My Tag Boyfriend (Season 1)

Per OppaAnja

41.3M 686K 172K

Anong gagawin mo kapag may na-tag kang maling tao sa status mo sa Facebook? Ang masaklap pa nito, nabasa ng b... Més

My Tag Boyfriend
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
A/N: MTB First Monthsary Celebration 02-02-14
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Ako Puso mo Lyrics
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 49
Chapter 50 (Special Chapter)
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Author's Note
My Tag Boyfriend Book

Chapter 48

489K 10.5K 1.8K
Per OppaAnja

Chapter 48

Sitti's P.O.V

"Uy! Sasama ka ba sa akin sa bayan?"

"Oo teka lang sandali! Hindi pa ako ayos!"

"Ano ba balak nyong bilhin?"

"Kahit ano na maganda. Sana naman may mall dito sa Baguio para makapili ako ng mas mahal na regalo."

"Dalian nyo na! Mag-aayos pa tayo mamaya!"

Ingay ng mga kaklase kong babae ang sumalubong sa akin pagkalabas na pagkalabas ko ng kwarto namin ni Patty.

Napapasunod na lang ako ng tingin habang lahat ng mga babae sa loob ng retreat house ay nagkakagulo sa hindi ko malamang dahilan.

Balak ko sanang magtanong sa isang kaklase ko kaya lang itataas ko pa lang yung kamay ko ay hindi na nya ako napansin.

Lahat sila busy sa kung saan. Bigla tuloy ako kinabahan kasi tinanghali ako ng gising ngayon. Baka nagpa-activity na naman si Ma'am ng hindi ko nalalaman. Lagot ako nito.

"Patty!" malakas na tawag ko sa kanya nung makita ko syang lumabas mula sa kusina.

"O! Gising ka na pala. Good morning!" nakangiting sabi nya sa akin matapos kung makalapit sa kanya.

"Morning din. Ano palang meron? Bakit nagkakagulo silang lahat?"

"Ah iyon ba?" nakangiting sabi nya saka tumingin sa mga nagkakagulo naming kaklase. "Meron kasing magbibirthday mamaya kaya nagkakagulo silang lahat."

"Talaga? Sino?"

Lumingon sa akin si Patty saka ngumiti ulit. "Si Kaizer."

"Ah kaya pala—ANO?! Birthday ni Kaizer?!"

Hindi ko sinasadya na mapalakas yung sinabi ko pero huli na bago ko pa mapansin iyon at napatingin na sa akin ang lahat at naagaw ko na din ang atensyon nila.

At nagsimula na naman silang magbulungan kahit nasa tabi lang nila ako.

"Ano ba naman yan! Hindi nya alam na birthday ngayon ni Prince?!"

"Grabe! Tinawag pa naman syang girlfriend tapos hindi nya alam anong okasyon ngayon?!"

"Girlfriend ba talaga sya ni Prince? Bakit hindi nya alam?"

Hindi ko na lang sila pinansin saka humarap ulit kay Patty.

"Seryoso yan? Birthday nya talaga ngayon?"

"Oo." sagot nito. "Gusto mo bang sumama sa akin sa bayan mamaya? Bibili din ako ng ireregalo kay Kaizer. Baka gusto mong sumama?"

"Sige! Sasama ako!" mabilis na sagot ko.

"Good. Ngayon kailangan din nating dumaan ng salon mamaya para ayusan ka."

Napakunot-noo ako sa sinabi ni Patty. "Huh? Bakit? Para saan? Bakit ako aayusan?"

Ngumiti na lang sa akin si Patty bilang sagot saka nya ako iniwan mag-isa sa kinatatayuan ko.

'Birthday pala nya...' sa isip ko.

Nakakainis! Nasabi ko na sa kanya na mahal ko sya pero hindi ko pa alam na birthday pala nya!

Tama nga yung mga kaklase ko. Tinawag pa naman akong girlfriend pero wala akong kaalam-alam sa boyfriend ko.

Pero anong ireregalo ko kay Kaizer? Saka ano ba gusto nya?

Ano ba maganda ibigay sa isang tao na meron na lahat?

Kaizer's P.O.V

"Ang tagal naman nyang magising?"

"Nangangawit na ko."

"Sandali lang Mobillow! Konting-tiis lang! Saka wag mo nga papakin yung dala mo!"

