Two Hours More

By binibininghannah

2.9M 14.9K 2.1K

Para sa mga bawal pa makipagrelasyon. Para sa mga nakipaglaban sa ngalan ng pag-ibig. Para sa mga pusong mins... More

Two Hours More
Two Hours More - One
Two Hours More - One
Two Hours More - One
Two Hours More - One
Two Hours More - One
Two Hours More - One
Two Hours More - One
Two Hours More - One
Two Hours More - Two
Two Hours More - Two
Two Hours More - Two
Two Hours More - Two
Two Hours More - Three
Two Hours More - Three
Two Hours More - Three
Two Hours More - Three
Two Hours More - Three
Two Hours More - Three
Two Hours More - Three
Thank YOU!
Two Hours More - Four
Two Hours More - Four
Two Hours More - Four
Two Hours More - Four
Two Hours More - Four
Two Hours More - Five
Two Hours More - Five
Two Hours More - Five
Two Hours More - Five
Two Hours More - Five
Two Hours More - Five
Two Hours More - Five
Two Hours More - Five
Two Hours More - Six
Two Hours More - Six
Two Hours More - Six
Two Hours More - Six
Two Hours More -Seven
Two Hours More -Seven
Two Hours More -Seven
Two Hours More -Seven
Mumunting Note
Two Hours More - Eight
Two Hours More - Eight - Day 1 - 6
Two Hours More - Eight - Day 7- 10
Two Hours More - Eight - Day 15-30
Two Hours More - Nine - Day 32 - 53
Two Hours More - Nine - Day 55-60
Two Hours More - Nine
Two Hours More - Ten - Day 61 - 63
Two Hours More - Ten - Day 64-68
Two Hours More - Eleven - Day 71-74
Two Hours More - Eleven - Day 75
Two Hours More - Twelve - Day 76 - 86
Two Hours More - Twelve - Day 90
Hiro's Letter
Two Hours More - Thirteen
Two Hours More - Thirteen
Jam's Letter
Two Hours More - Fourteen - Hiro's Dad
Two Hours More - Fourteen - Hiro's Best friend
Two Hours More - Fourteen - Hiro's Princess
Two Hours More
Marami pong Salamat!
UNTITLED.docx
Icarus
Published book, anyone?
THM Book 2
Facebook, Twitter, Tumblr, Weebly
RED.docx

Two Hours More - Eight - Day 14

32.1K 167 18
By binibininghannah

Jam’s POV

Day 14 Saturday

“Na-rerelax ka ba?”

“Hmm…” sagot ko kasabay ng marahan kong pagtango.

Hinihintay ko na lang na matawag ang pangalan ko at ako na ang magpe-present ng pyesa ko. Sa totoo lang, ‘yon ang ginamit ko kasi paborito namin ‘yon ni Hiro. It’s Pachelbel’s Canon by Johann Pachelbel in C Major. Paborito ko na ito mula bata pa lang ako tapos nalaman ko na lang na paborito n’ya rin pala ‘to.

Mula nang nakarating na kami sa venue ng contest, dinaldal n’ya na ko ng dinaldal sa backstage, siguro para makalimutan ko ‘yong kaba. Kasabay no’n ay minamasahe n’ya ang mga kamay ko. Para daw ma-relax ako. Sobrang effective. Pero ‘yong nandito s’ya, ‘yon talaga ‘yong mismong gamot sa kaba ko.

Hindi ko na namalayan kung ilan na ba ‘yong nakakapag-perform. Basta ang alam ko pang number eight ako.

Kinekwento n’ya lang ako ng kinekwento. Tawa rito, tawa doon. Parang ‘di ko na nga napapansin kung ano-ano bang pyesa ang ginagamit ng mga kalaban ko.

“Ako ang pinakamalakas na taga-palakpak mo don mamaya.”

“Talaga? Thank you… oh!” Nagulat ako habang napapikit kasi hinalikan n’ya ang noo ko.

“Kaya mo ‘yan Princess!” Ngiting-ngiti pa s’ya habang nakaposisyon ang kanan n’yang kamay na parang nagsasabing ‘Fight!’

“Syempre, sabi mo e!” We shared a gentle laughter.

“Ikaw na ‘yong tinatawag.”

“Ha?!” Biglang kumabog ang dibdib ko. Ddi ko man lang namalayan na ako na pala ang kasunod? Ang galing ni Hiro do’n a!

