Fake Boyfriend

By summer_1956

13.8K 657 79

Elizabeth Santos life changed when Leigh Evans asked her to be his fake girlfriend. But what he didn't know... More

Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three
Chapter Twenty Four
Chapter Twenty Five
Chapter Twenty Six
Chapter Twenty Seven
Chapter Twenty Eight
Chapter Twenty Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty One
Chapter Thirty Two
Chapter Thirty Three
Chapter Thirty Four
Chapter Thirty Five
Chapter Thirty Six
Chapter Thirty Seven
Chapter Thirty Eight
Chapter Thirty Nine
Chapter Forty
Chapter Forty [Part 2]
Author's Note
SEASON 2

Chapter Thirteen

296 17 0
By summer_1956

Elizabeth's POV:

Minulat ko ang mga mata ko at may nakita akong isang multo! Kaya nahulog ako sa sofa.

"Kyaahh!" sigaw ko. Tinanggal niya ang mask... Mask lang pala yun? May baby!

Bakit may baby dito? Sino toh? Anyare? Nasaan ako?

"S-Sino siya?" turo ko sa baby.

"Oh Sorry!" paumanhin ni Ate Zelda at kinuha yung baby.

"Nixon! Don't ever surprise Tita Elizabeth!" suway sa kaniya ni Ate Zelda.

"Sorry Mommy!"  Mommy?!

"Sorry Tita Wizabeth!" Tita Wizabeth?!

"Nix! Say sorry to tita" utos ni Leigh kay Nix ba yun?

"Sorry tita Wizabeth... Who ware you?"

"She's your tito Leigh's girlfriend. So behave yourself Nixon, okay?"

"Okay mommy!" Bumaba na ang baby mula sa pag ka-karga ng mommy niya.

Lumapit si Nix sa kin at sinenyasan ako na parang umupo para pumantay sa kaniya. Kaya sinunod ko naman. Pag upo ko ay bigla niya akong kiniss sa cheeks.


"I'm shorey tita Wizabeth" pag papa cute niya. Cute!

"It's okay baby Nix" ngumiti lang siya at agad namang umalis paakyat. Naiwan nalang kaming tatlo dito sa baba.

Tumayo na ako ng maayos. At ngumiti ng bahagya.

"Oo nga pala! Asan ako?" Tanong ko sa kanila.

"You're in my house Elizabeth" sagot ni Ate Zelda.

"Bakit naman?"

"Tuturuan kang mag suot ng heels at lumakad ng maayos" sagot ni Leigh.

"Para saan?"

"Para sa Intrams! Para di mag mukhang tanga ang girlfriend ko!"

"Don't shout in front of your girlfriend!" Sigaw sa kaniya ni Ate Zelda.

Kung alam mo lang Ate Zelda na hindi kami sa totoo. Hayst!

"Anyway, anyhow..." saad ni Ate Zelda "Let's start?" 

Taka ko silang tinignan. "Start... what??"

"Di mo sinabi?" tanong ni Ate Zelda kay Leigh. Sinabi ang alin?

Napahampas ng noo si Leigh.

"Hayaan mo na nga... Elizabeth, tara?" 

"Tara saan?" 

"Sa taas" 

Hinatak niya ako pataas at iniwan si Leigh sa baba. Pumasok kami sa isa sa mga kwarto dito. May mga posters ng mga model. May tatlong pasukan, ang dalawa may pintuan ang isa wala.

Malawak ang kwarto. Sa dulo may piano, tapos may queen size bed, may chandelier, may couch, may flat screen tv. Pfft! Flat!

Tapos may veranda na may set ng pang tea. May round table na babasagin at upuan na white. Color ng room ay white na may light green color.

Pumasok kami sa isang room. At ayun ay walk in closet niya. Madaming damit at sapatos. 

*GULP*

I think, alam ko na ang gagawin namin dito. Kumuha siya ng may mahabang takong. Ay naku! 

