Ang Huling Biyahe ni Ms. Beve...

By BalatSibuyas

1.9M 35.1K 1.6K

Simple lang naman sana ang pangarap ni Beverly Llamado at iyon ay magkaroon ng isang masayang pamilya kasama... More

Prologue (Revised)
Pampa-Good Vibes Advice #1
I - From US Balik to Pilipinas!
Pampa-Good Vibes Advice #2 DABDA
II - Da John Incident During Bypass
Pampa-Good Vibes Advice #3
III -Taray Meets Mr. Manyakis and His Honey (Round 2)
IV - BFF Meet-up
V - Ang Dilemma ni Aling Kakay
VI - Ang Crowning Glory ni Beverly
VII - Family Thanksgiving Dinner
VIII - A Mother's Wish
IX - Ms. Sophisticated Sophie
X - Beverly and Stephen's Agreement
XI - The Matchmaker Moms
XII - Ang Kawawang Stephen
XIII - Family Getaway!
XIV - Stylistic Stephen (Revised)
XV - Baking Lesson (Revised)
XVI - Beverly vs. Sophie (Round 1)
XVII - Mr. Hopeless Romantic Stephen
XVIII- Stephen and Sophie's Night
XIX- The Shocking Revelation
XX - Heaven Knows
XXI- Jelly Stephen (Revised)
XXII- Bad Hair Day
XXIII - Best Advice Goes To...
XXIV - Family Crisis
XXV - Basang-basa sa Ulan (Revised)
XXVI - Huling Hirit ni Philippe
XXVII - Cold War ng Magkapatid
XXVIII - Surpresa ni Inday
XXIX - First LQ
XXX - Monthsary (Revised)
XXXI - Caught In The Act
XXXII - Philippe and Sophie to the Rescue
XXXIII - Beverly vs. Sophie (Final Round)
XXXIV - Goodbye Sophie, Goodbye Philippe
Beverly's Spin-Off Series #1
XXXV - Last Goodbye
XXXVI - A Fresh Start
Epilogue
New Book on the Way
Thank You Note
Trivia #1
Christmas Wish, Chrismas List : A Holiday Special (Part II)
New Year's Love Special
Special Chapter - Christmas sa America

Christmas Wish, Chrismas List : A Holiday Special (Part I)

17.5K 233 18
By BalatSibuyas

CHRISTMAS is the most celebrated and the longest holiday here in the Philippines. Sa panahong ito natin inaalaala ang kapanganakan ng ating tagapagligtas na walang iba kung hindi ang ating Panginoong Hesu Cristo. Ito ang katuparan ng pangako ng Diyos sa atin, at sa pamamagitan ng kapanganakan ni Hesus ay nasagip tayo sa ating mga kasalanan. Na kung sino man ang maniniwala sa bugtong na anak ng Diyos ay magkakaroon ng buhay na walang hanggan. Ang Pasko ay ang patunay na kung gaano nga kamahal ng Diyos ang sanlibutan. Ito ang  kaniyang dakilang regalo para sa atin. Pamilyar ba?  John 3:16 lang yan ng Bible. Basa-basa rin pag may time.

Ang diwa ng Pasko ay pag-ibig at pagpapatawad kaya dapat natin itong ipagdiwang. At tulad ng iba, pinaghahandaan ko rin ito. Hindi ko nga akalain na magiging masaya ang aking Pasko dito sa Pilipinas. I never thought that I will be spending my holidays with someone who is very dear to me. Akala ko kasi forever nang magiging malamig ang aking Pasko. Not anymore! Because now there's someone who will warm my heart. I am super-duper excited. I am also happy that I'm going to spend every Christmas here with my family because I'm staying here for good na with my dear Stephen!

To avoid the Christmas rush, November pa lang ay pinaghahandaan ko na ito. Gusto kong maging kakaiba ngayon ang aking Pasko, so I made my To-Do List. Sana ay umayon lahat sa plano ang gagawin ko. Hindi lang naman ito para sa akin kung hindi ito ay para sa lahat ng aking minamahal.

On top of my list is Christmas shopping. Mag-sha-shopping kami ni Alice for our Christmas gifts. Nakahanda na ang aking listahan ng aking reregaluhan. Marami-rami rin ito. Parang ang lungkot naman ng Pasko kung walang regalo. Kung mayroon ka man lang maibibigay, bakit mo naman ito ipagdadamot. Binigyan ka nga ng Diyos ng sapat, kaya dapat ka lang namang mamahagi para sa iyong mga minamahal, at sa iyong malalapit na kaibigan. Oo nga't masayang makatanggap ng regalo, pero mas masaya ang makita mong masaya ang nireregaluhan mo.

