Fatal Attraction 2: Get Wild

By Whroxie

10.3M 225K 20.4K

The relationship that he wanted and invested has a termination date, a one-month rule that he have always hon... More

Synopsis
Chapter 1
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter Sex
Chapter 7
Chapter Sex
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
epilogue
Pre-Order
Special Chapter

Chapter 2

309K 6.1K 682
By Whroxie

Nakatukod ang mga siko ni Dock sa mesa habang ang magkasalikop na kamay ay nasa ilalim ng baba at pinagmamasdan si Geallan na nakaupo sa harapan niya. Kasalukuyan silang nasa lanai yacht charter sa upper deck, magkaharap na nakaupo sa mesa habang pinagsasaluhan ang almusal. Pinagpalit niya muna si Geallan ng damit. May mga damit pang babae naman sa yate niya. Damit ng kapatid niyang babae. Minsan ang mga ito ang gumagamit ng yate kaya may gamit ang mga ito sa sarili nitong mga cabin.

"Hmm! Ang sarap sarap naman nito!" She looked so happy chewing as she hummed with not a care in the world. Mukhang nakalimutan na rin nitong kasama siya. Bawat detalye ng mukha ay sinuri ng kanyang mata, at imposibleng makalimutan niya pa ang anyo nito sa ginagawa niyang pagtitig sa babae.

Napakaganda! An innocent beauty that somewhat hard to find nowadays. She was carefree, and doesn't even try to impress people around her.

He cleared his throat to get her attention, but it's useless dahil mukhang wala itong balak pansinin siya.

"Bakit mag-isa kang nangingisda? Wala ka bang kapatid na lalaki o 'di kaya naman ang tatay mo. Sila dapat ang gumagawa ng ganyang trabaho." Natigil sa pagnguya si Geallan at nag-angat ito ng tingin sa kanya. Ang kasiyahan sa mukha nito ay nahalinhinan ng kalungkutan. She smiled sadly. Inabot nito ang fresh orange juice at uminom matapos maubos ang laman ng bibig.

"Dalawa lang kaming magkapatid. Parehong babae. Si Tatay naman, matagal ng patay. Dati kasi may kasama akong nangingisda, kaya lang..." mas lalong binalot ng kalungkutan at sakit ang mukha nito na parang may masakit na alaalang bumalik.

"Kaya lang?" He urged her. She smiled sweetly to mask the pain.

"Kaya lang wala na, eh!" She said with a shrug.

"Ikaw, bakit nandito ka?" Tanong nito at parang pilit na iniiba ang usapan.

"Namasyal lang." Tumango-tango ito saka muling sumubo.

"Ang ganda ng yate mo. Puwede ba akong umikot dito bago ako umuwi?"

"Sure!"

Matapos mag-almusal ay inikot nga niya si Geallan sa buong yate. She was highly impressed on every part of the yacht that she saw. Panay ang bulalas nito ng 'wow'. Nang buksan nito ang isang pinto at sumilip sa loob muli itong suminghap habang umuusal ng 'wow'. Nilingon siya ng dalaga.

"Kuwarto mo ba 'to?" Tumango siya.

"Pasok ka para makita mo." Nasa mukha nito ang pag-alangan. Alam na niya ang nasa isip nito.

"Just trust me. Wala akong gagawing masama sa 'yo." Tipid itong ngumiti saka pumasok.

"Ang ganda!" Lumapit ito sa kama at hinaplos iyon. Bahagyang idiniin ang kamay sa kama nang makailang beses bago ito umupo at bahagyang nagbounce.

He leaned against the door frame, his arms folded across his chest. Silently he had watched Geallan bouncing on the edge of the bed, awed by her form and her sheer innocent beauty. Para itong batang ngayon lang nakaupo sa kutson. Her features were delicate, creating an overall impression of sweetness.

The delicate shape of her slender neck and shoulders drew his eyes. The thin straps of her bright yellow dress revealed the delicate ridges of her shoulder blades, collarbones and upper arms. It was intriguing and made Dock wanted to run his tongue along her skinny shoulders. He wondered if her skin would feel smooth as it looked.

Humaplos ang mata niya pababa sa payat nitong braso. Ano kaya ang pakiramdam kung nakapaikot ang braso nito sa leeg niya habang magkapatong sila sa kama na 'yan at kapwa hubad.

"Puwede ko bang tingnan ang banyo?" The sound of her voice cut through his half-baked fantasies. He blinked several times before drawing his gaze back to her face.

