Christmas Wish, Chrismas List : A Holiday Special (Part I)

17.5K 233 18
                                    

CHRISTMAS is the most celebrated and the longest holiday here in the Philippines

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CHRISTMAS is the most celebrated and the longest holiday here in the Philippines. Sa panahong ito natin inaalaala ang kapanganakan ng ating tagapagligtas na walang iba kung hindi ang ating Panginoong Hesu Cristo. Ito ang katuparan ng pangako ng Diyos sa atin, at sa pamamagitan ng kapanganakan ni Hesus ay nasagip tayo sa ating mga kasalanan. Na kung sino man ang maniniwala sa bugtong na anak ng Diyos ay magkakaroon ng buhay na walang hanggan. Ang Pasko ay ang patunay na kung gaano nga kamahal ng Diyos ang sanlibutan. Ito ang  kaniyang dakilang regalo para sa atin. Pamilyar ba?  John 3:16 lang yan ng Bible. Basa-basa rin pag may time.

Ang diwa ng Pasko ay pag-ibig at pagpapatawad kaya dapat natin itong ipagdiwang. At tulad ng iba, pinaghahandaan ko rin ito. Hindi ko nga akalain na magiging masaya ang aking Pasko dito sa Pilipinas. I never thought that I will be spending my holidays with someone who is very dear to me. Akala ko kasi forever nang magiging malamig ang aking Pasko. Not anymore! Because now there's someone who will warm my heart. I am super-duper excited. I am also happy that I'm going to spend every Christmas here with my family because I'm staying here for good na with my dear Stephen!

To avoid the Christmas rush, November pa lang ay pinaghahandaan ko na ito. Gusto kong maging kakaiba ngayon ang aking Pasko, so I made my To-Do List. Sana ay umayon lahat sa plano ang gagawin ko. Hindi lang naman ito para sa akin kung hindi ito ay para sa lahat ng aking minamahal.

On top of my list is Christmas shopping. Mag-sha-shopping kami ni Alice for our Christmas gifts. Nakahanda na ang aking listahan ng aking reregaluhan. Marami-rami rin ito. Parang ang lungkot naman ng Pasko kung walang regalo. Kung mayroon ka man lang maibibigay, bakit mo naman ito ipagdadamot. Binigyan ka nga ng Diyos ng sapat, kaya dapat ka lang namang mamahagi para sa iyong mga minamahal, at sa iyong malalapit na kaibigan. Oo nga't masayang makatanggap ng regalo, pero mas masaya ang makita mong masaya ang nireregaluhan mo.

Next is that I'm going to decorate  the house. Way back in the States, hindi ako nagdedecorate ng bahay. Para saan pa, ako lang namang mag-isa sa malungkot kong apartment. Sa tutuo lang sa America, pag malapit na ang winter season, maraming nade-depress doon. Ang tawag nila sa ganoong season ay Winter Deppression. Pero dito sa atin, bawat pamilya ay pinagsusumikapan natin na maging magkasama-sama tayo sa tuwing sasapit ang Kapaskuhan. Kaya nga, this time, bobonggahan ko talaga ang pag-aayos. Marami naman kaming mag-aayos, so no problem with that.

Third. Pupunta kami ng mga bata sa Enchanted Kingdom. Gasino lang ba iyon. Request nila iyon sa akin. Sabi nga nila, dapat bago mag-Christmas. E, di why not, coconut! Sagot ko na ang lahat! Sino pa nga ba?

Fourth. Siyempre, lalabas kami ni Stephen at kaming dalawa lang! I will make sure na talagang mag-eenjoy kami because this time hindi na namin kailangan pang magtago. Those days are gone. A new day has begun.

Fifth. Dito daw magno-Noche Buena sila Tita Kaye! And that is wonderful! Siguro, ito na ang pinakamasaya kong Pasko. Haay...I can't wait for that day!

Ang Huling Biyahe ni Ms. BeverlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon