They Meet Again (COMPLETED)

By nrizyap

611K 6.9K 1.2K

"I badly need to find him. I really want to see him again" - Kate Blanco. "I freakin' despise her. I never... More

ABOUT THE STORY
CHAPTER 1
CHAPTER 2 (part 1)
CHAPTER 2 (part 2)
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8 (part 1)
CHAPTER 8 (part 2)
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17 (part 1)
CHAPTER 17 (part 2)
CHAPTER 18 (part 1)
CHAPTER 18 (part 2)
CHAPTER 19 (part 1)
CHAPTER 19 (part 2)
CHAPTER 20 (part 1)
CHAPTER 21
CHAPTER 22 (part 1)
CHAPTER 22 (part 2)
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30 (part 1)
CHAPTER 30 (part 2)
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39 (part 1)
CHAPTER 39 (part 2)
CHAPTER 40
EPILOGUE
HEADS UP!
SPECIAL CHAPTER 1
SPECIAL CHAPTER 2
HOW IT ALL STARTED
Teasers

CHAPTER 20 (part 2)

9.6K 110 23
By nrizyap

A/N: Comments please? :)

#TMAWattpad





Kate


Pagkatapos ng ilang minutong paglalakad namin ni Aki, hinatid na niya ako sa stage at umupo na rin ako sa pink vintage sofa. Si Aki naman, umupo na sa upuan niya sa baba ng stage. Nang nakaupo na kami, umupo na rin naman ang guests.


Noong mga panahong pina-plano pa ang debut ko, mayroon dapat talagang cotillion pagkatapos ng entrance. Pero nang na-realize ni mommy na mahihirapan kaming makakuha ng 18 pairs dahil masyado pang bata ang mga pinsan kong lalaki, hindi na lang itinuloy.


May ilan pang sinabi si Jamie pero pagkatapos niyon, nag-announce na rin na ise-serve na ang mga pagkain. Habang kumakain, may string quartet na tumutugtog.


Pagkalipas ng isang oras, sinimulan na ang program. Tinawag nang isa-isa ang mga kasali sa 18 treasures. Ang iba, mga ninong at ninang ko sa binyag. Ang iba, mga pinsan ko. At ang huling tatlo naman, sila Nico, Derick, at Eloy.


Isa-isa silang nagbigay ng regalo sa akin at bawat isa, nagbigay din ng message sa akin. Kung pagsasama-samahin ang mga sinabi nila, gusto lang naman nilang iparating na maging mabait ako lagi, maging humble, mag-aral nang mabuti, at huwag akong matakot sa failure dahil doon talaga natututo at nag-iimprove ang isang tao.


Pagkatapos ng 18 treasures, 18 candles naman ang sumunod. Naunang pumunta ang mga pinsan kong babae. Mas matanda sa akin ang iba at ang iba naman, kung hindi ko ka-edad, mas bata sa akin.


Ang huling tatlong kasali sa 18 candles, sila Kerry, Yannie, at Lia. Katulad ng 18 treasures, nagbigay din ang bawat isa sa kanila ng message para sa akin. Pagkatapos niyon, hinipan na nilang isa-isa ang mga kandila at bumaba na rin naman sila sa stage.


Nagkaroon muna ng short break pagkatapos niyon. Ang ibang guests, nag-cocktail break at kumuha na muna ng snacks at drinks sa refreshment table. Ang mga pinsan ko naman, nakita kong nagkukumpulan sa fondue fountain. Nakakatuwa silang tignan habang nagtatawanan sila at nilalagay ang fruits at marshmallows sa chocolate fondue. Habang nandito naman ako sa stage, nilapitan ako ni mommy.


"Anak, ayaw mo ba munang kumuha ng snacks?" tanong niya sa akin. "Hindi na po, Ma. Busog pa po ako" sagot ko naman habang nakangiti sa kanya.


"Ready ka na ba sa surprise ko?" bigla akong kinabahan sa sinabi ni mommy. Hindi kaya may kinalaman ito kay Dylan? Ano ba, Kate? Paulit-ulit na lang ba tayo? Sinabi nang huwag ka nang umasa eh.