"S-sure." Fuck! Kung ano-ano ang naiisip niya. Kung nakakabuntis siguro ang pagpapantasya baka nabuntis na niya ang babaeng ito.

"Calm down, fucker!" Kastigo niya sa alaga niyang buhay na buhay na ngayon sa loob ng kanyang briefs.

Tumakbo si Geallan sa nakasaradong pinto. Since ito lang naman ang pinto sa loob ng cabin niya so she assumed that it was the bathroom.

Sumunod siya kay Geallan. Buong paghangang nakatingin sa Jacuzzi, pinadaanan ang gilid niyon ng mga daliri na para ba iyong isang mamahaling bagay na maingat na hinahaplos. Ibinaling nito ang tingin sa kanya.

"Sobrang ganda ng kwarto mo. Alam mo bang malaki pa ang cabin mo sa buong bahay namin. As in malaki!" Marahan siyang natawa. He stepped aside, allowing Geallan to walk past him.

"Pangarap kong magtrabaho sa isang cruise ship. Malaki raw kasi sweldo. May ideya ka ba kung magkano ang sweldo sa barko?" Tinungo nito ang maliit na bintana ng cabina at sumilip roon.

"Depende sa posisyon mo at kompanya. The average salary of housekeeping is around 1,500 to 3,500 dollar per month." Geallan spun around on her heel with priceless expression, causing him to chuckle. Para itong nakatanggap ng magandang balita.

"Talaga!? As in?" Nakangiti siyang tumango.

"Ano ba ang tinapos mo?" Ang excitement sa mukha nito ay napalitan ng kawalang pag-asa.

"Wala, eh!" Tinungo nito ang bedside table at kinuha ang alarm clock. Curious na tiningnan ang ilalim niyon nang mawaring may magnet iyon at hinaplos ang ilalim. Sadyang magnetic ang ilang gamit niya rito to hold them in place kapag maalon.

"High school lang. Pero nagtrabaho naman ako sa isang resort noon bilang house keeping. Kaso nga lang umalis din ako agad. May sinapak akong guest, eh. Ang bastos eh!" Ibinalik nito ang alarm clock sa kinalalagyan. Umupo itong muli sa gilid ng kama, hinaplos ng dalawang palad ang grey sheet.

Bigla na lang nitong ibinagsak ang katawan sa kama habang nakataas ang dalawang braso sa uluhan at ipinikit ang mata.

"Ang sarap sa likod!" Ungol nito.

Dock couldn't help but stared at Geallan and take in every inch of her delicate frame, from her sun-kissed skin, to her thin, appealing lips, and to her ample breasts. Here he goes again! Experiencing the familiar desire. The sight of her sent an icy chill through him, making his dick lurched involuntary. He released a heavy huff, trying to diminish his uncontrollable sudden arousal.

Nilingon niya ang cell phone na nasa ibabaw ng bedside table nang mag-ingay iyon. May signal naman dito dahil malapit lang din sila sa isla. Kinuha iyon at nang makitang si Princess lang ang tumatawag ay hindi na niya pinagkaabalahang sagutin. In-off niya ang cellphone at ibinalik sa magnetic holder.

Princess was his ex-girlfriend. Ang kulit nito at mukhang nakalimot na sa rules niya. The relationship that he wanted and invested has a termination date, a one-month rule that he have always honored. Hindi lalagpas sa isang buwan ay tinatapos na niya ang relasyon, at alam ng mga nakakarelasyon niya ang bagay na iyon. Kaya kung bibilangin ang naging girlfriend niya ay kulang ang lahat ng daliri mayroon ang isang tao.

Karamihan sa mga babaeng nakarelasyon niya ay nakikiusap na huwag muna nilang tapusin ang relasyon pero hindi niya pinapahintulutan. Mas lalo niyang hindi ini-extend ang pakikipagrelasyon kapag ganoon na ang demand ng mga babae. Hindi niya gustong makasakit, kaya nga bago siya pumasok sa isang relasyon ay ipinapaalam niya sa mga ito ang one-month rule niya. Nasa mga ito kung papayag sila o hindi. Once na matapos ang isang buwang relasyon ay hindi na siya ulit pa nakikipag-ugnayan sa mga ito.

