Bestfriends (COMPLETED)

By Kettlekooorn

18.1K 872 164

Talaga bang pwedeng maging mag bestfriend lang ang lalake chaka babae?? Paano kung sa katagalan ng inyong pag... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Author's Note
EPILOGUE

Chapter 57

176 11 1
By Kettlekooorn




Tine's POV


Malungkot akong nakatanaw sa dagat habang nakaupo sa balcony ng hotel na tinutuluyan namin ni Carlo.


Napapitlag ako at nawala sa pagmumuni muni ng may umakap sa akin mula sa likuran.


"Love?" Malambing nyang pagtawag sa akin habang inaamoy amoy nya yung buhok ko at hinahalikan.


"Hmm?" Pagtugon ko?


"Bakit parang malungkot ka? Kanina pa kita pinagmamasdan at nagmumukmok ka dyan. Hindi ka ba nagenjoy sa outing natin?" Nagaalala nya akong tinignan ng maiharap nya ako sakanya.


"Hindi love!" Pagprotesta ko at niyakap ko sya ng mahigpit.


"Nalulungkot lang ako kasi iiwan na natin itong lugar na to. Ang ganda dito. At sobrang masaya ako kasi sabay at magkasama nating napuntahan itong beach na to Love. Mamimiss ko dito sobra." Paliwanag ko sakanya.


Naramdaman kong humigpit lalo yung pag akap nya sakin.


"We can always come back here my princess. And remember that anywhere and everywhere you go, I'm always at your side. I'll always and always find time... just to be with you." Pagkasabi nya non biglang napawi lahat ng lungkot ko.


Nangatog yung mga tuhod ko.


Sumaya yung puso ko.


Naramdaman ko nanaman yung mga paru-paro sa tiyan ko.


"My sweetest as always. I love you love!" I tip toed then kissed the tip of his nose.


"Ikaw lang yung tanging babae na nakakapag pakilig sa akin ng ganito. I love you too my princess. Always and forever." He hugged me tight and kissed my forehead.





I closed my eyes and silently thank God for giving me such a wonderful blessing. :)























2 weeks na ang nakalipas magmula ng makauwi kami galing outing ni Carlo.


At yun na rin ang huli naming pagkikita. Masyado daw kasing busy ngayon sa school dahil gumagawa sila ng thesis. Ako naman nagstart na ng business at very hands on ako doon kaya lagi rin akong wala sa bahay.


Magkakausap lang kami kapag pareho na kaming nasa bahay. Minsan hindi pa kasi nakakatulugan na namin yung isa't isa.


Namimiss ko na sya ng sobra!


I snatched for my phone and started typing a message for him.


To Lovey:


"Hi love! Goodmorning! I just missed you! So much! Please take care of yourself for me. If you have time update me. Dying to see you rn. I love you!"





SENT...





Pero mag gagabi na wala parin akong natatanggap na reply mula sakanya. Medyo nag-alala na ako.


Chineck ko sa messenger kung online ba sya pero hindi. Active 2 days ago pa.


I reached out to his friends pero sabi lang nila di daw nila gaanong nakakasama si Carlo dahil hindi daw sila magkakagroup sa thesis.





Mabuti nalang at nagreply yung best friend nya sakin at sabi sakin na nagoovernight daw sila sa bahay ng classmate nya. Sinabi nya sakin yung exact address at naisipan kong isurprise sya. Baka sobrang stress na nya sa school works.











Kinabukasan.





Ang aga kong nagising dahil weekends naman. Nagpaalam na din ako kina mama na sila na muna sa shop dahil papasyalan ko si Carlo. Mabuti nalang at pinayagan nya ako.





Nagluluto ako ngayon ng paborito nyang adobo at fried chicken. Todo ngiti ako ngayon dahil excited ako.


"Hmmm! Ang bango ah!" Sigaw ng kapatid kong si Zild paglabas nya ng kwarto nya.


"Syempre!!!" Nakangiti kong sabi sakanya.


