Odyssey High: School For Ench...

بواسطة BlackenedLight

571 30 0

"Enchant the Enchanter and you will be enchanted." Aeresthelle Zira is a new student in Odyssey High, the sch... المزيد

-X-
Ang Simula
i. begin
ii. the school for enchanters
iv. first day
v. the lightning bolt
vi. wind and times
vii. pets
viii. guardian
ix. exam
x. monster
xi. mates
xii. the enchant exams 1
xiii. the enchant exams 2

iii. the enchanted flower

35 2 0
بواسطة BlackenedLight

Two branches,
Let's devide.
A flower that touches,
And a fountain with two sides.

Kabanata 3

---

Aeresthelle

Unti unti nang nabuksan ang napakalaking gate at nasilayan ko na ang loob ng Odyssey High.

Namangha ako sa gandang taglay ng kapaligiran. Puro puno at mga bulaklak na napapalibutan ng iba't-ibang kulay na mga paruparu na nagliliparan ang nakikita ko ngayon. Sa dulo ng daan ay makikita ang dalawang nagtatayog na parang mga kastilyo.

Ang isa ay kulay puti at ang isa naman ay kulay itim. Modernong-moderno ang disenyo na ito kaya hindi napagkakamalang haunted house. Hindi naman nakasaad na dalawang uri pala ang eskwelahan ito? Ang tanging nakasulat lamang sa sulat ay ang limang kaharian na mayroon ang mundong ito at sa pagkakaalam ko, ay napapabilang ang Odyssey High sa Kahariang Mauritius na kasalukuyang pinamumunuan ni Haring Sevastian Leovanni Castianelle III.

Mapapansin mo rin ang gitnang kastilyo na parang isang napakataas na gusali na maraming palapag. Mas mataas ito kumpara sa dalawang kastilyo at higit na malaki.

Humakbang na si Professor Liam at sumunod na lamang ako. Nang makarating kami sa dulo ay nakita ko ang napakalaking fountain na humahati sa dalawang kastilyo. Nasa gitna kasi ito kaya nasa gitna talaga.

Huminto si Professor Liam at napahinto rin ako. Tinitigan ko ang fountain at nahahati ang tubig sa dalawa at nakakapagtaka dahil mayroon itong dalawang kulay, itim at kulay puti or transparent. Maaaring ito ay nakasaad para sa dalawang magkabilang kastilyo. Higit akong nagtaka dahil kulay puti ang nasa itim na kastilyo at kulay itim naman ang lumalabas na tubig sa puting kastilyo.

"This is called the Fountain of Truth. Lahat-lahat ay alam nito kung alam mo kung paano ito tatanungin. Walang nakakatakas sa fountain of truth at ginagawa itong paraan ng Odyssey High para malaman kung sino at kung saang branch ng enchantment napapabilang ang taong nakagawa ng sala. Kung naging kulay itim ang tubig na nakaturo sa isa sa mga kastilyo, ay ibig sabihin na napapabilang doon ang nakagawa ng kasalanan. Ang puting tubig naman ay nagsasaad na walang nakagawa ng sala. It's been like this eversince para disiplinahin ang mga estudyante rito." Napahinga ito nang malalim at mukhang problemadong-problemado.

"At mukhang alam ko nanaman ang taong nagkasala ngayong araw na ito. Tsk. That troublemaker." Marahang napapailing na lamang si Professor Liam na natatawa. Mukhang siguradong-sigurado siya sa kanyang naiisip.

Napatango na lamang ako. Hindi ko na lamang pinansin ang matipunong likod ng isang lalaki na nakikita ko sa napakalinaw na repleksiyon sa tubig. Naka-hoodie ito na kulay itim at nakataas ang hood kaya hindi makita ang buhok ngunit malalaman mong lalake ito dahil sa pangangatawan nitong hindi masyadong maskulado pero halata mong maganda ang pangangatawan.

Back to the topic. Bakit dalawa ang kastilyo? Akala ko ba iisa lang ang eskwelahang ito? O baka naman dorm lang ito pero bakit iba't-iba ang kulay ng mga kastilyo?

"This fountain divides the two branches of enchantment, Ms. Aeresthelle. The black one is for the cursed enchantments, ito ay ang mga hindi pangkaraniwang mga mahika na hindi ordinaryo sa mundong ito. Ang puting kastilyo naman ay para sa mga gifted enchantment, hindi rin pangkaraniwan ang mga mahika na nakapaloob dito kaya masasabi kong pantay lamang ang estado ng dalawang branch. Ngunit hindi rin naman maiiwasan na magkaroon ng alitan at gulo sa pagitan ng dalawa."

"Are you a mind reader?" Bigla kong bulalas na nakapagtawa naman sa kanya. I looked at him with no emotion until he stopped laughing. Napangisi nalang siya, "You're right Ms. Aeresthelle. My enchantment includes reading and talking to a person's mind." Nagkibit ako ng balikat sa kanya. This is bad because I could never hide anything from this professor. I bet his enchantment's a curse.

"Can I ask you something? What branch is your enchantment?"

Ngumisi siya, "Secret." I just looked at him with no emotion while he laughed. Napapansin kong para itong happy-go-lucky type of professor.