Lumabas na kami dun. Pinasuot niya sa kin ang 5 inch na takong.

Nang masuot ko na ay tumayo ako at nilagyan ni Ate Zelda ang ulo ko ng isang libro. Saan yun galing?

"Straight your head. Don't ever make it move" Ginawa ko ang sinabi niya kahit labag sa kalooban ko.

"Okay, now walk calmy" lumakad ako ng dahan dahan. Malapit na rin ako ma fall. Mahirap yun! Masakit ma fall! "Balance Elizabeth"

Argh!

"Very good, and now turn" umikot ako ng dahan dahan. Lumapit ako sa kaniya at tinanggal ang libro. "Excellent Elizabeth"

Ngumiti ako ng bahagya sa kaniya at nilagyan niya ng dalawang libro ang ulo ko.

"Okay next" nag pout ako sa kaniya.

"That's okay Elizabeth. Pag tapos neto, kain tayo ng madami!" Nabuhayan ako bigla! AAHH! Food!

"Your hands should be on your side, open with your palms turned in towards your thighs. Make sure you slightly swing your arms naturally as you walk. Lift from the rib cage, relax your shoulders and keep your chin up" 

"The evening gown walk should be slower and more confident. Always walk with one foot placed directly in front of the other"

What the?! Hindi naman ako mag susuot ng evening gown dun eh!

"Practice your walk every day. By the time the competition arrives your pageant walk should be second nature to you."

"When you walk during the pageant, all your concentration should be on the judges. Make sure that once you have entered the stage you make immediate eye contact with them. It is acceptable to glance around the room at the audience from time to time. But once you have started your individual competition, you should focus only on the judges."

"Smile. Look like you are having a good time. Nobody wants to watch a contestant that appears miserable. Try to think of a funny story or something that makes you happy. Your joy will show in the competition."

"Eh? Umm..." Di ko alam ang sasabihin ko. Ginawa ko nalang lahat, lumakad ako ng lima na ang libro sa ulo ko at masakit na ang paa ko.  

Umupo ako sa sahig dahil sa sobrang pagod. 

"You learn pretty fast Elizabeth" pumunta siya sa isang room na walang pintuan. Sumunod ako sa kaniya at kitchen pala yun. May table sa gitna at apat na upuan. Kumuha si Ate Zelda ng juice at cookies. Umupo kami at kumain. Hayst!

Habang kumakain ay tinignan ko ang oras at 11:00 pm na! Gosh! My sisters gonna kill me!

"Ate Zelda! I really had a great time with you but..." Tumayo na ako at tinanggal ang sapatos. Kinuha ko ang mga gamit ko at sinuot na ang sapatos ko.

"… But I have to go!" Tinatawag tawag ako ni Ate Zelda pero nag mamadali akong bumaba. Nadaanan ko rin si Leigh, tinatawag niya ako pero hindi ko na siya pinansin. Malapit na nga akong madulas sa hagdan eh. Tinatawagan ko si Ate Joy sa phone ko. Naka 5 missed calls na nga ako eh. Pero nung tumawag ako ulit ay sinagot na niya.

[[WHAT?!]] Inis na bungad niya sa kin. Hala! Galit na!

"I'm coming home na kaya don't be mad"

[[What? Kala ko ba diyan ka matutulog?]] and that made me stop...

"What?"

[[Nag paalam na si Leigh sa kin hanggang bukas lang dw]]

Pinatay ko na agad ang tawag at tumingin sa kanilang dalawa. Nasa likod ko silang dalawa at nag pipigil ng tawa.

"Ayaw mo kasing tumigil Elizabeth eh" 

"We were about to tell you but you ran away"

Ano ba yan?! Nag pout nalang ako at lumakad palapit sa kanila.

"Pano yung susuotin kong damit? Aber?" mataray kong tanong kay Leigh.

