CHAPTER 34 - Untitled

1.7K 53 0
                                    

CHAPTER 34 - Untitled

MYRTLE's POV

Mabilis lang lumipas ang araw nung sembreak namin. All in all, nasayahan kami sa bakasyon namin sa Cebu. Ngayon, naghahanda kami para sa Araw Ng Mga Patay.

Sumakay kami sa kotse at lahat kami naka white. Hindi kasama si Daddy dahil busy sya kaya kami kami lang nila Mommy, Ate at Alixia ang pupunta sa sementeryo.

Bumili na muna kami ng bulaklak bago pumasok. Medyo mahirap din dahil marami ang nasa sementeryo ngayon. Hinanap namin yung puntod ni Kuya Mark.

'You will always be missed

Mark Andrew Wanton

1997-2005'

Lumuhod kami tapos inalis namin yung mga twigs na nagkalat sa puntod nya. Tahimik lang kami dun, dinadama yung paligid.

Nagpray lang kami dun tapos tinap ni Mommy yung balikat ko at umalis na sila. Umupo naman ako tapos kinausap ko na si Kuya.

"Hey Kuya, kamusta na? Hmm, sana masaya ka sa pagdalaw namin. Sorry kung wala si Dad ha? As usual busy sya. Kuya, magagalit ka ba kung sabihin ko sayo na may...boyfriend na ako? Remember Xander? Sya yung boyfriend ko Kuya Mark. Mabait sya sobra tsaka mahal na mahal nya ako. Kuya, can you guide the both of us? Pwede bang bantayan mo kaming dalawa? Ayaw ko na kasing mawala pa sya sakin eh"

Nakaramdam ako ng tapik sa balikat, lumingon ako at nakita ko si Mommy na nakangiti. I took my last glanced sa kanya tapos nagpaalam na kami.

Naging busy ang month ng November sakin. Puro projects, essays, research lang ang ginawa ko. Nung Second Monthsary namin ni Xander, dinala nya ako sa Star City tapos buong araw na kami andun. Nung Third naman, pumunta kami sa resort nila tapos nagstay kami ng tatlong araw dun.

Busy ang buong bahay dahil Christmas na mamaya. Bilis diba? Hahaha! Nasa labas ako ng bahay at tinuturo ko kay Manong kung san ilalagay yung parol na umiilaw.

Pumasok ako sa loob at tinulungan kong magluto si Mommy habang abala naman sa pagbabalot ng gifts sina Alixia at Blair.

Ang Girlfriend Ng Hearthrob Ay Isang TOMBOY ??!! O__O IWhere stories live. Discover now