"Surprise? Ma, h-how am I supposed to be ready? Ni hindi mo nga nabanggit sa akin na may surprise ka eh" sabi ko naman sa kanya.


"That's why it's a surprise" ngumiti si mommy sa akin at sinabing mag-ready na daw ako dahil susunod na ang 18 roses. Wala akong ka-ide-ideya kung sino ang mga napili ni mommy na para sa 18 roses ko.


Basta ang plano, dalawa ang sasayawin namin ng bawat makakapares ko. Para daw may thrill at hindi boring, isang buong mellow music at kaunting parte ng modern dance.


Pagkalipas ng ilang minuto, nagsibalik na rin sa kanya-kanya nilang upuan ang guests. Nagsalita na ulit si Jamie at sinabing magsisimula na ang 18 roses. Bakit ba ako kinakabahan? Kung bakit ba naman kasi ayaw sabihin ni mommy 'yung mga kasali eh.


Umakyat na si Aki sa stage at inalalayan ako sa pagbaba ko. Pagdating namin sa gitna, iniwan ba naman niya ako. Akala ko siya na ang una sa 18 roses.


Biglang dumilim at ang spotlight lang na nakatapat sa akin ang ilaw sa buong venue. Timugtog ang "Because You Live" ni Jesse McCartney. Biglang may kumalabit sa likod ko. Nang umikot naman ako para tignan, hindi ko na talaga napigilan ang sarili ko at niyakap ko siya kaagad habang nakapatong ang ulo ko sa balikat niya. Nagsimula na kaming sumayaw. Akala ko hindi na siya makakarating.


"Daddy naman eh" sabi ko kay daddy habang nakayakap pa rin sa kanya at umiiyak. "Syempre hindi ko puwedeng ma-miss ang debut ng princess ko. I guess ito na 'yung huling pagkakataon na puwede pa kitang tratuhin na princess namin ng mommy mo. One day, you'll be another man's queen" dahil sa sinabi ni daddy, mas lalo lang akong naiyak at mas lalo lang humigpit ang yakap ko sa kanya habang nagsasayaw pa rin kami.


Ito ba 'yung sinasabi ni mommy na surprise sa akin? Hindi ko maipaliwanag ang saya na nararamdaman ko ngayon. Para nang sasabog ang puso ko sa sobrang saya dahil nakita ko na ulit si daddy pagkatapos ng sampung taon. Pagkalipas ng ilang minuto, lumapit si mommy sa amin.


"Thank you, Ma. Thank you, Dad. I love you both" sabi ko sa kanila. Hinawakan ko silang dalawa at nagsayaw kaming sabay-sabay. Pagbukas ng ilaw, nagpalakpakan ang mga tao. Natapos na ang kanta at humiwalay na rin kami sa yakap.


Naku, oo nga pala. Dalawa nga pala kasing tugtog ang kailangang sayawin. Biglang tumugtog ang "Summer" ni Calvin Harris. Akala ko, hindi sasayaw si daddy dahil wala siyang hilig sa pop music. Nagulat na lang kami ni mommy nang bigla siyang gumalaw.


Dahil doon, nagsayaw kaming tatlo sa gitna na parang walang pakialam sa guests na nanonood. Sobrang saya ko. Tumigil din naman kami sa pagsasayaw at inabot ni daddy sa akin ang isang bunch ng roses.


"Sus! Ikaw lang pala ang 18 roses ko Dad eh. Haha" sabi ko sa kanya sabay kuha ng roses. "Naku, hindi anak. 17 lang 'yan" sabi naman ni daddy.


"So, gusto niyo talagang maging baby niyo ako forever kaya 17 lang ito? Haha. Anong nangyari sa isa?" tanong ko naman. Ngumiti lang sila at bigla na lang naglakad palayo. Sinubukan ko pa silang tawagin pero hindi ko na sila makita dahil dumilim na ulit ang paligid at spotlight na lang ulit na nakatapat sa akin ang ilaw.


Tumugtog ang "She Will Be Loved" ng Maroon 5. Lumingon ako kung saan-saan dahil hindi ko na alam kung anong nangyayari. Pagtingin ko sa kaliwa, may humawak sa kamay ko at sa baywang ko.