"Ngunit babala, binibini. Hinding-hindi mo dapat hahawakan ang tubig na umaagos sa fountain na ito."

"Bakit?" I asked, confused.

"Kasi baka makulong ka nito habang buhay." So basically it's a prison. I wonder kung may nakulong na ba dito noon.

"Ako ba ang pipili kung saan ako mapapabilang na branch?" Iniba ko nalang ang usapan dahil parang naiilang na ako sa misteryo ng mahiwagang fountain na ito. Nakita kong napatingin siya sa daan at diretso ang tingin niya.

"No Ms. Aeresthelle, you cannot choose on your own because your enchantment will choose which branch you will be on."

"And this is the library, where everything is quiet and there's always a boring librarian."

Kanina pa kaming naglalakad sa buong Odyssey High at kasalukuyan akong itinu-tour ni Professor Liam para daw hindi na ako maligaw kapag nag-umpisa na ang klase.

"The last one will be our last stop."

"Okay."

Pumunta kami sa isang hallway na walang katao-tao at bigla na lamang lumakad papunta sa dulo nito at bigla na lamang pumasok sa wall. Siya lang pala ang pumasok dahil nabigla ako nang tumagos siya sa pader. Maya-maya ay bumalik rin siya, "What are you waiting for?"

Na-gets ko naman yung sinabi niya kaya sumunod nalang ako. It felt weird to pass through a thick wall.

"No one could pass that wall Miss. Aeresthelle-"

"Aeresthelle, just Aeresthelle." Mukhang natigilan siya sa sinabi ko at maya-maya ay ngumiti rin naman.

"So as I was saying Aeresthelle. Hindi ka na muling makakadaan sa wall of brillux na dinaanan natin kanina kapag nalaman natin kung saang branch ka napapabilang."

"Why?"

"Dahil mayroong hiwaga na mahihirapan kang buksan sa mga sulok ng wall of brillux. Only high enchanters like me knows how to open its mysteries."

Napatango nalang ako at hindi na sumagot pa. Marami pa siyang sinasabi na kung ano-ano bago kami makarating sa punto ng mahabang hallway. Mostly ay tungkol sa limang kaharian na nandito sa enchant world.

"Hanggang dito na lamang ako, binibini. Sa loob ng silid na iyan ay malalaman mo kung saan ka dapat nabibilang. Ilagay mo lamang ang iyong puso't isipan at malaya mong ilahad sa mahiwagang nilalang ng kahariang Mauritius." Hindi ko naintindihan ang kanyang mga sinasabi ngunit pinihit ko na lamang ang pintuan at tuluyan ng pumasok.

Madilim. Napakadilim.

I looked around once my eyesight adjusted to the darkness. Mayroong mga cobwebs na nakakalat sa paligid. Mga librong naka stock sa isang sulok at mayroong isang klase ng bulaklak sa sentro ng silid na ito. Nakataob sa bulaklak ang isang glass case na parang sa disney movie na beauty and the beast. Ang kaibahan lamang ay hindi ito nalalagas o nababawasan ang mga petals at nahuhulog. Nakalutang ito at kulay asul na may halong pink na parang nagliliwanag sa iyong mga mata.

Tumingin ako sa paligid ngunit wala naman akong nakikitang kakaiba sa lugar na ito o kung nasaan man ang sinasabi ni Professor na mahiwagang nilalang ng kahariang Mauritius.

Maliban na lamang sa bulaklak  na nasa sentro ng madilim na silid na kinaroroonan ko ngayon.

Maya-maya ay napag-desisyonan kong lumapit dito at unti-unting binuksan ang glass case. Tumambad saakin ang kakaibang bulaklak. Unang tingin mo rito ay mararamdaman mo talaga na hindi ito pangkaraniwang bulaklak at isa na ring dahilan ko ay hindi ko talaga alam ang pangalan nito. Ngayon lamang ako nakakita ng klase ng bulaklak na ito.

Ano kaya ang ibig sabihin ni Sir Liam?

As if on act, I was mesmerized by its beauty and I touched it. Nariyan na sa mga kamay ko ang bulaklak ng bigla itong umitim at parang nawalan ng buhay. Nabigla ako at ibabalik ko na sana ang bulaklak ng bigla itong mabuhay muli sa mga kamay ko. Nagtaka ako at parang natakot kaya ibinalik ko na ito sa pwesto at unti-unti ng humakbang papalapit sa pintuang pinagmulan ko.

Kumakabog ng malakas ang aking puso sa aking dibdib at napahawak ako dito.

Bubuksan ko na sana ang pinto ng makarinig ako ng parang spark ng kuryente. Lumingon ako sa bulaklak at nagulat ako ng nasa ere na ito at nakalutang. Nawala na lamang bigla ang glass na takip dito at napapalibutan ito ng kulay puti na liwanag na nakakasilaw sa mata.

Tinakpan ko ng bahagya ang aking mata sa nakakasilaw na liwanag pero nakikita ko pa rin ang bulaklak na nagliliwanag sa ere.

What's the meaning of this?

---

BlackenedLight

واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

Mirren Academy of Spells بواسطة April

الخيال (فانتازيا)

877K 58.6K 33
Discovering an abandoned town in the middle of a forest, Odeth is transported to a time when the ghost town was alive, but as someone else--Olivia Va...