"Ate Zelda has a lot of clothes for you to wear... Ms. Future-Evans" sabay kindat nya sa 'kin, aba't! Grrr! Gigil mo ako ah?

"Tsk!"

"Sige na love birds. Let's go to sleep na kasi maaga pa kayo bukas" 

"Tara na baby, I'll lead you to your room" anyaya sa kin ni Leigh.

"No Leigh! Elizabeth is going to sleep in my room! Baka may gawin ka pa sa kaniya eh" natawa nalang kami ni Ate Zelda.

Baka bago pa ako mahawakan nan nakahandusay na yan HAHAHA!

"Sa guest room ko naman kasi siya papatulugin eh tsk" 

Umalis na ang mokong at na iwan na kami ni Ate Zelda. "Tara na?" 

Tumango nalang ako. Nag palit ako ng damit na pajamas. Ang cute! And tumabi ako kay Ate Zelda.

"Thank you Ellie ah"

"Bakit naman po?" Taka kong tanong sa kaniya. Wala naman kasi siyang dapat ipasalamat sa akin eh.

"For accepting Leigh for who he truly is" naka ngiti nitong saad.

Hayst! Hindi ko siya tanggap ate! Hinding hindi ko siya matatanggap! Sa ugali niyang iyan? Naku!











It's already morning and I woke up because of Ate Zelda's alarm clock. 

Nag mumog, hilamos at nag tooth brush ako, spare toothbrush of Ate Zelda. 

Lumabas ako ng c.r at may nilabas si Ate Zelda na damit. Black off shoulder with a little flower pattern and a white skirt. Tapos meron din siyang nilabas na 3 inch heels. Naku!

"This will train you" ngiting ngiti na sabi ni Ate Zelda. Binigyan niya na ako ng bath robe at pumasok na ako sa c.r..

Ang lawak ng c.r ni Ate Zelda. May bath tub, all white, malinis lahat. Naligo na ako at lumabas. Pag labas ko wala si Ate Zelda. Kaya nag bihis na ako.

"Is that you Elizabeth?" Si Ate Zelda, nasa kitchen. 

"OPO!" sagot ko sa kaniya.

"You can use my things there!"

"Sige po! Thank you!" di na siya sumagot. Di ko na inistorbo at nag blow dryer ako at nag make up. Light make up lang naman. Like pulbo at lip balm.

Tinignan ko ang oras at 6 am na. 4 o clock ako na gising kanina dahil nga sa alarm ni Ate Zelda.

Lumakad lang ako ng dahan dahan baka kasi madapa ako, mahirap na. 

"Ate kain lang po ako sa baba" 

"Sabay na tayo" 

Bumaba na kami ni Ate Zelda at dumeretso sa dining area. Andun na rin si Leigh. Naka shirt at jeans lang siya, simple but augh! Pogi!

Ay naku! Erase! Erase!

Tumingin siya sa amin at titig na titig sa kin.

"Oh? Gandang ganda ka nanaman sa akin" pagkasabi ko nun ay nag iwas ito ng tingin.

Kumain nalang kami ng tahimik. Umalis na kami ng sabay ni Leigh.

Pag dating namin sa school. Pinag buksan niya ako ng pintuan. Oh? Anong nakain neto?

"May lagnat ka ba?"

Hinawakan ko yung noo niya pero wala naman siyang lagnat. Anong meron?

"Tsk! Tara na nga!"

Sinarado na niya ang pintuan at hinawakan ang kamay ko. Nag holding hands kami while walking. Andun si Mary Anne, nakatingin sa min. Pero umiwas naman siya agad. 

Hayst!

Magselos ka Mary Anne ah?! Magselos kang bwiset ka! Nasangkot pa ako sa love life niyo!











Break time na kaya pumunta na kami ni Leigh sa picnic area. Kumain lang kami dun, absent si Karl, si Angel naman, naki sabay nalang kina Josh.

Nag dala siya ng kanin at fried chicken. Para sa dessert ay buko salad! Yummy!

