The Destroyer

Por littlemissselle

6.6M 81K 23.1K

Black Series II: I'm Casimir Ramirez. Three words, I DON'T CARE. Shut the hell up or I'll destroy you. Más

The Destroyer
TD - 1
TD - 2
TD - 3
TD - 4
TD - 5
TD - 6
TD - 7
TD - 8
TD - 9
TD - 10
TD - 11
TD - 12
TD - 13
TD - 14
TD - 15
TD - 16
TD - 17
TD - 18
TD - 19
TD - 20
TD - 21
TD - 22
TD - 23
TD - 24
TD - 25
TD - 26
TD - 27
TD - 28
TD - 29
TD - 30
TD - 31
TD - 32
TD - 33
TD - 34
TD - 35
TD - 36
TD - 37
TD - 38
TD - 39
TD - 40
TD - 41
TD - 42
TD - 43
TD - 44
TD - 45
TD - 47
TD - 48
TD - 49
TD - 50
TD - 51
TD - 52
TD - 53
Epilogue
Black Note
Special Chapter 1: Geoff & Belle
Special Chapter 2: Henry & Desiree
Special Chapter 3: Jeremy
Special Chapter 4: Jericho
Special Chapter 5: Jhaztine
Last Special Chapter: Casimir & Alex

TD - 46

65.2K 1.4K 864
Por littlemissselle

CHAPTER 46

ALEX’S POV

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi. Oo masaya ako na umuwi na siya pero hindi ako masayang may kasama siyang iba.

Sino ba siya? Bakit ganiyan si Casimir sa kaniya? Hindi naman siya pinakilala nito bilang girlfriend ‘di ba? So hindi ako dapat mabahala hindi ba?

Dumating kami sa mall at nag-lunch na muna sa isang Japanese restaurant.

Nakita kong pinaghila ni Casimir si Jhaztine ng upuan kaya agad din akong umupo sa tabi ni Casimir. ‘Di bale ng hindi niya ako ipinaghila basta tabi kami, okay na ‘yon.

Nang dumating na ang pagkain namin ay nakita kong lalagyan ni Jhaztine ng tempura ang pinggan ni Casimir pero kumuha ako agad ng maki at nilagay sa pinggan niya, inalis ko rin ang tempura.

“Casimir prefers maki.” I smiled.

“Oh gano’n ba? Okay.” Nag-kibit balikat na lang siya.

“Yeap, ‘di ba Casimir?” siniko ko siya.

Tumingin si Casimir kay Jhaztine na mukhang napahiya ata. Ha, take that. Siyempre mas may alam ako kay Casimir ‘no. Mas matagal kaming magkakilala! At kilalang-kilala ko na ang lalaking mahal ko!

“Actually, I can eat both.” Nabigla ako sa sinabi ni Casimir at ibinalik ang tempura sa pinggan niya.

What the fck is that?!

Nag-salin na rin ako ng red tea sa baso ni Casimir. “Thanks.” He simply said.

“You’re always welcome!” I beamed.

“Uy Alex, penge nga rin.” Sabi ni Geoff.

Sinamaan ko siya ng tingin at inabot sa kaniya ang pitcher. “Oh.”

“Lagyan mo rin ako, daya naman neto oh.”

“Ano ka sinuswerte?”

Ngumuso siya at kinuha na lang rin ang pitcher.

Napansin ko na lang na nagbubulungan pa ‘tong dalawa sa tabi ko. Bwiset. Sisingit sana ako pero naramdaman ko ang pagsipa ni Desiree sa paa ko, tinignan ko siya at sinenyasan akong pumunta kami sa CR.

Nagpaalam kami at pumasok na nga kami sa CR.

Pinameywangan niya ako. “Ano ‘yon ha Alexandra?”

“Hindi ko rin alam! Wala bang nabanggit sa’yo si Henry kung magkaano-ano si Casimir at ‘yung blonde na ‘yon?”

Umiling siya. “Hindi ‘yon ang ibig kong sabihin Alex. I mean, ano naman ‘yung ginagawa mo kanina ha? Alam kong gusto mo makuha ang atensiyon ni Casimir pero ‘te ‘wag naman po ipahiya si Jhaztine.”

Ako naman ngayon ang nagpameywang at hinarap siya na naka-kunot ang noo. “Sino ba ang kaibigan mo sa’min? Bakit kinakampihan mo siya?”

