Rui, The Gorgeous Cake Thief...

By EllaRayeVenice

56.3K 1.1K 31

He knew there's no turning back now. He'll be the one to get this girl. Inis na inis si Sahara dahil ilang ul... More

Chapter 1 Part 1
Chapter 1 part 2
Chapter 2 Part 1
Chapter 2 part 2
Chapter 2 Part 3
Chapter 3 Part 1
Chapter 3 Part 2
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6 Part 1
Chapter 6 Part 2
Chapter 7 Part 1
Chapter 7 Part 2
Chapter 8
Chapter 10
Chapter 11 Part 1
Chapter 11 Part 2 (Wakas)

Chapter 9

2.7K 65 1
By EllaRayeVenice


Chapter 9

"HOY, Rui. Halika na doon." Yaya ni Jordan kay Rui sa gitna kung saan naroon na ang mga kabinataang gustong makasalo sa garter na hawak ni Mike.

"Go, Jordan! Go, Rui! Huwag kayong papayag na may ibang makakuha ng garter!" pagchi-cheer sa kanila ni Faith nang madaanan nila ito.

Hindi siya makapaniwalang si Sahara nga ang makakakuha ng bouquet. Napailing siya. Wala naman siyang pakialam doon. Prente lang siyang nakasunod sa pinsan niyang excited na lumalakad.

Nakipaggitgitan si Jordan sa gitna ng grupo samantalang mas pinili niyang sa likod na lamang pumuwesto. Hindi naman siya makikipag-agawan, kaya okay lang na naroon lang siya.

Napabuntung-hininga siya habang nakatingin kay Sahara. Kitang-kita niya ang pamumula ng mga pisngi nito habang inililibot nag paningin sa mga lalaki. He knew that these guys see how pretty she is. Naisip niya, ito na ang magandang pagkakataon nito para makahanap ng boyfriend.

Mabilis na iginala niya ang mga mata upang sipating mabuti ang mga naroroong mga kalalakihan.

Malaki ang porsiyento na maaaring isa sa mga lalaking naririto ang magiging nobyo ng dalaga. Pansin din niyang halos lahat ng naririto ay kilala niya, at mga galing sa mabubuting pamilya. He just have to report to Xanthe na okay naman ang napili ng kinakapatid nito, tapos ang pag-i-spy niya.

Ibinalik niya ang paningin sa dalaga. Nakita niya nang huminto ang mga mata ni Sahara kay Jordan. Dapat nga matuwa siya kung ang pinsan man niya ang makatuluyan ng dalaga pero kabaligtaran niyon ang nararamdaman niya. Nakapagtatakang mabigat ang pakiramdam niya sa isiping iyon.

"Okay, here's the countdown. Three..." pagbibilang ng emcee.

Napagtanto rin niyang hindi niya matanggap sa sarili na may makakasama nang lalaki sa buhay si Sahara. Na may kasalo ito sa pagkain. Masayang nagsusubuan.

"Two..."

Na may katabi ito sa pagtulog sa kama nito. Na may kayakap at... No!

"One!"

Then the garter came floating in the air. Hindi niya alam kung ano'ng puwersa ang sumanib sa kanya nang sa pagtalon niya ay mapunta sa kamay niya ang garter na iyon. The moment he held that, he knew there's no turning back now. To hell with being a spy.

He'll be the one to get this girl.

PILIT na ngumiti si Sahara upang pagtakpan ang pagkagulat niya. Paano ba naman, kitang-kita niya kung paano mag-ala superman si Rui sa pagsalo ng garter! Ang lakas ng kabog ng dibdib niya sa mga sandaling iyon.

Bakit nito ginawa iyon?

Impit na tumili ang emcee. "Ladies and gentlemen, nakita n'yo ba iyon? Isang San Juan ang nakakuha ng mahiwagang garter. Papa Rui, halika na dito!" Tawag nito si Rui at pinapupunta sa tabi niya.Nagpakuha ng upuan ang emcee sa isang waiter at inilagay sa tabi niya.

Naitapat niya sa dibdib niya ang hawak na bouquet habang papalapit ang binata. She thought she could hear drum rolls in her head as he approach her. Napahawak siya sa sandalan ng upuang nasa tabi niya dahil pakiramdam niya'y nanlalambot ang mga tuhod niya.

Bakit ba biglang-bigla ay naging ganito ang epekto ng mga titig ni Rui sa kanya? Ibang-iba ang ipinahihiwatig ng mata nito nang mga oras na iyon, waring nanunuot sa kanyang kaluluwa at para siyang napapaso sa ginagawa nitong pagtitig sa kanya.

Napalunok siya nang huminto ito sa harap niya. Tumaas ang sulok ng mga labi nito. "Got it." Sabi nito sa kanya. Iniangat nito ang kamay nitong may hawak ng garter.

Itinutok ni Sahara ang tingin sa hawak na bulaklak dahil hindi niya matagalang tumingin sa mga mata nito kahit nang alalayan siya nito sa pag-upo. Ano ba ang gustong palabasin ng lalaking ito at wagas kung makatitig?

He bent a little, sapat upang marinig niya ang pagbulong nito. "Why the look? Are you afraid of me?"

"At bakit ako matata.." ibinalik niya ang tingin dito, wrong move, dahil malapit na malapit ang mukha nito sa kanya. "..kot sa iyo?" lihim na pinagalitan ang sarili sa saglit na pagkatigagal.

He grinned evilly before kneeling in front of her.

"Alright, simulan na!" Sabi ng emcee bilang hudyat ng pagsusuot ng garter sa kanya.

Napasinghap siya nang hawakan ni Rui ang paa niya at iniangat nang bahagya upang isuot ang garter sa kanya. She could feel prickling sensation run through her body as he slowly slid it upward. She felt the goosebumps all over her body!

Tumatagos sa laman niya ang init na nagmumula sa magaang pagdampi ng mga daliri nito sa balat niya. Disimuladong naipitlag niya ang binti.

Kitang-kita niya ang pilyong kislap ng mga mata nito nang makita ang ginawa niya.She silently cursed him on her head for tormenting her like this. Tinitigan niya ito ng matalim.

"Higher!...higher!...higher!..."

Those chants filled the air kasabay ng unti-unting pagtaas ng kamay ng binata paloob sa palda niya. Slowly pushing the garter hanggang kalahati ng hita niya. Nang maramdaman niyang itataas pa nito iyon ay hindi na niya napigilang biglang maibaba sa kandungan ang hawak na bouquet upang pigilan ang binata.

"No more!" She hissed under her breath. Nanlaki ang mga mata niya nang sadyaing pinadaan ng binata ang daliri sa balat niya nang hilahin nito ang kamay. Kung hindi lang siya nakapagpigil at nahihiya sa mga tao ay baka nasipa na niya ito.

Napapailing na ngumiti ang binata. "Out of luck na tayo eh." Sabi nito nang humarap ito sa mga tao. Inulan tuloy sila ng tukso ng mga naroon.

"Ahay... naiinggit naman ako. Ano'ng masasabi ninyo mga kaibigan?" tanong ng emcee. "May pag-asa kayang mauwi din sa simbahan ang dalawang ito?"

"Meron!" sigaw ng isa.

"Totohanin na iyan! Huwag nang magpakipot."

"Sayang iyon, Rui! Malapit na sa langit iyon!" sabi ng isa na umani ng malakas na tawanan.

"Oo nga eh, konti na lang!" game na sagot naman ng binata.

Parang gusto nang lumubog ng dalaga sa kinatatayuan nang mga sandaling iyon. Hiyang-hiya siya sa mga sinasabi ng mga bisita, pero alam naman niyang nanunukso lang ang mga iyon kaya ngumiti na lang siya.

