Said I Love You, But I Lied

By master_anoch

13.2K 285 70

Kwentong puro kaartehan at kabaklaan. Naniniwala ka ba sa kasabihang 'If you love someone, set him free'? Ka... More

Said I Love You, But I Lied - Chapter 1
Said I Love You, But I Lied - Chapter 2
Said I Love You, But I Lied - Chapter 3
Said I Love You, But I Lied - Chapter 4
Said I Love You, But I Lied - Chapter 5
Said I Love You, But I Lied - Chapter 6
Said I Love You, But I Lied - Chapter 7
Said I Love You, But I Lied - Chapter 8
Said I Love You, But I Lied - Chapter 9
Said I Love You, But I Lied - Chapter 10
Said I Love You, But I Lied - Chapter 11
Said I Love You, But I Lied - Chapter 12
Said I Love You, But I Lied - Chapter 13
Said I Love You, But I Lied - Chapter 14
Said I Love You, But I Lied - Chapter 15
Said I Love You, But I Lied - Chapter 16
Said I Love You, But I Lied - Chapter 17
Said I Love You, But I Lied - Chapter 18
Said I Love You, But I Lied - Chapter 19
Said I Love You, But I Lied - Chapter 20
Said I Love You, But I Lied - Chapter 21
Said I Love You, But I Lied - Chapter 22
Said I Love You, But I Lied - Chapter 23
Said I Love You, But I Lied - Chapter 24
Said I Love You, But I Lied - Chapter 25
Said I Love You, But I Lied - Chapter 26
Said I Love You, But I Lied - Chapter 27
Said I Love You, But I Lied - Chapter 28
Said I Love You, But I Lied - Chapter 29
Said I Love You, But I Lied - Chapter 30
Said I Love You, But I Lied - Chapter 31
Said I Love You, But I Lied - Chapter 32
Said I Love You, But I Lied - Chapter 33
Said I Love You, But I Lied - Chapter 35
Said I Love You, But I Lied - Chapter 36
Said I Love You, But I Lied - Chapter 37
Said I Love You, But I Lied - Chapter 38
Said I Love You, But I Lied - Chapter 39
Said I Love You, But I Lied - Chapter 40

Said I Love You, But I Lied - Chapter 34

185 5 0
By master_anoch

CHAPTER 34

Pagdilat ng mata ko, bubong na puro kawayan ang una kong nakita. Mabilis akong bumangon at kinapa ang buo kong katawan. Buo pa naman ako. Pero anong nangyari? Paano ako nakarating dito sa kwarto? Ang huling naaalala ko, nasa sala kami ni Dennis habang yakap-yakap nya ako.

Unti-unti akong napangiti ng maalala ko ang nangyari kagabi. Akala ko hindi ko na sya muli pang makikita. Pero nagulat ako kagabi dahil naghihintay sya pag-uwi ko. Iba ang pakiramdam ko kagabi. Ang saya ko. Nawala lahat ng alalahanin ko pagkakita ko sa kanya. Isang yakap nya lang nabuo ang araw ko kahit gabi na.

Muli kong sinariwa ang yakap nya kagabi. Hindi ko alam kung gaano kami katagal magkayakap. Yes, magkayakap talaga kami kagabi. Hindi na ako nagpakipot pa. Gusto ko rin naman ‘yon, saka talagang namiss ko sya. Ang sarap nga sa pakiramdam eh. Yung tipong katabi ko lang sya okey na ako.

Pero bakit wala na akong ibang maalala sa mga nangyari kagabi bukod sa magkayakap kami? Hindi kaya nagyakapan kami buong magdamag? Weee? Iniisip ko pa lang kinikilig na ako.

Para na akong tangang nakangiti habang nakayakap sa unan at kilig na kilig.

Teka?

Si Dennis?

Halos madapa ako sa magmamadaling lumabas ng kwarto. Asan na kaya sya? Umalis na? Naiisip ko pa lang nalulungkot na ako. Sana naman hindi muna sya umalis. Hindi pa kami nakakapag-usap. Sabi nya kagabi marami syang sasabihin sa akin. Okey nang simula yong kagabi eh. Kaya lang nakatulog naman ata ako. Iba ang pakiramdam ko kagabi. ‘Yong mga kinikilis nya iba eh. Parang may something. Assuming na kung assuming pero iba talaga eh. Parang may mali.

