Elemental Gunji-teki Academy

Від MasayahingShana

614K 16.6K 854

15 element power 15 elemental army Here at my story, army has an another meaning. It has an another story. A... Більше

Welcome Message
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter to Era 2
Era 2 (Book 2)

Chapter 17

8.5K 245 6
Від MasayahingShana

ALTAIR

"Eunice, mauna na ako sayo ha. Bawal kasi late sa amin," palam ko kay Eunice.

"Oh sige. Alis na. Baka mapagalitan ka pa."

Nagmadali na akong umalis sa dorm. Ayokong magkaroon ng punishment sa pangalawang araw ko sa Red Army Division.

Takbo... takbo... Takbo ako ng takbo papuntang Trainee Section. At nang makapasok na ako sa Trainee Section...

"Uy!"

"Ay Red Army!" Napahinto ako sa pagtakbo at halos matumba dahil sa pagkagulat.

"Oh? Hahaha. Bakit ka takbo ng takbo?" Tumatawang tanong ni Lucas.

"Haist! Pambihira ka naman, Lucas, mala-late na ako. Alis na ako. Bye," pagmamadali ko.

Tatakbo na sana ulit ako nang hilahin niya kaliwang wrist ko kaya napaharap ulit ako sa kanya. Ngumisi siya bigla.

Teka. Parang...

"Lucas? Oh Altair. Noon, si Lucian. Ngayon si Lucas naman. Tsk tsk!" Nagpailing-iling pa siya.

Halos magsalubong naman ang kilay ko. Ini-process ko muna sinabi niya. Hanggang sa may mapagtanto ako. Agad kong binawi kamay ko sa kanya.

"L-Lucius?"

"Miss Altair Chancelor. Nawala lang si Lucian, na kay Lucas na naman ang atensiyon mo."

Ano raw? Susme!

"Lucius, matanong nga kita. Nag-aadik ka ba? Ilang ulit ko ba sasabihin na wala kaming relasyon ek-ek ni Lucian para kung ano-ano ang isipin mo. Eh nakakatakot nga yun eh," gigil kong sabi. Natawa naman siya.

"Talaga? Nakakatakot ba? Mukang hindi naman. Pero sinasabi ko sayo, Miss Altair. Diyan nagsisimula ang pag-ibig~" Pasing-song ang tono niya.

Nagpakurap-kurap ako sa sinabi niya. Pag-ibig raw? Sabog utak nito.

Sinamaan ko siya ng tingin.

"Hey. Anong nangyayari rito?" Biglang may sumulpot pa na isang Imperial. For sure, si Lucas na 'yan. "Altair, ang aga-aga, tila high blood ka."

"Pagsabihan mo nga yang kambal mo. Kung ano-ano na pinagsasasabi," gigil kong sumbong kay Lucas at pinagtuturo si Lucius na nakasimangot na ngayon.

Tinapunan naman ng masamang tingin si Lucius ni Lucas.

"Mauna na ako, Lucas. Mala-late na kasi ako," paalam ko at kumaripas na ng takbo palayo sa kanila. Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin ni Lucas dahil nagmamadali nga ako.

Argh! Sana talaga hindi pa ako late. Kainis kasi na Lucius.

Takbo lang ako ng takbo hanggang sa marating ko na ang division ko. Diretso na ako sa loob ng division. Sa plaza. Nandon din kasi ang ibang studyante pati na rin sila Agatha. Pero wala akong makita na guro kahit si Ma'am Victoria. Siguro hindi pa ako late.

Naglakad ako patungo sa gawi sana ni Agatha nang bigla akong natalisod. Sakto pa na may dumaan na lalaki sa harap ko kaya sa kanya ako natumba. Kaso nagulat siya kaya natumba rin siya at nadaganan ko pa siya.

"Aray!" Daing nung lalaki.

Agad akong tumayo kaso napaupo naman ako dahil sumakit ang paa ko sa pagkakatalisod.

Tiningnan ko ang lalaki na bumabangon. Siya yung lalaki kahapon na nagtanong kay ma'am about sa weapon. Nakalimutan ko nga lang ang pangalan niya.

Tumayo siya sa at inayos ang uniform niya. Pagkatapos ay tiningnan niya ako ng masama. Dahan-dahan naman akong tumayo ulit. Kahit na masakit ang paa ko, pinilit kong makatayo.

"Aish! Ano ba naman 'to. Tumingin ka nga sa dinadaanan mo. Tingnan mo yung uniform ko! Nagkarumi tuloy," inis na sabi niya sa akin at tumalikod sakin para makita ko ang likod niya. Medyo may rumi nga yung likod ng uniform niya. Puti pa naman ang uniform namin.

"Sorry," halos pabulong kong sabi.

"Tsk. Kakairita! Alam kong gwapo ako. Pero sana kung magpapapansin ka, hindi sa ganitong paraan!"

Natigilan ako sandali sa sinabi niya. Bakit parang ang... hangin?