“God! Alex hindi ko siya kinakampihan. Ang akin lang kung gusto mo magpapansin kay Casimir eh ‘wag mo na ipahiya ‘yung isa. OP na nga sa grupo natin gano’n pa ginawa mo.”

“Wala akong pake kung nao-OP siya, dapat lang sa kaniya ‘yon, inaagaw niya si Casimir sa’kin.” I rolled my eyes.

Desiree gave me that I-cannot-believe-you-look. “Inaagaw? Alex, ano bang alam mo sa kung ano mang relasyon nila? Kilala mo na ba ‘yung tao?”

Umiling ako. “Wala akong balak na kilalanin siya basta ang alam ko, kaagaw ko siya at hindi ako papayag na ganon-ganon na lang.” Humarap ako sa salamin at inayos ang buhok at damit ko. “Gusto ni Casimir na iparamdam ko sa kaniya na mahal ko siya? Pwes, ‘yon ang gagawin ko.”

Bago ko buksan ang pinto ay narinig ko pa ang huling sinabi ni Des. “Mukhang mas nagbago ka ata kaysa sa kaniya.”

Like what? Anong nagbago sa akin? Ipaglalaban ko lang naman kung ano ang dapat ay sa akin ‘di ba? Nag-uumpisa pa nga lang ako, mali na agad?

Pero binalewala ko na lang iyon at bumalik na sa table namin. Kung ano-ano pang pagpapapansin ang ginawa ko kay Casimir para naman ako ang hindi ma-OP sa kanilang dalawa.

“Really? How grumpy is he before?” Jhaztine asked Geoff.

Kumuha bigla si Geoff ng tissue at pinahiran ang ilong. “Tangna. Henry, ikaw naman muna ubos na dugo este English ko.”

Natawa naman kami, siyempre fake lang ang akin.

“You’re funny. Pwede naman kasi mag-tagalog.” Sabi ni Jhaztine.

“Oo nga pare, bakit ba kasi ine-english mo?” sabi naman ni Casimir.

“Eh baka sabihin niya hindi ako marunong eh.” He laughed. Ito talagang si Geoff kahit kailan may sira ang ulo.

“Ehem, Geoff, ehem. Magkamali ka lang, masasapak kita.” Banta ni Belle.

Habang kumakain at napagkakatuwaan si Geoff ay may sinabi si Casimir kay Jhaztine. “He’s somehow a pure Filipino version of Jack.”

Jhaztine laughed. “Ah yeah, that flirt.”

“Hey I’m not a flirt.” Singit ni Geoff.

“Weh?” sabi ni Henry.

“Des oh boyfriend mo inaaway ako. Sapakin mo, ngayon na.”

“Bahala ka sa buhay mo.” Iritableng sagot ni Desiree.

Tinignan ko si Desiree at mukhang hindi pa rin maganda ang timpla niya. Nakita ko ang pagtingin sa kaniya ni Henry, very passionate. Ganiyan ako tignan ni Casimir noon pero ngayon parang ikamamatay niya kung tumingin man siya sa akin.

Gusto ko pa sanang sumingit sa usapan nila Casimir at Jhaztine pero nagdadalawang isip ako sa tuwing makikita ko ang pagbabago ng mood ni Des.

After namin kumain ay gusto ng boys na maglaro ng billiards pero gusto ni Belle at Desiree na mag-shopping at mag-ikot-ikot sa mall.

“Can I join?” Jhaztine asked them.

“Nope.” Mabilis na sagot ni Belle. Well, I can’t blame her, she used to be a mean girl, and it is my nice way of saying bitch okay? Nakita ko naman ang pagsiko sa kaniya ni Desiree. Lumapit si Casimir sa kaniya at may binulong. “Ugh, okay fine.” She rolled her eyes.

Pilit na ngumiti si Jhaztine. “If you really don’t want to, okay lang naman eh.” She smiled. Paano niya nagagawang ngumiti kahit na bini-bitch na siya ng kausap niya? What’s wrong with her?

“Whatever.” Belle flipped her hair at nagsimula na maglakad, sumunod na sa kaniya si Desiree..

Tinapik ni Geoff ang balikat ni Jhaztine. “Pasensiya ka na sa kaniya ah? Pero mabait naman ‘yon ‘pag matagal na kayo nagkakilala.” At umarte siyang para nasusuka after niya sabihin ‘yon. Siraulong ‘to.