Sinubuan niya ako at sinubuan ko rin siya.

"Is Mary Anne here?" tanong ko sa kaniya.

"Nope!" susubuan ko sana siya pero hindi ko na tinuloy.

"Bat pa natin toh ginagawa?"

"So that rumors will spread and Mary Anne would know" ngumiti siya at sinubuan ako. Oo nga noh? Talino!

"Bakit ka nga pala nasa Paradise Club nun?" Bigla ko kasing naalala na siya pala yung naging vocal namin nung Halloween.

"May nakita kasi akong sign earlier that day. And I want to let out some steam"

Hindi na ako nagsalita pagkatapos nun. Though I want to ask him na para saan ang pag let out niya ng steam. But I have to restrain myself 'cause it's none of my fvcking business!

Ang tahimik naming dalawa, walang imikan.

"Saan lumiliko ang mga spaceship?" basag niya sa katahimikan.

"Saan?"

"Saturn!" at bigla siyang tumawa.

"Eh? Tatawa ba dapat ako?" tumigil siya bigla sa pag tawa niya.
"Sungit! Eto, tatawa ka talaga dito!" tinaasan ko lang siya ng isang kilay.

He cleared his throat "Anong sabi ng baga mo kapag pinag-aantay ka?"

"Ano?"

"Wait Lungs! HAHAHA" Eh? Nakataas pa rin ang isa kong kilay.

"Joke ba yun? Korni mo!" sumimangot naman siya.

Now it's my turn "Dear Leigh" panimula ko.

"HM?"

"I couldn't help but notice that 'AWESOME' ends with 'ME' and 'UGLY' starts with 'U'! BAM WHAT?!" ngumiti ako sa harap niya and laughed at my own fact.

Naka simangot pa rin siya. Hinawakan ko ang mag kabilang pisngi niya.

"Wag na simangot baby Leigh!"

Argh!

Please end this fvcking day! I want to puke!

Pero tumigil ang fake harutan namin ni Leigh nang dumating ang dalawang epal. Mas epal pa kay Leigh.

"Well well well... Look who's here Eden" panimula ni Perla soap.

"Yeah! It's Elizabeth the flirt and my husband Leigh!" Husband?! Such a feeler!

"Husband?!" Inis na sigaw ni Leigh. Tumayo pa siya at sasapakin na sana si Eden pero pinigilan ko siya. Tumayo na rin ako.

"Husband? Kung gusto mo ng asawa, wag ang asawa ko. Mag hanap ka sa impyerno, madami dun, asawahin mo pa lahat... Wag ka na rin bumalik, bagay ka dun eh" nag smirk ako sa kaniya, mag sasalita pa sana siya ng sumingit si Perla Soap.

"Look who talked Eden"

"Yeah! Look who talked!"

"Again, it's me, Elizabeth Santos soon to be Evans" nabigla sila sa sinabi ko. So? Shocking much?

"How dare you--" sasampalin niya sana ako nang inunahan ko na siya.

"She slapped me!"

"She slapped you!"

Sabay nilang sabi. As in sabay sabay.

Bigla namang nag kumpulan ang mga tao dito.

"Tandaan niyo ito Perla Soap and Eden Cheese... Ang MAKATI lugar yan, wag niyong ugaliin!"

"Parang ikaw hindi ah?" sagot naman ni Eden.

Napa irap nalang ako sa hangin.

"Sino ba nilalandi ko?"

"Si Leigh!" sagot ni Perla.

"Bakit ikaw? Sino nilalandi mo? Diba kahit sino naman? Sabagay, walang pangit na lalake sa malalanding babaeng katulad niyo"

Napanganga silang dalawa dahil sa sinabi ko. And hey! May pahabol pa ako!

"FYI, it's not landi, it's called love. Which you will never know 'cause you're maharot!"

Sasampalin niya sana ako pero pinigilan siya ni Leigh.

