Kabit

By jaysanj

839K 30.5K 9.9K

Masakit malaman na may kabit ang asawa ko. GXG More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Epilogue

Chapter 27

23.6K 953 191
By jaysanj



Pangalawang araw ko na rito sa bahay nila Acey at lagi ng kumakain si Acey. Tatlong beses sa isang araw pero madalas pa rin syang tahimik at tulala, minsan pa nga ay umiiyak sya. Nasa tabi nya lang ako palagi dahil sa ayaw nya akong umalis sa tabi nya at dahil natatakot na rin ako na baka gawin ulit ni Acey ang pagsugat sa pulso nya kahit sabihin nya na hindi nya na 'yon uulitin pa.

Ngayon ay nasa tabi ako ni Acey sa higaan nya, parehas kaming nakasandal sa headboard. Katulad ng ginagawa nya nitong nakaraang araw ay nakatulala sya sa labas ng bintana habang ako ay nagbabasa ng libro na ginawa nya kahit na natapos ko nang basahin ay binasa ko ulit.

Nasa part na ako nung umalis na si Lorenzo papunta sa ibang bansa, which is sa America kung saan nandoon si Arch. Lahat ng mga panlalait na sinabi sakin ni Acey noon, sinasabi nya na sa libro na hindi 'yon totoo at minsan may kasama pang sorry kapag sinabihan nya ako ng panget na salita tungkol sa katawan ko dahil 'yon ang madalas nyang punan ng panlait.

Nung unang basa ko nito ay hindi ako naniniwalang kabaligtaran ng nararamdaman nya ang panlalait nya pero nung binasa ko ulit ito at marinig ang mga sinabi nila Arch at Gil, hindi ko alam kung maniniwala ba ako o hindi.

Hindi ko rin alam kung mapapatawad ko ba sya sa ginawa nila. Masakit pero hindi ko naman ipagkakait na gusto ko na si Acey at makita syang ganitong kalagayan ay parang gustuhin ko na lang kalimutan ang lahat at tulungan makabangon ulit si Acey.

Natauhan ako nung hawakan ni Acey ang pisngi ko at iniharap sa kanya pero agad nya akong hinalikan pagkaharap sa kanya. Nagulat ako sa ginawa nya. Nakadampi lang ang mga labi nya sakin pero nararamdam ko na nginginig ang mga labi nya. Lumayo sya at subsob sa leeg ko.

"Maru.." mahinang sabi nya.

Binitawan ko ang libro at iniligay sa drawer. Niyakap ko sya.

"May problema ba?" tanong ko sa kanya. Umiling sya at niyakap na rin ako. "Gusto mong lumabas man lang?" simula nung pumunta ako rito ay lagi lang sya nasa kwarto. "Para maarawan ka, ilang araw ka na rito nagkukulong." sabi ko sa kanya.

Matagal bago sya sumagot na okay. Tumayo kaming parehas at hawak kamay kaming lumabas ng kwarto nya. Nakasalubong namin si Kuya Ace na topless pa at boxer lang ang suot. Nagulat sya nung makitang lumabas ng kwarto si Acey pero hindi sya nagsalita. Ngumiti sya sakin at ganon din ako sa kanya.

Dumiretso kami sa garden nila. Habang papunta roon ay bigla kong naisip si Kuya Ace.

"Bakit kaya hanggang ngayon wala pa rin asawa 'yon? Forty years old na sya, balak nya bang tumandang binata?" tanong ko sa hangin dahil paniguradong hindi naman sasagot si Acey.

Nakarating kami ng garden at nandoon pala ang Papa nila na nagbabasa ng dyaro tapos ang pamangkin ni Acey na batang lalaki na siguradong kasing edad lang ni Kevin naglalaro naman ng chess mag-isa.

"Auntie Acey!" bati nung batang lalaki. Naibaba tuloy ni Tito ang binabasa nyang dyaro.

"Acey, anak. Mabuti naman ay lumabas ka na sa kwarto mo." sabi ni Tito. Tumango lang sa kanya si Acey at hinila ako sa palayo sa kanila. Ngumiti naman ako ng alanganin kay Tito pero ngumiti sya sakin at nag-thumb ups pa. Napakamot na lamang ako ng ulo.

Tumigil kami sa gilid ng pool. Tumingin ako sa kanya pero nakatingin lang sya sa may pool. Napakunot ang noo ko. Hinila ko sya medyo palayo sa pool.

"Wala akong gagawin." sabi nya na medyo nakangiti.

"Nagbabakasakaling lang. Mamaya magpakalunod ka dyan." sabi ko sa kanya.

"Lunod na ako sa kalungkutan..." malungkot na sabi nya.

"Acey.." hinawakan ko ng mahigpit ang kamay nya. Tumingin sya sakin.

