Oo o Hindi?! Mahal Kita

By lonelyheartedmhe

47.8K 602 61

More

Oo o Hindi?! Mahal Kita
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28

Chapter 1

5.5K 38 28
By lonelyheartedmhe

Jill's  POV

My  gosh! Kainis talaga. Sana hindi na lang ako nakipagpalit ng room nung una. Hindi sana ito ang makakasama ko ngayon. 

Nakakainis talaga. Ano pa nga ba magagawa ko. Sa ayaw at sa gusto ko nandito na ito. Why not make the best of it na lang.

Naku maiayos na nga lang mga gamit ko. Gusto ko rin makapagphinga before makipagkita sa mga friends ko later this afternoon. And better do it soon before my room mate come back. Nakakailang at hindi rin ako nakakapagpahinga kung andito siya sa loob ng kuwarto. Good thing i can have our room on my own kahit sandali. 

Kung bakit naman kasi ganito ang set up ng mga kuwarto dito wala man lang partition. Not that i don't it before pero ngayon I do really mind. Ngayon na mukhang tomboy pa yata ang ka room mate ko. Mukha lalaki kasi kung pumorma.

Napagkamalan ko nga siyang lalaki kanina ng una kami magkita. Sa igsi ng gupit niya wearing faded jeans and collar polo shirt. Kung hindi pa siya humarap mula sa pagtanaw sa bintana at nagsalita hindi mamalalaman na babae siya.Ngayon ang malaking tanong ay kung tomboy siya o ganon lang talaga ang trip niyang porma.

--------------------------------------

Kim's POV

Sobra naman yon. Lalaki agad? So what kung short hair ako? Mukha ba akong lalaki. Ever since ganito ang ang hair ko pero walang nag comment ni isa sa mga kakilala ko na mukha akong lalaki sa gupit ko. Bagay nga raw sa kin ang ganitong hair style.

Saang bundok ba naggaling ang isang 'yon? Pero hindi siya mukhang taga bundok, mukha nga sosyalera. Mukhang mayaman. Spoiled siguro. Mukhang nasusunod ang lahat ng gusto. 

Muntakin mo ba naman. Nagreklamo agad sa admin na ako ang makakasama niya dito sa kuwarto. Siguro hindi pinagbigyan na malipat siya ng ibang room kaya naman ng magbalik sa kuwarto namin habang nag aayos ako ng gamit, parang binagsakan ng langit at lupa ang hitsura. Nakakatawa nga e, gusto ko ngang tawanan kaso baka lalo lang mabadtrip. Baka kung ano ang gawin sa kin habang natutulog ako, open ang buong room namin.

Grabe rin kung makapagset ng rule ha! Para syang landlord. Ano ako nangungupahan sa boarding house niya? Walang maingay, pasalamat siya ayoko rin ng maingay so wala me problema sa unang rules nya. Walang paki-alam ng mga gamit, agree din ako don kasi ayoko rin ng pinapakialam ang gamit ko. At hgit sa lahat bawal ang makalat, mabuti na lang neat person din ako. So practically we have something in common. Muntakin mo nga naman yon.

--------------------------------------------

Monday morning. First day of school. Maaga nagbangon si Kim sa higaan. Maingat na kumilos sa kuwarto upang makaga ng ano mang ingay na maaring ikagising ng natutulog niyang room mate. Matapos maligo at magbihis ng uniform ay nag prepare siya ng almusal, nagdadalawang isip kung ipagpeprepare nya ng almusal ang kasama sa kuwarto.

Since wala naman ibang lutuan sa loob ng kuwarto kundi microwave oven and toasterand electrical thermos, mas pinili na lang niyang magtoast ng tasty at pinahiran ito ng butter. Kahapon nagawa niyang maggrocery at bumili ng ilang ready to eat food since may ref naman sila and some bread and biscuit and some butter. Since mahilig naman siyang magluto may palno rin siyang bumili ng ng rice cooker. Bawal kasi ang stove, so cooker will do yun nga lang limitted ang mga pwede niyang lutuin dito.

Patapos ng kumain si Kim ng bumangon sa higaan si Jill, dala ang bath towel nito sa banyo rin ito tumuloy.

""Want some breakfast?" nagawa pang itanong ni Kim dito bago pa ito tuluyang makapasok sa loob ng cr at isinara ang pinto. Iling ang isinagot nito sa kanya bago ito tuluyang nawala sa paningin niya.

---------------------------------------------

Wala ng Kim sa room ng lumabas si Jill matapos makaligo. Ngunit ang hindi niya inaasahan ay ang iniwan nito sa two seated table nila. A plate of toast bread na may butter na mainit pa at glass of warm milk na may nakadikit na note: 'Breakfast is the most important meal. Eat up :-)'

Since it getting late for her and there is no time for her to go get some food at the school caffeteria to grab some food before going to her classes. Jill end up eating the breakfast Kim prepare for her and drinking the glass of milk.

On her way out, Jill taking a mental note to remind herself to thank Kim later for the breakfast.

------------------------------------------

Classes is not that busy since is their first day of school. Nakikisama ang mga teachers nila knowing na nasa bakasyon pa rin ang mga isip nila.

Pagkatapos ng last class nila ng araw na 'yon sa isang ice cream parlor malapit sa school at boarding house tumambay si Jill kasama ang mga kaibigan. Karaniwan ng tambayan ng mga student ang lugar na yon. Bukod sa home made ice cream ay mga pastry ding tinda doon.

"So kamusta kana?" tanong ni Jill sa kaibigan na alam niyang kakahiwalay lang sa boyfriend nito. The other day lang kausap niya ito at umiiyak.

"Eto, medyo ok na. Siguro for the best na rin na nagkahiway kami."

"Ha?! Nung isang araw lang wala kang tigil sa pag-iyak tapos ngayon sasabihin mo for the best ang paghihiwalay nyo?"

"Pa'no,"sabat ng isa pa niyang kaibigan "may nakilala na siyang bago."

"Ang bilis naman?" komento ni Jill habang kinakain ang ice cream na nasa harap niya.

"Hindi pa kami pormaly na magkakilala," kuwento ni Grace na mukhang kinikilig "Kanina kasi before magstart ang class napansin siguro niya ang pag-iyak ko. Lumapit siya at inabutan ako ng panyo,"sanay labas sa panyong sinasabi at inamoy ito.

"Yun lang?"

"Alam mo Jill kanina pa yan ganyan, parang sira ulong inaamoy ang panyo na yan," pagbubuko ng isa pang kaibigan nila na kaklase rin ni Grace.

-----------------------------------

 'Paano kaba naman makakapagbasa ng maayos kung may kasama kang video game addict'?' tanong ni Jill sa sarili.

Pagkagaling nilang magkakaibigan sa ice cream parlor ay nagkanya-kanya na silang balik sa mga room nila. At naabutan nga ni Jill si Kim na naglalaro ng video games.

'Malamang may dala itong xbox na gamit nito sa paglalaro,'dagdag pa niya sa isip.

Tahimik man ito sa at walang ibang ingay na maririnig sa nilalaro nito dahil sa suot ng headset ay hindi pa rin makapagfucos sa binabasa niya si Jill. Nakakadestract ang movement nito na hindi mo pwedeng hindi mapansin.

"Jill," tawag mula sa may pinto ang nagpatayo sa inis na si Jill mula sa higaan nito.

"O, bakit?" tanong niya  kay Grace ng mabuksan niya ito ng pinto.

"Pahiram naman ako ng book na hinihiram ko, wala ako magaawa sa room ko,"

"Tara, pasok ka muna," 

Hindi patuluyang nakakapasok si Grace sa loob ng kuwarto ay lumabas agad ito hila-hila ang kaibigan.

"Ano ba? Bakit?' kunot noong tanong dito ni Jill.

"Sino yung kasama mo? Siya ung sinasabi ko na nag-abot sa kin ng panyo kanina," kinikilig na sabi nito. 

"Ha?!" gulat na tanong naman niya rito. Hindi makapaniwala sa sinabi ng kaibigan. Base sa kwento nito kanina ay may crush ito sa kung sino may ang nagmagandang loob na abutan ito ng panyo kanina. Na hindi na bago sa kanya dahil alam niya na madaling magka-crush ang friend sa kung sinu-sino.