"Eh nagugutom na ako eh! Saka masarap 'to. May marshmallow.

Agad kong idinilat yung mata ko nang marinig ko yung boses ng dalawa pang sakit sa ulo ko.

Dahan-dahan akong tumayo mula sa pagkakahiga ko sa kama saka kinusot yung mata ko.

'Anong bang ginagawa ng mga 'to at ang iingay—'

"HAPPY BIRTHDAY KAIZER!" malakas na sabi nila sabay may pumutok na kung ano at sunod-sunod na tunog ng torotot.

Matalim kong tinitigan yung dalawa na nakatayo sa may tabi ng higaan ko.

"Ano na naman bang problema nyo at ang iingay nyo?! Nakita nyo naman siguro na natutulog pa ako di ba?!"

Pinaka ayaw ko sa lahat? Yung naiistorbo tulog ko. Tsk!

Napuyat pa naman ako sa pagbabalot doon sa mag-asawang stuff toy na binili ko kahapon. Nakakainis lang at nakalimutan kong bumili na lang ng naka-ready ng pambalot. Ang gugulo kasi nung dalawa kong kasama! Nawala tuloy sa isip ko! Psh!

"Grabe ka naman Kai Kai! Nag-effort kaming bumaba sa bayan ng madaling-araw para lang bilhan ka ng cake mo. Kahit malamig, umalis pa din kami kasi naiisip ka namin. Tapos ganyan ka?! Grabe ka! Hindi kita kaibigan!"

Hinilot ko na lang yung noo kaysa piliin kong mas mainis sa sinabi ni Kris.

Matapos kong gawin iyon, muli akong napatingin sa kanila saka ko nakita yung cake na sinasabi ni Kris na hawak ni Mobi.

Saka bakit may suot na party hat si Mobi? Saan naman nya nakuha iyon?! Ano 'to?! Children's party?!

"Salamat." sabi ko saka tumayo.

Birthday ko pala. Nakalimutan ko.

Kaasar kasing mga teddy bears na yun! Laking sakit sa ulo ko! Parang yung pagbibigyan ko lang saka 'tong dalawang nasa harap ko.

Kumunot yung noo ko nang matitigan ko ng mas malapitan yung cake na binili nila.

Bawas na at wala na akong makitang icing sa ibabaw noon.

"Anong nangyari dito?" bagot na tanong ko.

"Ang tagal mo kasing nagising kaya tumikim kami ng kaunti." sagot ni Kris sabay ngumiti sa akin at nag-peace sign pa.

'Bakla talaga...' sa isip ko.

"Pero si Mobillow yung umubos ng toppings dyan saka icing!" napatingin naman ako ngayon kay Mobi at kitang-kita ko yung ebidensya ng bintang ni Kris sa mukha nya.

"Eh sa nagugutom na ako eh! Saka sayang yung mga marshmallows baka lumamig."

"Sira! Malamig talaga yan kasi cake yan—"

"Kainin nyo na lang yan." sabi ko saka nauna ng lumabas sa kwarto namin.

Mamimigay na lang sila ng cake sa akin, bawas pa. Tsk! Tapos ang lakas pa nila akong konsensyahin sa paglabas nila para lang bilhin iyon? Tsk!

Pero hindi ko muna sila dapat isipin ngayon. Tinanghali na ako ng gising at madami pa akong dapat gawin.

Bigla akong nahinto sa paglabas sa kwarto namin saka nilingon ulit yung dalawa.

"May hihingin pala akong pabor sa inyo..." alanganing sabi ko.

"Huh?"

Muli na namang kumunot yung noo ko nang makita ko silang dalawa na parang mga patay-gutom habang kinakamay yung pagkain sa cake.

"Ang bababoy nyo alam nyo ba yun?" bagot na sabi ko.

"Okay lang yan! Maghuhugas naman kami mamaya eh!" sagot ni Kris sabay wagayway ng kamay nya sa ere. "Ano nga pala yung hihingin mong pabor?"

Muli na naman akong nag-alangan kung sasabihin ko ba sa kanila o hindi yung plano ko para mamayang gabi.

Pero sa bandang-huli napabuntong-hininga na lang ako saka sila muling tiningnan.

Kahit na mukhang manggugulo lang naman sila mamaya, kailangan ko pa din tulong nila.