Next is that I'm going to decorate  the house. Way back in the States, hindi ako nagdedecorate ng bahay. Para saan pa, ako lang namang mag-isa sa malungkot kong apartment. Sa tutuo lang sa America, pag malapit na ang winter season, maraming nade-depress doon. Ang tawag nila sa ganoong season ay Winter Deppression. Pero dito sa atin, bawat pamilya ay pinagsusumikapan natin na maging magkasama-sama tayo sa tuwing sasapit ang Kapaskuhan. Kaya nga, this time, bobonggahan ko talaga ang pag-aayos. Marami naman kaming mag-aayos, so no problem with that.

Third. Pupunta kami ng mga bata sa Enchanted Kingdom. Gasino lang ba iyon. Request nila iyon sa akin. Sabi nga nila, dapat bago mag-Christmas. E, di why not, coconut! Sagot ko na ang lahat! Sino pa nga ba?

Fourth. Siyempre, lalabas kami ni Stephen at kaming dalawa lang! I will make sure na talagang mag-eenjoy kami because this time hindi na namin kailangan pang magtago. Those days are gone. A new day has begun.

Fifth. Dito daw magno-Noche Buena sila Tita Kaye! And that is wonderful! Siguro, ito na ang pinakamasaya kong Pasko. Haay...I can't wait for that day!

Pagkatapos kong magawa ang aking to-do list sa aking cellphone ay bigla namang nag-ring ito. Guest who made the call? Who could it be?

"Hello, Baby Mahal? What are you up to?" sabi niya in a very seductive voice. Para naman akong dalagitang kinilig sa aking narinig.

"Yes, Daba? Nothing that much. Just thinking of you." Papikit-pikit pa ako habang sinasabi ko ang mga ito. Daba is short for Padaba na ang ibig sabihin ay Mahal sa Bicol. Kung sa Visaya pa ay Palangga. Baby Mahal naman kasi ang tawag niya sa akin. Sa tutuo lang, for me it sounds corny, but it's also so romantic. Ganoon naman talaga!

"I have na my Christmas gift for you. I'm sure you will love it," paglalambing niya. Oo nga pala. Wala pa akong naiisip kung ano ang ireregalo ko sa kaniya. Baka kasi hindi niya magustuhan?

"So early naman niyan, Daba? Actually, wala pa akong naiisip, but I'm sure, magugustuhan mo 'yon." Ano kaya yon?

"Ok lang Baby Mahal. Kahit ano pa yan ay tatanggapin ko because you will give it to me with all your heart." At may sabay pa ng tunog ng kiss. Oh my!

"But of course!" I exclaimed.

"Alam mo kahit na wala kang gift sa akin, ok lang. You know why? Because being with you is more than enough for me." Naku, kung katabi ko lang ito ay nahampas ko na ito sa balikat. "The reason I called you is that, gusto ni Mama sa New Year naman ay isasama namin kayo. We are planning to spend it somewhere. Saka na lang niya sasabihin kung saan. She wants it to be a surprise."

Tatanggi pa ba naman ako? "Ok, Daba. No problem. Basta si Tita Kaye. Sa tingin mo, saan kaya?"

"Mahal, surpresa nga."

"O siya. Sige na, Daba. Pinagtatawanan na ako dito ni Alice. I'll talk to you na lang....Love you too!" Pagkababa ko ng cellphone ay natatawa pa rin si Alice.

"Ang corny niyo namang dalawa, pero ang cute niyong pakinggan. Nakakakilig naman. Mabuti naman at mararanasan mo na rin ang mga ganiyang kabaduyan," sabi ni Alice.

Naglungkot-lungkutan itong bigla. "O, ba't malungkot ka?"

"Sa tuwing magpa-Pasko kasi, nami-miss ko si Ramon. Sana narito siya. Kulang ang Pasko pag wala ang Mon ko."

Nilapitan ko si Alice at hinawakan ko sa balikat. "Hayaan mo, papasayahin ka namin ng mga anak mo at ni Mommy." Nakakalungkot naman talaga ang mangulila sa asawa.

"Yes, Ate magiging masaya ako, para sa mga anak ko. Hindi rin naman magugustuhan ni Ramon kung magiging malungkot ako." Umaliwalas na ang mukha nito. "Kailan tayo mag-sha-shopping?"