“Don’t worry Jhaztine, Desiree is there. She’ll handle you.” Henry assured her.

Tumango si Jhaztine, nginitian siya ni Casimir at ginulo ang buhok niya, at sumunod na sa kanila.

“Oh ikaw Alex, hindi  ka ba sasama sa kanila?” tanong ni Henry.

Umiling ako at ngumisi. Wala akong balak dahil magbabantay lang ako kay Casimir ngayon. Habang bino-bore ko ang sarili kong panuorin sila mag-billiards ay do’n lang tumama sa akin ang pagod at antok. Eh kagagaling nga lang namin sa Summit ‘di ba?

Basta ang alam ko bago ako makatulog sa pagkakaupo ko rito, ang huli kong nakita ay ang mukha ni Casimir na masaya nang maipasok niya ang bola.

Pagkagising ko ay nakahiga na ako sa couch na ito habang nasa ulunan ko ang bag ni Geoff, naging unan ko ito. Ang pagkakatanda ko ay nakaupo ako nang makatulog ako.

Umayos ako ng upo at ipinatong ang bag sa lap ko. Nang tumingin sa akin si Geoff, “Thank you.” I mouthed.

Umiling siya at kumunot ang noo ko. Tumingin siya ng nakangisi kay Casimir na naglalaro at nakikipag-usap kay Henry.

Napangiti na lang ako.

I cannot lose hope… not like this.

***

Kung kaya ko lang ibuhos ang buong summer ko sa pagpasok sa school kahit wala naman akong ginagawa eh ayos lang, ang kaso nauubusan na ako ng dahilan kay Casimir.

Dinadahilan ko na may meeting sa org na sinalihan ko which is not true kasi wala naman ako sinalihang org last sem kaya nang tanungin niya ako kung anong org eh sabi ko na lang secret. Pucha, ang fail ko. Inaantay ko talaga madalas silang dalawa matapos sa mga klase nila kasi stalker ako.

Based on my observation, magkaibigan lang sila… na may something sa isa’t isa. PUNYETA. Sana lang mali ako. Kasi para lang naman silang magkaibigan pero… kilala ko si Casimir, hindi siya basta-basta nakikipagkaibigan. HINDI RIN NAMAN SIYA GANOON KA-DIKIT KAY DESIREE AT BELLE AH!

‘Yung paggulo ng buhok, pagpitik sa noo, pag-akbay, hindi niya ginagawa ‘yon kay Des at Belle noon… sa akin lang! Pero ngayon hindi na… pati na rin kay Jhaztine.

Kagagaling ko lang sa cafeteria para bumili ng softdrinks, dalawa talaga ang binili ko, isa para sa akin at isa kay Casimir, si Jhaztine? Hehe kapos ako sa pera, joke.

Sakto namang nakita kong naglalakad mag-isa si Casimir sa hall.

“Uy.” I greeted with a smile.

“Hey.” He smiled back pero ‘yung ngiting hindi masiyadong masaya.

Nagpalinga-linga ako sa paligid pero, “Na saan si Jhaztine?” Wala naman talaga akong pakialam kung na saan siya, siyempre kunwari lang may paki ako sa karibal ko. Gustong-gusto pa nga na wala siya para solo ko si Casimir ko. Inabot ko sa kaniya ang inumin na dala ko.

“Actually, pupuntahan ko siya ngayon.”

Gusto kong sabihing ‘wag na at kami naman ang magba-bonding. “Bakit?” kumunot ang noo niya. Alex, umayos ka, ‘wag kang magpahalata. “I mean, saan?” napahawak na lang ako sa batok ko.

“Sa auditorium, sama ka?”

Nanlaki ang mata ko at nabuhay ang dugo ko. Ngayon na lang ulit ako inaya sa kung saan ni Casimir, kahit pa ‘yung blonde na ‘yon ang pupuntahan namin, okay na rin ‘yon basta makasama ko si Casimir.

Masaya akong nadadaldal ko si Casimir ngayon. Nakakatuwa pero nakakapanibago rin na hindi siya nagsu-sungit sa akin, alam niyo naman ‘yon kahit naman kami noon masungit pa rin siya. Damuhong ‘to.

Pagkarating namin sa auditorium ay saktong tinawag ang pangalan ni Jhaztine, napag-alaman kong mag-o-audition siya ngayon sa dance troupe. Tss,  magaling ba ‘yan? Tss, parang ‘di naman. Tss.