"Tulungan nyo akong maghanda para sa date namin ni Sitti mamaya."

"Ah okay—HUH?!"

Binigyan ko na lang sila ng bagot na tingin at yung cake na bigla nilang nabitawan at kumalat na sa sahig.

"Linisin nyo yan!" sabi ko saka lumabas na ng kwarto.

Wala na akong oras. Gusto ko maging perfect mamaya.

First date namin ni Sitti. At gusto ko na maging maaayos ang lahat.

"Psh! Ang korni mo na naman Kaizer!"


Sitti's P.O.V

Hindi ko mapigilang mapa-WOW sa ganda ng Burnham Park ng Baguio. Sobrang ganda sa lugar na ito. Tipikal na pasyalan talaga. May nakita din akong nagbibike sa may isang tabi tapos may ilang pakainan at may ilan ding mga tindahan. Mayroon din mga nagbebenta ng kung ano-ano na nakadisplay lang sa sahig. Parang yung sa mga night market? Ganoon.

At maraming magboyfriend-girlfriend ang nagdi-date dito.

"Upo muna tayo." yaya sa akin ni Patty saka sya naupo sa isang bench na nadaanan namin.

Sumunod ako saka naupo din sa tabi nya.

Kakagaling lang namin sa bayan, dumaan din kami sa isang mall malapit dito pero wala pa din akong nakitang magandang iregalo para kay Kaizer.

Si Patty may nabili na. Isang cap dahil ayon sa sabi nya, madalas daw na nagsusuot si Kaizer ng cap kapag lumabas sila noong mga bata pa sila at kahit ngayon. Parang kasama na daw iyon sa fashion ni Kaizer ang pagsusuot ng cap tuwing aalis ito.

Madami pa talaga akong hindi alam kay Kaizer at hindi ko maiwasan na mapahiya dahil doon. Puro kayabangan nya lang sa katawan ang alam ko eh!

At nakakainis! Girlfriend nya ako pero wala akong alam!

Pero ang mas nakakainis, hindi pa din mapigil ang pamumula ng mukha ko tuwing naiisip ko na girlfriend na ako ng school heartthrob namin. Nakakailang isipin.

Nakakailang pero masaya.

"Paano na yan? Wala ka pa din nabibili?" nag-aalalang sabi sa akin ni Patty.

"Oo nga eh." sagot ko sabay bumuntong-hininga. "Matutulog na lang siguro ako mamaya at iiwasan sya para hindi na kami magkaharap at ng hindi nya malaman na wala akong regalo para sa kanya."

"Ano ka ba?!" sabi ni Patty sabay hampas sa braso ko na kinagulat ko. "Wag ka ngang ganyan! Bilhan mo na lang sya ng kahit ano!"

"Eh anong bibilhin ko sa kanya kung meron na naman sya ng lahat?"

Naalala ko bigla yung mga kaklase ko na nakasabay namin doon sa mall. Halos lahat ng pwedeng iregalo binili na nila. Ayoko ko namang magregalo na may kaparehas na ako saka malamang iisipin ng mayabang na yung na nanggagaya pa ako.

Kaya heto! Si Felicity Sandoval, walang regalo sa boyfriend nya. Palakpakan!

"Hindi naman importante kay Kaizer kung mahal o mura ibibigay mo sa kanya eh!" biglang sabi ni Patty. "Basta may ibibigay ka sa kanya, tatanggapin nya iyon. Saka, hindi man halata pero malaki yung pagpapahalaga ni Kaizer sa sentimental value." dagdag ni Patty saka tumingin sa kawalan at napangiti. "Sa lahat ng magagandang ugali meron yung si Kaizer, masasabi kong yung pagpapahalaga nya sa kahit anong bagay na bigay sa kanya yung pinaka gusto ko sa ugali nya."

Tahimik lang akong nanunuod kay Patty habang nagsasalita sya.

Saka bakit ganoon? Bakit bigla syang nagliwanag nung ikwento nya yung tungkol kay Kaizer?

Hala! Hindi kaya...

'Hindi kaya may gusto din si Patty kay Kaizer?!' hindi makapaniwalang sa isip ko.

Biglang napalingon sa akin si Patty. Nakikita ko sa mukha nya yung pagtataka habang nakatingin sa akin saka sya ngumiti ng matamis sa akin.