“Galingan mo. Punta na ko do’n.”

Naglakad na ko palayo. Pero naisipan kong tumigil at tingnan ulit s’ya. Kabang-kaba. Ngiting-ngiti. “Para sa’yo ‘to!”

Hiro’s POV

Tamaba ba ‘yong narinig ko? Ginawa n’ya to para sa’kin? Hindi ko naiwasan ang mapangiti. Ang ganda sa pakiramdam.

Habang mabilis akong naglalakad papunta sa seat ng mga audience, ‘di ko mapigilan ang mapangiti habang nag-e-echo ang boses ni Jam sa isip ko. ‘Para sa’yo to!’

Pagdating ko roon ay saktong papunta na si Jam sa grand piano. Bago pa s’ya tulyang magsimula ay para s’yang may hinahanap mula sa audience. Nang nagtagpo ang mga mata namin, nakita ko ang pagngiti ng mga mata at labi n’ya.

“Go Princess!” I whispered in the air. And then I saw her smile again.

The way she was playing with the piano keys was magestic. I’ve never seen her this confident before. And I’m happy for her. My applause was the loudest applause that was ever heard in the venue.

Jam’s POV

“And our Young Pianist of the Year is contestant number…”

Please Lord, para kay Hiro. Please. Para kay Hiro. Please. Para kay Hiro. Please!

“Pianist number 8!”

“YES!” Napatakip ako ng bibig sa sobrang pagkatuwa nang banggitin ang lucky number namin ni Hiro. Nakita ko rin na ang saya-saya ni Hiro nang banggitin ang number ko. Wow, thank You po!

“Hiro tingnan mo o!” S’ya agad ang sumalubong sa’kin sa back stage.

“Galing ng baby ko ah! Congrats!” Kinukurot-kurot n’ya na naman ang pisngi ko.

“Thank you.” At least natupad ko ‘yong promise ko. Hindi pa rin talaga ko makapaniwala.

“Oh, ‘yong deal natin.”

Tuloy pala kami? 8:30 na kasi e. Pero, ayos lang naman siguro, wala naman si Daddy. Naku, takot ko lang na makarma na ko kasi lagi kaming lumalabas kapag wala s’ya, ‘wag naman sana.

“Saan ba?” Pagkatapos kong magbihis ng casual kong damit, diretso na kami palabas ng venue papunta sa parking.

“Sa lugar nga na gustong-gusto mo.” Nagpapahulaan pa kami. Marami akong nabanggit pero laging ‘Hindi’ lang naman ang sagot n’ya.

“Saan nga?” Nasa daan na kami papunta sa lugar na sinasabi n’ya pero hindi ko pa rin talaga nahuhulaan. Imposible namang sa Jayeneych Kiddie Theme Park dahil ayaw n’ya don.

“May isa ka pang hindi nababanggit.”

“Eh, malabo namang sa theme park kasi ayaw mo dun eh. Wala na kong maisip Hiro.” Mahigit kalahating oras ang byahe mula sa venue ng contest papunta sa theme park, kung doon nga kami pupunta. Nakatulog ako saglit sa sasakyan, siguro dahil na rin sa pagod. Ilang gabi din ang ginugol ko ma-perfect lang ‘yong pyesa ko. Busy kasi ako sa OJT kaya sa gabi lang ako may oras mag-practice.

“We’re here.” Nagulat ako dahil hindi ko na namalayan kung nasan na pala kami. Nang nagising kasi ako, kausap ko si Migs sa text dahil kinekwento ko sa kanya ‘yong contest, at syempre para ipaalam sa kanya na may pupuntahan lang kami ni Hiro. Seems like s’ya si Daddy.

“As in here? Di nga? Ikaw ba ‘yan?”

“Ayaw mo?”

“Gusto! Eh ‘di ba ayaw mo---“

“Tara na.” Lumabas na s’ya ng kotse n’ya pagkatapos n’ya kong kurutin para pagbuksan ng pinto. Such a gentle prince.

As we walk  into the theme park, I suddenly felt his left hand holding my right hand. Napatingin tuoy ako sa kanya. “Baka kasi mawala ka Princess e, mahirap na, dami pa namang tao,” bulong n’ya. Pero kahit gano kaingay at katao rito, nagawa ko pa rin s’yang marinig.

