chapter 30. Vacation

12.9K 240 34
נכתב על ידי callmesnow



Chapter 30.

Erikah's POV


Papunta ko ngayon kila Rain. Ngayon ang flight ko pero dadaan muna ko sa kanila. Kasama ko si Lucas gusto daw nya kong ihatid sa airport. Ayoko sana pero kasi makulit sya kaya pumayag na ko. Pagdating ko sa kanila naabutan ko sya sa garden nagchichill.

"Loves."

Sabi ko sa kanya. Lumingon naman sya sakin. Tapos lumapit sya sakin.

"Magiingat ka dun loves. First summer na hindi kita makakasama sobrang mamimiss kita. Sana... Sana maging okay ka na. Gamitin mo tong chance na to para magpakasaya." Sabi nya. Tapos ngumiti sya sakin tsaka nya ko niyakap.



"Mamimiss din kita. Hintayin mo kong bumalik. Babalik din tayo sa dati. Dumaan lang ako para makita ka. I love you Rain. Bye."


Tsaka ko sya hinalikan sa lips. Smack lang naman tapos umalis na ko. Ayoko ng marinig yung ibang sasabihin nya mamaya mabanggit pa nya na masaya na sya sa buhay nya. Yun yung iniiwasan ko. Babalik kami sa dati pagbalik ko. Sisiguraduhin kong maghihiwalay sila. Hintayin mo lang ako Rain. Hintayin mo lang ako.



--


Dane's POV

Tapos na ang finals. Sa wakas bakasyon na. Kasama ko si Cyrus, Rayver, at Lizzy pumunta ng province para magbakasyon. Si Lucas nagbook papuntang U.S para sundan si Erikah kasi tutulungan daw nya si Erikah sa business na pinapaayos ng dad nya. Makakatulong naman si Lucas sa kanya kasi matalino naman si Lucas. Si Kean naman nasa boracay na ngayon kasama ng pamilya nya. First summer na hindi magkasama ang buong barkada. Medyo malungkot pero okay na to tutal sa pasukan naman magkakasama na kami. Masaya naman kaming lahat sa ngayon. Masaya din ako para kay Rain kasi ibang iba na sya ngayon. Sobrang nagbago sya. Pero for the better naman. Ieenjoy na lang muna namin yung summer ngayon. Sana lahat magenjoy. Mamimiss ko sila talaga.



Rain's POV

Kasama ko si Ashley ngayon. Nandito kami sa may park. Dinala nya ko dito eh ewan ko ba dun. Tapos na din ang finals. Simula na ng bakasyon. So far okay naman lahat. Sana lang lagi na lang kaming ganito. Nakaupo kami ngayon dito sa may playground sa swing. Magkaholding hands habang kumakain ng ice cream. Para kaming mga bata pero masaya ko kahit ganto lang kami kasimple.


"Baby, someday pag matanda na tayo. Pakasalan mo ko." Sabi nya. Para syang bata.


"Pano pag ayoko?" Sabi ko naman habang nakatawa.

"Wow ang kapal talaga ng mukha mo matapos mo kong gawing girlfriend di mo ko papakasalan? Dami daming gwapo dyan sana pala-"


"Sana ano? Pag nagpaligaw ka sa iba kawawa lang yun kasi ililibing ko yun ng buhay. Wag kang magalala papakasalan kita." Sabi ko di ko na sya pinatapos sa sasabihin nya.

Tapos lumapit sya sakin tsaka nya ko hinila. Tapos lumapit kami dun sa mga batang naglalaro. Tsaka namin sila pinanood maglaro.

"Rain, dapat lang pakasalanan mo ko tapos nakikita mo ba lahat yan? Gusto ko ganyan kadami magiging baby natin."

"Wow okay ka lang? Lagpas bente ata yan eh."

Tapos humarap sya sakin tapos hinawakan nya yung dalawang pisngi ko.

"Kahit isang daang anak pa Rain, basta ikaw kasama ko masaya ko. Wala na kong hihilingin pa Rain ikaw lang wala ng iba."