Marahas kong iniling-iling ulo ko sabay tumayo.

Imposible yung naiisip ko! Hindi iyon pwede! Magkaibigan lang sila!

Tama! Kaibigan lang! 'Ano ba kasing pinag-iisip mo Sitti?!'

"M-Mag-iikot-ikot lang muna ako sandali dito. Baka may makita akong pwedeng ipangregalo dito."

"Ganoon ba. Sige. Gusto mo bang samahan kita?"

Marahan akong umiling saka winagayway yung kamay ko sa ere. "Hindi! Wag na! Ako na lang. Hintayin mo na lang ako dito."

Mababakas sa mukha ni Patty ang pagtataka sa kinikilos ko pero hindi na lang sya sumagot at tumango na lang.

Obvious na obvious na siguro na kahina-hinala na ako. Na may naiisip akong hindi maganda.

Para akong robot na naglalakad dito sa may paligid ng park habang tumitingin-tingin sa paligid at mga tindahan.

Nung halos maikot ko na ang mga tindahan dito, nung pabalik na sana ako kung saan ko iniwan si Patty, isang pwesto ang umagaw sa atensyon ko.

Agad akong lumapit sa babaeng nagtitinda ng kung ano-ano na nakalatag sa sahig na napapailaliman ng asul na tela saka tinitigan yung mga tinda nyang singsing.

'Wow! Ang cute nilang lahat!!!'

Tinitigan ko mga tinda nya saka tuwang-tuwang kinuha ang mga iyon isa-isa at tinitigan ng mabuti.

"Ano pong gusto nyo Miss?"

Napatingin ako sa tinderang babae nang bigla syang magsalita saka binaba yung hawak kong singsing. Bigla tuloy ako nahiya sa sarili ko dahil masyado akong natuwa sa mga cute nyang paninda.

Sa susunod nga babalik ako dito kapag mayaman na ako at bibilhin ko lahat ng tinda ni Ate. Ang cute kasi nila eh!

"Ah mayroon po ba kayong pwedeng ipangregalo sa lalaki?" tanong ko na lang.

'Singsing? Para sa lalaki? Seryoso ka Sitti?!' sermon sa akin ng boses sa utak ko.

'Eh sa wala na akong maisip na sabihin eh! Saka tinanong nya ako! Kaya sinagot ko lang sya!' depensa ko naman sa sarili ko.

"Para ba sa boyfriend nyo Miss?"

Napasinghap ako sa gulat sa tinanong sa akin ni Ate.

Hala! Paano nya nalaman iyon? "Paano mo po nalaman?"

Ngumiti lang sa akin si Ate saka may kinuha ng maliit na box sa mga nakahilerang box doon sa tabi ng mga singsing.

"Ate, psychic ka ba?" pangungulit ko.

Nakakagulat lang kasi! Paano nya nalaman na para sa boyfriend nga yung hinahanap kong pangregalo? Manghuhula siguro 'tong si Ate! Alam din kaya nya yung mga lalabas na numero sa lotto?

"Hindi po." sagot sa akin ni Ate sabay hinarap sa akin at binuksan ang maliit na box na kinuha nito. "Ito po Miss. Uso sa akin 'to. Couple ring."

"C-Couple...ring?"

Kinuha ko yung box na binigay sa akin ni Ate at nakita ko yung dalawang singsing sa loob na nakahugis infinity.

"Uso po dito yan sa amin. Ang infinity ring. Last na po yan. Kaya sana bilhin mo na."

Sandali ko pang tinitigan ang singsing na iyon saka humarap ulit kay Ate.

"Eh magkano po ba 'to Ate?"

"200 lang Miss."

"200 pesos lang?!!" gulat na sabi ko.

Sandali kong binaba yung box na iyon saka dinukot yung wallet sa bulsa ko at tiningnan yung laman noon.

Nanlaki mata ko ng saktong 200 pesos na lang pera ko.

"Bibilhin nyo po ba?"

Napatingin ako ulit sa mukha ni Ate sabay doon sa singsing at sa laman ng wallet ko. Matagal akong napatingin doon sa singsing. Pinag-iisipan ko kung bibilhin ko ba o hindi.

Sa ibabaw ng utak ko ngayon, may isang angel at devil na Sitti.