Pero 'di hamak na matinong lalaki naman siya kumpara sa kaibigan niyang si Alford. Eh, 'yong isang 'yon titikman lang ang babae at iiwan lang basta. Cuddling after sex was not Alford's habit. According to that fucker that that kind of act shows that a man was ready to form secure attachments, is comfortable with affection, and wants a wamon for more than a booty call. At ayaw nitong isipin ng babaeng may patutunguhan ang isang gabing pagniniig.

He's different! He made his woman feel special. He do things that make her feel cherished as a woman. Gusto niyang maganda ang memories niya sa mga nagiging girlfriend. Sa loob ng isang buwan, they let them own him. Hindi siya titingin sa ibang babae. Wala siyang pakialam kung maging clingy man ang mga ito. Gagawin niya kung ano ang tingin niyang ginagawa dapat ng isang mabuting boyfriend, but once it ends, it ends.

So far si Princess ang pinakamatagal niyang naging karelasyon. Ito ang pinayagan niyang bumalik sa buhay niya matapos ang relasyon nila noon. Pumayag siyang makipagbalikan sa babae pero muli rin niyang tinapos ang relasyon nila pagkaraan ng dalawang buwan. Medyo nagiging creepy na ang dating sa kanya ng babae. Paminsan-minsan na itong nagbubukas ng usapin tungkol sa future-- wedding and children for Christ's sake! Wala iyon sa plano niya!

Muli niyang binalingan si Geallan na nasa kama. Nakahiga pa rin ito at nakapikit. Tulog na ba 'to? Hindi gumagalaw, eh at medyo humihilik. Humakbang siya palapit sa dalaga, hinawakan sa tuhod at marahang niyugyog.

"Geallan?" Sa halip na sumagot ay tumagilid lang ito sa pagkakahiga. Tulog nga! Dock put his hands on his hips, shaking his head. How could she sleep in a place that surrounded by strangers? Hindi man lang ba nito naisip na maaari siyang mapahamak. Such a careless!

Itinukod ni Dock ang dalawang kamay sa kama sa magkabilang gilid ni Geallan at marahang gumapang sa ibabaw ni Geallan hanggang sa magpantay ang kanilang mukha. Hinawi niya ang buhok nitong tumabing sa mukha. Malapad siyang napangiti nang humilik ang dalaga ng mas malakas. Mukha talaga itong puyat. Inaayos niya ng higa si Geallan at umupo sa gilid ng kama.

Malaya niyang napagmasdan ang mukha ng dalaga. Nakakapanghinayang na ibinubuhos nito ang oras sa pangingisda lang sa halip na magkaroon ng magandang trabaho. Ano kaya kung alukin niya ito ng trabaho? He owned cruise line at benteng barko ang pag-aari nilang naglalayag sa iba't ibang panig ng kontinente. He can help her if he wanted to.

Inabot niya ang mukha nito at masuyong hinaplos. He ran his thumb across his lips. Moist and tempting. His lips parted involuntarily, wanting to taste her soft lips. Kanina habang nasa ilalim sila ng tubig ay hindi niya mapigilang kagatin at sipsipin ang labi nito. He wanted to taste these luscious lips again.

Wala sa loob na humaplos ang mga madiliri niya pababa sa leeg nito, humaplos sa collarbone nitong litaw na litaw. His eyes drifted down, stopping at her breasts. Gusto niya iyong hawakan. Gusto niyang madama ang dibdib nito sa kamay niya. He wanted to feel her bare breasts crushed against his chest. Humaplos pababa ang daliri niya pero bago pa man abutin ang hindi dapat abutin ay ikinuyom na niya ang mga daliri.

"What the hell am I doing?" Kailan pa siya naging mukhang manyak at pati ang babaeng walang kamalay-malay ay kung ano-anong kahalayan ang iniisip niya. She trusted him for goodness! Bago pa siya makagawa ng bagay na pagsisisihan niya ay agad na siyang tumayo at lumabas na ng silid.

"Boss, asan na 'yong chic?" Salubong sa kanya ni Nognog.

"Nakatulog, eh." Nakakalokong ngisi ang pinakawalan nito.

"Pinagod mo 'no? Lupit mo talaga!"

"Sirualo! Sabihin mo sa chef sarapan ang pananghalian."

"Pampabalik lakas ba?" Sinuntok niya si Nognog sa upper arm habang magkaagabay silang naglalakad patungong bridge.

"Wala akong ginawa kay Geallan. Ano ang akala mo sa 'kin?"