Tapos hinalikan nya ko. Tsaka naglakad lakad kami sa park ng magkaholding hands.

Wag kang magalala Ashley Mae San Doval, kahit anong mangyayari, papakasalan kita.





Ashley's POV



Ang sarap ng feeling na ganito. Na yung taong sobrang pinangarap ko ng bonggang bongga eh nandito kasama kong naglalakad dito sa park habang hawak nya yung kamay ko.


Kahit isa lang ang kaibigan ko sa school kasi hindi ko alam kung galit ba sila sakin or what, masaya pa rin ako kasi nasa akin yung taong gustong gusto ko simula noon pa lang. Noong una hindi ko inexpect na magiging ganito kami. Halos gabi gabi akong nagdadasal na sana pagkalipat ko sa school nya mapansin nya ko. Buti na lang nung first day, nagkakilala agad kami. Ang swerte ko kasi yung ibang estudyante na nangangarap na mapansin nya halos wala syang pakeelam tapos ako ito kakalipat ko pa lang napansin na nya ko agad. Nagpapasalamat ako sa mga naging troubles nung first day kasi dahil dun nakilala ako ni Rain. Siguro kung hindi nangyari yun at hindi nya ko niligtas baka hanggang ngayon katulad pa rin sya ng dati. Yung Rain na walang pakeelam sa ibang tao, yung tahimik, sanay magisa, galit sa mundo. Alam mo yun? Napakasaya ko kasi dahil sakin nagbago sya. At ito na kami ngayong dalawa, masaya na kami sa relasyon namin. Sanay na sanay na nga kami sa isa't isa. Napapasunod ko na sya. Yung pagweweeds nya tinigilan na nya, yung pagyoyosi nya binawas bawasan na nya. Natutuwa ako kasi kahit papano sumusunod sya sakin. Ibang iba na talaga sya ngayon, kabaliktaran na lahat ng ugali nya nung unang beses kaming magkita.




Kanina naguusap kami tapos sinabi nyang papakasalan nya daw ako. Ang sarap pakinggan. Araw araw akong kinikilig kasi sobrang sweet nya sakin. Magpapakamatay na lang siguro ako pag nawala pa tong bipolar na to sakin. Kahit sobrang moody nito, mahilig mangasar, at hindi ko maintindihan yung ugali nya paminsan minsan okay lang sakin kasi mahal na mahal ko sya. At ramdam ko naman na mahal nya din ako. Ngayong bakasyon uuwi kami kay mama sa probinsya. Pero syempre hindi ko muna sasabihin na girlfriend ko sya, siguro bestfriend muna para wala kaming masyadong maging problema. Sinabi ko naman sa kanya yun at naintindihan naman nya. Kahit ganun naman sya sobrang talino nya at mabilis maintindihan ang mga bagay bagay. Hindi ko na mahintay yung araw na magpapakasal kaming dalawa. Tapos bubuo kami ng sariling pamilya. Kasi sya na talaga yung gusto kong makasama hanggang sa pagtanda. Sya na talaga. Sya lang wala ng iba.


"Hoy bipolar, mahal na mahal kita."



Sabi ko habang nakaupo kami dito sa bench at pinapanood yung mga bata maglaro. Nakaakbay sya sakin tapos ako nakasandal sa balikat nya.


"Mahal na mahal din kita, baby."

Sagot nya naman sabay halik sa noo ko. Kinikilig ako pag ginagawa nya yun. Kahit isang buwan mahigit pa lang kami para na kaming apat na taon magkasama sa sobrang komportable namin sa isa't isa. Pero kahit gaano pa kami katagal magkasama, hindi pa rin ako magsasawa sa kanya. Rain Monterial, sobrang mahal na mahal na mahal kita.


"Ate! Ate! Lika raro tayo!"

Nagulat naman ako dito sa batang babae na may hawak na barbie na biglang lumapit sakin. Nagiimagine ako dito tapos biglang may hahawak sakin muntik ko na tuloy sya maitulak.


