Elemental Gunji-teki Academy

By MasayahingShana

614K 16.6K 854

15 element power 15 elemental army Here at my story, army has an another meaning. It has an another story. A... More

Welcome Message
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter to Era 2
Era 2 (Book 2)

Chapter 26

7.9K 213 1
By MasayahingShana

ALTAIR

"Eunice! Mauna na ako," paalam ko kay Eunice.

"Geh.”

Lumabas na ako ng dorm at nagtungo na sa Trainee Section. Makakapag-training na rin ako ngayon.

Nang papasok na ako sa Trainee Section, nakasalubong ko si... Imperial. Mula siya sa loob ng Trainee Section. Naka uniform na rin siya.

"Morning Altair!" Bati niya sabay ngiti. Ow. Si Lucas ito. I'm pretty sure. Ngumiti kasi.

"Morning din. San ka pupunta?" Tanong ko.

"Ah hinahanap ko si Lucius."

"Huh? Hinahanap? Bakit? Naglayas?"

Shemay. Naalala ko na naman yung nangyari kahapon. Aish.

Napakamot siya sa ulo. "Eh mukhang naglayas nga."

"Ano? A-Anong ibig mong sabihin?" Kinabahan ako. Naman oh! Baka naglayas ng dahil kahapon. Naku po.

"Kagabi pa siya wala sa dorm. Hinayaan ko lang. Baka kasi umuwi yun sa madaling araw. Kaso nagising ako kanina na wala pa rin siya. Naisip ko rin na baka pumasok na sa division niya kaso sabi ng kaklase niya, wala pa raw siya."

"Eh sa ibang sulok ng campus? Napuntahan mo na?" Alala kong tanong.

"Hindi pa. Pupunta sana ako ngayon sa cafeteria. Baka nandun siya."

“Ah. Sama ako.”

“Ha?”

“Sama ako sayo. Para na rin makapag-sorry na rin ako sa kaniya. Baka kasi dinamdam niya talaga yung inasal ko kahapon. Baka nagalit ko siya,” sabi ko at napakamot sa ulo ko. Nakaka-guilty e.

“Eh diba maaga kayong nagsisimula sa pag-aaral niyo sa division?”

Tumango ako. “Oo. Pero hindi pa naman ako mala-late.”

Hindi siya nagsalita. Tila nag-aalangan pa siya.

“Sige na. Please,” pamimilit ko.

“Okay. S-Sige,” napilitan niyang payag. “Tara sa cafeteria.”

Agad kaming nagtungo roon at hinanap si Lucius. Medyo may karamihan ang mga estudyanteng narito ngayon pero wala sa kanila si Lucius.

“Kailangan ko talagang hanapin si Lucius kapag natatagalan nang nawawala sa dorm matapos sa division. Baka kasi mangyari na naman ang nangyari noong bago pa lang tayo rito na may nakaaway siya. Pinagalitan kami noon ng principal at pinagsabihan kami ni Lucian na kung pwede ay bantayan at pagsabihan namin si Lucius. Pasaway talaga yun e,” paliwanag ni Lucas habang naglalakad kami.

Nagmadali kami ni Lucas tumungo sa iba pang lugar na pwedeng puntahan ni Lucius maski ang dating room namin. Pero hindi pa rin namin siya mahanap.

“Wala siya rito. Saan pa pwedeng pumunta si Lucius?” Tanong ko kay Lucas nang lumabas na kami sa building kung saan nandirito ang dati naming classroom.

Napabuntonghinga siya. Halatang nai-stress na siya.

“Wala siya rito. Baka nasa labas na naman siya ng campus at hindi bumalik,” aniya.

Napalingon ako sa kaniya. “Ha? Labas ng campus?”

“Ganito kasi.” Nagpalinga-linga muna siya sa paligid at tila iiwasan niyang may ibag tao na makarinig sa kaniyang sasabihin. “Paminsan-minsan kasing lumalabas ng campus si Lucius.”