Oww---keeeey! Ano ang ibig sabihin nito?

Naabutan ko si Dennis sa kusina habang nagluluto. Nakatalikod sya kaya hindi pa nya ako nakikita. Ginamit nya ang apron na nakasabit lang doon, na ginawa ko lang pangdisplay sa loob ng ilang linggong pagtira ko dito. May nakahain ng fried rice, tocino, scramble egg, at hotdog sa lamesa. Sya lahat ang nagluto nito? Napangiti ako. Kinilig.

Anong ibig sabihin ng mga ito? Di ba sabi ko naman may something di ba? Pinagluto pa nya ako ngayon.

Humarap bigla si Dennis kaya kitang-kita nyang nakangiti ako. Nilapag nya sa mesa ang dalawang tasa ng kape saka naglakad palapit sa akin. Bakit ang fresh nya sa umaga?

Humawak ako sa dibdib ko dahil ramdam na ramdam ko ang muling pagririgodon ng puso ko. Kalma lang heart. Easy lang.

“Good morning. Gising ka na pala.” Nakangiting bati nya. Ang puso ko gusto pa atang mag-hi kay Dennis.

“G—good morning din. Ah ano ‘to?” turo ko sa mga pagkaing nakahain sa lamesa. Wala akong ibang maisip na sasabihin eh.

“Pinagluto kita.”

“Pero bakit?”

“Dapat ba may dahilan? Hindi ba pwedeng pinagluto kita dahil gusto ko lang?”

"Pero--”

“Halika na. Tikman mo na ang niluto ko.” Hindi na ako nakapalag ng hawakan nya ako sa kamay at igiya sa harap ng mesa.

Hindi ko maiwasang tingnan ang kamay nyang nakahawak sa kamay ko. Talo ko pa ang teenager na kinikilig. Ano ba naman ‘to.

“Marunong ka palang magluto.” nakayuko ako habang kumakain. Hindi kase ako makatingin sa kanya. Pakiramdam ko nakatingin sya sa akin. Ang init-init na tuloy ng pisngi ko.

“My mom taught me how to cook when I was in middle school. I grew up being an independent kaya eto nasanay na. Pero hindi naman mahirap lutuin ang mga niluto ko. Prito lang yan. Yan lang kase ang nakita ko sa fridge.”

Grabe! Hindi tanong yong sinabi ko pero ang haba ng sagot nya. Hindi ko tuloy naiwasang mapatingin sa kanya. Pero agad din akong nagbawi ng tingin. Nakatitig kase sya sa akin. Hindi rin sya kumakain. Sobrang seryoso ng mukha nya.

“Bakit hindi ka kumakain?” Yon na lang ang nasabi ko.

Narinig kong tumunog ang upuan at muntik pa akong mapasigaw ng bigla syang magsalita sa tabi ko. May lahing ninja siguro ito. Ang bilis kumilos eh.

Lalo lang akong hindi mapakali. Ramdam ko ang titig nya sa akin.

“Anna..” tawag nya sa pangalan ko.

Hindi ko sya tiningnan. Sobrang kinakabahan kase ako. Hindi ko na nga malunok ang pagkaing nasa bibig ko eh.

“You don’t have any idea how happy I am now.” Ano bang pinagsasabi nitong lalaking ito?

Dahan dahan akong tumungin sa kanya. Halos pigilan ko ang aking paghinga dahil sa sobrang liit na espasyo sa pagitan naming dalawa. Jusko po! Oxygen please!

 Napahigpit ang kapit ko sa kutsara ng bigla na lang nya akong hawakan sa pisngi. Parang may kuryenteng nanulay sa mga ugat ko. Tumingin ako sa kanyang mga mata. Parang may nababasa akong pagmamahal doon. Pagmamahal talaga Maritoni? Basta parang ganon. Di ko maexplain eh. Titig na titig kase sya sa akin.

Dahan-dahang lumapit ang mukha nya sa mukha ko. Bigla ko nalunok ang pagkaing nasa bibig ko. Ano ba yan mabubulunan pa ako.

“Ate?”

“Kuya?”

Mabilis akong umiwas ng tingin ng marinig ko ang boses ng mga bata. Nasa harap namin ang tatlong bagets at nakatingin sa amin.