"Matinik ka, eh. Titig mo pa lang kaya mo nang paghubarin ang babae." Malakas na tumawa si Dock. Matagal na sa kanyang nagtatrabaho si Nongnog bilang deckhand.

BUMALIKWAS si Geallan mula sa pagkakahiga. Inilibot ang mata sa silid at agad na sinuri ang sarili. Kumpleto pa naman ang damit niya, hindi naman masakit ang pagitan ng hita niya. Wala naman sigurong ginawang masama sa kanya si Dock. Bakit ba naman kasi siya nakatulog? Nang lumapat ang likod niya sa malambot na kama kanina ay para siyang hinila ng matinding antok. Iyong comfort na inaakala niyang hindi nag-e-exist ay naramdaman niya kanina. Napakasarap at gusto niyang samantalalahin kanina kaya ni-relax niya ang isip niya pansamantala pero nakatulog naman siya.

"Alas tres na!" Pagbulalas niya nang mahagip ng mata ang orasan sa bedside table. Ang haba ng naging tulog niya. Bakit hindi man lang siya ginising ng lalaking 'yon?

Agad siyang tumayo at lumabas ng cabin. Sakto naman na nasa labas si Nognog. Nagma-map ito ng sahig.

"Gising ka na pala, Geallan."

"Nasaan si Dock?"

"Nasa upper deck, puntahan mo. Hindi pa 'yon nanananghalian. Hinihintay kang magising, e." Ano naman ang kinalaman niya sa hindi nito pagkain ng pananghalian. Hindi naman siya ang cook.

"Sige salamat." Tinungo niya ang upper deck pero hindi naman niya nakita roon si Dock. Maging sa lanai yacht charter ay wala roon.

"Nasaan 'yon?" Usal niya habang inililibot ang mata. Lumapit siya railing at humawak doon.

Sumilay ang ngiti sa labi nang matanaw ang karagatan. Hindi na niya matandaan kung kailan niya huling naappreciate ang kagandahan ng karagatan. Dagat! Ito ang paborito niyang lugar. Katahimikan ang hatid nito sa kanya. Mas gusto niyang pumapalaot dahil mas nakukuha niya ang katahimikan na nais niya na ipinagkakait sa kanya ng kanilang bahay.

Pero sa kabilang banda ay may hatid din itong kalungkutan sa kanya, lalo na kapag naaalala niya ang pagpanaw ng kanyang ama. Nalunod ang kanyang ama dahil sa kanya. Nang itulak siya ng kanyang kapatid sa bangka noon at iligtas siya ng ama ay ito ang namatay. Inatake ito sa puso at hindi na nagawang makaahon pa. Mula noon ay pinagmalupitan na siya ng kanyang ina at kapatid. Sa kanya ibinunton ang lahat ng sisi.

Walang araw na hindi siya sinasaktan ng ina. Kung walang kapitbahay na nagmamalasakit sa kanya mas malala pa siguro ang kinahantungan niya. Nakapag-aral siya dahil idinulog ng kanilang kapitbahay sa barrangy ang hindi pagpapaaral sa kanya ng ina at sa halip ay pinagtatrabaho siya sa murang edad. Natakot naman ang kanyang ina na isumbong sa DSWD kaya napilitan siyang pag-aralin sa pampublikong paaralan sa kabilang isla.

Iyon nga lang ay hindi na siya nakapagkolehiyo. Sinabi niya sa kanyang ina na gusto niyang magbarko pero tinawanan lang siya nito. Mabubulok raw siya sa isla dahil doon lang siya nararapat. Minsan ang unfair ng buhay at hindi niya maiwasang question-in ang diyos. Bakit iba ang trato ng nanay niya sa kanilang magkapatid. Hindi niya matandaang niyakap at hinalikan man lang siya nito. Ang kanyang kapatid ginapang ang pag-aaral pero hindi naman nakatapos, at ayos lang 'yon sa kanyang ina.

Ibinuka niya ang mga braso at ipinikit ang mata. Gusto niyang makalaya. Pakiramdam niya ay napakaliit ng Isla Liwanag. Parang isang maliit na isla na siya lang ang naroroon at anumang oras ay lalamunin iyon ng dambuhalang alon kasama siya. Gusto niyang maramdaman ang pagmamahal ng sariling ina. Alam niyang mahal siya nito noon at gusto niyang maramdaman ulit iyon. May naaalala siyang magandang alaala pero malabo nga lang ang magandang memory na 'yon kasama ang ina at ama. Wala silang mukha. Blurred ang images.

