Elemental Gunji-teki Academy

By MasayahingShana

614K 16.5K 854

15 element power 15 elemental army Here at my story, army has an another meaning. It has an another story. A... More

Welcome Message
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter to Era 2
Era 2 (Book 2)

Chapter 18

8.5K 256 9
By MasayahingShana

ALTAIR

"Okay class! Lets start," pagtatawag samin ni Ma'am Victoria.

"Tara na," yaya ni Agatha sabay hila sakin papunta sa grupo namin.

Nasa ibang bahagi naman ng plaza ang tatlo pang grupo kasama ang guro nila.

"Form five lines," utos ni ma'am sa amin.

Sinunod naman namin. Nasa iisang line lang kami ni Agatha. Nasa unahan ko lang siya.

"Arms forward."

Nag-arms forward kami para magkaroon ng sapat na distansiya ang bawat isa sa amin.

"Okay. Warm up muna tayo. Tumakbo kayo sa buong plaza."

Marami ang nagreklamo. Naalala ko tuloy bigla si Sir Aaron. Akala ko tapos na ako sa takbo-takbo na ito. Hindi pa pala.

"Walang mag rereklamo. Warm up lang yan. Baka gusto niyong gawin kong dalawang laps 'yan?"

Napatakbo na lang kaming lahat ng wala sa oras. Kaysa sa makakadalawang laps kami sa buong plaza no. Ang lawak kaya. Habang ang ibang grupo naman ay nagsimula na rin sa pagwa-warm up ngunit hindi sila pinatakbo gaya namin.

Mabuti na lang na palagi kaming pinapatakbo noon ni Sir Aaron sa quadrangle kaya medyo easy na lang ngayon. Halos kasabay ko pa sa una si Agatha. Kaso nung tumatagal, parang bumabagal siya kaya nauna na ako.

Takbo...

Takbo...

Takbo...

Papunta na sa direksyon ng Opaque Army Division ang takbo namin ngayon. Ito ang division ni Lucius. Hanggang sa umabot na kami sa border ng Red Army Division at Opaque Army.

Sa border ng Red Army Division, mga torch. Habang ang border ng Opaque Army ay pader na pininturahan ng kulay itim na ang taas ay hanggang sa may bewang ko.

Nang lumiko kami, nakita ko si Lucius sa plaza ng Opaque Army Division na naka-upo sa damuhan at nakatingin sakin. Nung magtama mga mata namin, bigla siyang umirap sakin.

Eh? Ano na naman kaya problema nun ngayon? Ako nga dapat itong umiirap sa kaniya dahil siya itong kung ano-ano pinagsasasabi kanina at kamuntikan pa akong ma-late. Kung makairap siya, parang ako pa itong may atraso. Hmp! Bahala siya sa buhay niya.

Napabuntonghinga ako dahil naalala ko si Lucian---este Lucas. Argh! Si Eunice pala! Aish.

Bakit biglang nasagi sa utak ko si Lucian? Kumusta na kaya siya dun sa Royal Army Campus?

Ano ba naman 'to! Iling-iling! Dapat matanggal sa utak ko si Lucian! Bakit ba kasi bigla-bigla kong naalala siya?

Namalayan ko na lang na patungo na sa direksyon ng Green Army Division ang takbo namin.

Ang border naman ng Green Army Division ay mga halaman naman. Pero ang taas ay halos umabot lang sa bewang ko.

Nang lumiko na kami nakita ko naman si Lucas na nakaupo sa damuhan ng plaza. Naka-indian sit siya tapos pinagdikit ang mga palad na tila nagdarasal. Nakapikit din ang mga mata niya.

Mukang naramdaman naman niya na may nakatingin sa kanya na galing sa direksyon ko kaya iminulat niya ang mga mata niya at lumingon sa gawi ko. Sa una, mukhang hindi niya ako nakita dahil sa medyo malayo at natatakpan ako ng iba pang studyante. Pero nag-smile naman siya sakin nang makita niya ako.

Nag smile back ako. Tapos bigla siyang hinampas ng mahina sa likod ng baston ng isang matandang lalaki, na siguro ay guro. Nagulat si Lucas at linungon niya ang guro at nag-peace sign.

Napatawa na lang ako sa isip ko.

Lumingon ulit si Lucas sakin at nag-thumbs up. Ngayon ko narealize na hindi na pala ako tumatakbo. Ngumiti muna ako kay Lucas at saka nagpatuloy sa pagtakbo para mahabol ang iba ko pang classmates.

Ilang minuto pa, natapos din namin ang pagtakbo sa plaza.

Umupo muna kaming lahat sa damuhan at nagpahinga ng kunti.

"Haay. Nakakapagod!" Rinig kong sabi ni Agatha sa tabi ko.

"Class, stand up and stand straight," utos ni ma'am na agaran naming sinunod. "Sa mga estudyante na naunang makapunta rito sa ikalawang taon, dito muna kayo sa likod ko. May iba akong ipapagawa sa inyo."

May mga estudyanteng pumunta nga sa likuran ni ma'am at tila kaming mga bago pa lang dito sa division ang natira.

"Kayong mga bago pa lang dito, make sure na may tamang space sa pagitan niyo. Ngayon naman ay gumawa kayo ng isang maliit na fireball sa inyong kanang palad. Magsisilbi itong assessment sa inyong lahat."

Ano raw? Hala! Hindi pa ako sanay gumamit ng kapangyarihan. Paano kung hindi fireball ang malikha ko? Hindi ko alam kung paano ko gagawin. Huhu.

Huminga ako ng malalim. Try ko.