"Umhh... Baby, ano kasi. Hindi na ko pwede maglaro kasi--"


"Sige lang maglaro na kayo. Ikaw batang cute, halika dito (tapos lumapit sa kanya yung bata tapos kinandong nya sa lap nya.) sabihin mo dyan sa katabi ko na kapag hindi sya nakipaglaro sayo, panget sya." Sabi naman ni Rain. Lagi nya kong di pinapatapos sa sasabihin ko.



"O chige po... Pero maganda naman po cha ah." Sagot sa kanya nung bata.


"Hindi yan maganda baby, panget yan. Mas maganda ako diba? Um-oo ka bibilan kitang ice cream mamaya."


"Opo." Sagot nung bata. Aba talaga at inuto pa.



"Hoy wag mo nga turuan yung bata ng kung anu ano. Loko loko ka talaga. (Tapos binatukan ko sya.) Halika na nga baby laro na tayo."


"Pikon."


Narinig kong bulong nya. Nagroll eyes naman ako sa kanya. Tapos kinuha ko na yung bata sa lap nya. Grabe di naman namin to kilala mamaya mapagbintangan pa kaming kidnapper. Pero mahilig naman ako sa bata kaya okay lang. Paglapit ko dun isa isa namang lumapit sakin yung mga bata tapos nakipaglaro ng habulan. Nageenjoy naman ako dito.




Rain's POV



Nandito ako sa bench nakaupo habang pinapanood si Ashley makipaghabulan sa mga bata dito sa park. Kaya nya siguro gusto dito kasi maraming bata. Mahilig pala sya sa bata. Ang sarap lang nila panoorin maglaro. Iniisip ko tuloy pano kaya kung mga anak namin lahat yung kalaro nya. Pero wag naman sana kasi ang dami nun eh. Pinagmamasdan ko si Ashley, napakaganda talaga nya. Siguro kung hindi ko sinalo yung tennis ball nung first day of school, baka madami syang naging ka close. Baka madami ding nanligaw sa kanya nun. Buti na lang takot sakin mga estudyante sa school, akala siguro nila kilala ko si Ashley kaya ganun. Nadagdag pa yung kumalat na rumors na girlfriend ko sya kaya wala sya lalong naging kaibigan. Ang sama ko. Pero hindi ko naman sya pinapabayaan. Lagi akong nandito para sa kanya. At hindi ko sya iiwan.




Si Ashley yung nagbigay ng sigla sa buhay ko. Binigyan nya ng kulay yung mundo ko. Binago nya ko. Pag kasama ko sya parang lahat ng bagay perpekto, parang ang sarap mabuhay pag sya yung kasama. Sya lang yung natatanging tao na pinagkakatiwalaan ko sa ngayon. Promise handa akong lumaban ng patayan kung may magtatangka lang na agawin sya sakin o sumira samin. Handa ko syang ipaglaban kahit san pa kami makarating. Hindi ko alam kung paano pero sobrang nahulog talaga ko sa kanya. Ewan ko, pero isang gabi nakita ko na lang yung sarili ko na namimiss sya. Tapos isang araw pag gising ko hindi ko na sya kayang mawala sa buhay ko. Sobrang apektado talaga ko pagdating sa kanya. Iniingatan ko sya sobra. Pag nga may titingin lang sa kanyang iba gusto ko ng dukutin yung mata eh. Pero nakokontrol nya yung init ng ulo ko, yung tipong isang salita lang nya nagbabago na mood ko. Hindi ako magiging ganito kasaya kung wala tong pikon na babaeng to.


Dahil sa kanya natuto akong magdasal. Magsimba. Kinalimutan ko na kasi yun matapos mawala ang parents ko pero nung dumating sya para talaga syang isang anghel sa buhay ko. Yung ang dami dami ko namang nakikilalang tao pero walang nagbabago sakin, tapos biglang nakilala ko sya tapos lahat na nag iba. Unti unti ko ng natatanggap lahat ng nangyari sa buhay ko nung bata pa ko dahil kay Ashley. Sobrang hindi ko na alam yung gagawin ko pag nawala sya sakin.



