CHAPTER 36 - When SHE Came Back Part II
MYRTLE's POV
Xander: Love was here at the culmination, I'm the king and you're the queen of hearts.
"WOOOOH!!!"
"WITWIIIIIW!!"
Nagpalakpakan yung mga tao tapos nagbow kami ni Xander.
Hays, sana laging ganito. Laging masaya :)
Binigay namin yung mic kay Tita Melody tapos umalis na din kami dun. Bumalik kami sa inupuan namin kanina.
"Grabe ka! Bakit yun naman ang naisip mong kantahin natin? King And Queen Of Hearts?" tanong ko sa kanya
"Eh kasi para sakin, tayo ang King And Queen of Hearts dahil tayong dalawa ang magpapalaganap ng pagmamahalan dito sa mundo" sabi nya
"Yuck! Hahahaha! XD"
"Eto naman! Sinisira mo yung moment ko eh! Alam mo yun?!" inis na sabi nya sakin pero tumawa na lang din sya.
"Xander?"
Napatigil kami sa pagtawa nung may tumawag sa kanya. Napatingin naman ako sa gate at nakita ang isang babaeng nakajacket.
Tumingin naman ako kay Xander na gulat na gulat at parang di makapaniwala. Tumingin ako ulit dun sa babae, hindi ko sya kilala.
"Hi" bati ko tapos tumayo ako at nilapitan ko sya pero nakatingin pa din sya kay Xander.
Okay, OP ako =____=
Bigla na lang tumakbo yung babae kay Xander tapos niyakap nya ito. Nakatulala lang si Xander dun sa babae tapos dahan dahan din nyang niyakap pabalik yung babae.
"Xander, miss na miss na kita" sabi nung babae sa kanya. Ano toh? Sino yang babaeng yan? >.<
Humiwalay si Xander dun sa babae, "God! Akala ko nananaginip ako! Totoo ka nga!" tapos niyakap nya yung babae at binuhat tapos umikot ikot pa silang dalawa.
"Hahaha! Bitawan mo ako!" sigaw nung babae. Binaba naman sya ni Xander tapos pinisil nya yung magkabilang pisngi nung babae.
"Namiss kita, sobra!" sabi nya tapos tumawa sila. Napatingin naman sya sakin tapos dun sa babae, "Ah, sya nga pala si-----" pinutol ko na yung sasabihin nya.
"Pasok lang ako sa loob" sabi ko at iniwan silang dalawa dun.
XANDER's POV
Anong problema nun? Sinundan ko ng tingin si Myrtle habang naglalakad sya papasok sa bahay. May nagsnap naman ng daliri sa harapan ko.
"Huy! Tulala ka ah!" sabi nya. Shit. Di talaga ako makapaniwala!
"Ah. Hehehe. Pagpasensyahan mo na yun ha? Baka nahiya sayo" sabi ko at napakamot sa ulo. Tinignan naman nya ako mula ulo hanggang paa.
"Ibang iba ka na! Nung Grade 5 pa tayo, mukha kang mmmmmmpppppphhhhhhhhhhhhh" tinakpan ko ng kamay ko yung bibig nya
"Wag mo ng sabihin! Hahaha! Pero, iba na ako dati sa ngayon" sabi ko sa kanya.
"Naks naman! Hahahahaha! Uhm, si Tita?" sabi nya.
"Nasa loob, tara, magugulat yun kapag nakita ka nya" inalayan ko syang pumasok sa loob ng bahay. Nakita ko si Mommy sa kitchen na nilalabas yung grahams.
"Mom!" lumingon naman sya sakin at nagulat nga sya! Hahaha!
"Alexander?" tanong nya sakin. Lumapit si Mommy sa kanya tapos hinawak hawakan nya yung balikat nung kasama ko.
"Ikaw nga! Kelan ka pa bumalik?" tanong ni Mommy. Iniwan ko na muna silang dalawa dun sa kitchen at hinanap ko si Myrtle.
"Clyde, nakita mo si Ate Myrtle mo?" tanong ko sa kapatid kong naglalaro ng xbox
"Nope" sagot nya kaya lumabas ako ng bahay. Nakita ko sya sa may gilid ng pool, nakulublob ang mga paa sa tubig.
"Ba't ka nagiisa dito?" nabigla ata sya kasi napahawak pa sya sa dibdib nya eh.
"Wala lang" sagot nya.
"Hey, may problema ba tayo?" tanong ko at ginaya ko din yung posisyon nya.
"Sino yung....sino yung babae?" tanong nya at napayuko sya.