"Ano---“

“Shh. Baka may ibang makarinig at malaman ng principal,” pigil niya sa reaction ko.

“Pero diba bawal lumabas ng campus?" Halos pabulong kong tanong.

“Oo. Pero pumupuslit siya. Nakailang beses ko na siyang pinagsabihan. Sadyang matigas talaga ulo niya.”

“Pero paano siya nakakalabas? May mga bantay naman diba? Mukhang mahigpit pa.”

"Nakalimutan mo ata ang kapangyarihan ni Lucius. Ang lakas niya ay konektado sa dilim."

Ay oo nga no. "Pero---" pinutol niya ang sasabihin ko.

"Remember this, Altair. Nakakatravel siya through shadows. Kagabi pa siya nawawala at dahil gabi, mas madali sa kanya ang makapagkubli sa mga bantay at makalabas ng campus. Lalo na’t napag alaman ko na Cyan Army at Green Army ang nagbabantay sa gabi. Mahirap sa kanila ma-track ang isang nilalang na ang kakayahan ay under sa Opaque Army. Kaya makakalabas ng walang kahirap-hirap si Lucius. Pero minsan may Opaque Army naman na nagbabantay. Tinetyempohan ata ni Lucius na walang Opaque Army ang nagbabantay."

Napa isip naman ako sa sinabi niya. Oo nga. Naalala ko yung nagsisimula pa lang ang training dito sa academy. Walang kahirap-hirap sa kanya na makapasok sa dorm namin at makalabas. Parang nag dissolve nga siya sa shadows e. Halos masiraan pa ako kakaisip noon kung paano siya nakapasok nang hindi gumagamit ng pintuan o bintana.

"Paano ‘to ngayon? A-anong gagawin mo?" Tanong ko.

"Hahanapin ko siya sa labas mg campus," madiin niyang sabi.

"Ha? Pero hindi ka makakalabas. Diba nga bawal. Tapos hindi naman kayo magkapareho ni Lucius ng kapangyarihan para makalabas din ng basta-basta."

"Eh sa alangan naman na pabayaan ko lang siya. Paano kung makatagpo siya ng mga mula sa Air Force? Paano kung may mangyaring masama sa kanya? At tsaka, sigurado akong k-kwestyonin ng ako ng ilang guro kung bakit wala ngayon si Lucius sa division niya eh hindi naman siya binigyan ng punishment. So, ano ang isasagot ko? At kapag malaman nila na wala dito sa campus si Lucius, hahanapin nila si Lucius at maaaring parusahan siya ng principal. Ayoko naman na mangyari yun. Kahit hindi kami close, ayoko na may nangyayaring masama sa mga kambal ko. Mas gugustuhin ko pa na ako na lang ang masaktan kaysa sa makikita ko na masasaktan sila," mahaba niyang lintana. Parang gigil na gigil siya pero bakas din sa kanya ang pag aalala.

Inaway ko ba siya? "E-easy lang. S-sinabi ko lang naman na baka hindi ka makalabas sa campus at hindi kayo magkapareho ng kapangyarihan ni Lucius. Bakit parang nagalit ka?" Halos itaas ko na ang dalawa kong kamay.

"S-sorry, Altair. Nag-aalala lang ako sa kambal ko," pagso-sorry niya. "Basta. Lalabas ako ngayon para hanapin siya at kung sakali man na malaman na ng principal na wala dito si Lucius, mauunahan ko sila na mahanap siya. Kasi sigurado akong parusa agad ang matatamo niya. Mas mabuti na lang kung pareho na lang kami na mapaparusahan. Ayoko nang lumayo pa ang loob niya sa akin."

"Huh? Lumayo ang loob? Bakit naman lalayo ang loob nun sayo?" taka kong tanong. Pansin ko rin na ibang side na ni Lucas ang nasa harap ko.

