Rui, The Gorgeous Cake Thief...

By EllaRayeVenice

56.3K 1.1K 31

He knew there's no turning back now. He'll be the one to get this girl. Inis na inis si Sahara dahil ilang ul... More

Chapter 1 Part 1
Chapter 1 part 2
Chapter 2 Part 1
Chapter 2 part 2
Chapter 2 Part 3
Chapter 3 Part 1
Chapter 3 Part 2
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6 Part 1
Chapter 6 Part 2
Chapter 7 Part 1
Chapter 7 Part 2
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11 Part 2 (Wakas)

Chapter 11 Part 1

2.9K 61 0
By EllaRayeVenice


Chapter 11

"HAPPY Fiesta!" masayang sambit ni Faith nang salubungin sina Sahara at Jordan pagdating ng dalawa kinatanghalian. Maraming tao nang mga sandaling iyon sa bahay ng mga ito dahil sa bahay ng mga ito ang last station ng patron ng bayan.

"Aba, narito na pala si Sahara." Ani Tita Mercy na sumilip sa pinto ng kusina. "Halina kayo at marami kaming inihandang pagkain." Yaya nito.

"Salamat po."

Kinalabit siya ni Faith nang papunta na sila sa loob. "Girl, umamin ka. Ano'ng nangyari sa inyo ni Rui? Buong magdamag ka sa bahay nila."

Namula ang mga pisngi ng dalaga. "Wala."

"With that look, alam kong may nangyari sa inyo." Impit itong napatili.

"Ano ka ba Faith, baka may makarinig sa iyo." Saway niya. Buti na lang at kausap ng mama nito si Jordan sa unahan nila. Subalit patuloy lang ito sa kakatanong sa kanya. Alam niyang hindi siya nito titigilan kaya hinila niya ito sa kuwarto nito.

"He said he loves me." Sabi niya nang makaupo sila sa kama.

Namimilog ang mga matang napatanga ito sa kanya. Maya'maya'y bigla siya nitong pinaghahampas. "Ang landi! Ang landi-landi talaga!" natatawang tili nito.

"Ano ka ba? Ang boses mo!"

"Ano ang sagot mo?" tanong nito nang kumalma na ito.

"Wala, ano'ng isasagot ko sa kanya?" nakalabing sabi niya. Napa-aray siya nang kurutin nito ang tagiliran niya.

"Ay, gagi! Hindi mo sinabing mahal mo rin siya?"

"Bakit ko gagawin iyon? Eh hindi naman totoo 'yun."

"Queen of denial ka talaga! Baka mamaya sa kaka-deny mo, maniwala sa iyo iyon at ibaling na lang sa iba ang pagtingin niya."

Napamata siya dito. "Don't tell me, you l-like him?" bakit hindi? 'Di ba't nu'ng minsan, gusto nitong hiramin si Rui? At open ito sa paghanga nito sa binata.

"Of course I like him."

Nawalan siya ng kibo. Kung gusto man nito si Rui ay karapatan nito iyon. Napayuko siya sa naramdamang bigat ng dibdib.

"Tingnan mo ito. Para kang binagsakan ng langit at lupa sa hitsura mo." Natatawa siya nitong inakbayan. "I like him for you. And I know you love him too. Alam kong hindi ang tulad ni Rui ang magsisinungaling ng damdamin niya."

"Pero-" naroon kasi ang takot niya na baka niloloko lang siya ng binata.

"Trust him, friend. Dapat sabihin mo na sa kanya ang damdamin mo pag nagkita ulit kayo mamaya, ha?"

Tumango siya. Siguro nga dapat na siyang magpakatotoo sa nararamdaman niya.

HINDI maipinta ang mukha ni Sahara habang nakaupo sa swing. Inis na inis ang pakiramdam niya sa mga sandaling iyon. Ginusto muna niyang mapag-isa at baka makapatay siya ng tao sa sobrang sama ng loob.

Kaninang pagdating nila ni Jordan mula sa bahay nina Faith ay naabutan niyang magkayakap si Rui at si Melai. Napagpasyahan pa man din niyang sabihin sa binata ang damdamin niya pero ang tagpong naabutan ay sapat na upang gustuhin niyang patayin ang nararamdaman. Sa buong durasyon ng hapunan kanina ay hindi siya nagpahalata sa mga kasama na halos hindi niya malunok ang kinakain. Nasa harap kasi niya ang dalawa.

At ang magaling na lalaki ay nakatingin pa sa kanya! Huh! Akala ba nito magseselos siya?