Bago mag-play ang sasabayan niyang tugtog ay tila may hinahanap siya sa audience seats. Hindi naman ako nabigla na itinaas ni Casimir ang kamay niya at binigyan ng ngiti ang babaeng nasa stage.

Nagsimula nasumayaw si Jhaztine at… oo magaling nga siya. Hindi lang basta magaling… basta ang galing-galing niya.

“She’s good.” I said.

“No. She’s perfect.” Sagot niya na titig na titig kay Jhaztine.

Hindi ako nakasagot. Parang may bumara sa lalamunan ko at parang gusto ko na lang maiyak.

He used to look at me like that.

He used to cheer me like that.

But he never told me that I was perfect.

Nagpaalam ako sa kaniya na kailangan ko pa palang pumunta sa meeting ng org “kuno” namin at tumango naman siya at sinabihan pa akong mag-ingat. Kung hindi ko lang sana narinig na sinabi niyang perfect ang bagong babae sa buhay niya… sana… sana ang saya ko sa pagpapaalala niya sa’king mag-ingat.

Did I really lose you Casimir?

Just as I close the door, tears fell down like hell.

CASIMIR’S POV

Kahit na namamangha ako kay Jhaztine ngayon… hindi pa rin ako makaiwas sa presensiya ni Alex.

I don’t know why she needs to lie. Alam ko namang wala siyang org na sinalihan, hindi ko rin alam kung anong pinapasok niya ngayong summer.

If I only didn’t know better, iisipin kong pumapasok siya para lang makita ako, makasama ako.

Saan kaya siya pupunta ngayon? Bakit umalis siya agad?

Natapos na ang sayaw ni Jhaztine at lumapit na siya sa akin.

“O where’s Alex?” she asked.

“I’m fine, yes, thanks for asking.” Eh kasi naman nagmadali kanina, hindi na ako inintay pumasok mag-isa sa school tapos nagmadali pa umalis after class para mag-practice ng isasayaw niya. Tapos ngayon si Alex pa ang hinanap?

She rolled her eyes. Umupo siya sa tabi ko at hindi naman ako nagulat nang lumapit sa amin ang leader ng dance troupe at sinabing pasok na si Jhaztine. Sa sobrang saya ni Jhaztine ay napaakap siya rito. Nagulat din si Kuyang ‘di ko kilala, tuwang-tuwa naman ang loko, naka-chancing.

Hinila ko ang kamay ni Jhaztine paupo. Umalis na rin naman ‘yung lalaki.

“You should stop hugging someone just because you’re thankful.” I crossed my arms.

“What’s the big deal about that? Do’n ako sanay eh.”

“He’s a guy for pete’s sake!”

She gave me a tired look. “Same issue again, eh?”

“Because you don’t listen to me.”

“Okay, okay, I’ll try.”

Kinuha niya ang softdrinks ko na hindi ko pa naiinom pero inaaw ko. “It’s mine.”

“Grabe, selfish lang?”

Itinago ko na sa bag ko. “Minsan na nga lang niya ako bigyan ng kung ano eh aagawin mo pa?”

Pinalo niya ng malakas ang noo ko. “Seriously, ano ba talagang role ko rito? I really don’t know kung bakit ako andito eh.”

I held her hand. “I’m sorry.”

She smiled. “I know you’re smart and I’ll just trust you.”

“Thank you.”

Inaasar ko lang siya habang naglalakad kami palabas ng campus.

“Baho mo.”

“Kung mabaho ako, ano ka pa?”

“MABANGO!”

Tumawa siya at binatukan ako. “No way!”

“Mabango ako! Amuyin mo pa eh!” Tinaas ko ang kamay ko at nilalapit ko sa mukha niya ang kili-kili ko.

“Fck! Gross!”

“Ang bango-bango ko kaya!”

“Mayaman ka, bumili ka ng kausap.”

Nauna pa siyang naglakad, siyempre hinabol ko siya at inakbayan. Pero habang nag-aasaran kami ay may pamilyar na mukha akong nakita.

Natigil ako sa paglalakad at siyempre ganoon din si Jhaztine.

Damn, she’s still beautiful. I can’t believe na makikita ko ulit siya. Matagal-tagal na rin nung huli kaming nagkita. Ni hindi nga ako nakapag-paalam sa kaniya eh. She still looks the same. Beautiful, smart and elegant.