"Lunod na lunod na rin ako sa pagmamahal ko sayo." nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya. Umiwas ako ng tingin. "Ilang araw na rin akong hindi naliligo. Masarap maligo ngayon." nagulat ako nang hinila nya ako papunta sa pool at sabay kaming tumalon sa tubig.

Kahit na nasa ilalim kami ng tubig ay hindi pa rin ako binitawan ni Acey. Lumangoy ako paangat dahil seven ft. pala ang tinalunan namin. Tumingin ako kay Acey. Nakangiti sya ng kaonti sakin at niyakap nya ako.

"I missed you." sabi nya. Nakatingin lang ako sa kanya. "And I love you...so much." nakangiting sabi nya at hinalikan ako. Hindi ko naman sya binigo at hinalikan din sya. 

Saglit lang itinagal non pero nararamdaman ko naman ang kamay nya na nasa tiyan ko. Tumingin ako kay Acey na nakataas kilay. Tinanggal ko ang kamay nya na ikinasimangot nya.

"Sinuswerte ka ata." sabi ko sa kanya.

Sumimangot lang sya at niyakap ulit ako pero nabigla ako nung hawakan nya ang puwetan ko.

"Acey!" saway ko sa kanya. Ngumisi sya sakin at lumangoy palayo sakin. "Hoy Acey!"

Lumangoy rin ako papunta sa kanya pero pag-angat ko sa tubig ay hindi ko na sya nakita. Ang bilis nya namang umahon.

"Wa─!" nagulat ako na may humatak sakin pailalim, bigla akong nag-panic pero nung may mapang-ahas na halikan ako, kumalma ako dahil kilala ko ang taong 'to.

Sabay kaming umahon sa tubig. May lumapit naman saming kasambahay na may dalang towel. Nagpasalamat ako sa kanya. Ibinigay ko ang isang towel kay Acey na nakaupo sa gilid ng pool.

"Kamusta ang pakiramdam mo?" tanong ko sa kanya. Tumingin sya sakin at ngumiti. Pinagmasdan ko ang ngiti nya. Hindi pa rin katulad dati. "Tara na, sa loob para makabihis na tayo."

"Maru..." tumigil ako sa paglalakad at tumingin sa kanya. Hindi na sya nakatingin sakin kundi sa pool ulit. "Salamat at dumating ka kahit alam kong napipilitan ka lang nang dahil kay Ate."

Humarap ako sa kanya. "Wala 'yon."

"Pero salamat pa rin, masaya ako na nandito ka." sabi nya pero may napansin ako sa tono ng pananalita nya. "Hindi mo na kailangan pang bantayan pa ako. Pwede ka ng umuwi." nakangiting sabi nya. Ngiting malungkot. "Thank you Maru sa oras." sabi nya pa. Tumayo sya at naglakad sa opposite way.

"Seriously? ganon-ganon lang 'yon?" napatigil sya sa paglalakad. "Pagkatapos mo akong saktan at sirain ang pamilya ko, ganito lang ang gagawin mo?"

"May magagawa pa ba ako?" mahinang sabi nya.

"Pero sinabi mo na hindi ka susuko hangga't hindi kita pinapatawad at maging iyo ako."

"Pero hindi ka magiging akin."

"Paano akong magiging sayo kung ganyan ka? alam kong masakit ang pagkawala ng Mama mo pero ayusin mo naman ang sarili mo! wag mong pabayaan sarili mo! nagawa mo pang magpakamatay! ano bang gagawin mo sa buhay mo huh? sasayangin mo lang 'yan? Sana hindi mo na lang ako ginulo, sana hindi ka na lang dumating sa buhay ko kung hindi mo tatapusin ang gulong ginawa mo!" sigaw ko sa kanya.

Tumingin ako sa kanya, nakatalikod pa rin sya sakin at tahimik lang. 

"Hindi ako nandito nang dahil sa ate mo. Nandito ako para sayo. Hindi mo ba naisip na sa kabila nang galit ko sayo dahil sa ginawa ninyo ni Lorenzo, nagawa kong tumungon sa mga halik mo? na sa kabila nang lahat ng sakit na nararamdaman ko, natakot ako na mawala ka dahil binalak mong magpakamatay? pero hindi pa din sapat ang gusto kita para maging iyo ako." sabi ko sa kanya. Napaangat sya ng ulo nya at dahan dahan na lumingon sakin.

"A-anong sabi mo?" gulat na tanong nya. Lumapit ako sa kanya.

"Madami akong sinabi, gusto mo ulitin ko lahat iyon?" tanong ko sa kanya. Hinawakan ko ang magkabilang dulo ng towel nya na nakasabit sa balikat nya.

"Hindi...yung sinabi mo sa huli." sabi nya. 

