CHAPTER 35 - Bestfriends Again

1.7K 53 0
                                    

CHAPTER 35 - Bestfriends Again

MYRTLE's POV

Last day na namin ngayon sa Batangas at mamaya ay babalik na din kami sa bahay.

From: 092********

hey, it's me, Paul. can we talk?

Nagreply ako sa kanya na kapag nakauwi na kami kaya nagokay sya. Pagkauwi namin, nagbihis lang ako saglit at pumunta sa Star Bucks.

Nakita ko si Paul at kasama nya si Gwen. Weird lang kasi hindi na kumikirot ang puso ko. Naglakad ako palapit sa kanila.

Nagngitian lang kaming tatlo tapos kinain na kami ng katahimikan.

"So, ano ang paguusapan natin?" tanong ko.

"Andrea, I'm sorry. Alam kong minahal mo ako at gusto kong magsorry kasi binalewala ko lang iyon" paninimula ni Paul.

"It's alright. Nakamove on na ako. Besides, masaya na ako kay Xander" sabi ko

"Yes. Nabalitaan ko nga" sabi nya. Napatingin naman ako kay Gwen tapos napayuko sya nung nakita nya akong nakatingin sa kanya.

"Myrtle, sorry" tumingin sya sakin at pilit na ngumiti, "Sorry sa lahat ng nagawa ko sayo. Sorry for the heart aches I've done. Pero salamat. Salamat sa pagsampal mo dahil ngayon alam kong mahal ko si Paul" napangiti ako sa sinabi nya.

"Okay lang. It's all in the past now. Atleast ngayon, nagising ka na" sabi ko at ngumiti ng totoo. Nilahad ko yung kamay ko, "Friends?" she gladly accept it. "Friends" sabi nya

Tumingin ako kay Paul at nilahad yung kamay ko, "Bestfriends again?"

"Bestfriends.Again" tapos kinuha nya yung kamay ko. Nagkwentuhan lang kami dun kung paano sila nagkabati. Sweet din pala ni Gwen dahil sya na yung gumawa ng move para maayos ang gulo, aba dapat lang noh!

Ang Girlfriend Ng Hearthrob Ay Isang TOMBOY ??!! O__O IWhere stories live. Discover now