“Ano ‘ko, bata?!” Natatawa ako habang itinatanong ‘yon sa kanya.

“Hindi ba?” ‘Yong mapang-asar n’yang tawa, nakakakilig pakinggnan. Hindi nakakaasar. Ang cute.

Pakiramdam ko ayaw ko ng matapos ang gabing ito. Lagi na lang akong ganito pag kasama ko si Hiro. Simula ngayon, paboritong lugar ko na ang theme park na ‘to kahit pa ikalawang beses pa lang namin rito.

“Princess, naghahanap daw ng choir coordinator ang simbahan para sa children’s choir, narinig mo na ba?” Mabuti na lang at meron ritong coffee vending machine. Magandang inumin ito habang namamahinga kami ni Hiro. Pagkatapos kong humigop sa baso ng kape, sumagot ako sa kanya.

“Oo nga daw. Ang cute siguro no’n kung mga bata ang nakanta sa misa.”

“Lalo na kapag kasing ganda mo ang coordinator nila.” Naiilang ako sa tingin ni Hiro habang nakangiti pa. Kinikilig ako.

“Anong kaugnayan ng itsura ko sa pagkanta nila? Magtigil. May nakuha na daw?” Napapatawa tuloy ako sa sinasabi n’ya.

“Sinasabi ko lang naman... Ha? Oo. Sabi ko ikaw na lang ang kunin.”

“Ha?!” Muntik ng lumabas ang kakahigop ko lang na kape mula sa bibig ko. Mabuti na lang at napalunok agad ako. “Anong ako? Nakanta ba ko? Bakit mo ‘yon sinabi?” Napahampas pa ko ng mahina sa braso n’ya.

“Please…” Magkadikit pa ang dalawang palad n’ya at ‘yong mga mata n’ya, parang nagpapa-cute na nakikiusap.

“A-ayoko Hiro, ito naman e. Di naman ako nakanta a.”

“Anong hindi? Remember? no’ng kasal? Don’t tell me limot mo na ‘yon? Nag-meet pa nga tayo dahil do’n.” Malilimutan ko ba naman ‘yon? Kahit kailan, hindi. “Please… Princess, please?”

Napabuntong-hininga ako. May magagawa ba ko?

“Sige… Gusto mo e.”

“YES!” Napahawak s’ya sa pisngi ko. “Thank you!”

“Nung una pagpa-piano ngayon naman…”

“Yep!” Tatango-tango pa s’ya. “Una,” itinaas n’ya pa talaga ang hinliliit n’ya para kunwari’y nagbibilang s’ya, “sayang ang talents mo. Pangalawa,” itinaas naman n’ya ang palasinsingan n’ya, “self-confidence lang kasi ang wala ka. At pangatlo”, sunod naman ay ang hinlalatok n’ya, “bawal ang duwag. Be fearless when it comes to doing what you want. Gusto mo naman talagang tumugtog at kumanta ‘diba? Kaw lang d’yan eh.” Sabagay totoo naman. Gusto ko naman talaga e. Pero una pa lang iniisip ko lang ‘di ko kaya. Nanggigigil pa s’yang kinurot-kurot ang pisngi ko. “Ang cute mo!”

“Hiro, masakit! Ito naman e.” Musika sa tenga ko ang tawa n’ya habang s’ya rin naman ang hahaplos-haplos sa pisngi kong namumula na dahil sa kurot n’ya.

Bawal ang duwag. Tagos ‘yon sa tenga’t, ugat, puso at kasuluksulukan ng utak ko. Bawal ang duwag.

Bawal ang katulad ko.

Time check: 9:46pm

Ginagabi na ata kami ni Hiro. Sa puntong ito, hindi ko s’ya kasama. Pabalik na ko kung san ko s’ya iniwan. Iniwan, kasi nagpupumilit ba namang sasamahan n’ya daw ako papuntang CR?! Baka daw kasi kung sinong makasalubong ko o ano. Kaya ako naman, nagpumilit na maiiwan s’ya don.

“Hiro, hindi mo naman ako kailangang samahan. Nakakahiya kaya.” Nagtatalo na talaga kami kanina dahil sa gusto n’yang mangyari.

“Hindi naman ako pupunta sa tapat ng C.R. as in. Sasamahan lang kita papunta do’n. Didistansya ako, promise. Basta gusto ko tanaw kita.”

“Ayoko nga! Nagpapatawa ka ba?”