"Bukas na!" masigla kong sagot.

"Sure na ba diyan?" tanong ulit nito. Ilang beses na rin kami kasing naunsiyami ang lakad namin. Lagi kasi kaming lumalabas ni Stephen.

"Oo na nga. Sige na. Tuloy na tayo bukas!"



KINABUKASAN.

Akala ko pa naman makakaiwas kami sa Christmas rush. 'Yon pala ay marami na ring namimili. Anyway, namili muna kami ni Alice ng iba't ibang Christmas decor. Name it, we got it. Maglalagay kasi ako ng bagong Christmas tree, mas malaki sa luma namin. At maglalagay ako ng maraming Christmas lights, sa labas ng bahay namin. Sisiguraduhin ko na maliwanag ang bahay namin.

Ang pinakahuli naming binili ni Alice ay ang regalo namin para sa kambal. Naghanap-hanap kami sa toy section. Si Alice, naghanap ng mga manika. Ako naman ay mga educational toys. May nakita akong pang-duktor at pang-nurse na mga laruan. Maganda yon para sa kanilang role playing. Pero may nakita akong malaking doll house. Naengganyo akong lumapit.

Nilapitan ko ito at binuksan. "Ang cute nito Alice. Ito na lang kaya ang bibilhin ko para sa kambal. Sa tingin mo magugustuhan nila ito?"

"Im sure, Ate Baby, magugustuhan nila 'yan." Napatingin ako at ang inaakala kong kausap ko na si Alice ay...OMG, si Sophie pala! Napatulala ako, pero siya naman ay nakangiti sa akin. "Advance Merry Christmas, Ate Baby!" May kasiglahan ang pagbati niya.

Hindi kaagad ako nakapagsalita. Bigla kasi akong kinabahan. Hindi ko naman kasi inaasahan na sa dinamdami ng mall dito sa Manila ay dito pa kami magkikita. Maliit talaga ang mundo. Ngumiti rin naman ako. She still looks stunning. Mas gumanda pa nga siya ngayon. "Advance Merry Christmas din, Sophie," bati ko naman. Hindi pa rin ako makapaniwala na ipinagpalit ako ni Stephen dito.

"Sige po, Ate. Mauna na kami." Napatango na lang ako. "Tara Che!" Yaya niya sa kasama niya. Dumiretso na sila sa counter. Mukhang marami rin siyang reregaluhang bata dahil puno ng iba't ibang regalong pambata ang dala nilang shopping cart. Siguro marami siyang pamangkin.

"Si Sophie ba yong kausap mo kanina?" tanong ni Alice. Nakatingin pa rin kasi ako kina Sophie. Niyugyog ako nito. "Hoy, 'Te?"

"Ha? A, hindi, ay oo, si Sophie nga," patarantang sagot ko.

"Ano ba talaga? Si Sophie?" Tumango ako. "Binati mo ba? Di ba magpapakasal na 'yon, sabi mo?"

"Pa'no ko naman siya mababati, e, nag-mamadali na? Nag-greet lang siya ng Merry Christmas, at nag-greet din naman ako sa kaniya."

"Well, at least, ok na siya, di ba?" tanong pa nito.

"Mukha naman. Ikakasal na nga, e," sabi ko naman. Para maiba ang aming usapan ay tinanong ko ito. "Nakapili ka na ba?" Tumango siya at ipinakita niya ang stuff toys na napili niya. Tinanong naman niya ako kung ano na ang napili ko. "Yong educational toys na lang ang bibilhin ko. Sa birthday na lang nila itong doll house."

"Ate, itong doll house na lang." Mukhang siya ang may gusto nito.

AFTER the shopping ay isinunod ko na ang pagde-decorate ng house. Ipinakabit ko ang mga Christmas lights sa mga lalaki. Si Alvin na ang namahala doon. Kami naman ni Alice ang nag-ayos sa loob habang si Mommy ang nagbabantay sa kambal.

Pinahuli na namin ni Alice ang Christmas tree dahil gusto naming sama-sama kaming magde-decorate nito. Pagkatapos ng boys magkabit ng mga Christmas lights sa labas ay pumasok na ito. Sila ang nag-assembe ng Christmas tree at kami namang mga babae ang nagkabit ng mga Christmas balls with two colors, silver and gold. Pagkatapos ay kinabitan na namin ng mga led lights na puti. Puti lang ang ginamit kong kulay para hindi kami mahilo sa iba't ibang kulay ng ilaw.