"Elinia. She's my childhood friend. Kasama ko sya mula Grade 1 ako hanggang Grade 5. Kaso nung nasa Grade 5, nagmigrate sila sa US. Hindi ko alam kung para san. Ngayon lang ulit kami ngakita ulit after 5 years" sabi ko, "Nagseselos ka ba?" tanong ko (Si Elinia ang nasa right side :D)
"Hindi. Nainis lang ako kasi hindi mo agad sinabi" sabi nya. Lumapit ako sa kanya at iniharap sya sakin tapos niyakap ko sya ng mahigpit.
"Sorry. Naexcite lang ako kasi matagal na kaming di nagkita. Sorry talaga" sabi ko, pinatong ko yung baba ko sa balikat nya.
"Sa tingin mo, bakit sya bumalik? I mean, bagong taon ngayon diba? Dapat kasama nya yung parents nyang nagcecelebrate pero nandito sya" sabi nya
"Ewan ko. Hindi ko pa natatanong eh. Tsaka, ewan ko kung bakit sya bumalik. Wag ka ng mabahala ha?" sabi ko at hinalikan ko sya sa noo.
Pumasok kami sa bahay, nandun naman sa sala sina Mommy tsaka si Elinia na masayang nagkekwentuhan. Tumigil naman sila sa pagtawa nung umupo kami sa tapat na couch nila.
"Tamang tama andito na kayong dalawa. Elinia, meet Myrtle, Xander's girlfriend" sabi ni Mommy tapos ngumiti sya ng malaki.
"Gi-girlfriend?" tanong ni Elinia.
"Yes. She's my girlfriend" hinawakan ko yung kamay ni Myrtle.
"Hi, nice to meet you" sabi ni Myrtle pero ngiti lang ang sinagot ni Elinia.
"Maiwan ko na muna kayo ha?" sabi ni Mommy tapos umalis na sya.
"Uhm, Xander ako din. Magbonding na muna kayong dalawa" sabi ni Myrtle
"San ka pupunta?" tanong ko
"Dyan dyan lang. Text mo na lang ako ha?" kiniss nya ako sa cheeks.
Tahimik lang kami ni Elinia dun. Ewan ko kung bakit. Hindi naman kami ganito dati.
"May girlfriend ka na pala" sabi nya.
"Yeah. Bago pa lang kami. Mag-4 months pa lang kami sa 14" sabi ko
"Ahh"
"Ikaw? Kamusta?"
"Hmm. Okay lang naman, may....sakit" hindi ko narinig yung huli nyang sinabi
"Ano? May ano ka?"
"Wala. Hahahaha!" pilit yung tawa nya
"May boyfriend ka na?" tanong ko
"Wala. Bakit? Gusto mo?" tapos tumawa sya
"Wag ka ngang magbiro ng ganyan! Mahal ko yung girlfriend ko" sabi ko at tumigil sya sa pagtawa. Tumingin naman sya sa wristwatch nya.
"Pwede ka bukas ng 9 AM?" tanong nya.
"Oo naman. 4 days pa naman bakasyon ko tapos may pasok na kami ulit" sabi ko, "So, san tayo magmemeet?"
"Sunduin mo na lang ako sa bahay. Dun pa din yung address" sabi nya. Tumayo na sya at hinatid ko sya sa gate.
"Sure kang ayaw mo ng ihatid kita?" tanong ko habang nagaabang kami ng dadaan na taxi.
"Oo. Wag na, tsaka baka hinahanap ka ng girlfriend mo" sabi nya.
"O sige. Ingat ka ha?" I hug her tapos may tumigil na din na taxi at nagpaalam na sya.
ELINIA's POV
"Ma'am, san po tayo?" tanong nung driver
"Sa park po" sagot ko. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana hanggang sa naramdaman kong tumulo yung luha ko.
Akala ko pagbalik ko after 5 years, may makukuha ako, pero....nakuha na pala sya ng iba.
Ang sakit lang. Hindi ko alam na may girlfriend na pala sya. Base sa kilos nya, halatang mahal nya yung Myrtle na yun. Ano ba meron dun sa babaeng yun at nakuha nya si Xander? :(
Naramdaman ko na naman yung sakit ko. Agad kong hinanap sa bag ko yung gamot at nagtake agad. Nawala din naman after 20 minutes.
Ano kayang pwede kong gawin?
Mahal ko si Xander. Matagal na...pero hindi nya ako kayang mahalin.
Bumaba ako ng taxi at binigay sa driver yung bayad ko. Pumasok ako ng park at naupo sa bench katapat ng lawa.
Masaya pa kami noon eh. Sobrang saya at wala pang iniisip.
Pero simula nung nalaman ko yung tungkol sa sakit ko, gusto ko ng mawala.
Pumunta kami ng US para magpagamot. Kahit labag sakin, pumayag ako kahit alam kong malalayo ako kay Xander.
Naging okay naman yung operasyon pero kailangan ko pa ding magingat dahil anytime pwede syang bumalik agad.
"Xander, babawiin kita. Gagawin ko lahat para bumalik ka sakin"