'Eh hindi nga kita namalayan na dadaan sa harap ko eh. Ang assuming naman nito,' sabi ko sa isip ko.

"Anong nagyayari rito?"

Napalingon naman kaming dalawa sa nagsalita. Si Ma'am Victoria. Papalapit siya samin.

"Eh ma'am, papansin siya eh," sumbong nung lalaki.

Napa-"huh" ako bigla.

Tiningnan ako ni ma'am.

"Ma'am, natalisod po ako tapos saktong dumaan po siya kaya sa kanya ako natumba," mabilis kong depensa. Totoo naman eh.

"Oh? Natalisod? Di nga? Sinadya mo e," tila may pang-aasar sa tono nang lalaki.

"Hindi ah. Assuming," halos pabulong kong sinambit ang huling salita.

"Ano sabi mo?" Tanong ng lalaki.

"Wala."

"Meron ka pang sinabi. Ano yun?"

"Tumahimik kayong dalawa," biglang saway ni ma'am sa amin.

"Natalisod ka?" Tanong sa akin ni ma'am. "Ayos ka lang?"

Ginalaw-galaw ko ang paa ko. "Uhm... Medyo masakit lang yung isa kong paa."

Napabutonghinga si ma'am at may biglang tinawag sa labas ng division. Napalingon ako at isang babae na halos kaedad ni ma'am ang nakita ko. Siguro isa rin siyang guro dahil sa suot niyang uniform.

Pumasok siya sa loob ng division namin.

"Mabuti na lang nakita kita. Pwede mo bang gamutin sandali ang paa ng estudyante ko? Natalisod kasi siya at medyo masakit daw paa niya. Ayokong simulan ang pag-aaral nila na may iniindang sakit," ani Ma'am Victoria sa babaeng kasing edad niya. "Isa siya sa mga guro sa Medication Army Division," maiksing pakilala ni Ma'am Victoria sa amin sa babae.

"Good morning, ma'am," halos sabay na bati namin nung lalaki.

Tiningnan ako ng guro ng taga-ibang division. "Teka lang ha. Gagamutin ko lang."

Iniluhod niya ang isa niyang tuhod at hinawakan ang paa ko. Nakita ko na nag-ilaw ang kanyang palad ng kulay pink. Kasabay nito ang paunti-unting pagkawala ng sakit sa paa ko hanggang sa wala na.

"Ayan. Ayos na," nakangiting sabi ng guro nang tumayo na siya.

Ginalaw-galaw ko ang paa ko at wala nga akong maramdaman na sakit. Maayos na nga. Ang astig.

"Salamat po!" Pagpapasalamat ko.

"Walang ano man. Mag-iingat ka sa susunod," aniya at agad na nagpaalam sa amin para pumunta na sa kanilang division.

"Ngayon naman, kayong dalawa, binabalaan ko kayo. Ayoko ng nag-aaway-away na magkakaklase," pagbabaling sa amin ni ma'am.

Pasimple kaming nagkatinginan nung lalaki kaso bigla siyang umirap sa akin.

"Ayokong sayangin oras natin sa inyo. Magsisimula na tayo sa pag-aaral niyo," ani ma'am at tumalikod na sa amin.

"Tss." Agad ding naglakad palayo ang lalaki. Hmp!

Tumungo naman ako sa gawi ni Agatha.

"Ano nangyari? Hindi ko kasi nakita buong pangyayari. Bakit ganun si Ryoran?" Tanong ni Agatha sa akin.

"Natalisod kasi ako tapos natumba ako sa kaniya. Ay wait, Ryoran pangalan niya?"

Tumango siya. "Magkatabi kasi ang room namin niyan noong freshmen tayo. Medyo maingay 'yang lalaking 'yan kaya agad siyang nakilala ng section namin."

"Ah. May tanong ulit ako: diba hindi pwedeng pumasok sa division kung hindi ka under dun?" Curious kong tanong kay Agatha ng maalala ko.

Natawa siya sa tanong ko. "Sa suot niya, teacher siya kaya okay lang siguro. Tsaka sabi nila, may mga taga-Medication Army na pumapasok sa bawat division para manggamot sa mga nangangailangan dulot ng training," paliwanag niya.

"Okay class! Let's start," pagtatawag samin ni ma'am Victoria.

*****

Продовжити читання

Вам також сподобається

26.7K 3K 80
"Survival Of The Fittest" The Four - They are the leaders, the protectors, the soldiers. They were amazing, fearless and powerful. Sa mga bagay mo la...
11.1M 501K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #02 ◢ Elysian Oracle - the oracle of Elysium, the highest oracle of the realms. The Alphas know it isn't over. The Gods are cons...
9.9M 493K 80
◤ SEMIDEUS SAGA #04 ◢ Promise of the Twelve - End of the rebellion as prophecied by the titan goddess, Mnemosyne. It seems like fighting a titan...