XXXVI - A Fresh Start

34.6K 934 85
                                    

TWO years after...

Habang nasa loob ako ng eroplano pauwi ng Pilipinas, parang may kaba akong naramdaman. Hanggang ngayon naalala ko pa iyong boy-next-door na nagpakabog nang husto sa puso ko. Dalawang taon na pala 'yon. Noon kapag naaalala ko siya, umiiyak-iyak pa ako. Ngayon, natatawa na lang ako. Natatawa ako kasi hindi ako makapaniwala na itong aleng ito ay magustuhan ng guwapo at batang-batang lalaki at halos sabunutan ako ng pagkasexy-sexy niyang girlfriend sa selos. Hindi ko si Sophie masisisi dahil nasaktan ko siya nang hindi ko sinasadya. Nalulungkot ako para kay Sophie.

Pinakiusapan ko rin sila Alice na kapag makikipag-chat sa akin ay huwag na huwag babanggitin ang anuman tungkol kay Stephen. Yup! News black-out po! Pero nadulas siya minsan nang sabihin niyang ikakasal na daw si Sophie sa isang sikat na basketball star. Actually, nabasa ko 'yon sa Yahoo News. Masaya na ako para kay Sophie. Really!

Si Philippe naman, ang aking ex turned new best friend, binibisita ako sa States paminsan-minsan dahil malapit lang ang Canada sa Chicago. Mas naging close kami doon. Laking tulong din ng taong 'yon sa akin kasi napapagaan niya ang kalooban ko. Hindi raw siya mag-aasawa ulit kung hindi rin lang naman daw ako ang magiging asawa niya. Umaasa pa rin siya kahit sinabi ko na sa kaniya na wala na talaga kaming chance. Kung di daw siya umasa, bakit daw ngayon best friend ko na siya? Oo nga naman. Hay, sino kaya ang puwedeng kong ireto doon? Sayang naman, kasi ang bait niya at guwapo rin naman siya. 'Yong mga ganoong klaseng lalaki dapat ang nag-aasawa.

Ilang minuto na lang lalapag na ang eroplano. 'Yong kaba ko, napalitan na ng excitement. Miss na miss ko na kasi si Mommy, si Alice, at ang mga anak nito lalo na 'yong dalawang juniora. Ang cute-cute kasi noong dalawa 'yon! Nakakainggit talaga si Alice! Minsan nga nag-sisisi ako bakit ba ako nagpakatandang dalaga, pero pagna-iisip ko 'yong mga nagawa ko sa pamilya ko, nabe-bless naman ako. Ito yata 'yong tinatawag nilang "single-blessedness".

Aming Ama sa langit, marami pong salamat sa iyong kabutihan sa aming pamilya. Talagang mahal na mahal mo po ako at kailanman hindi mo talaga ako pinabayaan o iniwanan man lang lalo na sa madalas kong pag-iisa. Thank you so much Lord Jesus!

Mga ilang sandali pa, nagsimula nang magsitayuan ang mga pasahero sa unahan namin. Ngumiti sa akin 'yong katabi kong Amerkana.

"I think you're home!" sabi niya.

"Yes! At last!" sabi ko naman. Isa pala siyang Christian Missionary papuntang Tacloban.

Nang nasa labas na ako ng NAIA Terminal, naaalaala ko 'yong araw na paalis ako dito sa Pinas. Ang bigat ng mga paa ko at halos ayaw kong pumasok sa loob ng airport. Patinging-tingin pa nga ako, nag-babakasakali na nasa paligid lang si Stephen. Kung dumating sana siya noong oras na 'yon, at pinigilan niya ako baka hindi ako natuloy. Eh kaso hindi siya dumating kaya umalis na rin ako. Ay ano ba yan? Bigla na naman tuloy akong nalungkot! Erase! Erase! Erase!

Mayamaya, nakita ko na sila Alvin at ang dalawa niyang kapatid na nakaabang. Ang tatangkad talaga ng mga pamangkin ko. Nasobrahan siguro ito sa margarine, hahaha! Nasa lahi din namin at ni Mon ang matatangkad.

Ang ini-expect ko si Alice ang susundo sa akin kaya hinanap ko siya sa tatlo.

"Akala ko ba ang Mama ninyo ang susundo sa akin? 'Yan talagang kapatid kong 'yan, di marunong tumupad sa usapan!"

Tahimik lang ang tatlo. Pagkapasok ko sa van doon ko nakita si Alice at masayang-masaya ito nang makita ako. Sa sobrang saya ni Alice halos malamog na ako sa kayayakap nito. Tumaba siya pero maganda pa rin.

"Hoy Alice, tama na! OA ka na! Ito namang kambal ang lalamugin ko. Kumusta na ang mga juniora ko?" Yinapos ko nang mahigpit ang dalawa na medyo nahihiya sa akin.

Ang Huling Biyahe ni Ms. BeverlyWhere stories live. Discover now