"Ang cute nya di ba? Ano name nya? Jill, pakilala mo naman ako,"

"May crush ka na don? Inabutan ka lang ng panyo nagkakaganyan ka na? Hoy, gumising ka nga."

"Sige na Jill ipakilala mo ko sa kanya," pangungulit pa nito.

"Magpakilala kang mag-isa," sabay talikod dito at bumalik sa kuwarto.

Nahihyang sumunod naman si Grace dito.

 Kasalukuyan ng inililigpit ni Kim ang mga ginamit sa paglalaro ng pumasok ang magkaibigan. Tinapunan lang ng tingin ito ni Jill at tuloy na tinungo ang sairling book shelf  upang kunin ang libro hinihairan ng kaibigan kanina lamang. Kung interesado pa ito sa libro ay hindi niya alam dahil nakikipagngitian na ito kay Jill.

"Hi," nadinig niyang unang bati ni Grace dito.

"Hello," matipid na naman ng binati dito.

"Ah, thanks nga pala sa panyo kanina ha. Balik ko na lang pagnalabhan ko na."

"Ok, no problem."

"Ako nga pala si Grace,"

"Its Kim,"

"O, Grace ito na ung hiniram mo," agaw ni Jill sa atensyon ni Grace na nakatuon kay Kim. 

"Ah, thanks,"

"May iba ka pa bang gustong hiramin?" tanong niya sa kaibigan na mukhang walang balak na bumalik sa kuwartong pinaggalingan niito.

"Nice to meet you Kim, see you around," anito na hindi pansin ang sinabi na ng kaibigan.

'Same here," ganti rito ni Kim na nakangiti.

---------------------------------------

Madilim na ng lumabas ng library si Jill, on her way to their to flat ng mapinsin niya s Kim na nakaupo sa bench malapit sa gate ng school. Nag-aalangan kung lalapitan ito o hindi. Baka may ninihintay, naisip niya.

"Ano ginawa mo dyan?" out of nowhere ay bigla siyang nacurious kung ano ang ginagawa nito doon. 

"I don't know my way around here, naligaw ako kanina kaya heto nagpapahinga muna ako rito," bakas sa boses nito ang frustration.

"Naligaw ka?" hindi alam ni Jill kung matatawa o ano sa narinig. "Bakit? Saan ka ba pupunta?" naisipan niyang itanong habang pinipigil ang sarili na tuluyang matawa.

"Ayos na tawanan mo ko," pansin ni Kim dito na halata niyang nagpipigil lang gustong gawin. "Hindi ako taga rito. First time ko lang sa lugar na ito.Hindi ako familiar," pagpapaliwanag pa niya.

"Saan ba ang punta mo at naligaw ka?"

"Gusto ko kasi isurprise ang Tita ko, alam ko malapit lang sa school na ito ang shop niya, kaso hind ko alam kung saan."

"Bakit hindi ka nagtanong?"

"Wala. Hahihiya ako magtanong sa mga hindi ko kilala."

"Ano ba ang shop ng Tita  mo?"

"Suavis Ice cream parlor & bake shop."

"Sa Tita mo yun?"gulat na tanong dito ni Jill. 

"Alam mo kung saan yon, p'wede mo ba ako samahan?"

Tama nga si Grace cute nga ito, lalo pa ngayon na pati mata nito ay nakangiti dahil sa excitement. 

"Ah..."

'Sige na, please.... "

Tulad maaga pa naman para matulog at wala rin naman siyag ibang gagawin ay pumayag na rin si Jill na samahan si Kim sa ice cream parlor na madalas nilang tambayan. Walking distance lang naman ang lugar na yun mula sa school.Medyo tago nga lang ito mula sa main road kaya hindi mo rin ito mapapansin kung hindi mo alam na may ganong kainan sa lugar na iyon.

By accident ng matagpuan nila ang lugar na iyon ng mga kaibigan. Food trip ang libangan nilang magkakaibigan. At lahat ng sulok na p'wede nilang pasukin ay pinapasok nila makatikim lang ng kung anu-anong pagkain. From the street food to eat all you can resto ay pinupuntahan nila. Pero mula ng matagpuan nila ang Suavis ito na ang naging permanent hang out nila. 

---------------------------------------

'Hi," bati ni Kim sa babaeng nasa counter. Matapos ng may mahigit sa sampung minutong paglalakad ay narating nila ang Suavis. Hindi gaano karamihan ang taong naroon.Ilan na lang din ang mga studyante na nagpapalipas ng oras kasama ng mga kaibigan. 'nandiyan ba si Aunt Clarisse?"

"Kim?" ngunit bago pa makasagot ang tinnanong ay narinig na niya ang boses nito na lumbas mula sa pinto ng likod ng babae. 'Ikaw ba yan? Ang laki mo na," masayang sabi nito habang palapit kay Kim at binigyan ng mahigpit na yakap. 'Nung huli kitang nakita ang liit mo pa, ngayon mas mataas ka pa sa kin." dagdag pa nito na tuwang-tuwang makita ang pamangkin na matagal ng hindi nakikita.

"Mabuti naman po. Kayo po kamusta na?"

"Maayos naman, medyo busy ngayon pasukan na. Balita ko dito ka na pinag aral ng Papa mo ha?"

"Opo, s'ya nga pala Aunti si Jill po," turo niya sa kasama na sandaling nalimutan. "Nagpasama ako sa kanya dito hindi ko kasi alam ang way papunta rito."

"Hello. Familiar ka sa kin? Regular customer ka namin dito di ba?"

"Opo, madalas po kami dito."

"Ah, halika kayong dalawa. Kumain na ba kayo? Tamang tama, tikman nyo ang bago kong bake na cake. Sanadali at ikukuha ko kayo, Maupo muna kayong dalawa. Ana paki bigyan muna sila ng maiinom," bilin pa nito sa babae nasa counter bago muling nagpasok sa pintong nilabasan nito kanina.

"So regular ka palang napunta dito?" ng sila na lang dalawa sa table.

"After class kung wala naman ibang gagawin dito kami nagpapalpas ng oras."

"Kaya pala."

"Kaya pala ano?"

"Never mind,"

Hindi nagawa ni Jill na alamin ang ibig sabihin ng kaharap. Dala ang dalawang hiwa ng cake na nakalgay sa platito ang inilpag ni Aunti Clarisse.

Habang kumakain ang dalawa masayang nakipagkuwentuhan si Aunt Clarisse sa kanila. Palabiro ito at masayahing tao. Nagkuwento rin ito ng ilang bagay tungkol kay Kim noong maliit pa ito na tinawan lang ni Kim. Kay Aunt Clarisse nya rin nalaman na maillig palang maggitara si Kim at kimanta. ayon dito ay maganda ang boses ng pamangkin.

Hindi alintana ng tatlo ang malakas na buhos ng ulan sa labas dahil sa masayang kwntuhan. Sa masayang kwentuhan ng magtiya na ngayon lang nagkita, naroon lang si Jill at nakikinig sa mga ito. Base sa nakikita niya close talaga ang dalawa way before pa. And surprisingly nakangiting pinagmasdan ni Jill si Kim. Na maganda ang mood at ang pagkakangiti. For how long silang nasa ganon oras ay hindi na nila alam.

--------------------------------------------------

"Kim," si Jill habang naglalakad na balik sa flat ang dalawa, matapos tumila nag ulan ay nagpaalam na sila "may itatanong ako sayo, hwag ka sanang magagallit ha?"

"Ano yun?" curious na tanong dito no Jill.

"Its kinda personal question,"

"I don't like  to be ask a personal question, pero sige ano yun?"

"Are you a lesbian? Don't get me wrong," pagpapaliwanag agad ni Jill, " The way you look kasi, nd the way you dress..."

"Does it really matter? So what if I am? Does it make me less of a person?"

"Not exactly, gusto ko lang malaman."

"Because it bothers you. A lot."

"Hindi naman sa ganon kaya lang..."

"Yes. I am."

Matapos ng pag amin ni Kim kay Jill ay parehong natahimik ang dalawa. Parehong nakikiramdam. Hindi alam ni Jill kung paano magrereact sa pag amin ni kasabay.

-------------------------------------------------

"Oh, my......" si Jill pagkabukas ng ilaw ng kuwarto. Nabutan nila na basang-basa ang kanilang sahig, dahil sa pag ampiyas ng ulan na mula sa bintanang naiwan niya bukas. Agad niyang nilapitan ang sariling kama at agad na inalam kung pati ito ay nabasa rin ng ulan. Tulad ng kanyang inaasahan basa nga ito. "My gosh...."ang nasambit na lang nito dahill sa inis.

Wala ng nagawa pa si Jill kundi alisin ang mga gamit niyang nabasa. Sa tulong no Kim itinagild nila ang cushion ng kama niyang basa. Tumulong din itong i-mop ang floor na basa ng tubig ulan. Tahimik na naglinis ng kuwarto ang dalawa. Almost midnight na ng matapos sila.

"Doon ka na sa bed ko matulog," si Kim na mukhang nabasa ang iniisip ni Jill habang nakaupo sa my dining area nila.

"Paano ka?"

"Sanay ako matulog sa lapag, no need to worry. My sleeping bag naman ako dala kahit saan ako magpunta."

"Nakakahiya."

"Okay lang yun. Magphinga ka na.Ako ng bahala dito," na ang tinutukoy ay ang mga ginamit sa paglilinis.

Mag-uumaga na hindi pa rin dalawin ng antok si Jill. Hindi niya alam kung naninibago siya sa higaan o talagang hindi siya inaantok. Samantalang si Kim, tulog na tulog na sa inilatag nitong sleeping bag. Makailang ulitt na niya itong sinilip magmula ng maramdaman niyang nakatulog na ito.

Mukha naman itong komportable sa pagtulog. Balot ang buong katawan nito sa sleeping bag na tanging maamong mukha lang nito ang nakalabas.

'Mabuti na lang weekend na, walang pasok bukas,' sabi sa isip ni Jill.KBung nagkataon siguaradong tuog siya inbetween classes.

Lying awake all night, kung anu-ano ang pumasok sa isip ni Jill. Naisip niya Ina. Ano kaya ang magiging reaksyon pagnalaman nitong tomboy ang ka share niya sa room ngayon. Knowing na hindi nito tanggap ang ganon uri ng sexuality. Ilang din ito sa mga babae na lalaki kung pumorma at sa mga lalaking may pusong babae. Inshort, against ito sa third sex. Tapos ngayon isa sa mga ito ang kasama niya.

-----------------------------------------------

"Salamat nga pala kagabi ha," 

"Saan?" tanong nito. Kasalukuyang nag aalmusal ang dalawa na si Jill ang naghanda.

"Pag papatulog mo sa kin sa bed mo,"

"Nakatulog ka ba? Parang hindi ka nakatulog. Nararamdam ko ang pag ikot-ikot mo sa bed."

"Naninibago lang ako,"

"So ano gusto mong gawin ngayon natin?"

"Ha?"

"Relocate natin ang bed mo. Para hindi na maulit ang nangyari kagabi. Kung okay lang sayo lipat natin yung bed mo sa kabilang side, sa katabi ng bed ko.." Kim explain to Jill ang proposal niya sa pagrearrange ng room nila.

 At maghapon ngang nag ayos ng kuwarto ang dalawa. Pinagpalit-palit ng puwesto ang mga gamit, Pinagdikit nilang dalawa ng ang kama na ang isa ay walang cushion dahil sa nabasa. Matapos maireport ni Jill ang nagyari agad namang may kumuha sa basang cushion niya na hinihintay niya lang maibalik.

"Nakapagod din pala ang ganito,"

"Pahinga ka muna," suhestiyon ni Kim.

"Bakit ikaw parang wala kang kapaguran?"

"Sanay kasi ako sa mga gawaing bahay."

"Talaga lang ha?"

"Oo, back sa province ako naglilins ng bahay namin. Natulong rin ako sa Papa sa taniman namin. Kaya sanay na ako. E, ikaw? Parang hindi ka sanay sa mga gawaing bahay?"

"Dito lang ako nakaranas ng ganito," pagtatapat ni Jill. 

"Kaya naman pala."

"How come hindi mo yata tinutugtog ang gitara mo mula ng dumating ka dito," pag-iiba ni Jill ng mapansin ang gitarang nakasandal sa gilid ng kama. 

"Di ba sabi mo ayaw mo ng maingay. Kaya hindi ko ginagalaw pag andito  ka."

"Bakit ingay  ba nilalabas ng gitara mo pag hawak mo?"

"Depende sa makikinig."

"Sabi ng Aunti mo magaling ka raw tumugtog nya. Parinig naman. Matagal ko ng gustong matutung  tunugtog nyan, wala lang magtiyagang magturo sa kin."

"Gusto mo turuan kita?"

"Parinig muna kung talagang magaling ka nga."

"Sure."

Pagpapaunlak dito ni Kim.

-----------------------------------------------------

Naging close ang sian Kim at Jill sa isat-isa. Hindi sila magkasama sa mga klase ay sabay silang umalis ng flat patungong school at ganon din sa pag-uwi. Nag-aantaya kung sino ang mauunang matapos ang klase sa kanila. Makailang beses na rin silang nagpunta ng Suavis upang dalawaing ang tiyahin ni Kim at kung minsan ay umambay kasama ng mga kaibigan ni Jill. 

At sa tuwina ay laging nakadikit si Grace kay Kim. Too obvious ang pagpapakita ng crush nito kay Kim kahit kasama ang mga kaibigan. Na alam naman nilang lahat ang ganung ugali ng kaibigan.

Sa isang banda ay tahimik lang si Kim sa tuwing nagpapakita ng affection sa kanya si Grace. No reaction sa mga gesture nito at madalas na tumitingin kay Jill na nahuhullli naman ng isa na tahimik lang din.

"Grabe mgflirt ang friend mo ha," comment ni Kim ng sila na lang dalawa sa kuwarto.

"Gusto mo naman?"

"Mukha bang gusto ko? Mukha ba akong nag eenjoy sa ganon,"

"So bakit hindi ka nagreact?"

'Ayoko lang ma-upset ang friend mo. "

"Can i ask you  a personal question?"

"Eto nanaman! Ano nanamang personal natanong yan?"

"Do you like Grace?" deretsong tanong ni Jill dito.

Sandaling nag-isip si Kim ng isasagot bago sumagot, "May iba na akong gusto."

"Ah, ganon ba."

Jill's POV

May iba ng gusto si Kim? Sino kaya yun. Si Grace lang ang nakikita kong lumalapit dito ,wala naman akong nakikitang ibang nilalapitan ito sa school ground. Ah, baka sa kanila, may iniwan itong girlfriend or something. Loyal ha! Hindi natingin sa iba kahit na malayo sila at hindi naman nagkikita.

Siguro nananaginip ito. Sa kaunting liwanag na nagmumula sa binta ay mapapansin ang ngiti sa labi ng katabi na nakaharap sa  kanya. Ang saap pagmasdan ng mukha niya habang himbing sa pagtulog. Masaap din siyang kasama. Mali ang akala ko sa kanya noong una kaming magkita.

Ano ba itong nararamdaman ko kay Kim? Bakit parang nahuhulog ang loob ko sa kanya. Hindi parang! Talagang nahuhulog na ako sa kanya. Selos yata ang tawag sa naramdaman ko kanina ng nakapulupot sa kanya si Grace at ang tingin niya? Parang may ibig sabihin. Nararamdaman kaya niya ang kung anong nararamdaman ko? Hindi siguo.

"Hi Jill," bati kay Jill ng mga ka school mate na lalaki. "Papasok ka na ba?"

"Obivious ba,"

"Ang aga-aga pa nagtataray ka nanaman,"

"Nakaksira kasi kayo ng umaga, tara na Kim bilisan na natin," at hinila nito ng isang kamay ni Kim at binilisan ang hakbang.

"Hey," awat sa kanila ng isa sa mga lalaki na humarang sa daan nila.

"Ano ba?"

"Maaga pa naman,mamaya ka na pumasok. Kuwentuhan muna tayo."

"Tara Jill," sa pagkakataong ito si Kim naman ang may hawak sa kamay ni Jill. "Don't mind them. Now.." baling naman nito sa lalaki, "do you mind? Move your ass on our way."

"What if I don't? Ano gagawin mo?"

"Wala,' saaby tabig dito at hawak pa rin ang kamay ni Jill hinila niya ito palayo  sa lugar.

"Hindi mo kailangan gawin yun,"

"May dahilan naman bakit ko ginawa yun. So what time ka lalabas mamaya? Hintayin na kita, baka bastusin ka nanaman ng mga iyon pagnakita mamaya."

"Text na lang kita, sa East building last class ko mamaya."

"Okay, see you later."

----------------------------------------

"Jill,"

"Hmmm,"

"Kain muna tayo bago bumalik sa flat nagugutom na ko. "

"Saan?"

"Kahit saan, mas alam mo ang lugar na ito kaysa sa akin."

Sa isang eatery na puro lutong bahay ang tinda. Masarap ang pagkain sa doon at mura pa kaya naman ay madaming kumakain dito. Bukod sa mga estudyante mula sa kalapit na mga eskuwelahan. may mga nagtatrabaho rin sa mga opisina na suki na rin ng kainan.

"Nabusog ako ha,"

"Ako din, hindi na ko kakainnito mamaya."

"Parehas tayo. Nga pala, kamusta ang mga nambastos sayo kanina umaga? Nakita mo ba uit sila?"

"Oo, class mate ko ang mga yun. Salamat nga pala kanina ha."

"Dapat sa mga 'yon nirereklamo na."

"Hayaan mo na ang mga sila. Mga wala lang magawang matino ang  iyon."

"Still, it doesn't give them a right to act like that."

"Alam mo hwag na nanatin silang pag-usapan. Nasasayang lang ang oras natin sa kanila. Okay ka na ba? Nakababa na ba ang kinain mo."

"Bakit uwi na tayo?"

"Bakit ayaw mo pa ba?"

"Sige tara na nga baka may gagawin ka pa."

Araw-araw ganon na ang naging routin ng  dalawa. Sabay papasok. Kumakain na ng hapunan sa labas  bago bumaliksa flat. Pansin rin ng mga kaibigan ni Jill ang pagiging close nito kay Kim ngayon.

Isang araw kasabay ang mga kaibigan at si Kim may balak na tumambay ang grupo sa Suavis. Maaga na dismiss ang mga klase nila pare-pareho. Palabas na sila ng gate ng school ng may tumigil ng puting kotse sa tapat nila. Mula rito bumaba ang isang lalaki na mas matanda lang ng ilangtaon sa kanila.

"Hi Ivan," unung bati ng isa sa mga kaibigan ni Jill dito.

"Hi," nakangiti namang ganti nito sa bumati bago bumaling kay Jill " Ready ka na?"

"Ha?!" takang tanong nito sa lalaking nasa harap. "ready saan?"

"Pinasusundo ka ng Mama mo."

"Ah," ng maalala ang sinasab nito. Nang nakaraang araw ay nabangit nga sa kanya ng ina ipapasundo. 

"Halika na," aya nito sa kanya na kinuha mula rito ang school bag na nakasabit sa balikat niya at dinala sa kotse.

"Bagay sila non," si Grace ng makaalis na ang puting kotse. 

"Ewan ko lang,"komento naman ng isa. "Masyadong mabait si Ivan. Parang walang thrill kasama."

"Ano sa palagay mo Kim?"

"Hindi ko alam, sige una na ako sa inyo."

----------------------------------------------

"Bakit ang lungkot mo?" tanong ni Aunt Clarrise sa pamangkin.

Sa Suavis tumuloy si Kim pumunta si Kim pagkaalis nina Jill sakama ang sundo nito.Wala siyang balak na umuwi sa flat nila. Wala siyang kasama. Wala si Jill. Wala siyang gagawin don. Kaya sa Suavis siya nagtuloy.

"Hindi naman po," pagkakaila pa niya.

"Anong hind?! Tingnan mo nga yang mukha mo. Nasaan nga pala si Jill ba yon? Nag away ba kayo kaya ka ganya?"

"Hindi po. May sumundong lalaki sa kanya. Umuwi siya sa kanila."

"Ah! Kaya ganyan ka kalungkot. Nagseselos ka noh?" pabirong tanong ng tiyahin.

"Hindi po ha."

"Obvious. I can read you like a book Kim. I know your every moves. I know when you are upset. Pwede mong itanggi sa sarili mo pero hindi maipagkakaila ng kilos mo."

Nagseselos nga ba siya over Ivan? Maybe. Bigla ang pagbabago ng mood niya from happy ng makita si Jill kanina na palabas sa last class nito hanggang sa makarating sila sa labas ng school  gate at may tumigil na sasakyan sa harap nila. After non hindi na niya alam kung ano ba nararamdaman.

Wala naman ako karapatan magselos. Hindi naman kami. Hindi rin ako nanliligaw sa kanya. So bakit ganito ang feeling ko ngayon over this situation? We're just only roommates anyway.

"Kim... Kim...."

"Hmmmm,"

"You thinking of her?"

Hindi sumagot dito, malungkot lang na tumingin sa tiyahin .

"You like her, don't you?" tahimik pa rin sa pagkakaupo ang kausap. "Alam ba niya?"

Iling ang isinagot dito ni Kim. "Bakit hindi mo sabihin?"

"Hindi na po niya dapat malaman. Baka magulo lang kami, ayos na po yung ganito na nag uusap na kami compare nung una."

"Its your choice, kung ipapaalam mo sa kanya o hindi. Kung ayaw mong malaman niiya na upset ka don't act like you're acting now. Have some smile on your face.Like you always had."

Late na ng umalis sa shop ng tiyahin si Kim. Spending some time with Aunt Clarisse took Kim mind over Jill for awhile. Kaya lang pagdating sa flat ay balik ulit sa dati ang mood niya. Not having Jill around is really different. Sanay na siyang narito ang room mate niya. Oras pa lang ang lumilipas miss na niya ito. Ilang awar kaya itong mawala? Buong weekend ?

Patay na ang ilaw sa kabuuan ng kuwarto at nakahiga na si Kim sa nito ng tumunog ang cellphone niyang nasa nightstand. Agad niya itong dinampot upang tingnan kung sino ang nagtext. At makita ang pangalan ni Jill sa screen ay napangiti. 

'Hi! Sorry kanina, nawala sa isip ko na ipapasundo nga pala ako ni Mama kay Ivan. Anyway, babalik rin ako bukas, maybe before launch. So see you tomorrow, have a goodnight :-).'

Napangiti si Kim sa nabasang message.

'You too, have a good night. I kinda miss you,' na send ni Kim ang message ng marealize kung ano yung last na text message. "I kinda miss you? Ano klaseng message yon."

----------------------------------------------------

"Ano ginawa mo rito kahapon pag-alis ko?" si Jill. Past 1pm na siya nakarating sa flat niya. Nag prepare ng launch si  Kim for them. Kaya naman ng magyaya si Ivan na naghatid sa kanya na kumain muna ng launch ay tinangihan niya ito knowing na may naghihintay sa kanya. On her way ay magkausap sila ni Kim sa text. At nabanggit nga nito na nagprepare ito ng launch at hihintayin siya para sabay silang kumain.  "Nagdrop by dito si Grace?'

"Kasama ko si Aunti kahapon, Late na ko umuwi not sure kung nagpunta siya rito. Bakit mo naitanong?"

"No reason."

"Ikaw? Ano ginawa so sa inyo?"

"Not much.Nagspend lang kami ng time ni Mama together."

"Kasama nyo si Ivan?"

"After dinner umuwi na rin siya. Binalikan nya lang ako kanina para ihatid."

"Boyfriend mo ba si Ivan?"

'Hindi ha," natatawang sagot ni Jill na muntik ng mahirinan sa pagkain. "Kababata ko si Ivan. Sabay kaming lumaki. Were pretty close. He's like a brother to me."

"Bakit natatawa ka?"

"Nakakatawa naman kasi ang tanong mo. Ako at si Ivan? Malabo yatang mangyari."

"Bakit naman malabo? Hindi ba siya nanliligaw sayo?"