Pagtingin ko sa kamay niyang nakahawak sa akin, dala niya ang huling rose.Nagsimula na kaming sumayaw. Hindi ako nakapag-react kaagad. Pero nang natauhan ako, may tumulo na namang luha mula sa mata ko.


"D-Dylan" iyan na lang ang nasabi ko. Hindi pa rin siya nagsasalita. Sandali niya akong binitawan at tumigil kami sa pagsayaw. Akala ko iiwan na naman niya ako. Kinuha niya ang panyo sa bulsa niya at pinunasan ang luha ko.


Pagkatapos niyon, binigay niya ang panyo sa akin at hinawakan niya ako ulit. Habang hawak ko ang panyo niya, nagsayaw kami ulit. Hindi ko na napigilan ang sarili ko.


"Dylan, I-I'm sorry. Kung nabasa mo..." bago ko pa man naituloy ang sinasabi ko, bigla na lang niya akong niyakap.


"Shh. Tapos na 'yun. Oo, nabasa ko. Sorry kung iniwan kita. Ayaw ko lang na mas masaktan ka kung sakaling may nasabi pa ako noong araw na 'yun" pagpapaliwanag niya sa akin.


May tumulo na namang luha mula sa mata ko. Humiwalay na siya sa pagkakayakap at pinunasan ang luha ko gamit naman ang daliri niya. Pagkatapos niyon, hinawakan niya ulit ako at nagsayaw kami ulit.


"Huwag ka nang umiyak. Baka mamaya isipin ng mga bisita na inaaway kita" dahil sa sinabi niya, napatawa na lang ako.


"T-Teka, kung nabasa mo 'yung nasa papel..." bigla ko na lang hinarang sa mukha ko ang dalawang kamay ko. Nahihiya na ako at malamang namumula na naman ako ngayon.


"Oo, nabasa ko rin 'yun. Malamang isa 'yun sa mga strategy mo para mapabalik ako kaya panindigan mo" sabi naman niya habang tumatawa.


"Dylan naman eh" sabi ko sa kanya habang tinatakpan pa rin ang mukha ko. Tinanggal naman niya ang dalawa kong kamay mula sa mukha ko.


"Silly girl. Wala kang pinagbago doon sa batang babaeng nakilala ko sa park. You're still so smart. Kung dati, naging dahilan 'yun para makipaglaro ako sa'yo, ngayon naman, 'yung sinulat mo ang naging dahilan para pumunta ako dito" napangiti naman ako sa sinabi niya. Sobrang saya ko na ngayong gabing ito lalo na't nandito na ulit si Dylan.


"Ang manhid mo pala 'no?" sabi niya sa akin habang nagsasayaw pa rin kami. "Huh? Bakit?" pagtataka ko.


"Kate, matagal na akong nag-eeffort at nagpapapansin sa'yo. Hindi mo ba nararamdaman 'yun?" tanong niya sa akin na parang may disappointed na tono.


"Napapansin ko naman pero ayaw kong mag-assume kasi..." bago ko pa man naituloy ang sinasabi ko, nagsalita naman siya ulit.


"Kate, matagal na kitang gusto. Hindi ko alam kung kailan pa nagsimula pero malamang nauna pa 'yung naramdaman ko kaysa sa naramdaman mo" sabi naman niya. Pakiramdam ko talaga sasabog na 'yung puso ko. Sobra-sobrang regalo na ito ngayong debut ko. Wala na akong mahihiling pa.






Continue Reading

You'll Also Like

6K 171 32
In life there are promises we needed to fulfill. Promises that can make us whole. Promises that make us love, trust, hope and live. A promise that a...
1.6K 101 74
When I started to love my husband, my memories started to reccured in a doubtful way. The blurry vision of one person keeps on invading my mind. What...
80.9K 1.6K 56
Sa isang pagpapanggap. Mauuwi ba sa isang pagmamahalan? o pipilitin ng isa na kalimutan na lang ang nararamdaman para maiwasang masaktan O ang isa na...
56.3K 1.7K 35
Hannah Daeriel Valeria is seen as perfect by many because she's beautiful, smart, and comes from a wealthy and respected family. But not everyone kno...