"Sabi ko na nga ba at nandito ka lang." Napalingon siya nang marinig ang tinig ni Jordan. "Nagpahanda si Lola Gerry nang kaunting inumin para sa atin. Halika na." Yaya nito.

Dinala siya nito sa terasa sa may second floor. May nakahanda na doong isang mesa na may mga alak at pulutan. Pinilit niyang huwag magusot ang mukha nang mamataan si Rui at Melai. Naroon din kasi si Lola Gerry.

Dinedma niya ang masamang tingin sa kanya ni Melai habang nakakapit ito sa braso ni Rui. Hindi siya nagpaapekto. Humawak din siya sa braso ni Jordan at gusto niyang tumawa nang malakas nang tumalim ang mga mata ni Rui.

Naupo sila ni Jordan sa bakanteng upuan doon.

"Lola Gerry, I'm so happy na inimbita ninyo ako dito ngayong gabi." Maarteng sabi ni Melai. "Nagulat nga ako nang sabihin ni Rui sa akin kanina na gusto niyo nga daw akong pumunta dito ngayong gabi."

"Of course, hija. Masaya din ako at nagpaunlak ka sa imbitasyon ko." Nakangiting sagot ng matanda.

Tumawa ito ng ubod hinhin. "Siyempre naman po, alam niyo namang hindi ko kayo mapapahindian." Nang mapabaling ang paningin nito sa kanya ay inirapan siya nito. "Pero bakit narito pa rin si Sahara?"

"Dito siya tumutuloy." Sagot ni Rui.

"What?" muntik nang mawala ang poise nito sa pagkagulat. "I-I mean, ang akala ko kasi ay... oh, well." Nagkibit ito ng mga balikat as if to dismiss the topic. Humarap ito kay Rui. "Dito ba ako matutulog?"
Napahigpit ang hawak niya sa hawak na baso saka diretsong ininom ang laman niyon. Ramdam niya ang pagguhit ng mainit na likido sa lalamunan niya. She welcomed the feeling para doon mabaling ang atensiyon.

Jordan leaned on her side. "Dahan-dahan lang, malalasing ka niyan." Bulong nito sa tenga niya matapos lagyan uli ang baso niya.

She giggled. Nakiliti kasi siya sa ginawa nito. Oblivious to the dangerous aura emitted by Rui.

"Actually, ipinahanda ko na ang tutulugan mo."

"Hindi ba puwedeng tabi na lang tayo?" Melai said seductively. Ang mga kamay ay humawak sa dibdib ng binata at pinaglaro ang mga daliri doon.

Napailing-iling na lang ang matanda sa pagka-liberated ng dalaga. "Kids, maiwan ko na kayo at kailangan ko nang magpahinga." Tumayo na ang matanda.

"Lola, ihahatid ko na kayo." Sabi ni Jordan na tumayo na rin at lumigid sa upuan ng abuela.

"Salamat. Sige lang, just enjoy the night everyone." Anang ginang habang nakakapit kay Jordan.

"I'll be back." Sabi ni Jordan kay Sahara.

Tinanguan ito ng dalaga. Pumasok na ang mga ito sa loob. Muling nagsalin ng alak matapos inumin ang isinalin kanina ni Jordan. She needed to drink lalo pa at silang tatlo lang ang naiwan sa mesa.

"Naglalasing ka ba?" kunot ang noong inagaw ni Rui ang bote ng alak mula sa kanya.

"Ano ba?" malagihay na pilit inilayo ng dalaga ang bote. Mukhang lasing na yata siya? Nakailang baso na ba siya?

"Hayaan mo nga siya Rui." Inis na sabi ni Melai. "Kung gusto niyang magpakalasing, bakit mo siya pipigilan?"

"Narinig mo yon?" nakangising nagsalin muli si Sahara ng alak sa baso niya. "Karapatan kong uminom hangga't gusto ko."

"Tama na yan." Inagaw nito sa kanya ang baso niya. Hinila siya nito patayo.

"Hey." Biglang umikot ang paligid niya at muntik na siyang matumba kung hindi lang siya nayakap ng binata. "Get your hands off me." Pilit niya itong itinulak.

Parang gusto niyang maiyak sa kawalan ng lakas upang makawala sa mga bisig nito. She bit her lips to contain herself. Dahil natatakot siya na baka hindi niya mapigilan ang sarili at bigla na lang siyang mag-iiyak doon. Bakit ang tagal ni Jordan?

"Iinom-inom ka hindi mo naman pala kaya." Sermon nito sa kanya. "Hindi kita maintindihan."