"Ang aga mo namang nagluto ng lunch natin?" Pang-aasar nya.


"Duuuuuh! Hindi para sayo to. Dadalhin ko ito kay Carlo." Tumatawa kong sabi sakanya.


"Ate, wag ka ngang masyadong sweet! Maghihiwalay din kayo non!!" Pagkasabi nya non sinamaan ko sya ng tingin.


"Bawiin mo yang sinabi mo!" Seryoso ko syang tinignan.


"Ayoko ngaaaaa!" Bineletan nya ako atsaka na sya tumakbo sa kwarto nya.


"Mamaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!! Pagalitan mo nga si Zild!!!" Sigaw ko. Tinignan lang ako ni mama at tumawa.


"Para parin kayong mga bata." Sabi nya.








Matapos akong magluto mabilis na akong pumasok sa kwarto at naghanda.


Naligo ako at nagsuot lang ng simpleng dress atsaka sinuot yung heels na bigay nya sakin.


Commute lang din ako ngayon dahil ipapahatid ko sina mama sa shop gamit yung kotse ko.


"Ma, pa mauuna na ho ako. Uuwi din po ako mamayang 6pm." Paalam ko sakanila.


"Magingat ka anak ha?" Bilin sa akin ni mama.


"Umuwi ka ha! Kung hindi susunduin kita doon!!!" Sigaw sakin ni Zild nung nasa gate na ko. Inirapan ko nga. Hindi naman kami bati e. Hahahahahahaha!








Habang nasa byahe nakangiti lang ako. Naeexcite ako. Hindi ko alam kung imemessage ko ba sya o ano.


At sa huli, hindi ko sya minessage. Para mas masurprise sya. Haha!





Pagbaba ko ng jeep nagtanong tanong ako dahil medyo naliligaw na ako kung saan yung bahay ng classmate nya.


"Ah! Sampaguita street dito yan iha. Halika samahan na kita." Offer sakin ni manong na tricycle driver.


"Salamat po." Sagot ko.


At nang makita ko na yung bahay bumilis na yung tibok ng puso ko.

Bukas yung gate.

"Tao po." Pagtawag ko.

Walang sumasagot kaya pumasok na ako.

Nang nasa harap na ako ng pinto kumatok ako.


Nagantay pa ako ng ilang minuto pero walang nasagot.


Kumatok ulit ako pero wala parin.


Paghawak ko nung door knob nakabukas pala yung pinto.


Sinubukan ko ng tawagan yung number ni Carlo pero hindi sya sumasagot.


Nagsimula na akong kabahan.





Nagaalangan kong binuksan yung pinto. Pagtingin ko walang tao sa loob. Kaya pumasok na ako.


My eyes searched for Carlo.


Pero wala talaga.


Di parin ako tumigil sa pagda-dial ng number nya.


I decided to go upstairs.











Wala paring tao.


Nagulat ako ng may marinig akong nabasag.


Lumapit ako dun sa pintuan ng kwarto na sa tingin ko pinagmulan nung ingay.


Kinakabahan kong binuksan yung pinto at pagtingin ko dito....























































































































Nakita ko yung boyfriend kong may kahalikang iba.


Nakasandal yung babae sa pader habang akap sya ni Carlo.


His eyes were closed.


Pagmulat nya nagulat sya ng makita nya ako.


Nagsisimula ng maginit yung mga mata ko.


Ang dami ng pumasok sa isip ko.


Pero isa lang yung talagang nagprocess.


May kahalikan syang iba.


Habang ako halos di na malaman yung gagawin sa sobrang pagkamiss sakanya.


Tahimik lang akong nakatingin sa kanilang dalawa.


"Love." Tawag nya sakin at akmang lalapit na sya agad kong binuksan yung bag ko at naghanap ako ng wet wipes.


Nang makahanap na ako agad ko iyong ipinunas sa labi nya.


Di ko na napigilan at bumagsak na yung mga luha sa mata ko.


Ang sakit.


"Love, please?" Nagaalala nya akong tinignan pero di ko sya pinapansin.