Tiningnan ko muna ang iba na gumawa ng fireball kasama na si Agatha. Kaso hindi nagtatagal dahil sa tuwing may lalabas na apoy sa kanilang palad, biglang lumalakas.

"Wo -woah!"

Napalingon ako sa tabi ko. Si Agatha na napa upo sa damuhan dahil sa lumakas bigla ang apoy sa kanyang palad.

Agad akong lumapit sa kanya.

"Ayos ka lang?" Tanong ko.

"Oo. Medyo natakot lang ako kasi akala ko masusunog ako sa apoy eh," sabi niya at tumayo na.

Ngumiti lang ako sa kanya. Tapos bumalik na ako sa pwesto ko kanina.

"Fail kayong lahat!" Biglang sabi ni ma'am.

Ay luh. Wala pa nga akong nagagawa e. Pero hindi nga ak sure kung magawa ko.

"Ang aral dun ay dapat mag-concentrate! Lalong lalo na at nagsisimula pa lang kayo. Ang konsentrasyon ang napakahalaga na factor para sa mga nagsisimula pa lamang. Kung wala kang konsentrasyon sa paggamit ng inyong kapangyarihan, walang kwenta ang kapangyarihan niyo. Kasi hindi rin naman iyon makokontrol niyo. Kaya gumawa kayo ulit ng maliit na fireball.

First step: concentrate. Padaluyin niyo ang inyong lakas papunta sa inyong kamay. Hanggang sa magkaroon na ng apoy."

Napatango ako.

Nagdemonstrate si ma'am sa amin. "Kayo naman ngayon. Gawa kayo ng fireball ulit."

Huminga ako ng malalim. Inangat ko ang kamay ko hanggang sa mag-shoulder level.

Nag-concentrate ako sa palad ko. Wala muna akong inisip na iba. Hanggang sa paunti-unti ay nararamdaman ko ang pag-init ng palad ko at ilang segundo pa, nagkaroon na ng apoy sa palad ko.

Sa una, gusto kong iwaksi ang palad ko dahil medyo mainit at natatakot ako. Pero napapansin ko na humihina na ang apoy at parang mawawala sa palad ko kaya mas nag-concentrate na lang ako upang mapanatili ito.

"That's good! Ngayon, kontrolin niyo ang paglaki ng apoy! Ipagpatuloy niyo lang ang konsentrasyon at patagalin ang fireball hanggang sa kaya niyo," sabi ni ma'am.

Ginawa ko ang sinabi ni ma'am. Kinontrol ko ang apoy.

Mahirap. Ang hirap. Pinagpapawisan na ako ngunit hindi ko pa magawang medyo palakihin ang apoy. Nahihirapan pa kasi akong mapanatili ang apoy sa palad ko.

Huminga ako ng malalim at sinimulang i-try ang pagpapalaki sa apoy. Pakunti-kunti ay parang lumalaki ang apoy---o baka sa isip ko lang? Ah basta. Paunti-unti lang dapat. Baka pagbinigla ko, lumakas nga talaga ang apoy.

"Oh. That's better!" Rinig kong sabi ni ma'am at sa tingin ko ay nasa tabi ko lang siya.

Hindi ko inintindi ang sinabi ni ma'am. Baka hindi ako ang kausap.

Tsaka, nasisiyahan na ako sa ginagawa ko. Nararamdaman ko na talagang pinagpapawisan ako. Pero hindi ko na inintindi pa iyon dahil nakikita ko na lumalaki na ang apoy kumpara kanina. Tila ayaw ko na rin itigil.

"That's enough, Altair."

Natigilan naman ako sa ginagawa ko.

"Po?" Lutang akong lumingon kay ma'am.

"Magaling ang ginawa mo. Nagawa mo ang task ngayong araw. Nakuha mo ang technique---dahan-dahan at pakunti-kunti lang para masiguro na stable ang apoy. Magaling," nakangiting sabi ni ma'am at saka binaling ang atensiyon niya sa ibang estudyante.

Siniko naman ako ni Agatha. Nilingon ko siya.

"Congrats," nakangiti niyang sabi at bumalik sa paggawa ng fireball.

Napangiti ako.

"Altair, dun ka muna sa side at magpahinga dahil nagawa mo na ang task ngayong araw," ani ma'am sa akin.

"Yes, ma'am," nakangiti kong sabi.

Medyo lumayo muna ako sa iba kong kaklase at umupo sa damuhan.

Pagkaupong-pagkaupo ko, naramdaman ko na bigla ang pagkapagod at pangangawit sa kanang braso ko. Napahiga ako sa damuhan. Siguro ay dulot ito sa ginawa namin.

Mayamaya ay narinig ko na may tinatawag si ma'am sa mga kaklase ko na nagawa na ng maayos ang task. Umupo rin sila sa damuhan at ininda ang pagkapagod at pangangawit din sa braso.

Nagbigay na rin ng instruction si ma'am sa mga estudyante na nauna rito sa division. Since nauna silang na napunta rito bilang second year, master na siguro nila ang paggawa ng fireball kaya ibang task ang pinagawa ni ma'am sa kanila.

*****

Continue Reading

You'll Also Like

70.4K 4.7K 78
(On-Going)
319K 11.5K 40
She's neither a princess or a noble. She is chosen to be a vessel to hold a power that humanity don't know. A power that will change the world.
83.1K 3K 69
Elaine Hidalgos is stuck of being the richest person without her parents guide, but after dying at the car crash, she awakened in a fantasy world...
8.2K 262 44
A person with superpower should be fighting and catching the criminals and villains right? But what happens when the villain itself hunts and destroy...