"Babe, bakit ka nakangiti? At san ka nakatingin?"

Nagulat ako nasa harap ko na pala sya. Yung isip ko dinala pala ko sa malayo. Parang kanina pinapanood ko sya maglaro kasama nung mga bata tapos ngayon anyare? Nag isip lang ako nandito na sya sa harap ko wow.



"Wala naman baby. Tapos na kayo maglaro?"


"Wala talaga? Baka mamaya tumitingin ka na sa iba tas nakangiti ka pa tatamaan ka sakin. Opo tapos na. Tara higa tayo dun."


"Grabe ka naman. Hindi na ko titingin sa iba kasi nandyan ka na. Sige tara."


Tapos bumili lang kami ng tubig kasi nauhaw daw sya kakatakbo tapos humiga kami dito sa may damuhan sa ilalim ng puno. Nakalagay yung isang kamay ko sa ulo ko para magsilbing unan, tapos sya naman nakahiga ginagawang unan yung tyan ko. Tapos hawak naman nya yung isang kamay ko. Maya maya dumapa sya sa tabi ko. Tapos tinitignan nya ko habang nakangiti.


"Abnormal ka na naman dyan." Sabi ko. Tapos kiniss nya ko sa lips. Tsaka humiga ulit sa tyan ko. Minsan para talagang alien to hindi ko maintindihan kung bakit biglang nagkakaganun.


"Rain, I love you." Sabi nya habang nakatingin sakin.


"I love you too baby." Sabi ko naman. Tapos kinuha nya yung libro sa bag nya. Libangan nyang magbasa pag walang ginagawa eh. Tapos ako naman kinuha ko yung earphones ko at phone ko. Bago ko isuot yung earphones ko dumapa na naman ulit sya sa tabi ko tapos kiniss ako sa lips. Tsaka sya nagsalita...

"Baby, forever?"


"Forever. Promise."


Sagot ko at nagpinky promise naman kaming dalawa. Tapos himiga na ulit sya sa tyan ko. Ako naman nagsuot ng shades tapos nilagay ko yung earphones ko sa tenga ko. Habang sya naman nagstart ng magbasa. At hawak hawak nya yung isang kamay ko.



~ end of chapter 30.

~~~

Hi guys! Thankyou po sa lahat ng nagbasa, nag vote, nagcomment sa first story ko. Promise gagawan ko to ng book 2 kasi kulang kulang pa talaga to. Hindi kasi talaga ako nakafocus kasi naging busy ako ngayon kaya sorry talaga guys. Hindi sana ganto yung plano ko para sa story na to. Pero wala nagkaganito eh. Hmmm ayun. Sana suportahan nyo pa din yung book 2 nito na gagawin ko. So bali bukas sisimulan ko ng gawin yung book 2. Thankyou talaga guys natutuwa talaga ko kasi kahit papaano may nagbabasa nito. Na inspired ako lalong magsulat dahil sa inyo. Thankyou thankyou thankyou!!!!! Iloveyou guys thankyou talaga. Hehe. Sana nagenjoy kayo. Yun lang. Thankyou ulit guys!!! :)


Author: callmesnow xx

המשך קריאה

You'll Also Like

307K 7.5K 56
[[BOOK 1]] "Perfect. That's how the world feels when I'm with you" It's been a long time since Raine experienced how it feels like to love and to be...
454K 24.3K 80
It's been five years ever since Avery lost contact with his one and only best friend. Five long years of not knowing the real reason why he just sudd...
508K 11.6K 33
Ops. Hindi ito tulad ng iniisip niyo. Ang P.A ni Godzilla dun sa movie? Mali kayo diyan! Ito ang storya ng isang magandang babae na ubod ng.. ubod ng...
418K 10.7K 60
Isang takot magtiwala at magumpisa. Isang takot makasakit at bumalik. At isang takot lumaban. Hanggang kailan ka matatakot? Anong kaya mong gawin...