Nang ikakabit na namin ang Christmas star sa ibabaw ng tree ay nagtawanan ang kambal. Yon pala nasa may pintuan nakatayo si Stephen at niloloko-loko ang kambal.

"Tito Stephen!" sabay bati ng dalawa.

"Hello Mona? Hello Lisa?" Nag-unahan ang dalawa at nagpakarga. "Let's help Tita Baby put the star on the Christmas tree." Sabay namang  nag yehey ang kambal. Inilagay ng dalawa ang star habang karga-karga ito ni Stephen. Kinuha ko na lang si Mona dahil nahirapan siyang iangat ito. Pagkakabit namin. "Ang bibigat niyo na," sabi pa niya. Napahagikhik ang kambal.

Napatingin na lang ako sa kanila. Naisip ko tuloy, sana amin na lang itong dalawang bata. Ampunin ko kaya ito kung sakali. Na-imagine ko na ang hitsura ni Alice.

Naramdaman ko na lang ang pagdikit ng braso namin ni Stephen. "Hey, what's up?" bulong niya. Nakita kasi niya akong nakatulala.

"Wala...Ang cute niyo kasi ng kambal tingnan."

"A?" Tatango-tango ito. "E, di gawa tayo, tara!" Bigla ako nitong niyapos at ini-sway pa ako, saka niya ako hinalikan sa pisngi. Napahagikhik na naman ang kambal.

Sumigaw na si Sam at RJ sa labas. "Tita, ready na kami. Pailwain na natin ang Christmas lights." Mukhang excited na rin ang mga bata.

Lumabas na kaming lahat ng bahay. Ipinasama ko na rin palagyan ang dalawa pang bahay. Gusto ko kasing makita na maliwanag ang kabuuan ng aking apartment. Matagal ko na kasi itong gustong gawin kaya ngayon ay masasaksihan ko na ang aking pinapangarap na Pasko.

Tumayo na kaming magkakatabi malapit sa kalsada. Pati ang mga nangungupahan sa apartment ko ay naki-isa na rin. Sabay-sabay kaming nag-aabang sa unang pagbukas ng mga ilaw. Excited na ang bawat isa sa amin.

"At the count of three," sabi ni Alvin kina Sam at RJ. "One, two, three!"

Sabay-sabay ngang nagliwanag ang mga Christmas lights ng buong apartment. Napakaliwanag at kuhang-kuha ang porma ng kabuuang apartment. Ang ganda tingnan. Kumukutikutitap ang mga ito. Puti din lahat ang mga ilaw. May mga parol ding sa gitna ng bawat bahay. Hindi ko maipaliwanag ang sayang naramdaman ko nang makita ko ito. Lalo na nang biglang umilaw ang signage ng aming apartmetn, naksulat dito ang Llamado's Apartment. Nakapalibot dito ang pumapaikot-ikot na Christmas lights. Nangilid tuloy ang mga luha ko. Napansin ito ni Stephen kaya inakbayan na lang niya ako.

Lumapit ang dalawang pamilyang nagrerenta sa amin at nagpasalamat ang mga ito. Tuwang-tuwa rin sila sa kinalabasan ng aming pagde-decorate.

"Groupie!" sigaw naman ni Sam kasunod ni RJ habang papalapit sa amin.

Bago nito i-ready ang kaniyang cellphone, "Good job guys!" Nakipag-apiran ako sa tatlo, pati si Stephen. Sila Mommy naman at ang kambal ay nag-apiran din. Pagkatapos noon ay nag-group picture na kami at ang background namin ay ang aming tahanang puno ng liwanag.

Simula pa lang ito ng masayang Pasko ko dito sa Pinas.

Itutuloy...

___

MERRY CHRISTMAS to all Wattpaders!!!

-BalatSibuyas

Continue Reading

You'll Also Like

2.6K 98 33
"Takashima! gusto kong malaman ang tungkol sayo, gusto kong malaman ang nakaraan mo, gusto kong malaman ang lahat dahil interesado ako sayo, ikaw ang...
4.8K 1.2K 20
(EDITED | REVISED | COMPLETED) Highest Rank No. 50 in Mystery/Thriller Allison Delos Santos brings her friends to a vacation. They think their bondin...
571K 11.5K 75
Marrying the Guy I Hate is a about a girl named Katherine who has a boyfriend whose name is Charles. Unexpectedly, things got complicated. Unfortunat...
7.5M 213K 48
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...