"Don't ever lay a hand on her!" nabigla silang lahat sa sinabi ni Leigh. Pati ako, nabigla rin.

Hinawakan niya ang kamay ko at hinatak palayo sa kanila.

Nang makalayo kami ay tumigil na kami. I'm still shocked!

"El!" Sigaw niya kaya nakabalik ako sa realidad.

"H-Huh?"

"Wala! Sabi ko tara na!" hinatak niya ako ulit paalis papunta sa room. Nung nasa tapat na kami ng pintuan, tumigil siya.

"You were cool out there" binitawan niya ako at pumasok na siya sa room.

Napangiti nalang ako dahil sa sinabi niya.

Tsk! Abnormal!













Nag practice na kami ni Ate Zelda, nakukuha ko naman, ngayon, heels with gown. It worked out perfectly.

Para naman sa talent portion, nag suggest si Leigh na kumanta nalang kami.

Natutulog na kami ni Ate Zelda, mag katabi kami sa higaan. I was about to sleep when my phone rang. I thought it was Karl, but, no.

From: Leighbag

Are you sleeping already?

Napataas nalang ako ng isang kilay.

To: Leighbag

Missing me already?

Wala pang isang minuto ay nag text na siya.

From: Leighbag

Yes, I Miss You

WHAT THE?! Si Leigh ba talaga toh?

Kadiri amp! Laka din ng apog niya eh.













Maaga akong nagising ngayon. Nag bihis ako agad ng damit. I'm so nervous. Today is the, the day of the day.

Bumaba na ako sa hagdan at nakita ko si Leigh na kumakain na. Si Ate Zelda na ang nag ayos ng mga damit at sapatos na susuotin ko mamaya. Siya na rin dw ang mag ma-make up sa akin.

Kumakain kami ngayon ni Leigh. Parang may gustong sabihin si Leigh pero bigla nalang tumunog ang phone ko.

"Hello?"

[[Bes! Kamusta kana kina Leigh?]]

"Okay lang?"

[[Bakit may question mark?]]

"Kasi di ko alam"

[[Hmp! So? Happy with him?]]

"Wooosshhh!!"

[[Bakit?... Sige, maya na ulit, nag lalakad ako ngayon eh]]

"I Love you"

[[Ewww!]]

Hihihi! Nakakatawa talaga si Angel.

Susubo na sana ulit ako nang hinampas ni Leigh ang kutsara at tinidor niya sa lamesa.

"ANO BA?!" sigaw ko sa kaniya.

"Tapos na akong kumain" tumayo siya at umalis.

Ano bang problema nun?? Di ko na siya sinunod. Lalakad nalang ako mamaya papuntang school. Baka may topak pa eh. Baka may topak yun nung nag send siya nung 'yes, I miss you'.

Tsk!

Nang matapos na akong kumain ay umalis na ako agad ng bahay, "alis na po ako ate Zelda"

Nag beso beso kami bago tuluyang umalis. Paglabas ko ng bahay, andun si Leigh nag hihintay sa labas.

Naka kunot ang noo niya "ang tagal mo!"

Nilagpasan ko lang siya, tuloy tuloy lang ako sa pag lalakad ko. Nag earphones nalang ako. Pinakikinggan ko ang music na kakantahin namin mamaya ni Leigh.

"Paano na ang--" napatagil ako sa pag kanta ko dahil may tumigil na bike sa harap ko. Guess who? It's Leigh the sadist, naka kunot ang noo niyang nakatingin sa akin.

Tinaasan ko siya ng isang kilay. Tinaasan niya rin ako ng isang kilay na abot langit, sobra pa sa bakla!

"blah blah blah" huh? anong pinag sasabi neto?

"Ano ba pinag sasabi mo dyan?"

Lumapit siya sakin at tinanggal ang earphones.

"Rinig mo na ako?"

Tumango lang ako sa kaniya. "Kanina ko pa sinisigaw ang pangalan mo!"