Imbis na sagutin sya ay hinila ko sya palapit sakin at hinalikan sya. Alam kong nagulat sya sa ginawa ko at hindi ko rin hinayaan na makabawi sya sa pagkagulat nya kaya lumayo na ako sa kanya.

"Bumalik ka sa pilipinas na Mommy Acey ka na ni Kevin." sabi ko tsaka naglakad papasok sa loob ng bahay. Hindi ko na sya nilingon pa. Siguro naman naintindihan nya na 'yon kung hindi, bahala sya sa buhay nya.

Lumabas ako ng banyo na nasa kwarto ni Acey, dito kasi ako natutulog sa loob ng dalawang araw. Nagulat ako sa pagbukas ko ng pinto ay si Acey agad ang bumungad. Nakayuko sya at tumataas baba ang balikat nya.

"U-umiiyak ka ba? may nangyari ba?" tanong ko sa kanya. Hahawakan ko sana sya pero lumayo sya sakin na pinagtaka ko. "Acey?" kumunot noo ko.

"Nakakainis ka."

"Huh?" bakit naman ako nakakainis? eh sya nga itong nakakainis eh.

"Bakit hindi mo sinabi sakin na gusto mo na ako?!" sigaw nya na ikinagulat ko.

"Ho-hoy! hindi mo kailangang sumigaw! hindi ako bingi okay?" sabi ko sa kanya at nilagpasan sya. "Maligo ka na, baka magkasakit ka pa." dagdag ko. Umupo ako sa higaan nya na nakaharap sa kanya.

"Sabayan mo ako.." nagulat ako sa sinabi nya. Kinuha ko ang unan nya at binato sya.

"Maligo ka mag-isa!" sumimangot sya pero pumasok din sya sa banyo. Napabuntong hininga ako pero napangiti din ako.

Unti-unti na sya bumabalik sa dati pero...dapat talaga kamanyakan nya ang unang babalik?

Ilang minuto lang ay lumabas na si Acey sa banyo na nag-humming pa at medyo nakangiti. Napataas kilay ko.

"Bakit ka pala umiiyak kanina?" tanong ko sa kanya. Napatigil sya pero maya-maya rin pinagpatuloy nya ang pagpunas ng buhok nya,

"Napuwing lang." sabi nya pero hindi ako naniniwala. 

"Acey." pabalang sabi ko. Humarap sya sakin.

"Masaya lang ako." sabi nya, napansin ko nga na masaya sya. "Gusto ako ng taong mahal ko." namula ako ng mukha kaya umiwas ako ng tingin. "Ang tagal kong hinintay na magustuhan mo din ako." sabi nya at umupo sa tabi ko. "Twenty two years din ako naghintay." nakangiting sabi nya.

Twenty two years.

Tumingin ako sa kanya lalo na sa mga mata nya. Pansin ko na ang saya nya. Hinawakan ko ang pisngi nya at ngumiti.

"Pasensya na kung natagalan, matagal ka kasing dumating." sabi ko.

"Ako pa? ikaw nga itong hindi namamansin eh." himutok nya. Hinila nya ako pahiga sa higaan nya at pumaibabaw sakin tsaka sumubsob sa leeg ko. Napangiti ako at niyakap sya.

"Kung hindi ka kasi torpe, matagal na kitang nakilala." sabi ko sa kanya. Lumayo sya ng kaonti at tumingin sakin ng masama.

"For your information, sikat ako rati!" at sumubsob ulit sa leeg ko. "Hindi mo ako pinapansin dahil sa kung sinong panget na Arch na 'yan." natawa ako ng mahina. Sinabihan nyang ate nya na panget, seryoso?

"Mabuti naman unti-unti ng bumabalik ang sigla mo." sabi ko kanya.

Hindi naman sya sumagot agad. Hinaplos ko na lang ang buhok nya na medyo basa. Naiintindihan ko naman kung bakit bigla syang nanahimik.

"Nandito lang ako Acey, hindi ako aalis sa tabi mo." sabi ko. 

May tumulong tubig sa leeg ko. Alam kong umiiyak na naman sya, hindi dahil sa alam nyang gusto ko sya, kundi namimiss nya ang Mama nya.

"Ma..." nagpipigil pa sya. Hinigpitan ko ang pagkayakap sa kanya para malaman nyang nandito lang talaga ako. Nararamdaman ko rin ang pagkayukom nya ng palad. "Mama...Mama!" sigaw nya habang umiiyak sa leeg ko. Napakagat ako ng labi. Wala akong ibang magawa kundi yakapin sya.

Magiging okay din ang lahat, Acey.




-------------------------------------------------------


Continue Reading

You'll Also Like

7.3M 191K 35
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
1.9M 129K 46
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
58.5K 3.5K 15
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
2.9M 70.7K 59
|Baller Series # 1| In this world full of people who keeps controlling his life. Ricci King Serrano, a famous basketball player met Zivawn Queen Cazi...