“Hi kids!” bati ni Dennis sa mga bata.

“Ano pong ginagawa nyo?” Bigla akong namula sa tanong ni Angel. Si kumag naman ngumiti lang.

“Bakit? Ano bang nakita nyong ginagawa namin?” Anuraw?

Tiningnan ko ng masama si Dennis pero sa mga bata sya nakatingin.

“Para po kaseng hahalikan nyo si Ate Toni eh.” Bibong sagot ni Angie. Parang biglang sumabit sa lalamunan ko ang pagkaing nilunok ko kanina. Mabilis kong inabot ang tubig. Ano ba naman itong si Angie, nasobrahan naman ata sa kadaldalan.

“Ganon na nga.” Sagot ni Dennis.

Toink! Ano daw ulet?

Pagtingin ko kay Dennis, todo ngiti pa sya at biglang kumindat sa akin. Napainom tuloy ulet ako ng tubig.

“Sige po aalis na muna kami.” Biglang singit ni Donald. Tinulak nya palabas ang magkapatid.

“Mga bata huwag muna kayong babalik ha?” Ano bang pinagsasabi nitong si kumag sa mga bagets?

“Pero bakit po?” napabalik si Angel.

“May pag-uusapan muna kami ng Ate Toni nyo.”

“Ahh—sige po.” Saka sila tuluyang lumabas ng bahay.

Napatingin ako sa ibang deriksyon ng tumingin na naman sa akin si Dennis. Ano ba? Kase naman eh. Huwag ganyan. Natutunaw ako eh.

“Tapos ka na?”

Tumango ako.

“Okey. Makakapag-usap na tayo.”

Tumingin ako sa kanya ng bigla syang tumahimik. Nakatitig lang sya sa akin. Bigla akong nahiya at yumuko pero hinawakan nya ako sa pisngi at hinarap sa kanya.

“Bakit ka umalis?” sobrang seryoso ng boses nya at parang ang lungkot pa.

“Kelan? Saan?” Naiilang ako.

“Nong gabi, sa coffee shop.”

“Ah un ba? Umuwi na ako. Antagal mo kaseng bumalik eh. Nainip ako. Saka gabi na ‘yon kaya umuwi na ako.”

“You’re lying.” Bullseye!

Bigla akong naging uneasy. Hindi ako makatingin ng deritso sa kanyang mga mata. Pinipilipit ko na ang mga daliri ko sa ilalim ng mesa. Gusto kong tumayo pero hindi ko naman mabuhat ang sarili kong pwet. Feeling ko bumigat ako ng bongga.

Parang gusto ko ng umiyak. Kapag kase naaalala ko ang gabing yon. Nagiging emosyonal ako.

“Nong gabing bigla ka na lang umalis..natakot ako..para na akong mababaliw. I thought I was going to lose you forever.”

Tumingin ako sa kanya. Ano bang sinasabi nya? Naguguluhan na ako.

Marami akong gustong itanong, sabihin pero hindi ko maibuka ang aking bibig. Nakatingin lang ako sa kanya.

Lalo syang lumapit sa akin.

Hindi ako tumanggi ng hawakan nya ako sa kamay saka muli nya akong tinitigan. Iyong tipo ng titig na nakakatunaw. May kakaiba akong nababasa sa mga mata nya.

Kinabisa ko ang gwapo nyang mukha. Matangos ang kanyang ilong at maganda ang kanyang mga mata.

Bigla akong napakurap ng muli syang magsalita. Hinawakan na naman nya ako sa pisngi.

“The girl I’ve been telling you…The girl I’m inlove with..”

Pumikit ako para hindi ko makita ang mukha nya kapag binanggit na naman nya ang tungkol sa babaeng matagal nyang hinanap. Nasasaktan kase ako. Nagseselos ako kahit wala naman akong karapatan. Mahal ko sya eh.

“Totoong nakita ko na sya…That girl…”

Please!! Huwag mo nang sabihin.

“That girl..”

Please!! Sinasaktan mo na naman ako eh.

“…..is you!”

Wa--wait?

Ano daw?

That girl?

Who is that girl?

Dahan-dahan akong dumilat at nasalubong ko ang titig nya.

That girl??

Is me??

Is this real? Is this real?

Continue Reading

You'll Also Like

109K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...