Ang sabi ng Devil Sitti, wag ko daw bilhin dahil pag-aaksaya lang daw iyon ng pera. Sabi naman ng Angel Sitti bilhin ko na daw dahil para naman iyon kay Kaizer.

Ilang beses siguro ako umalis at bumalik sa tapat ng pwesto ni Ate. Nalilito kasi talaga ako kung bibilhin ko ba yung singsing o hindi.

Kapag binili ko iyon, wala na akong pera. Tendency, kapag umuwi kami at hindi hinatid ng bus pabalik sa mga bahay namin, wala akong pamasahe pauwi!

Kapag hindi ko naman binili, wala akong regalo kay Kaizer. At nakakahiya iyon para sa akin at para na din sa kanya.

Isipin nyo na na lang na yung birthday celebrant hindi nakatanggap ng regalo mula sa girlfriend nya. Aasarin kami pareho ng mga kasama namin sa bahay!

Pero sa bandang huli, nagwagi ang Angel Sitti sa utak ko at binili ko yung couple ring na iyon.

"Maraming salamat po! Sa uulitin!"

Ngumiti na lang ako kay Ate saka tinitigan yung maliit na box na dala ko.

"Wala na akong pamasahe pauwi." naiiyak na sabi ko habang nakatingin sa mga singsing.

Sasangla ko na lang siguro 'to kapag no choice na talaga ako.

Teka! Nasasangla ba 'to?


Kaizer's P.O.V

"Ano na naman ba yan Mister Dela Cruz, Mister Lorenzo at Mister Buenavista?!"

Bigla kaming pinasok ng Ma'am namin nang makarinig na naman sya ng panibagong bowl na nabasag dito sa kusina.

"Ma'am! Si Kai Kai po! Hindi po ako!"

Tinitigan ko ng masama si Kris para sa pagtuturo nya sa akin.

"Linisin nyo yang mga kalat nyo!" malakas na sigaw sa amin ni Ma'am saka padabog na sinara ang pinto ng kusina.

Bumuntong-hiniga na lang ako saka sinimulang pulutin yung mga nabasag na piraso ng bowl na hawak ko kanina.

"Kaizer sa susunod wag ka na papasok sa kusina. Wag ka din papasok sa kusina namin kasi mauubos laman ng ref namin."

Tinitigan ko na lang si Mobi na wala namang ginawa mula pa kanina kundi ang kumain na lang ng marshmallows nya.

Si Kris naman, tawa lang ng tawa sa akin. Mabilaukan sana sya sa kakatawa nya! Bwisit!

"Pumasok ka sa culinary school pagkatapos natin sa College huh, Kai Kai? Baka kasi mapatay mo ng maaga si Sitti kapag kinasal na kayo sa mga ipapakain mo sa kanya."

Nagulat ako doon sa huling sinabi ni Kris dahilan para mamali ako ng pulot sa bahagi ng bowl at dumaplis ang isang daliri ko sa matalas na bahagi nito.

"Tsk!" inis na sabi ko sabay tumayo at tinapat yung daliri kong nagdurugo sa gripo.

"Hala! Tumigil ka na kasi Kaizer! Magpa-order na lang tayo ng pagkain! Tingnan mo nasugatan ka na!"

Hindi ko na lang pinansin yung mga sinabi ni Kris at pinagtuunan ng pansin yung paglilinis sa daliri ko.

Naiinis ako sa pangugulo nila at sa sarili ko dahil nasugatan ako.

Psh! Ano ba kasing iniisip ko?! Narinig ko lang yung kasal nasugatan na ako?!

"Namumula na mukha mo." sabi ni Mobi sabay dinuro pa ng daliri nya yung pisngi ko.

"Aish! Ano ba?! Wag ka ngang magulo dyan Mobi!"

Inis akong kumuha ng malinis na basahan sa cabinet saka binalutan yung daliri ko para matigil ang pagdurugo noon.

"Kukuha lang ako ng band aid at alcohol." sabi ulit ni Mobi saka iniwan na kami ni Kris dito sa loob ng kusina.

"Bakit ka ba nagpapagod Kaizer? Tingnan mo nangyari sa'yo! Ilang bowl na din nabasag mo. Um-order na lang kasi tayo ng pagkain sa restaurant. Aayusin pa natin yung tables nyo sa labas mamaya di ba?"

