XXI- Jelly Stephen (Revised)

32.9K 838 43
                                    

TULUYAN na ngang gumaling si Kakay at bumalik na rin ang dati niyang sigla. Dahil nagagawa na nitong muli ang kaniyang mga gawain na walang tumutulong ay nagpaalam na si Beverly na uuwi na sa kanila. Ayaw pa sana siya nitong payagan, ngunit napag-isipisip nito na kailangan din si Beverly ng kaniyang ina. Nagpasalamat muli ito kay Beverly sa pag-aalaga sa kaniya.

Nagpaalam rin siya kay Stephen, at ito rin ang siyang nag-abot ng sobrengng pambayad sa kaniya. Hindi sana niya iyon tatanggapin, ngunit nagpumilit si Stephen. Sinabi rin ni Stephen na magiging malungkot na naman ang bahay nila at hahanap-hanapin siya nito. Ipinagbilin naman ni Beverly kay Stephen na alagaang maigi ang ina nito kung hindi malalagot daw ito sa kaniya. Maging siya ay nalungkot  sa kaniyang pag-alis dahil sa isang linggo niyang mga kakaibang karanasan sa araw-araw na kapiling niya ang mag-ina. Mabigat sa loob niya ang kaniyang pag-alis lalo na at lumalim ang kanilang pagkakaibigan.

Sa pakiusap na rin ni Kakay at sa  kaniyang awa ay unti-unting nanumbalik ang pagkakaibigan nila ni Philippe. Noong una ay naaalangan siya, ngunit sa di kalaunan ay naging malapit na rin sila. Nalaman niya na hiwalay na pala ito sa asawa at may tatlong anak na rin. May apo na nga raw ito. Tuluyan na ngang nawala ang galit ni Beverly kay Philippe.

___

Beverly's POV

Minsan, nagyaya si Philippe na kumain kami sa isang Italian restaurant. Iyon kasi ang madalas naming puntahan noong kami pa. Ayaw ko sana, kaso nalulungkot ako. Simula nang umuwi ako dito sa bahay  wala akong iniisip kundi sila Tita Kaye. Parang naiwan ata ang kaluluwa ko doon. Hindi man lang kasi nagpaparamdam sa akin si Stephen. Paano naman niya  ako iisipin, asa pa ako, siyempre mas iisipin noon si Sophie. 

I must admit that I miss Stephen a lot! Pero kailangan ko nang kalimutan siya. Alam ko naman na walang patutunguhan kung iisipin ko pa siya. Hanggang doon na lang ang kaming dalawa. I will just be an "ate" to him. No more. No less. 

Minsan naisip ko, bakit ko ba napatawad kaagad si Philippe? Kung ano man ang nararamdaman ko kay Stephen, si Philippe  lang ang nakakaalis nito, kahit paano. Nakukunsensiya naman ako, kaso makulit siya. Punta nang punta sa amin. Anyway, sabi niya friends lang kami.

Pagdating namin sa restaurant ay dumiretso na kami sa loob. Maaga-aga pa kaya maluwag pa sa loob. Ang ganda nang ambiance, very relaxing. No, not really, the place was so romantic. Kinurot ko nga siya sa tagiliran. Loko, mukhang may binabalak. At hinila pa ang kamay ko pagpasok namin sa loob. Baka raw kasi tumakas ako.

"Hoy friendly date lang to ha?" paalala ko. Inunahan ko na. Ilang beses pa lang kami nagkikita, kaya hindi niya ako puwedeng ligawan.

"Relax. Let's just enjoy each other's company," sabi niya.

Habang nag-uusap kami napatingin ako sa unahan. Hindi ko akalain nandoon din pala si Stephen at Sophie. Kaharap ko siya, talikuran naman sila Philippe at Sophie. Nginitian ko siya. Ngumiti naman din siya. Lumingon si Sophie at ngumiti rin ito. Napansin ako ni Philippe kaya lumingon siya at kumaway ito kay Stephen. Ngumiti lang si Stephen sa kaniya.

Si Philippe na ang pinapili ko ng pagkain, kaya habang umu-order ito ay napapatingin ako banda kina Stephen. Kumakain na sila at mukhang tahimik. Siguro, sarap na sarap sa pagkain. Napansin ko kaagad ang bugkos ng mga bulaklak sa ibabaw ng mesa. Samantalang ako, wala. But of course, friendly date nga ito. Nainggit tuloy ako.

"Lolo Phil, I have to powder my nose. Ok lang?" paalam ko. Pumayag naman. May apo na kasi ito sa panganay. Maaga daw lumandi yong babae niya. Yong dalawang lalaki naman niya ay matitino. Kaya nilo-lolo ko ito.

Habang nasa CR ako, narinig ko ang boses ng isang babae na papasok. Kaka-flush ko lang ng toilet at nagsasara ako ng zipper ng pants ko.

"Hello Che...Here, we're having dinner. Ok na sana, ang saya nga namin!" Mukhang boses ni Sophie.Lalabas na sana ako kaso bigla akong kinabahan lalo na nang ibagsak nito ang kaniyang bag sa ibabaw ng countertop.

Ang Huling Biyahe ni Ms. BeverlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon