CHAPTER 20 - A Date With Xander & Sky Part II

2K 49 0
                                    

CHAPTER 20 - A Date With Xander & Sky Part II

MYRTLE's POV

Nagpahinga kami saglit at naupo kaming tatlo sa isang bench.

"Bibili na muna ako ng makakain." Sabi ni Xander.

"Sama na ako." Sabi ni Sky.

"Di. Wag na. Ako naman ang nagdala sa inyo dito eh, so ako ang gagastos." Sabi ni Xander tapos umalis na sya.

Tumabi sakin si Sky at tumingin sya sakin.

"Mabait din pala yun." Sabi nya sakin.

"Oo naman. Mabait kapag nasa tamang kundisyon, pag hindi ay naku, no comment." Sabi ko.

"Bakit nga pala niyaya ka nya sa isang date?" Tanong nya sakin.

"H-ha?" Shit. Dapat di nya malaman!!!

"Sabi ko bakit ka nya niyaya sa date."

"Ahhh... ano kasi.... may kasalanan kasi sya sakin tapos sabi nya sakin na ititreat nya daw ako para makabawi sya." Sagot ko sa kanya.

"So... pwede kitang ligawan?"

Napalingon ako kay Sky at tinignan ko sya.

"A-ano?" Tanong ko

"Haha! Wala. Sabi ko ang ganda mo." Tapos tumawa sya.

"Bolero!" Tapos sinapak ko sya sa braso.

Ang Girlfriend Ng Hearthrob Ay Isang TOMBOY ??!! O__O IWhere stories live. Discover now