"Malay ko ba!"

Nag patuloy na ako sa pag lalakad ko. Sunod ng sunod naman etong si Leigh.

"Ano ba!" sigaw ko kaniya.

"Hindi ka sasakay??" actually, gusto ko talagang lumakad. Tumataba na ako eh.

"Hindi!" sigaw ko ulit sa kaniya, nag patuloy na ako sa pag lalakad ko.

"Kahit lumakad ka pa! Mataba ka pa rin!" dahil dun, kaya ako napatigil sa pag lalakad ko.

"Hindi kaya!"

"Sus!" bumaba siya sa bike at nakisabay sa kin sa pag lalakad.

Ang bagal naming lumakad. Nakakapanibago, kasi dati, nauuna akong lumakad dito eh. May topak nanaman ata toh eh.

Lumabas na kung sino man ang sumanib sa katawang ito!

Natawa tuloy ako dahil sa na isip ko. Marunong pala ako mag joke? Hihi! Ngayon ko lang nalaman yun ah! Naks! May bago akong discovery!

And speaking of new discovery. May nakita ako ngayon, napaka sakit at nakakalungkot. Napatigil ako sa pag lalakad, ganun din si Leigh.

"El? Bat ka tumigil sa pag la--" tinignan niya rin ang tinitignan ko. Hindi naman kami e, kaya wala akong karapatang masaktan. Hindi pa rin mawala ang tingin ko sa kanilang dalawa. They didn't even notice na nakatingin ako.

May kausap si Karl, isang magandang babae. Ang ganda din ng tawa ni Karl. Huhuhu! Yung tawang ako dapat ang gumagawa. That smile must be exclusive for me pero hindi pala.

Mas lalong gumuho ang mundo ko ng nagyakapan silang dalawa. Ang guess what? Si Karl ang yumakap sa babae with his killer smile that can melt anyone.

Tumalikod ako sa kanila, pero hinablot ni Leigh ang braso ko at pinasakay ako sa bike.

Naka upo ako sa likod ng bike at niyakap si Leigh mula sa likod. I buried my self on his back while I cry silently.

Hindi naman siya umimik o nag reklamo man lang. Kundi, nag patuloy lang siya sa pag ba-bike hanggang sa makarating na kami sa school.

Takang taka ang mga tao at ang sasama ng kanilang mga tingin. Tamang tama talaga ang kanta namin ni Leigh sa nangyari kanina.

Pag baba namin sa bike, binigyan ako ni Leigh ng panyo. Kanina pa kasi ako pahid ng pahid gamit ang likod ng kamay ko. Hindi siya naka tingin sa kin habang inaabot sa kin ang panyo niya.

Tinignan ko muna siya bago tanggapin ang panyo. Ang bango ng panyo niya, nakaka adik! Pag tapos ko iyun ipunas sa mukha ko, inabot ko ulit yun sa kaniya.

"Sa'yo na yan!" hinawakan niya ang kamay ko at hinila papasok sa school. Ayan na naman ang bulungan at samaan ng tingin nila.

"You know, you can cry over my shoulders" nabigla ako sa sinabi niya, siya ba talaga toh?

"You can laugh now. I'm miserable. Mock me all you want, I don't care"

Hindi ito sumagot kaya may pahabol akong sinabi.

"Cherish this moment. Once in a blue moon lang ito"

"Ang O.A mo"

Mag sasalita pa sana ako nang biglang sumulpot si Angel sa harap namin.

"Men! Bakit ka umiiyak? Sino nag pa iyak sa'yo? Eto ba?" lumapit siya kay Leigh "grr"

"What?" Inis na tanong ni Leigh sa kaniya.

"Alam ko ang kondisyon niyong dalawa, and I know the d--" tinakpan bigla ni Leigh ang bibig ni Angel bago pa may makarinig na ibang tao. Ang daldal kasi ni Angel eh, baka may makaalam pa. Naku! Buking kaming dalawa ni Leigh dito eh!