"Ayoko." madiin na sabi ko saka kumuha ulit ng panibagong bowl at isang box ng cake mixture.

"Ang tigas talaga ng ulo mo!" sabi nya saka inagaw sa akin yung bowl at box na hawak ko. "Ako na nga! Mamaya mahaluan mo pa ng dugo mo 'tong cake mo. Nakakadiri!"

"Ako na—"

"Ako na!" madiing sabi nya sabay layo sa akin nung hawak nya. "Manahimik ka na lang dyan at linisin mo muna yang sugat mo! Mamaya ka na lang tumulong sa akin."

Pinanuod ko na lang si Kris doon sa ginagawa nya.

Lagi kaming pantay ni Kris pagdating sa academics, sports maging sa mga extra curricular activities sa school.

Pero sa pagluluto at home economics lang sya nakalamang sa akin. At naiinis ako doon!

Bakit kasi hindi ako marunong magluto?! Bakit kasi nagkaroon ako ng phobia sa home economics?! Bakit hindi ko magawa-gawa yung simple ready-to-mix na cake?!

Saka bakit ba naapektuhan ako doon sa sinabi ni Kris tungkol sa pagpapakasal namin ni Sitti?! Ang layo pa naman noon ah! Bakit ganito?! Masyado akong naapektuhan?!

Saka bakit na-iimagine ko na si Sitti na nakasuot na puting wedding gown?!

"Tsk! Bwisit!" sabi ko saka itinakip ko yung likod ng kamay ko sa bibig ko.

"May sinasabi ka? Saka bakit ba ang pula na ng mukha mo?"

Sandali akong napatingin sa mukha ni Kris saka inalis ko din ang tingin ko sa mata nya.

"Wala!"


Sitti's P.O.V

"Ayan! Ready ka na!"

Hindi ko na naman maiwasan ang mamangha sa nakikita ko sa salamin ngayon. Parang nung inayusan lang ako ni Patty noong nakaraang Mister and Miss Eastton University.

Matapos naming umalis doon sa park, dumaan kami ni Patty sa may salon saka nya ako pinaayusan doon.

Akala ko pa naman dalawa kaming aayusan iyon pala ako lang.

Sa loob ng salon hindi ko tinigilan si Patty sa pagtatanong kung para saan ba ang pagpapaayos ko na ito. Basta ngiti lang ang sagot nya sa akin hanggang sa makauwi na kami.

Pinahiram din ako ni Patty ng damit na dala nya saka pinasuot sa akin at ngayon nga tapos na nya akong ayusan.

"Goodluck sa dinner nyo!"

"Huh?" tanong ko saka humarap sa kanya. "Dinner saan? Saka sino makakasama ko?"

Ngumiti lang ulit sya sa akin saka nya ako inalalayan tumayo at marahang tinulak palabas ng pinto.

Sya nga pala. Hating-gabi na. Tahimik na din yung mga kaklase ko matapos nung mini party na inihanda nila para kay Kaizer na hindi naman namin naabutan kasi nung umuwi kami ni Patty, tahimik na ang loob ng retreat house.

Nagtataka nga ako kung bakit hindi kami pinagalitan ng Ma'am namin. Sabagay hindi naman namin sya nakita kanina pero malamang sa malamang masasabon kami nito bukas.

Napalingon ako ulit sa saradong pinto ng kwarto namin. Wala na doon si Patty.

Napabuntong-hininga na lang ako saka bumaba.

Habang naglalakad ako palabas ng bahay para magpahangin, bigla kong kinuha sa bulsa ng damit na pinahiram sa akin ni Patty yung box na naglalaman ng couple ring na binili ko kanina.

Sayang naman 'to. Sana pala hindi na lang ako bumili dahil hindi ko din naman pala maibibigay.

Sa paglabas ako sa bahay, may narinig akong tugtog na nagmumula sa gitara.

'Si Kaizer!'

Mabilis kong sinundan yung tunog ng gitara na iyon saka ako dinala noon sa likod ng retreat house.

At sa pagpunta ko doon, nanlaki ang mata ko nang makita ko si Kaizer...at yung mga bagay na kasama nito sa labas.