"Well, matagal na siyang nagpaparamdam."

"So?"

"I do not see any spark in him. Sabi ni Mama pag na inlove ka raw sa isang tao may kakaiba kang mararamdama pagmagkasama kayo. No matter what kung ano ang ginagawa nyo you will feel something different. Good,but different. Like having a butterfly in your stomach."

"Have you ever felt that?"

"Nah. "

Sa loob lang ng flat nagstay ang dalawa the whole day. Watch movie. Play some video game. Review some school notes. Even Grace pay them a visit or mas tamang sabihin na binisita nito si Kim. Matapos kamustahin ang pag uwi ni Jill sa kanila ay kay Kim na ang buong atensiyon nito. Flirting with Kim in front of Jill. The whole time.

 Jill try to ignore the two by focusing her attention to the book she was reading, but can't help to glance at them once in awhile and catching eye with Kim whose looking at her. 

--------------------------------

"Saan tayo pupunta ngayon?"

"Saan mo ba gusto?"

Almost launch na nang makita sina Kim at Jill. Halfday lang ang classes nila ng araw na yon. The night before may plan na silang lumabas. Kung saan sila pupunta? Yon ang hindi nila alam.

"Hey guys," out of nowhere ay bati no Grace sa kanila. "Labas tayo," aya nito partikular kay Kim. "Naglaunch naba kayo? Kain tayo my treat."

"Ano kasi..."

"Jill," singit ni Grace "si Ivan yang parating diba?" na ang mata ay nakatuon sa paparating na sasakyan. Kung saan napatungin din ang dalawa.

Yap. No doubt si Ivan ang parating. 

"Hi Ivan," masayang abti rito ni Grace ng makababa ng sasakyan. "Ano ginagawa mo dito?"

"May dinaana lang ako d'yan. Parang may lakad kayo ha?"

"Maglalaunch lang kami, gusto mo sumama?"

"Tamang-tama naguguton na rin ako."

"Tara na Kim," anito bago ikinawit ang braso ng isa.

Hindi naman nakaligtas sa paningin ni Jill ang ginawa ng kaibigan. Inagaw niya ang braso nito at nakangiting ikinawit sa sariling braso bago lumakad palayo dito.

Napangiti naman si Kim sa ginawang iyon ni Jill. Hindi niya alam kung bakit.

Sa pinakamalapit na eat all you can resto tumuloy ang apat. Hindi masyadong crowded ang lugar kaya hindi sila nahirapang humanap puwesto. Buffet style. So kanya-kanya silang kuha ng kanikanilang pagkain.

"Kim gusto mo nito?" maya-mayang tanong no Grace kay Kim na kasunod niya. "Eto o, " hindi na hinintay na sumagot ang tinanong at nilagay na nito ang ulam sa platong hawak ni Kim.

Kung asikaso ang pag-uusapan, yun ang ginawa ni Grace kay Kim. Kulang na lang ay subuan niya ito ng pagkain. Pati ang pagpupunas ng tissue sa labi ay hindi rin ikinalang gawin ni Grace sa harap ng mga kasalo sa pagkain.

Sa isang banda, may dalawang pares ng mata ang kanina pa nag-iinit sa nakikita nito. Na gustong hilahin palayo doon ang inaasikaso. Na hindi niya matantiya kung nag eenjoy ba ito sa ginagawang pag-aasikaso sa kanya. Dahil wala itong ginagawa para awatin ang personal alalay nito.

After launch ay sa mall tumuloy ang apat. Ayaw na sanang sumama ni Jill at gusto na niyang bumalik na lang sa flat kaysa ang panoorin ang dalawa.

Habang si Grace ay panay ang kapit sa braso ni Kim siya ay simangot sa nakikita dahil walang ginagawa ang isa para awaitn ito. Hindi naman nakaligtas kay Ivan ang mood na iyon ni Jill na kanina pa nakikiramdam sa resto sa palang.

Tulad ni Grace ay siya naman ang nagbigay ng sweetgesture ka Jill. Katulad ng ginagawa ni Grace kay Kim. Kung ibaag makakakita ay mukhang happy couple ang grupo na nag stroll sa mall. Spending some quality tme with each other.

'Kim, " si Jill na hindi na makatiis, ;samahan mo ko sa cr."

"Tayo na lang Jill. I want to retouch," si Grace "Kanina ko pa niyaya yan ayaw naman,"

Naiwan ang dalawa na nakatayo sa circle nasa gitna ng mall at nakatingin sa mga mamimili.

"Alam mo na hindi magkakagusto sayo si Jill," out of nowhere ay sabi ni Ivan sa mahinag tinig na sapat lang upang maintindihan ni Jill ang sinabi nito. 'I was even surprise na mgkaibigan kayo, I never thought na makikipagkaibigan si Jill sa katulad mo. She never fond a lesbian you know? So no matter what huwag kang umasa."

"Excuse me?"

"You know i what I mean Kim."

"No I don't. Can you elaborate that for me?"

Bago pa magkaroon ng chance na muling magsalit asi Ivan ay palapit na kanila nag dalawa.

"Mauna na ako sa inyo," 

"Ha?! Bakit?"

Hindi na sinagot pa ni Kim ang tanong na iyon ni Grace at iniwan na niya ang tatlo. 

"Ano nangyari don?" tanong ni Jill kay Ivan na kanina lang magkausap pa ang dalawa.

---------------------------------------

"Where the hell have you been? Kanina pa kita tinatawagan sa cp mo ayaw mo sagutin? Saan ka ba galing? Anong oras na?" sunod-sunod na tanong ni Jill ng pumasok si Kim sa kuwarto nila.

"May binili lang ako." maigsing sagot naman ng tinanong na inilapag ang dala sa gili ng tv stands.

" Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko? Kahit man lamang text sana nagpramdam ka at ng hindi ako nag-aalala rito."

"Bakit ka mag-alala sa 'kin? Ano mo ba ko para mag-alala ka? Roommate mo lang ako diba? Hindi ako ang dapat mong inaala?"

"Ano ba? Bakit ba? Ano ba nangyari?"

"Itanong mo sa boyfriend mo,"

"Ikaw ang tinatanong ko. Kaya ikaw ang suamgot. Ano ba sinabi sayo ni Ivan?"

"Boyfriend mo ang tanungin mo."

"Hindi ko boyfriend si Ivan. Ilang beses ko ba kailangan ulitin sayo? Ano ba kasi ang nangyari."

"I don't wanna talk about it,"

"Kim, saan ka nanaman pupunta?"

Annoyed na napaupo sa kama si Jill sa muling pag-alis ni Kim. Ndako ang tingin sa mga bag na bitbit nito kanina na nasa lapag. Nilapitan ni Jill ang mga iyon at tiningnan ang laman. 

Sa laman ng isang bag napako ang ang atensyon ni Jill. Maingat na hinawakan ang kahon na naglalaman ng isa sa pinakamagamdang horse figurine na nakita niya. Naalala niya minsan ay nasabi niya rito na mahilig siya sa mga kabayo. She even dream of owning one, kaya lang ayaw siyang payagan. 

Maingat niya itong nilabas sa box para makita ang kabuuan ng figurine. The figurine is crystal clear. And it doesn't look cheap even though the price tag is already reap off.

Kim bought me a horse figurine. But why? She doesn't have to spend so much for this. Nasaan nanaman ba siya.

Muling sinubukan ni Jill na tawagan ito sa cellphone ngunit walang sumasagot. Lumalakas ang na ang ulan at alam niya wala itong dalang payong ng muling umalis. Muling sinubukan niya itong tawagan.

"Nasaan ka? Ang lakas ng ulan?" nag-aalala niyang tanong ng may sumagot sa kabilang linya.

"Nadito lang sa kanto. Nagpapatila lang ng ulan."

"Hwag kang aalis diyan. Susunduin kita." hindi na niya hinintay na sumagot ang kausap sa kabilang linya. Dala ang payong ay lumabas siya ng flat. Malakas ang ulan at hangin kahit may dala siyang payong hindi maiiwasan na hindi siya mabasa. Mabilis na naglalakad patungo sa kantong kinaroroonan ni kim.