“May makakapansin pa ba sa’tin do’n? Hayaan mo na lang ako. Wala namang masama kung sasamahan kita a.”

“Kahit wala pang makapansin, ayoko. Ayoko talaga.”

“E pano kung mapano ka?

“Hello? CR lang naman pupuntahan ko no.”

“Aba, hindi ka na nakakasigurado sa mga taong makakasalubong mo. Kaya sasamahan kita.”

“Hiro ano ba?!”

“Sasamahan kita, tara na.” Hinawakan n’ya na talaga ang kamay ko.

“Ah ah, Hiro, ayoko!” Namumula na ko sa hiya. Nakakainis naman tong lalaking to, sobra naman sa pagbabantay. Mapapano ba ko? Nakakahiya talaga!

“Aray!” Natigil ako sa pag-iiisip sa kasunod na nangyari kanina.

“Ay, miss sorry --- wow.” ‘Yong mukha n’yang maamong nagsosorry kanina, napalitan ng mukhang nakakairita na. “Bakit nag-iisa ka miss?”

“Wala.” Nagsimula akong maglakad palayo sa kanya pero hinarangan n’ya ko.

“O, san ka pupunta?” Natatakot ako dito sa lalaking mukhang manyak na maangas na mayabang na babaerong ‘to. Anong ginagawa ng katulad n’ya sa theme park na ‘to? “Miss, kunin ko na lang number mo, okay lang?” Iniaabot n’ya na sa’kin ang cellphone n’ya habang nakangiti ng hindi ko alam, basta nakakairita. When I was about to take a step, hinarangan n’ya na naman ako. “Miss, sa ganda mong ‘yan, dapat ‘di ka napunta sa ganitong klaseng lugar na mag-isa. Ang naïve mo pa namang tingan, baka kasi mawala ka e.” Bakit no’ng si Hiro ang nagsabi no’ng huling lima n’yang salita, kinilig ako? Bakit sa kanya parang nakakainsulto?

Kanina pa kumakabog ang ‘dibdib ko. Natatakot na talaga ko. Hiro, I’m sorry kung ‘di ako nakinig sa’yo. Nasan ka na ba? Natatakot na ko sa kanya. Naman o, please.

“Ano ba, hayaan mo nga kong makaalis, nakakainis ka na a.” Pinipigilan n’ya na naman kasi akong makalayo.

“May problema ba, brod?” Ang angas ng dating ng boses. Parang hindi s’ya.

“Hiro!”

Pumunta sa gitna namin si Hiro habang inaalalayan naman ako sa pag-atras. Parang pakiramdam ko ligtas na ligtas na ko sa likuran n’ya. Sana naman hindi magkagulo. Sabagay, hindi naman si Hiro ‘yong tipong sasali sa gulo. Salamat naman at dumating s’ya. Sa susunod talaga makikinig na ko sa mga sasabihin n’ya.

“Oh… So may kasama ka pala miss?” Nakatingin s’ya sa’kin at pagkatapos ay ibinaling naman n’ya ang tingin n’ya kay Hiro at nagsalita. “Wala naman brod.” Nakita kong isinuksok n’ya na ang cellphone n’ya sa bulsa n’ya. Nakahinga talaga ko ng maluwag mula nang dumating si Hiro.

“Pwede ka ng umalis.” Ang sungit. Ganyan ‘yong Hiro na kilala ko noon na hindi naman pala talaga ganon no’ng nakasama at nakilala ko na.

 “Okay. Nice meeting you miss.” Nakangiti pa s’yang nakatingin sa’kin, pero sabay simangot nang tiningnan n’ya si Hiro. “And you too, brod.”

Nang umalis na s’ya mas nakahinga ko ng maluwag dahil ang ikinakatakot ko talaga ay baka magkagulo na lang dito kung mag-aangas pa ‘yong lalaking ‘yon. Kaya buti naman at napa-‘okay’ na lang s’ya at lumayo na. Ayoko namang mapagulo pa si Hiro dahil sa’kin.

Pagsasabihan n’ya kaya ko dahil hindi ako nakinig sa kanya? Palagay ko. Si Migs kasi, ganyan lagi kapag may nagagawa akong hindi ayon sa gusto n’ya. Ready na kong masermonan. ‘Sabi ko kasi sa’yo, sasamahan kita eh.’ ‘Ayan kasi, ‘di ka nakinig sa’kin.’ ‘O, anong sabi ko sa’yo? Ayaw mo pa kasing magpasama e.’ ‘Yan ang inaasahan kong maarinig mula sa kanya.