May isang round table na nasasapinan ng silk na puting tela sa tabi nito tapos may nakita din akong dalawang plato, baso, kutsara at tinidor at isang candleholder na nasa gitna ng table tapos may nakita din akong mga rose petals na nakakalat sa ibabaw ng mesa maging sa paligid ng mesa na iyon. Mayroon ding pagkain saka cake.

Dinner with candlelight. Ito yung nakikita ko ngayon. At hindi ko mapigilang matuwa sa nakikita ko ngayon. First time kong makakita ng ganito sa personal.

Nakita ko si Kaizer na nakaayos din gaya ko habang hawak nito ang gitara nito.

Ngumiti ito sa akin habang lumalapit ako sa kanya.

"A-Ano ito?"

Hindi ako sinagot ni Kaizer saka nya hinila yung isang upuan sa harapan ko saka ako inalalayan na umupo doon.

Hindi na ako sumubok na tumanggi o manlaban sa mga ginagawa nya at hinayaan ko na lang ang sarili ko na sumunod sa gusto nya.

Nakatingin lang ako sa kanya habang nag-iistrum na naman sya ng gitara nya saka sya nagsimulang kumanta.

I will try to find a melody

As beautiful as you.

Find the words to say your eyes

Are bluer than blue.

Fill my voice with the emotion I'm feeling for you.

And now when the beat is so strong.

I give my heart in a song.

Mukhang chorus lang yung kinanta nya sa akin saka sya huminto sa pagtugtog nya at inilapag yung gitara nya sa isang tabi at naupo sya sa upuan na nasa harapan ko.

"P-Para saan 'to?" tanong ko matapos nyang maupo.

"Date?" kunot-noong sabi nya.

"Date sa hating-gabi?!" hindi makapaniwalang-sabi ko. "Okay ka lang?!"

"Okay lang naman. Bakit?"

Napa-face palm ako kasi mukhang clueless sya sa sarcasm ng mga sinasabi ko.

Muli akong napatingin sa paligid namin at yung mesa na nasa harapan namin.

At hindi ko maiwasang matuwa sa nakikita ko. Sa mga ginawa nya para sa akin. Sa pagtawag nya sa date na ito kahit na medyo weird kasi hating-gabi na.

Ngayon lang ako nakakita ng date sa hating-gabi.

'Sya kaya ang naghanda ng lahat ng ito?' sa isip ko.

"Bakit wala ka kanina?" biglang tanong nya. "Saan ka galing? Balita ko kasama mo daw si Patty? Saan kayo nagpunta?"

"Sa bayan. Nagpasama sa akin si Patty." alanganing sabi ko.

"Ah..."

Biglang tumahimik yung paligid namin. Walang gustong magsalita.

Saka, tama ba 'tong nakikita ko? Na mukhang tense din si Kaizer sa sitwasyon namin gaya ng nararamdaman ko?

Nasa gitna ako ng malalim kong pag-iisip nang may bigla akong naalala.

"Belated happy birthday pala Kaizer!" biglang sabi ko sabay inilabas yung kahon na nasa bulsa ng damit ko saka pinakita iyon sa kanya. "I-Ito pala regalo ko sa'yo.Pasensya na ito lang nakayanan ko."

Bago ko pa naisip kung ano ba iyong nagawa ko, huli na.

Huli na para bawiin ko yung ginawa kong kahihiyan.

"Ano 'to?" sagot ni Kaizer saka kinuha sa kamay ko yung box.

"Teka! Teka! Mali yan! Mali! Akin na yan—"

Hindi ko pa natatapos yung sasabihin ko nang buksan na ni Kaizer yung box na hawak nya saka nya nakita yung laman noon.

At kitang-kita ko sa mukha nya na natigilan sya nakita nya habang ako naman hiniling ko na sana totoo yung metaphor tungkol sa pagbuka at paglamon sayo ng lupa dahil sa kahihiyan.

"Binibigyan mo ako...ng singsing?"

Napaangat ng tingin sa akin si Kaizer. Hindi ko mabasa yung reaksyon sa mukha nya. Bago kasi iyon sa paningin ko. Ngayon ko pa lang nakita. Kaya hindi ko masabi ko galit ba sya sa binigay ko o ano.

Sa tingin ko hindi lang mukha ko yung namumula pero buong katawan ko na din ng dahil sa kahihiyan.

"K-Kung ayaw mo, akin na yan!" sabi ko saka pinilit na agawin sa kanya yung box.