"You know how much pain got into my heart right now?" Walang tigil sa pagtulo ang mga luha ko pero pinupunasan ko parin yung mga labi nya.


Pilit nya akong niyayakap pero pinipigilan ko sya.


"No words can't even describe." I broke down. He hugged me.


"Love, let me explain. Please?" Pagmamakaawa nya. He's kissing the top of my head.


Wala akong lakas para awayin sya o yung babaeng kahalikan nya.


Walang mga salita ang gustong lumabas sa bibig ko.


Ako mismo yung ayaw tumanggap sa nakita ko.





Nagbuntong hininga ako at inayos yung sarili.


"Excited ako na makita ka ngayon. Nagaalala kasi ako na baka sobrang stress mo na sa thesis nyo kaya naisipan kong isurprise ka. Pero hindi ako nainform na ganito pala yung madadatnan ko. Ako tuloy yung nasurprise. Tanga ko!!" Pilit akong tumatawa habang umiiyak.





"I'll explain everything love, just please give me a chance." Paulit ulit nyang sabi sakin.


"Not now. I can't even look straight into your eyes." Halos pahagulgol ko ng sabi.



"Look love I'm really sorry but it's not what you're thinking. Di ko kayang gawin sayo yun." Sabi nya at lumuhod sya. Akap nya ako ngayon.


"All I'm seeing right now is you, kissing that woman. And that fuckin' hurt Carlo." Sabi ko sakanya at pilit na inaalis yung pagkakahawak nya sakin.





Nakita kong umiiyak na sya at nagmamakaawa syang tumingin sakin.


"Please naman mahal ko." His voice broke down.


"Hayaan mo muna akong magisip." Pagkasabi ko non tumakbo na ako palabas ng kwarto.


Narinig kong sinundan nya ako.


Kinuha ko na yung gamit ko at lumabas na ng bahay.


"Love!!!!" He grabbed my arms and wrapped me with his hug.


"Just give me time to think. Wag na muna tayong magusap o magkita." Walang emosyon ko syang tinignan.


"Are you breaking up with me???" Gulong gulo nya akong tinignan. Punong puno ng emosyong yung mga mata nya.





Tinanguan ko sya at naglakad na ako palayo sa kanya.








Nakakamanhid yung sakit na nararamdaman ko ngayon. Di ko alam kung saan ako pupunta.





Walang tigil sa pagtulo yung mga luha ko.


Pilit na bumabalik sa isip ko yung mga nakita ko kanina.


Nagfflashback sa utak ko yung mukha ni Carlo.


Napatigil ako sa paglalakad.


Napaupo na ako at inakap ang tuhod.


Nanlamig ako ng may maramdaman akong tumulo sa balikat ko.





Umuulan pala.





Hinayaan ko lang yung sarili ko na mabasa ng ulan.





Ipinikit ko yung mga mata ko.





Nakaramdam ako ng hilo tapos hinayaan ko nalang bumagsak yung sarili ko.


Tapos hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyare.


























A/N:

Hi guyyyyyyyyyys!! Happy New Year! Haha! Sorry po kung sobrang natagalan yung pag-update ko. Nawalan akong inspirasyon. Cheese! :D


De pero pipilitin ko pong maging sobrang malawak pa yung imahinasyon ko. Chur! :D Sinisipag naman na po ako e. Hahahaha!


Sana suportahan nyo parin po yung story ko. Yiss!











VOTE. COMMENT. SHARE. ENJOY.

SML! 🐽




-Kettlekorn❣️

Continue Reading

You'll Also Like

392K 26.1K 33
When tuning in to the parallel world seems to be the only way to explain Liz's sudden disappearance, high school students Maxx, Zero and Axes try eve...
7.9M 478K 46
[PUBLISHED UNDER LIB] #3. "If I won't have you then might as well kill me, attorney."
169M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
27.1M 718K 35
Based on true story. A psychological Romance-Horror-Paranormal novel by Jamille Fumah. Please read with caution. Highest rank: Consistent #1 both in...