Hindi naman nagtagal at natanaw niya ito. Walang ibang tao sa lugar siguro dahil sa lakas ng ulan kaya walang nakatambay sa labas.

"Saan ka nagpunta?" una niyang tanong ng makalapit dito.

"Sa Suavis, may binili laang ako,"

"Ano?"

Bago muling nagsalita ay nilabas nito ang hawak na tinago sa ilalimng sout ng t-shrit para hindi mabasa " You look upset kanina. Sabi mo pag-upset ka kumamakain ka ng sweet para mabawasan ang pagkaupset mo. Kaya nagpunta ako sa Suavis para bumili ng cake para sa'yo."

Hindi alam ni Jill kung ano ang mararamdaman. "Kim.." na lang ang nasabi ni Jill bago niya niyakap ito ng mahigpit. Kung ano man ang nararamdan niya ng mga oras na iyon ay hindi niya alam. Basta ang alam niya gusto niya itong yakapin ng mahigpit.

Back to the flat nagpalit ng damit ang dalawa na parehong nabasa dahil sa lakas ng ulan. While they both sitting in bed Jill try to dry Kim's hair. Without any words Kim just looking at her that make her feel uncomfortable. 

Para makaiwas sa nakakailamg ma tingin ni Kim sinubuakan ni Jill na tumayo habang tuloy sa ginagawa, ngunit pinigilan siya ni Kim. Hinawakan ng dalawang kamay sa waist at ibinalik sa dati nitong puwesto. 

Hinawi ni Kim ang ilang hibla ng buhok niya na tumakip sa kanyang mukha at inilagay iyon sa likod ng tenga niya. Marahang hinaplos ni Kim ang pisngi ni Jill na ngayon ay mamumula na. 

"You are so beautiful," anas ni Kim na malipit sa mukha ni Jill ang mukha. 

Napalunok naman ni Jill, kung dahi sa sinabi ni Kim o dahil sa inch lang layo ng mukha nito sa kanya ay hindi niya alam. Ramdam niya nag mainit na hininga nito sa mukha niya that makes her shiver.

Ang hidi inaasahan ni Jill ay ng ilapit ni Kim ang mukha nito sa mukha niya ay marahang inilapat ang labi sa labi niya. At that moment wala ng ibang nagawa si Jill kundi ang ipikit na rin ang mata at  namnamin ang sarap na dala ng labi ni Kim.

Mahigpit pa rin ang pagkakayakap ni Kim kay Jill ng magising ang huli. At gusto niya ang pakiramdam habang nakayakap ito sa kanya.  Maingat na kumilos ang si Jill sa pagkakahigan at imikot parahap rito ng hindi inaalis ang mga bisig ni Kim sa kanya.

"Good morning," una nitong bati pagharapniya.

"Good morning, kanina ka pa ba gising?"

"Medyo."

"Kim.."

"Hmmm.."

"Ano na tayo ngayon?"

"Do we have to put labels on what we are now?"

"I don't know."

"We can be whatever you wanted us to be Jill. I have waiting for this moment for so long now. You have no idea how happy I am right now Jill."

"But Im not for ready for this. Natatakot ako."

'Saan?"

"Can we keep this just between us?"

"Dahil sa natatakot ka sa mga sasabihin ng taong between us?"

"Im new to this. Sana maintindihan mo."

"Okay I understand. No worries. I will wait till you are ready."

"Thanks."

----------------------------------------

"Kung wala lang akong exam today hindi na rin ako papasok para may kasma at may mag-aalaga sayo."

"Hindi mo kailangan magskip ng school para samahan ako, itututlog ko lang tong migraine ko. Sige na, pumasok ka na baka malate ka pa dahil sa kin."

"Babalik ako mamayang launch para sabay tayong kumain. Inumin mo muna yung gamot mo bago ka matulog ulit," at iniabot nito ang gamot ni Kim na ininom naman agad bago tinulungan rin ito ni Jill na uminom ng tubig.

"Have a good sleep," paalala muli ni Jill habang nilagay sa lababo ang baso ininuman bago muling bumalik sa kamang hinihigaan ni Kim at iniayos ang kumot nito. "Alis na ko," paalam niya. Tinulungan niya itong ilagay ang sleeping mask para mablock ang liwanag at makatulog ito ng maayos."See you later," aniya bago nilaptan ng halik ng labi ang nakahiga.

For the fast few days since the unexpected insident happen between the two they grew more close together. They became best of friends to the eyes of other not knowing that they were more than that.

And now, knowing Kim is not feeling well at this very moment, all Jill ever wanted is to go home and be with her but can't. While at school all she could long for is finish the exam she needed t take and be home with Kim. Take care of her.

"Hey," si Grace. Nagkasabay sila sa pagpunta sa cafeteria to grab something to eat. Since breaktime crowded na ang cafeteria ng mga estudyante na kanya-kanyang hanap pwesto. "You look so down? What happen? Hindi pa tapos exam mo 'no?"

"Hindi pa. Ikaw?"

"Tapos na, makakahinga na ko."

"Buti ka pa."

"Nasaan nga pala si Kim? Parang hindi kayo sabay na pumasok at wala rin siya sa class kanina."

"Hindi nakapasok, sinusumpong ng migraine."

"Ah ganona ba? Kawawa naman si Kim. Sino kasama nya ngayon sa flat?"

"Wala. Kaya naman daw niya. Magtutulog lang naman s'ya."

"Ah."

Finally, after a couple the of hours the exam is over. Dali-daling niligpit ni Jill ang mga gamit para makabalik sa flat. On her way home, bumili muna siya ng makakain nila ni Kim for launch. Okay na kaya pakiramdam ni Kim? Hoping si Jill na okay na at wala na ang sakit na nararamdaman nito. 

Nanatili sa pagkakahiga si Kim at hindi inalis ang takip sa mata ng maramdamang may pumasok sa kuwarto. Nararamdaman niya itong naupo sa gilid ng  kama malapit sa kanya at marahang hinaplos ang kanyang mukha. Ramdam sa haplos nto ang pag-aalalang nararamdaman para sa kanya.

Nanatili sa ganong ayos ang katabi at naramdaman na lang niya ang paglapat ng labi nito sa labi niya. Na hindi naman niya pinigilan at ginantihan din ang halik nito. Banayad ang halik ngunit matagal. 

"Oh my...."napabalikwas ng tayo si Kim sa pagkakahiga at sabay alis sa sleeping mask na suot ng marinig ang tinig Jill kasabay ng muling pagbukas ng pinto.

"Grace?" gulat na tanong ni Kim ng mapagsino ang nasa tabi. "Jill, magpapaliwanag ako," baling nito kay Jill na nangingilid na ang luha sa mata. "Its not what you think. Hindi ko alam na si Grace ang narito..."

"Nakita ko ng dalawang mata ko wala ka ng dapat ipaliwanag Kim."

"Jill..."tawag nito kay Jill sabay hawak sa mga kamay nito.

"Hwag mo ko hawakan," sabay palis sa kamay ni Kim. "Here's your launch," sabay hagis kay Kim ng hawak na plastic na naglalaman ng pananghalian sana nila sabay takbo palabas ng kuwarto.

Hahabol na sana si Kim ng inawat siya ni Grace "Kim kayo na ba ni Jill?" tanong nito ng mapagdikitdikit ang mga nangyari. Ang reaksyon ni Jill ng makita sila nito magkalapat ang mga labi at ang reaksyon ni Kim sa reaksyon ni Jill.

"Grace saka na tayo mag-usap," at iniwan na niya ito na hindi pa rin makapaniwala sa mga nangyayari. Dali-daling tumakbo palabas si Kim para habulin si Jill. Ngunit wala na ito. Kung saan ito nagpunta ay hindi niya alam. 

"Jill pick up your phone," nasabi na lang ni Kim sa sarili ng subukang tawagan ang cellphone nito. Matapos ang ilang ring ay wala na rin siyang narinig mula sa kabilang linya at ng subukan niyang muli itong tawagan ay tinig ng operator ang nadinig niya sa kabilang linya.