"Ikaw ang hindi ko maintindihan!" hindi na makapagpigil na sigaw niya. Kung nagulat man ito sa outburst niya'y hindi niya alam. Ubod lakas niya itong itinulak na muntik na niyang ikatumba kung hindi lang siya nakahawak sa upuan.

"Ano ba'ng problema mo?" frustrated na ibinaba nito ang kamay nang tabigin niya iyon.

"Hayaan mo na kasi siya. Tutal naman babalik din si Jordan, siya na lang ang paghatirin mo sa babaeng iyan." Iniyakap nito ang mga braso sa leeg ng binata. "Why don't we talk about us?"

The sight broke Sahara's sane mind into pieces. Dahil na rin sa epekto ng alak, her feelings gone haywire. "Get your hands off of him!"

Napahiyaw si Melai nang buhusan niya ito ng alak. "What did you do that for, bitch?" gigil na sambit nito habang panay ang punas sa basa nitong mukha at katawan.

Dinuro niya ito. "Sa lahat ng ayaw ko ay iyong ginagalaw ang mga pag-aari ko. Lumayo ka sa kanya kung ayaw mong maghalo ang balat sa tinalupan! Oooh, hindi mo gugustuhing masira iyang ipinagmamalaki mong mukha." She said devilishly. Napaatras si Melai sa takot.

"S-Sahara?" nanlalaki ang mga matang sambit ni Rui. Gusto nitong matuwa sa ipinapakitang possessiveness ng dalaga na animo'y mahalaga siya dito but then, lasing ang dalaga nang mga sandaling iyon.

"At ikaw lalaki! Magkaintindihan nga tayo." Pilit na tumayo ng tuwid si Sahara. Putek! Bakit gumagalaw ang tinatapakan niya?Susuray-suray na lumapit siya sa binata. Mahigpit siyang napakapit sa polo nito bilang suporta sa pagkakatayo niya.

"SAHARA, huminahon ka." Hinawakan ni Rui sa bewang si Sahara. Nag-aalalang baka bigla na lamang bumagsak ang dalaga sa kalasingan. Ano ba kasi ang pumasok sa kukote ng babaing ito at ginawang tubig ang pag-inom ng alak?

Dumukdok ang dalaga sa dibdib ni Rui. "S-sabi mo m-mahal mo ako. Sinungaling ka! Bakit nakikipaglandian ka sa babaing iyan!" bumitaw ito sa pagkakahawak sa kanya at akmang dadaluhungin si Melai na napatakbo sa loob ng bahay.

Buti na lamang at naagapan niya ang dalaga kung hindi ay baka ano na ang nangyari kay Melai. Napa-iling-iling si Rui habang yakap ang nagpupumiglas na babae. Grabe palang malasing si Sahara lalo at nagseselos.

"Bumalik ka dito! Hoy, kakalbuhin talaga kita!"

Nagseselos nga ba? Masyado itong malihim sa nararamdaman.

"Shh... tama na Sahara." He gently sooth her back while holding her gently. Hindi niya mapigilang mapangiti nang gumanti ito ng mas mahigpit na yakap sa kanya. How he love this woman!

"Kakalbuhin ko talaga ang kahit na sinong babaeng lumapit sa iyo." Bulong nito sa dibdib niya bago tumingala. "Tulad ng sinabi ko noon... akin ka lang." Pagkasabi niyon ay inilapat nito ang mga labi sa labi niya bago ito nawalan ng malay.

Alerto niya itong nahawakan mabuti. "I'm yours, my princess." He placed a gentle kiss on her forehead bago ito binuhat papasok.

"She really lost it, hasn't she?" natatawang bulong ni Lola Gerry habang hawak sa kamay ang videocam. Nakasilip ito mula sa kuwarto nito na kitang-kita ang terrace kasama si Jordan na iiling-iling. "Nakakatuwang panoorin ang mga babaing in-denial na nagseselos. 'Susme, akala ko'y World War III na!"

"Lola, bakit kinuhanan niyo pa sila ng video?"

"Wedding gift ko sa kanila sa kasal nila." Ngingisi-ngising ni-replay ang video. "Look at that girl's face! Takot na takot kay Sahara." Natatawang ipinakita ng matanda ang hitsura ni Melai.

"Kawawang Melai, nadamay pa sa drama ng dalawang iyon." Natatawang lumabas na ito ng kuwarto ng abuela na aliw na aliw sa panonood.

Continue Reading

You'll Also Like

1.9M 74K 61
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.
194K 10.5K 24
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
122K 5.4K 71
The Oleander Woman is a paradox of beauty and danger, her allure and strength mask a potent inner fire. Her delicate blooms and graceful form inspire...
753K 26.3K 36
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...