Dahan-dahang humarap sa’kin si Hiro. Napapikit na lang ako habang nakayuko at nang sasabihin ko na ang mga katagang ‘Hiro, sorry”, narinig ko naman s’yang nagsalita.

“Ano namang feeling mo ngayon Princess?” Napatingala ako sa kanya. Nakangiti s’ya, at muka namang hindi galit. Akala ko talaga, magagalit s’ya. Pero ang layo naman ng mga na-imagine kong sasabihin s’ya sa mismong sinabi n’ya talaga?

“Takot? Thank you Hiro. Tsaka sorry.”

“Hindi. Ang tinatanong ko, kung ano namang feeling mo ngayon? Feeling mo ang ganda mo kasi may nagtanong ng number mo?” Tatawa-tawa pa s’ya ng nakakaasar. Ginagantihan siguro ako kasi hindi ako nakinig sa kanya.

“Hiro naman!” Parang mas gusto ko pang marinig na pagsabihan n’ya ko kesa naman ganito. “D’yan ka na nga!” Binunggo ko pa s’ya nang naglakad na ko para kunwari ay iwan s’ya.

“O, Princess, bakit ang pikon mo?” Naririnig ko pa rin ang tawa n’ya.

“Princess.” ‘diretso lang ako sa paglalakad.

“Princess sige, isisigaw ko ‘yong lagi mong sinasabi sa’kin na ‘wag kong sabihin sa’yo!”

“Princess, maha---“

“Ano ba ‘yon?!” Nakakainis naman talaga. Isisigaw n’ya pa talaga. Napalingon pa tuloy ako.

Ngumiti s’ya. ‘Yong nakakaasar na ngiti. Nagsimula s’yang maglakad palapit sa’kin.

“Sei bellissima, Princess…” Sa isang iglap ay hindi na nakakaasar ‘yong ngiti n’ya. Nakakatunaw na.

“Ha? Minumura mo naman ako ngayon? Uwi na tayo Hiro, gabi na.” Hindi ako tumitingin sa kanya. Pero parang familiar ‘yong sinabi n’yang ‘yon. Parang nabasa ko na ata, o narinig sa kung saan.

“Ano?” Napatawa s’ya sa sinabi ko. “Hindi mura ‘yon, ano ka ba.” Hinablot n’ya bigla ang kamay ko at ‘dire-diretsong naglakad.

“Ano ‘yon? Baka kung ano na ‘yon ha.”

“Umuwi na nga tayo, at nae-expose ang ganda ng mahal kong prinsesa.”

“Ang corny mo! Nakakainis ka.”

“Bakit?” Tatawa-tawa pa rin s’ya. “Basta, Itallian word ‘yon Princess. Learn about it at your own risk ha. Ikaw rin.”

Ano naman kayang salita kaya ‘yon? Kinabahan tuloy ako bigla baka kung ano na ‘yon.

Time check: 10:16pm

Kakarating lang namin ni Hiro sa tapat ng bahay. Tahimik na sa buong subdivision. Ngayon lang kami ginabi ng uwi mula noon hanggang ngayon, pero ayos lang naman siguro ‘yon. Ito ‘yong pinakamalungkot na part kapag magkasama kami, ‘yong maghihiwalay na kami.

“Ahh, Hiro… For you.” Iniaabot ko sa kanya ‘yong trophy sa pagkapanalo ko kanina. Hindi ko pa niri-ring ‘yong doorbell kaya hindi pa alam ni Nay Mira, ang kasamabahay namin na parang lola ko na rin, na nandito na ‘ko.

“Baby, sa’yo ‘yan.”

“Sa’yo ‘to.”

“The fact na sumali ka rito on your own, and do’n sa sinabi mo kanina bago ka umakyat ka ng stage, those were enough, okay? You don’t have to give me that. That’s yours.”

“E, gusto ko sa’yo. Sige na, sa’yo to e.”

“Baby…”

“Please.”

Napakamot s’ya sa ulo. “May magagawa ba ko?”

“Wala.” Pagkatapos no’n ay sabay nalang kaming tumawa.

Mabuti naman at napilit ko s’ya. Para sa kanya naman talaga to e.