"Kita naman diba na hindi kami close sa isa’t isa diba? Kaya ayokong may kung ano-ano siyang isipin na mas makakapagpapalayo pa ang loob ni Lucius sakin."

Nacu-curious akong malaman pa ang tungkol sa kanila. Kaso hindi na lang ako magtatanong pa. Bahala na lang siya kung sasabihin niya ng kusa.

"Eh baka naman bumalik na yun mayamaya o ngayon baka pabalik na siya," sabi ko bilang pag-cheer up sa kaniya.

Umiling siya. "Hindi siya makakabalik ng basta-basta ngayon lalo na kung umaga kapag nasa labas siya ng campus. Kaya usual siyang bumabalik sa madaling araw. Kunti lang ang dilim sa umaga at kapag mamayang gabi pa siya bumalik, sigurado akong hinahanap na siya ng mga guro niya sa division niya. Tatanongin nila ako kung nasaan siya, wala akong maisasagot. Malala kung ireport agad nila sa principal---ah! Basta. Kailangan makalabas ako ngayon."

"Eh papano ka naman makakalabas? May mga bantay naman dun sa gate diba? Tapos hindi ka naman makapag over the bakod kasi ang tataas ng pader dito."

"Basta. Sige na, Altair. Pumasok ka na sa division mo. Late ka na. Aalis na ako," paalam niya at nilagpasan na ako.

"Teka, Lucas," pigil ko sa kanya kaya natigilan naman siya sa paglalakad at humarap sakin.

"Hmm?"

"S-Sama ako."

“Altair, madadamay ka lang. Tsaka late ka na sa division niyo."

"Sasama ako," paguulit ko.

"Pero delikado sa labas."

Umiling ako. "Sasama talaga ako. Baka kasi ako ang dahilan kung bakit siya umalis. Dahil na rin kahapon. Tsaka gusto kong mag-sorry sa kanya."

Napatawa naman siya ng mahina. "Pfft. Dito ka na lang. Mag sorry ka na lang kung makabalik na kami. Tsaka kahit di ka na mag sorry kasi… hgfgd," hindi ko na naintindihan ang mga huli niyang sinabi dahil pabulong na yun.

"Ha? Kahit hindi na ako mag-sorry? Tsaka ano yung sinabi mo?"

"H-ha? W-wala. Kahit hindi ka na mag sorry sa kanya kasi..."

"Kasi...?"

"Kasi... Maiintindihan naman niya yun. Oo. Maiintindihan niya yun," tapos ngumiti siya sa akin.

"Ahh." Tumango na lang ako. "Pero kahit na. Sama ako."

“Paano kung hanapin ka sa division niyo?”

Napaisip ako sandali. “At least tatlo tayong nasa labas ng campus. Hehe.”

"Hindi pwede, Altair. Ako na lang. Kaya ko na to."

Sorry talaga Lucas. Mas lalo lang akong mag-guilty nito eh. "Sasama ako,” seryoso kong sabi.

Tinitigan niya ako sandali tapos bumuntonghinga siya. "Okay. Okay. Sasama ka na," napilitan niyang sabi.

"Yes! Thank you, Lucas! So, ngayon na?" Excited kong tanong. Makakalabas na din sa campus. Pero nagui-guilty talaga ako.

Tumango siya. "Tara."

*****

Continue Reading

You'll Also Like

36.2K 1K 62
Xanthe Delos Reyes was known for being a 'Maria Clara' on her school.She have the brain,beauty and attittude.Lumaki si Xanthe sa isang maranyang pami...
208K 8.5K 50
I just escaped from life threatening situation. But I found myself in another situation that is difficult for me to handle. In a place where powers...
4.4M 111K 46
Wild, untamed and fierce- that's Tatiana Faith Follosco. Para sa kanya, chill lang ang buhay. She loves to party with her friends and make crazy dare...
26.8K 3K 80
"Survival Of The Fittest" The Four - They are the leaders, the protectors, the soldiers. They were amazing, fearless and powerful. Sa mga bagay mo la...