Tuloy sa pagtakbo si Kim hoping na makikita si Jill. Pinuntahan niya ang lugar na madalas nilang tambayan ngunit wala ito roon. Maging sa Suavis ay dumaan siya naasa na naroon ang hinahanap. Ngunit ng makausap ang tiyahin ay hindi raw nito nakikita si Jill.

"Bakit? Nag-away ba kayo?"

"Mahabang kuwento Aunti. Please po Aunti pagnakita nyo sya pakitawagan ako. Huwag nyo siyang paalisin dito hanggang hindi akoo nadating. Please po."

"Oo, sige. Ano ba nangyari?"

"i have to go Aunit, kailangang makita ko sya..." muli na namang tumakbo palayo si Kim upang hanapin si Jill. Sa kakatakbo marahil ay napagon na rin si Kim namalayan na lang niyang nasa park na siya. Sa lugar kung saan una niyang ipinaramdam dito ang kanyang nararamdaman.

Hindi ito sumama Jill ng lumabas sila nina Grace ng araw na iyon kasama ng iba pang mga kaibigan nito. Nagdahilan ito na tinatamad samantalang nakaplano na ang paglabas nila ng araw na iyon. Palibhasa nga masyado bulgar kung kumilos si  Grace ay napansin na niya ang pagbabago ng mood n Jill ng oras na iyon. At nagdahilan na nga ito na tinatamad kaya hindi na sumama sa kanila.

Matapos kumain ay agad na rin nagpaalam si Kim sa tropa upang tawagan si Jill. All those time ay ito ang laman ng isip niya. While talking to her on the phone, hindi na niya kailangan itanong kung nasaan ito ng mga oras na iyon. Ingay sa background na ang nagbigay ng idea kay Kim kung nasaan ito.

Hindi nga siya nagkamali. Na sa park ito malapit sa man made fountain at nakatayo sa tulay na gawa sa bato.

Still talking on the phone ay nilapitan niya ito at marahang ginabayan papunta sa upuang kahoy na nakaharap sa fountain. Saka lamang nila ibanaba ang cellphone ng makaupo. 

Both of them just stare to the fountain for the couple of minutes or, so habang magkahawak ang mga kamay. Silence says it all. For the both of them.

Nakaupo sa same spot, tuloy ang agos ng luha ni Kim. Isipin lang wala na Jill sa kanya ay sapat ng dahilan para magkaginito siya ngayon.

Ngayon lang siya nakaramdam ng ganito. Pakiramdam niya niya tumigil na ikot ng mundo niya ng mga oras na iyon. Sa maigsing panahon minahal niya ng sobra si Jill. At ngayon.....

"Kim,"

"Ano ginawa mo rito?" iritang tanong niya ng makita ang palapit. Ang taong dahilan kung bakit wala na kanya ngayon ang minamahal. " Umalis ka na."

"Hwag...."

"Umalis ka na," ngunit tuloy pa rin ito sa paglapit  "Grace, please leave me alone. I don't want to talk to you right now."

"Kung wala na Jill nandito pa ko Kim."

"Hindi ikaw si Jill, Grace."

"But I...."

"Grace ayokong maging bastos, so please iwan mo na muna ako." pinipigilan ni Kim ang emosyon. "I want to clear my mind right now  Grace so please, nakikiuasap na ako, iwan mo na muna ako."

"Tandaan mo Kim, nandito ako para sa'yo." bago ito sinunod ang gusto ni Kim. Ang mapag-isa. At makapag isip.

---------------------------------------

"Jill, ano ba ang nangari sa'yo sa iyo? Magmula ng dumating ka hindi ka na tumigil sa kakaiyak. May may nagyari ba na dapat ko malaman?" nag-aalalang tanong ng ina sa anak na biglaang umuwi ng walang pasabi.

"Ma..." hindi alam ni Jill kung paano magsisimula. Close siya sa ina at lahat ay sinasabi niya rito Ngunit yung nangyayari sa kanya ngayon ay hindi niya alam kung paano sasabihin dito."Magagalit ka ba sa kin paghindi kami ni Ivan?"

"Yan ba ang dahilan ng pag iyak mo? Hindi ako magagalit. Bakit ako magagalit."

"Kasi si Ivan ang gusto mo para sa akin."

"Jill, dahil ang akala ko gusto mo rin siya, Baby, yun ba ang dahilan ng pag-iyak mo?"

"Ma, magagalit ka ba kung sa hindi ako lalaki  magkagusto?"

"Anong ibig mong sabihin?"

"Ma, I love Kim."

Sa harap ng isang malaking bahay makailang ulit ng pinindot ni Kim ang door bell bago may magbukas ng malaki at mataas na gate. Naka uniform na maid ang sumalubong sa kanya. Matapos ipaalam rito ang pakay ay pinatuloy siya nito at sinamahan hanggang sa salas. Nawala ito sa paningin at hindi nagtagal ay may babaeng bumaba mula sa mataas na hagdan.

Agad namang tumayo sa pagkakaupo si Kim upang magbigay galang sa nababa. Na hindi maipagkakaila ang pagkakaroon nito ng relasoyn kay Jill. Hugis at hitsura ng mukha nito ay hindi nalalayo sa huli.Mas maamo lang ang mukha ni Jill rito.

"Magandang araw po."

""Marahil ay ikaw si Kim."

"Ako nga po. Maaari ko po bang makausap si Jill?"

"Ano ang kailangan mo?"

"Ma'am, pumunta po ako rito to ask permision para makasama ko si Jill. Ma'am, mahal ko po ang si Jill."

On the other side ay narinig ni Jill ang usapan ng ina at ni Kim. Hindi niya inaasahan ang pagpunta ni Kim sa kanila at hindi niya alam kung saan nito nalaman kung saan siya nakatira. At mas lalong hindi niya inaasaahan ang pagtatapat nito ng nararamdaman sa ina. Samantalang nasabi na niya noon na hindi tanggap ng ina ang mga same sex relationship. Ngunit narito siya at nagtatapat ng pagmamahal sa kanya ina.

"Ano ang gusto mong sabin ko? Pinapayagan koang aking anak na pumasok sa ganyang klaseng relasyon? Walang pupuntahan ang ganyang relasyon.Pareho lang kayong magsasayang ng oras."

"Ma'am hindi po pagsasayang ng oras ang gumawa ng paraan para makasama ang taong mahal natin. Pipigilan nyo po ba ang kaligayahan ng anak nyo dahil lang sa palagay ninyo walang pupuntahan ang ganitong klaseng relasyon. Hindi ho ba mas maigi na si Jill na nag magpatunay kung wala nga bang pupuntahan ang relasyon namin.?"

"Jill, bumaba ka rito, alam ko nakikiknig ka s usapan namin."

"Jill.."

"Kim, umalis ka na. Ayaw na kitang makita. Hindi kita mahal."

"O, ayan. Sa bibig mismo ni Jill narinig mo na hindi ka niya mahal. Ngayon mo sabihin na patutunguhan ang sinasabi mong pagmamahal. Mga bata pa kayo. Mas marami kayo pwedeng ipriority. And that kind of relationship wont work. It will never work."

Muli na namang nangilid ang luha sa mga mata ni Kim ng lapitan nito si Jill "I was blind folded when you see us.."anito na tumigil ng may maisip. "Bakit pa ba ako magpapaliwanag? nakapagdesisyon ka na naman. If only you are brave enough we could be happy together," bago pa tuluyang bumagsak ang mga luha ay tinalikuran na niya si Jill na nakasunod ang tingin sa kanya.

Hindi na nakita ni Kim kasabay ng pag-alis niya ay sabay naman ng agos muli ng luha sa mga mata ni Jill. Na masama ang loob sa sarili dahil hindi niya nagawang ipaglaban ang pagmamahal niya kay Kim sa ina.

Sa paglabas ni Kim ng bahay nasalubong niya papasok si Ivan "Take care of her," sabi niya rito.

------------------------------------------

Half empty room na ang inabutan ni Jil sa muling pagbabalik niya sa flat. Wala na lahat ng gamit ni Kim sa kuwarto. Sabi ng admin sa kaniya may emergency raw kina Kim kaya kinakailangan na nitong umuwi at dahil malapit na rin naman ang bakasyon ay pinyagan na nila ito. At kung babalik pa ito next sem ay hindi nila alam.