“Miss Mandy.” I smiled.

“Casimir!” she went near me and we gave each other a friendly hug. “How are you little boy?”

“I’m not a little boy anymore.” I rolled my eyes.

“Ah, still stubborn.” Tumingin siya sa babaeng kasama ko. “Oh girlfriend?”

I just smiled. Sasagot pa sana si Jhaztine pero inunahan ko na siya, madadal ‘to maisyado eh. “So what’s up? Nagtuturo ka pa ba?”

“Of course! Ikaw lang naman ‘tong umalis eh.” Tumawa siya. Anong nakakatawa?

“Eh? So asan naman ‘yung magaling mong boyfriend?”

“Ay nako busy ‘yon.” She crossed her arms.

I laughed. “Busy sa ibang babae?”

Napanganga siya. “Nako, subukan niya lang ‘di matutuloy ang kasal.”

Nanlaki ang mata ko sa tuwa. “What? Ikakasal na kayo?”

“Oo! Omg excited na ‘ko! Ikaw excited ka na ba?”

What? Ganito ba ang mga babae ‘pag ikakasal? Nababaliw? I should ask Mama later.

“Why would I?”

“Siya nga pala bago ko makalimutan,” may kinuha siya sa loob ng bag niya na maliit na envelope at inabot sa akin. “Punta ka ha? Sama mo na rin siya kung gusto mo. And please pakisabihan mo na rin ‘yung mga kaibigan mo, Geoff, Henry, Des, Belle and uhm… Alex?”

I nodded. “Dami mo namang pinapagawa.”

“Siyempre favorite student ata kita!”

Favorite student daw. Tss. Pasalamat ‘tong prof na ‘to crush ko siya dati eh.

Hinatid ko na muna si Jhaztine sa condo niya at umuwi na rin naman ako agad. Pagkauwi ko ay tinext ko na sila Geoff, GM na nga eh para hindi hassle. Reply naman sila agad.

From: Geoff

Shet matatali na ‘yung chicks nating prof :( iyak ka na, ‘di ba crush mo ‘yon?

From: Henry

Kami kaya ni Des, kailan?

From: Desiree

I’M SO EXCITED! OMG!! Ang ganda ni Miss Mandy no’n for sure and ang gwapo ni Sir Luis!

From: Belle

Gee! Need to buy a dress na!

From: Alex

Okay, thanks.

Na-bother ako sa pagkaka-reply ni Alex. Anong problema niya? I just can't resist her. She still have this effect on me. Dammit.  Kaya naman sa lahat ng nag-reply ay siya lang ang ni-reply-an ko rin.

To: Alex

You okay?

From: Alex

Yes! Of course! Uhm, sabay-sabay ba tayo pupunta?

To: Alex

If that’s what you want

From: Alex

I’d love to. Thank you :*

Natigil at napangiti na lang ako sa kiss emoji niya. Kiss pala ha. Ilalapag ko na ang phone ko nang mag-vibrate ulit.

From: Alex

Mali, dapat :) yon hehe. Ok nevermind -_- Goodnight

To: Alex

Goodnight :*

For the first time since I came back here, I had a really good sleep.

 ***

NOTE: 7 chapters to go... :) Natutuwa akong may #TeamJhaztine at  may #TeamAlex hihi.

Dedicated sa handler ni Belle! Next time, kita ulit tayo 'pag may event? Kain ulit tayo together hahaha sana marami na tayo next time :)

PLUG: Dating MR.RANK 1 by Ordinaryong babae.

Seguir leyendo

También te gustarán

98.4K 3.3K 57
Demi, an eye-catcher, hates guys. To stop them, she made an invention, a boyfriend who she thought hasn't existed. Will Demi's invention save her? O...
5.9M 112K 57
[MY EX, MY PROFESSOR BOOK 1] Anong gagawin mo kapag nalaman mo na ang new Math Professor mo ay yung ex-boyfriend mo na matagal mo ng iniiwasan? Anong...
84.4K 5.5K 15
Rocket Grimalde is the not-so-known playboy of Eastern Hills International School. Sa kabila ng reputasyon nito bilang dakilang palikero, the school...
629K 39.4K 59
Eight different students with eight different stories. No one told them that entering Royalonda High will be one of the biggest events of their lives...