“Huy, ano ba ‘yong sinabi mo kanina?”

“Alamin mo, basta.” Ngingiti-ngiti na naman s’ya.

“Parang ayoko tuloy. Hmm. Pasok na ‘ko. Hiro, thank you talaga.”

“No, thank you.” Sabi n’ya habang pinapakita sa’kin ‘yong trophy. Tumango lang ako. “And congratulations again, Young Pianist.” He then took a step closer to me and then kissed me on my forehead, just like he always does. And just like I always do, I closed my eyes. “Goodnight princess. I love you.”

“Goodnight.” Hindi ako makatingin ng ‘diretso sa mga mata n’ya. Hindi ko alam ang isasagot ko sa huling sinabi n’ya.

Ni-ring ko na ang doorbell. Pero nagulat ako nang isang nakasimangot na Migs ang lumabas para pagbuksan ako at hindi si Nay Mira. Siguro pinatulog na n’ya at sinabing s’ya na lang ang maghihintay sa’kin. Baka pagod lang.

Pumasok na ko ng gate at naglakad na palapit sa kotse n’ya si Hiro. Pero ilang saglit pa ay nilingon ko ulit s’ya.

“Hiro…”

“Yes?” Three seconds after that, tsaka lang ako nakapagsalita.

“P-please let me know… K-kung nakauwi ka na.” Bakit ako kabang-kaba habang nauutal sa sinasabi ko ‘to? Nakita ko s’yang ngumiti.

“Yes, baby.”

Time check: 10:21pm

“Wow, Jam, kayo na ba? Parang kayo na a.” What’s with Migs’ tone tonight? Parang hindi maganda ‘to. Nakakamamoy ako ng away. Kasi naman, ginabi talaga ko ng uwi, lagot ako kay Daddy Migs, sigurado akong papagalitan ako nito.

“As if naman pwede Migs? Migs, sorry pala kung ginabi ako.”

“Ayos a, e bakit sabi mo ipaalam sa’yo kapag nakauwi na s’ya?” Namula ata ako dahil do’n. Mali ba ‘yong ginawa ko? Nakakahiya naman.

“E-e kasi, kaya lang naman kami magkasama kasi pinanood ko s’ya no’ng contest kanina, so, ‘di ba, ano mang mangyari sa kanya, kasalanan ko? So, ‘yon. Tama lang naman na alamin ko ‘diba?”

“Pero hindi ka n’ya girlfriend.” Masakit ‘yon. Galit nga s’ya, alam n’yang masakit ‘yon kung maririnig ko pero sinabi pa rin n’ya.

“Alam ko Migs, sobra ka naman, hindi mo kailangang ipagduldulan.”

“Ang point ko lang dito, ‘wag kang umasta. Medyo nakakahiya.” Ano bang problema nito? Akala ko papagalitan n’ya ko kasi late na kong umuwi pero iba naman ‘tong sinasabi n’ya sa’kin ngayon.

“Migs, kahit namang sinong naghahatid sa’kin na friend dito from an activity sa church o school o kahit ano pa, sinasabi ko ‘yon e. Sa’yo din. Di ba? Anong kaso do’n? Hindi ako umaasta.” Masakit marinig ‘yon, sa totoo lang. Alam ko naman ‘yon e. Pero, masakit talaga.

“Iba si Hiro.”

“E-e ganun din ‘yon, hinatid n’ya pa rin ako --- teka lang bakit ba ang init ng dugo mo?”

“Jam, aren’t you aware kung anong oras na ngayon? 10:23 na, ano ka? Uwi pa ba ‘yan ng matinong babae?!”

Napalunok ako ng laway sa sinabi n’ya. Sa puntong to, may kasalanan nga ako. Pero, minsan lang naman ‘to. Mula nang nakarating kami kanina sa theme park, I have to admit that I really lost sense of time. Napansin ko na lang talaga ‘yong oras pagkagaling ko sa CR. Alam ko, may kasalanan talaga ko.

“Ano, speechless?”

“Sorry na.” Pero kung ‘yong oras lang naman pala kasi ng uwi ko ang ikinagagalit n’ya, bakit parang sobra-sobra naman ang pagkakainit ng dugo n’ya? “Kung pagod ka, o may problema ka kaya mainit ang ulo mo, ‘wag mo naman akong idamay, please.”