Ang dating cork board na puno ng larawan nilang dalawang naka pin ay wala ng natira kundi ang solo picture niya na may kaparehas na kuha kay Kim. Kinuha niya ito at itanago sa bulsa. Tanging ang larawan na lang na yon ang remembrance na iniwan sa kanya ng taong mahal. Nang taong una niyang minahal.

Hindi mapigil ni Jill ang muling maiyak habang naaalala ang mga kahapon nilang dalawa. Ngayon nya lang siya nakaramdam ng ganitong sakit. Kahit nasa bahay nila siya madalas ay nakatulala siya at naiisip si Kim. Kung nasaan na ito. Kung naaalala rin ba siya nito o naiisip man lang. Alam niya nasaktan niya ito ng huli silang mag-usap. Kahit siya ay nasaktan din sa binitiwan niyang salita.

Magkikita pa kaya kami? Ito ang tanong niya sa sarili."Kim, im so sorry. Kung alam mo lang kung gaano kita kamahal. Hindi kita kayang ipaglaban. Natakot ako," usal ni Jill sa sarili.

Ilang araw ding nagstay si Jill sa flat mag-isa hanggang matapos ang semester. Umiiwas sa mga kaibigan na alam niyang hahanapin sa kanya si Kim at lalo na kay Grace na makailang beses ng nagattemp na lapit siya.

Palibhasa lumilipad ang isip ni Jill sa kung nasaan ni Kim hindi na nito namalayan na sa kakalakad ay nasa harap na siya ng ice cream parlor na pag-aari ng tiyahin ni Kim.

"Jill, " buhat sa loob na parlor tawag sa kanya ng tiyahin nito ng mamataan siya " halika pasok ka muna," aya pa nito. "Kamusta ka na?" tanong ni Aunti Clarrise habang paupo silang dalawa.

Pilit na ngiti ang sinagot niya rito, hindi alam kung ano ang isasagot. Hindi niya alam kung may alam ito tungkol sa nangyari sa kanila ng pamangkin.

"Aunti Clarrise, kamusta na po si KIm?" hindi na rin niya napigilan ang sarili na itanong dito ng makaupo.

"Hindi pa kami nag-uusap mula ng umiwi siya. Sabi lang Papa niya lagi raw nakatulala mula ng umuwi. Naging matamlay."

"Aunti Clarrise pwude ko po bang hingin ang adress ni Kim, gusto ko po siyang makita."

"Sabi ko na nga ba, hindi ako nagkamali. Si Kim ang dahilan ng pagiging matamlay mo. Parehas kayo."

"Sinabi po ba niya sa inyo?"

"Hindi na niya kailangan sabihin. Kilala ko ang pamangkin ko. At sa nakikita ko sa'yo ngayon parehas kayo ng mararamdaman. 

 ---------------------------------------

"Magandang araw po."

"Magandang araw din sa'yo. Ano maipaglilingkod namin sa'yo?"

"Umm..narito ho ba si Kim?"

"Sandali lang ha..." anang ng lalaki bago ito lumapit sa mas nakakatakda rito at ituro ang direksyon kung nasaan siya. Ngumiti naman ito lumapit sa kanya kasunod ang tumawag.

"Hi. Ako ang Papa ni Kim," pagpapakilala nito "ano kailangan mo sa kanya?"

"Kasama po ako ni Kim sa flat gusto ko lang po sana siyang makausap."

"Ikaw na marahil si Jill. NIce to finally meet you."

"Kayo rin po."

"Alam mo ba na mula ng umuwi rito si Kim ikaw ang bukang bibig niya? Ngayon alam ko na kung bakit siya nagkakaganyan. May magandang dahilan naman pala," nakangiting komento nito. "Jill kung ano man ang dahilan ng pagpunta mo rito ito lang masasabi ko sayo tungkol sa aking anak, mabait na bata yang si Kim, tahimik, mahilig malaro ng video game kaya medyo malabo ang mata at higit sa lahat mahilig magluto. At nging malungkutin siya mula ng mula ng umuwi rito matapos ng paghihiwalay ninyo. Sana maibalik mo sa dati ang anak ko."

"Amo..."singit ng katiwala sabay turo samalayong direksyon kung saan matatanaw si Kim na naglalakad.

"Ayun ang anak ko," turo nito kay Jill sa kinaroroonan ng anak.

Matapos magpaalam ay umalis na siya at balak na salubungin si Kim sa daan na nilalakad nito. Dali-daling limakad si Jill patungo roon. 

"Kim," nagtaas ng paningin ang tinawag na halatang nagulat pagkakita sa kanya. Mukhang malalim ang iniisip at hindi napansin ang paglapit niya rito. "Kamusta ka na?" ang tanging natanong niya kahit halata naman ang sagot sa kanyang tanong.

"Ano ginagawa mo dito?"

"How dare you to leave your girlfriend picture at our room?" sabay labas nito sa tanging picture na naiwan sa flat nila sabay sampal sa may dibdib nito malapit sa sa kinroroonan ng puso. "Hindi mo ba naisip na magagalit ako na makita itong nag-iisa don?"

Hinawakan ni Kim ang kamay ni Jill at inalis sa dibdib niya hawak pa rin ang larawan. "Jill masakit pa. Hindi ko alam kung paano mo nagagawang magbiro ngayon."

"Kim im sorry. Alam ko na mali na hindi kita ipinaglaban. Im sorry dahil naduwag ako. Im sorry dahil natakot ako sa mga sasabihin ng mga tao pagnalaman nila ang tungkol sa atin."

"Nangyari na yon. Tapos na. Nagagawa mo na ngang magbiro. Mabuti ka pa nakarecover na."

"May galit ka pa rin ba sa kin?" tanong niya rito. "Wrong timing siguro ang pagpunta ko dito ngayon."sagot niya ng hindi na kumibo ang kausap. "Sana duamting ang araw na mapatawad mo ko sa nagawa ko. Pinagsisisihan ko ang araw na yon. Kung alam mo lang, nahihirapan din ako. Mahal kita Kim. Sana sa mulli nating pagkikita hindi na ganito. Sana sa susunod wala na ang hurt na pareho nating nararamdaman ngayon." naiiyak na nawika ni Jill. At bago pa tumlo ang luha nagpaala na siya rito at tumalikod.

"Jill,' nakakailang hakbang pala siya ng tumawag si Kim. 

Napahinto sa paghakba si Jil at kinalma ang sarili, pinahid ang luha ngunit bago pa siya maharap ay naramdaman na niya ang dalawang bisig ni Kim sa kanyang beywang at ang ulo nito sa kanyang balikat.

"I still love you," bulong nito sa kanya.

Humarap siya rito ng hindi inaalis sa pagkakayap ang mga bisig nito at marahang hinaplos ang mukha ni Kim na may patak ng luha sa pisngi. "I love you too, Kim," sabay halik sa malambot na labi ng kaharap. 

"Mana talaga sa ama ang anak ko," mula sa malayo ay nanonood ang ama kasama ang katiwala sa mga nangyayari "malakas ang appeal."

"Don't ever leave me again Jill,"

"Never Kim. Never,"

Jill's POV

Ma, sana maging masaya ka para sa akin. Hayaan mo kami na patunayan na kaya namin ni Kim na palaguin ang aming relasyon. Kung nagkakamali man kami hayaan mo na matuto kami sa sarili naming pagkakamali. Di ba sabi mo sa akin noon magiging totoong masaya ako kung gagawin ko ano makakapagpaligaya sa akin at hindi ang kung ano sasabihin ng iba. Ma, ang masasaya ako ngayon kasama si Kim. At ngayon naiintindihan ko na ang sinasabi ninyo noon na kakaibang pakiramdam pagkasama ang taong mahal mo. I feel the butterflies in my stomach everytime im with Kim. Masarap pala ang mainlove at mas masarap ang mahalin ka rin ng taong mahal mo.

Continue Reading

You'll Also Like

283K 19.7K 90
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
10.4M 565K 22
[PUBLISHED under LIB] #1. "If pleading guilty means protecting you, I will."
1.2M 53.8K 69
(COMPLETED) After enrolling on her new school, Rue thought that her life would be peaceful unlike with her old school. She loves figthing back then b...