Pero sa halip na ako yung makaagaw sa box, yung kamay ko ang naagaw sa akin ni Kaizer.

At bago pa ako makapagsalita at mabawi yung kamay ko mula sa hawak nya, may naramdaman akong isang malamig na bagay sa daliri ko.

Nang tuluyan ng bitawan ni Kaizer yung kamay ko, nagulat ako nang makita ko yung isa sa mga singsing na binili ko na nakalagay na sa kaliwang palasingsingan ko.

"Bagay pala sa'yo..." seryosong sabi ni Kaizer. "Salamat dito, Sitti." dagdag pa nya saka ngumiti sa akin.

At heto na naman ang puso ko. Sobrang bilis na naman ng tibok nang makita ko yung pagngiti ni Kaizer. At sa tingin ko, nagustuhan naman nya yung binigay kong regalo sa kanya.

Napatingin ako sa mukha nya na may sobrang pulang mukha bago sumagot.

"W-Walang anuman..."

"Isuot mo din sa akin." nakangiti nyang inabot sa akin yung kanang kamay nya saka yung isa pang singsing sa hawak ng kabilang kamay nya.

Gusto ko sanang umayaw kaya lang may isang bahagi ng utak ko ang gustong sumunod sa utos nya. At nanalo ang bahagi ng utak ko na iyon.

Nanginginig yung mga kamay ko habang sinusuot ko sa kanang palasingsingan nya yung singsing na binili ko. At laking pasalamat ko na hindi ko nalaglag ang singsing na iyon habang sinusuot ko iyon sa kanya.

Matapos noon, tiningnan ni Kaizer yung daliri nya na may suot ng singsing at kitang-kita ko sa mukha nya yung saya sa mumurahing niregalo ko.

"Mangako tayo sa isa't-isa, TG." biglang humarap sa akin si Kaizer saka nya kinuha yung isang kamay ko na may suot na singsing.

Pinagkrus nya yung mga daliri namin na may suot na singsing at saka namin kinapitan ng mahigpit ang daliri ng isa't-isa para hindi iyon maghiwalay.

"Walang iwanan, TG." seryosong sabi nya sa akin saka ngumiti.

"W-Walang iwanan, TB."

"To infinity and beyond?"

Medyo natawa ako nang gayahin ni Kaizer yung boses ni Buzz Lightyear sa Toy Story nang sabihin nya ang mga salitang iyon.

Mas hinigpitan ko yung pagkapit ko sa daliri nya na may singsing saka ginaya yung sinabi nya.

"Walang iwanan. To infinity and beyond."

Parehas kaming nakangiti sa isa't-isa saka sabay kaming napatingin sa mga daliri namin na may suot na singsing na nakapulupot sa daliri ng isa't-isa.

'To infinity and beyond.'

A/N: Ano reaksyon nyo TAGGERS?! I WANT LONG, LONG, NOVELA COMMENT! Dali! Dalawang oras ko tinaype 'to kasi dami ding ginagawa ni otor kanina. Dami umistorbo sa akin. Huhubels! Comment kayo dali! Sino kinilig dyan?! Sino tumili?! Sino hinimatay?! KYAAAAAAAAAAAA! COMMENT NA! Wag lang puro votes! COMMENT KAYO! ^______^v

P.S. Yung kinanta pala ni Kaizer dito, its the chorus of O-Town's song "THE PAINTER". Favorite ni otor lahat ng song na lumalabas dito sa MTB kaya...alam na! XDD Maganda yang song na yan kahit na dating boy band pa ang O-TOWN. Gaganda kaya ng kanta nila. Popogi pa! Kekeke!

Continua llegint

You'll Also Like

162K 3.2K 73
She's Floricel Valencia Tahimik na buhay lang ang tanging gusto nya kaya nag paka layo layo sya sa pamilya nya. Pero talagang mapag laro ang tadhana...
44K 1.3K 19
Ako si Adam, at isa akong multo, pero hindi ko maalala kung ano ang unfinished business ko kaya hindi matahimik ang kaluluwa ko. Iyon ang dahilan kun...
1.8M 53.6K 48
Sabi nila, Love is sweeter the second time around. Pero paano naman sa third? Sa fourth? Sa fifth? Sa infinity and beyond? Maging kasing sweet pa rin...
107K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...