“Ikaw ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito, panong ‘di ka madadamay? Nasosobrahan ka na Jam ha. ‘Wag mong sabihing gusto mong ipaalam ko kay Papa ‘yang ginagawa mo?”

“Migs, ngayon lang naman kami nakauwi ng ganito a. Maaga kaming umuuwi noon, alam mo ‘yan. Nagkataon lang na 8:30 na natapos ‘yong contest, tapos…”

“Tapos lumabas pa kayo, e gabing-gabi na nga. Oy, Jam, sobra na ‘yan.”

“Eh bakit ka ba nagagalit?” Napaiyak na tuloy ako sa magkahalong inis at guilt at takot kapag nalaman to ni Daddy. Oo, alam ni Dad na lumalabas kami, pero ‘yong ganitong gabi na, lagot ako. Naman kasi, kasalanan ko ‘to. Alam ko naman ‘yon. Alam ko ‘yon. Pero… Pero gusto ko s’yang makasama.

“Ayan, dadaanin mo na naman ako sa iyak mo. Isipin mo nga, pano kung napano ka, ha? Tsaka, nakalimutan mo bang wala si Papa? Oh well, imposibleng limot ‘yon dahil kaya nga kayo magkasama dahil wala si Papa eh. O siguro ang nakalimutan mo ay kapag wala si Papa, ako ang bahala sa’yo. Alam mo ‘yan ‘diba? Ano man ang mangyari sa’yo, kasalanan ko. ‘di bali kung ako kasama mo kanina, kahit abutin ka pa ng madaling araw. Pero Jam, ibang tao ‘yon. Naiintindihan mo ba ‘yong point ko?” Pero sobra talaga ‘yang inaakto ni Migs.

Naalala ko pa, ginabi na rin ako ng uwi minsan mula sa party dahil birthday ni Reema. 10:40 na siguro ng gabi nang nakauwi ako, at si Reema at kuya n’ya ang naghatid sa’kin. Wala rin si Daddy no’n. Si Migs rin ang sumalubong sa’kin pagkauwi ko. Pero hindi s’ya ganyan, sinabihan n’ya lang ako na sana pinilit ko pa ring umuwi ng maaga.

“Jam, stop crying. Ano ka ba?”

Hindi ko kasi mapigilan. Dagdag pa tong naiisip ko na nakakahiya pala ko kasi sinabi ko ‘yon kay Hiro. Tapos itong contest, sinabi ko pang para sa kanya. Pero hindi naman ako umaasta. Nahihiya tuloy ako sa sarili ko, pati sa kanya. Baka tinatawanan n’ya na pala ko dahil sa mga sinabi ko sa kanya. Nakakainis, ano ba tong naiisip ko, e hindi naman ganon si Hiro?

“Jam. Jam, ano ba?”

“Ikaw kasi, pinapaiyak mo ko! Sorry na kasi.” Iniwan ko na s’ya sa salas at pumunta na sa kwarto ko. Baka san pa umabot tong maliit na away na to. Tsaka ayokong masira ang napakagandang araw ko kaya hindi ko didibdibin tong nangyari sa’min ni Migs. Pati itong pangit na pakiramdam ng pagkahiya kay Hiro.

Time check: 10:42pm

“Reema, kasi, hindi ba nakakahiya kung ‘yon ‘yong sinabi ko sa kanya sa contest? Tapos ito pang nasabi ko bago s’ya umalis. Ano, Aira? Nakakahiya ba ko?” Emergency ito kaya napa-conference call pa tuloy kaming tatlo.

Si Reema ang unang sumagot. “Girl, ano ba? Kung ako si Hiro, kilig na kilig na ko no, anong nakakahiya do’n?”

“Pero, hindi naman n’ya ko girlfriend, sabi nga ni Migs.”

“Ano namang problema do’n e, halos ganon na rin naman kayo, kulang na lang ay ‘yong sagot mo. Ayos lang ‘yan. Kung ‘umaasta’ ka man, aba, e tuwang-tuwa pa ‘yong si Hiro no!”

“Selos lang ‘yang si Migs!” Nagkasabay pa ang dalawa sa pagsabi no’n at sabay pang tumawa.

“Mga luka-luka, hindi no!”

“E bakit s’ya nagkakaganyan? Hinatid ka namin noon no’ng ginabi ka galing sa’min pero hindi naman kayo nag-away ng ganyan.”

“Naalala ko nga din ‘yan Reema.”