Muli ay pilit niyang inalala ang pinakamagandang alaala kasama ang sariling ina at ama. Bata pa siya. . . tumatakbo sa dalampasigan habang ang kanyang ina ay nakaluhod at nakabuka ang mga braso para salubungin siya ng yakap habang ang kanyang ama ay hinahabol siya.

"Sweetie, hurry up!" Sigaw ng kanyang nanay. Tumitili siyang yumakap sa ina at pinupog siya nito ng halik habang mahigpit na yakap. Ikinulong silang mag-ina sa mga bisig ng ama at pinagmasdan ang papalubog na araw.

"I love you both!" Boses ng kanyang ama iyon.

"Daddy, Mommy, Brielle!" Napakunot noo siya nang may bagong memoryang pumasok. Isang boses ng batang lalaki.

Naputol ang alaala na 'yon nang maramdaman niyang may lumapat sa likod niya at hawakan ang magkabila niyang kamay.

"Iniisip mo ba na nasa Titanic ka at ikaw si Rose? I think you need me as your Jack." Nagmulat siya ng mata at hindi makakilos nang maramdaman niya ang mainit na hininga ni Dock sa likod ng kanyang tainga. Parang biglang nanghihina ang tuhod niya.

Bahagya niyang ipinaling ang ulo para tingnan ito. Wrong move. Gustong bumigay ng mga tuhod niya nang makita ang gwapo nitong mukha. Geallan grasped his hands as their arms spread wide. Ang gwapo ng lalaking ito. Ang makakapal nitong kilay ay nagbigay ng lalaking-laking feature sa ubod ng gwapong mukha nito. Ang mga mata. Kakaiba! His eyes contain hues of green, amber and even blue. Nag-iiba-iba ang kulay niyon. Parang kanina mas dominant ang amber pero ngayon equal ang lahat ng kulay. Nakaka-amaze.

Ang ilong. Hindi perfect ang cut na katulad ng sa mga Egyptian pero bagay iyon kay Dock. Unique ang hugis ng ilong nito. Matangos. Ang labi. . . Napalunok siya nang dumako ang mata niya sa hindi kakapalan at hindi rin manipis na labi at napakapula. Malambot ang labi nito. Nakalimutan niyang nasa panganib siya kanina nang ilapat ni Dock ang labi sa kanya. Hanggang ngayon ay nararamdaman pa rin niya sa labi niya ang malambot na labi nito. Pakiramdam niya kinakagat-kagat pa rin nito iyon at sinisipsip. Parang gusto niya ulit maramdam ang labi ng binata sa kanya.

Unti-unting napunit ng ngiti ang labi ni Dock at lumitaw ang pantay na pantay at mapuputi nitong ngipin.

"You want to kiss me?" Kumurap siya ng mata at mabilis na kumawala mula sa pagkakahawak nito.

"Namangha lang naman ako kasi sobrang gwapo mo." Matapat niyang sabi maliban sa pagpapantasya niya sa labi nito. Hindi niya aaminin 'yon 'no!

Kinuha ni Dock ang kamay niya at pinisil.

"Kain na muna tayo. Gutom na ako. Ang haba ng tulog mo." Anito at hinila na siya pababa ng lanai charter.

"Sa susunod huwag mong gagawin ang matulog sa lugar na hindi mo naman kilala ang mga kasama. That's a reckless action, babe. Mapapahamak ka."

Hindi niya mapigilang pisilin ang kamay ni Dock dahil sa sinabi nito. Tama ito, at nakakahanga na wala itong ginawang masama sa kanya. May ganitong lalaki pa pala. At ang "babe" bakit siya nito tinawag na babe? Ang sarap pakinggan.

---

Geallan Mokudef

Continue Reading

You'll Also Like

Troublemaker By Cher

General Fiction

1M 58.9K 20
Gabrielle Anne never had a formal boyfriend but she's been breaking up with a lot of people as a part of her business. Sa negosyong iyon niya nakilal...
396K 1K 16
Fullfil your sexual imagination with these different stories that'll make your feel good.
112K 5.6K 41
You don't have all the time in the world. Iyon ang totoo. Blessed to have survived her fatal illness and learning more to live with it, Polka tries t...
7.7M 200K 47
Rugged Series #4 Kill Legrand has everything. Growing inside a prestigiously rich family, she can have whatever she wants in just a blink of her eye...