CHAPTER 36 - When SHE Came Back Part I

1.9K 53 3
                                    

CHAPTER 36 - When SHE Came Back Part I

MYRTLE's POV

Nandito kami sa bahay nila Xander. Napagusapan kasi nila Mommy at Tita Melody na magcelebrate yung pamilya namin tsaka na rin yung kanila.

Nasa sala ako at nakikipaglaro ng scrabble kela Alixia at Clyde. Ang cute nga nung dalawa eh! Pasimpleng naghoholding hands sa ilalim ng table! :">

Si Ate Blair? Kasama nya si Kuya Troy na magcelebrate. Gosh! Gwapo ni Kuya Troy! :D

"Hahaha! Loser ka!" sigaw ni Alixia sakin. Dumukduk na sila ng polbo tapos pinahid nila sa mukha ko. Kaasar! Kanina pa kaya ako natatalo! =____=

"Daya nyo namang dalawa!" sabi ko pero tinawanan lang nila ako. Tinawag kami mula sa kitchen para kumain muna ng merienda.

"Mukhang nagkakasayahan kayo ah" sabi ni Mommy. Nilapag nya sa table ang freshly bake cupcakes. Kumuha ako ng baso para sa kanila tapos juice na din.

Kumain kami habang maingay na nagkekwentuhan sina Clyde at Alixia.

"Tita, si Xander po?" tanong ko kay Tita Melody.

"May pinabili lang ako sa kanya. Babalik din yun agad" sabi nya. Pagkatapos naming kumain, tumulong na ako sa pagluluto ng ihahanda mamaya.

Natapos kami around 8 PM at nakabalik na din si Xander. Pinag grocery pala sya ulit kasi dadagdagan yung count nung mga pagkain.

Niyakap nya ako nung dumating sya tapos hinalikan nya yung noo ko, "Kanina pa kayo dito?" tanong nya sakin. Kumuha ako ng baso at nilagyan ng tubig tapos inabot ko sa kanya.

"Yeah. Kaso pagdating namin, inutusan ka pala" sabi ko.

"Kainis kasi si Mommy eh. Pero wala din eh. Wala yung mga maid namin, pinagbakasyon ni Mommy" sabi nya. Umakyat kami sa kwarto nya para makapagpahinga. May mga bisita din kasi sila at unti unti na ding nagsisidatingan sa baba kaya umakyat kami.

Ang Girlfriend Ng Hearthrob Ay Isang TOMBOY ??!! O__O IWhere stories live. Discover now