"Daldal mo men!" reklamo ko sa kaniya.

"hmm hmm hmm" hindi makasalita ng maayos si Angel dahil hindi pa nakaalis ang takip sa bunganga ni Angel.

"Leigh, you can take it off now" utos ko sa kaniya na sinunod naman agad ni Leigh. Hmm, what a good boy!

"Malay ko ba!" inis na sigaw ni Angel.

"She knew?" Turo nito kay Angel.

"It slipped out of my mouth hehe" napahimas ako ng batok ko.

"Hindi ko ipagkakalat" then Angel imaginatively zipped her mouth.

Sabay kaming tatlong lumakad papuntang room, hindi pa rin dumadating sina Zack, anyare??

Naka HHWW kaming dalawa ni Leigh, short for holding hands while walking.

Kung nakakamatay lang talaga ang sama ng tingin? Kanina pa ako patay!

Lunch time na, pero hindi pa rin dumadating sina Zack. Hindi pa rin kami nag iimikan ni Karl. Siya ang mauunang mag salita hindi ako.

Bigla nalang siya tumayo at lumapit sa kin.

"Sorry El... Pero hindi ako makakasabay sa inyo ngayong lunch" WHAT?! I expect him to say an explanation!

"O-Oka--"

"Sino ba nag sabi na sasabay ka?" putol ni Leigh sa sasabihin ko.

Nag samaan sila ng tingin ng ilang sandali nang biglang may babaeng nag hahanap kay Karl. Yung babae kanina na kasama ni Karl na ang ganda ng ngiti ni Karl na dapat akin lang!

"Sorry El" ngumiti lang siya sa kin at ngumiti lang din ako sa kaniya pabalik. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makalayo na sila ng babae.

"Men!" tawag sa kin ni Angel.

"Hm?" lumingon ako sa kaniya.

"I'm going to cheer you later okay?! Fighting!"

"Fighting" walang ganang sabi ko.

Hindi ko nga alam kung magiging okay ako mamaya sa contest eh.

I feel sad.

Continue Reading

You'll Also Like

3.4K 131 43
Margina Redgie Santiago is a pretty girl of section Ezra, but she don't know that. She think she's not pretty like their classmate. She's a lonely gi...
51.4K 2.1K 22
๐š ๐œ๐จ๐ฌ๐ฒ ๐ฌ๐ฅ๐จ๐ฐ๐›๐ฎ๐ซ๐ง ๐ฃ๐ฎ๐ซ๐๐š๐ง ๐œ๐š๐Ÿ๐ž ๐š๐ฎ ๐ฐ๐ข๐ญ๐ก ๐๐จ๐ฆ๐ž๐ฌ๐ญ๐ข๐œ ๐Ÿ๐ฅ๐ฎ๐Ÿ๐Ÿ, ๐œ๐ฅ๐จ๐ฌ๐ฎ๐ซ๐ž & ๐š๐ฅ๐ฅ ๐ญ๐ก๐š๐ญ ๐ ๐จ๐จ๐ ๐ฌ๐ญ๐ฎ๐Ÿ๐Ÿ ๐ฉ...
718 116 26
Nagtagpo, nagmahalan, ngunit kailan man hindi pwedeng magkatuluyan. In the name of love they are willing to sacrifice everything, maging malaya, masa...
75.9K 2.9K 37
แด…ษชแด แด‡ส€ษขแด‡ษดแด›; แด›แด‡ษดแด…ษชษดษข แด›แด ส™แด‡ แด…ษช๊œฐ๊œฐแด‡ส€แด‡ษดแด› แดส€ แด…แด‡แด แด‡สŸแดแด˜ ษชษด แด…ษช๊œฐ๊œฐแด‡ส€แด‡ษดแด› แด…ษชส€แด‡แด„แด›ษชแดษด๊œฑ.