“Wag mong pansinin ‘yang si Migs, papansin ‘yan. Ayaw ka pa kasing ligawan.”

“Aira naman eh, hindi nga ‘yon ganon no. Baka pagod.”

“Pagod sa kakapanood ng love story nyo ni Hiro, tapos s’ya dakilang best friend?”

“Aira, nakakainis ka! Hindi nga ganon ‘yon. Binibigyan n’ya pa nga ko ng advice noon eh, tapos sinasabi n’ya pang tutulungan n’ya kong magpaalam kay Daddy, hindi ‘yon.”

“Bahala ka girl kung ‘yan ang gusto mong paniwalaan.” Sabay tawa na naman ang dalawa pagkatapos sabihin ‘yon ng may tono ng pang-aasar.

Matapos ang ilang minuto pa ng kulitan ay tinapos na rin namin ang usapan. Hindi ko alam, bahala ‘yang si Migs, basta, masaya ako ngayong araw na to. Di ko sisirain ang mood ko.

Time check: 11:02pm

Pumunta ako sa study room ni Daddy. Ang alam ko kasi may “How to Speak Itallian Fluently” na libro s’ya. Kaya siguro medyo familiar ‘yong sinabi sa’kin ni Hiro dahil bata pa lang ako, nandito pa noon si Mommy, lagi namin ‘yong binabasa. At kung tama ang naaalala ko, binabanggit din ‘yon noon ni Daddy kay Mommy. Nalimutan ko na lang talaga ‘yong meaning. Tama! Kaya pala familiar no’ng sinabi ‘yon ni Hiro.

Maya-maya pa ay nadampot na ng kamay ko ang librong kanina ko pa hinahanap. “How to Speak Itallian Fluently”, ang nakasaad sa cover ng libro, sabi ko na nga ba meron si Dad nito e.

“Sei bellissima, sei bellissima, sei bellissima, nasaan na? Di ko makita,” bulong ng isip ko. Patuloy na ini-scan ng mga mata at hintuturo ko ang bawat sample phrases na nasa libro. Nandito ‘yon, sigurado ako.

“Ito!” Hindi ko pa napigilang makapagsalita ng mag-isa nang nakita ko na ang hinahanap ko.

Walang anu-ano ay gumuhit na lamang ang ngiti sa labi ko. Isang napakalaking ngiti. Mayroong kung anong pakiramdam sa dibdib ko nang nalaman ko na kung anong ibig sabihin ng sinabi sa’kin kanina ni Hiro.

Bitbit ko ang libro nang bumalik ako sa kwarto ko, habang nakapinta pa rin sa mukha ko ang itsura ng isang kinikilig na dalaga.

Mahaba pero masaya ang naging takbo ng araw na ito. After reading the Bible and talking to God about this day, maybe it’s time to call this a night. With a smile on my face, I closed my eyes and put myself to sleep…

Sei bellissima, pronounced as say behl-LEE-see-mah, is an Itallian expression which literally means “You are extremely beautiful.”

 

 

[a/n] Isa talaga sa mga iniwasan ko noon sa pagsusulat nito ay yung magbanggit ng kahit anong associated sa internet. Talaga. Kung tutuusin pwede namang ginoogle nya na lang sana diba? Haha. Kaso ayoko talagang magbanggit ng internet thingy. Yun lang. :D

Listen to Jam's piano piece. ---> Paborito kong pyesa yan. :))

Sei bellissima readers. :)) Thank you talaga sa pagbabasa kahit nakakasawa na ang takbo ng kwentong to. Haha. God bless you po.

Continue Reading

You'll Also Like

Limerence By Aira

Teen Fiction

3.4M 48.4K 45
"According to urbandictionary, limerence is an infatuation or crush that lasts at a much longer time span. A crush is for a short duration of time, w...
28.3K 557 41
"Hindi ako kailan mai-in love sa isang lalaki hanggat buhay pa ako," ang malakas na anunsyo ni Sunmi gamit ang megaphone sa buong paaralan. Ok? Sabih...
35.5K 801 10
Being an ex-nun turned romance novel writer, Lanlan became so much attached with the attitude of her characters. May pagka-childish but cute in her o...
220K 5.3K 40
What if main-love ka sa best friend mo at alam mo na dahil sa nararamdaman mo maari itong makasira ng friendship niyo? Ganito ang nangyayari kay Audr...