Ang ikinagulat niya ay nang may sumigaw ng 'Kiss!' mula sa crowd na sinundan ng marami. Lupa, kainin mo na ako! Piping sigaw ng dalaga.

"Kiss." Natatawang sabi ng emcee sa dalawa. "Hindi naman siguro kalabisan ang isang halik bilang seal ng event na ito."

"Kailangan pa ba iyon?" pabulong na reklamo ni Sahara. Bakit kailangan pang makipaghalikan siya sa harap ng maraming tao at kay Rui pa?

"Tradisyon na iyon dito, hija." Sagot naman ng emcee nang marinig ang bulong niya. "Isa pa, hindi kayo puwedeng umalis dito hangga't hindi ninyo ginagawa iyon." Nangingiting itinayo siya nito.

She sighed. Kiss lang naman 'di ba? No big deal. Paulit-ulit na sabi ng dalaga sa sarili. At saka smack lang naman.

Ang binata nama'y tahimik lang na nakatayo kaya hindi niya malaman kung ano ang nasa isip nito. But she could not afford to let her guards down, kanina pa may kakaiba sa lalaking ito!

Nagtama ang mga mata nila nang humarap ito sa kanya. Nailang na naman siya. It's just a kiss with no feelings at all! Bulong ng isang bahagi ng isip niya. Parang idadampi lang niya ang mga labi sa malamig na pader.

Tama. With that thought, nabawasan ang pagkailang na nadarama niya.

"Ready?" tanong nito.

"As you are." Taas noong sagot niya. Matapang niyang sinalubong ang mga mata nito.

"Such bravery." Bumaba ang tingin nito sa kanyang mga labi kasabay ng bahagyang paghapit nito sa kanyang katawan. She felt uneasy with the sudden closeness of their bodies. She put her hands between them to create some space.

Malamig na pader. Malamig na pader. Paulit-ulit niyang bulong sa isip habang unti-unting lumalapit ang mukha nito. Papalakas din nang papalakas ang pagkabog ng dibdib niya. His gaze never left her lips.

Nang halos isang kalahating pulgada na lamang ang layo ng mga labi nito sa mga labi niya ay bigla itong tumingin sa mga mata niya at bumulong.

"Be prepared, because right from this moment, I'll definitely catch you and make you mine."

Kasabay ng panlalaki ng mga mata niya sa gulat sa sinabi nito ay tinawid nito ang maliit na espasyong iyon at marahang inilapat ang mga labi sa kanya.

There's no way na isang malamig na pader ang nasa harap niya. Rui's lips are so hot that she thought she'd melt!

TULALANG nakatitig si Sahara sa salamin sa loob ng banyong iyon. Hindi niya namalayan kung paano siyang nakaalis sa gitna ng maraming tao kanina. Hanggang sa mga sandaling iyon kasi ay nasa state of shock pa siya.

Namumula pa rin ang magkabilang pisngi niya. Binuksan niya ang kanyang bag at hinagilap ang pressed powder na dala. She dabbed more on her cheeks to lessen if not cover the subtle redness of them.

Nanginginig ang mga daliring naglagay muli ng lipstick sa mga labi. Though it's her first kiss, she didn't really imagined it would blow her mind away.

She sighed. Isa pa iyong sinabing iyon ng binata kanina. She felt threatened and somewhat a little vexed dahil parang pinaglalaruan siya ng binata. Naikuyom niya ang mga kamay. She lost herself there. Ano'ng karapatan nitong hiyain siya nang ganoon?

Hindi siya dapat nagpapaapekto sa mga sinasabi nito. Mag-uusap sila nito nang masinsinan.Matapos masigurong okay na ang pakiramdam ay lumabas na siya. Nag-aalalang sumalubong sa kanya ang kaibigan.

"Ayos ka lang ba?" hinawakan nito ang mga balikat niya. "Walang masakit sa iyo? Dadalhin na ba kita sa ospital?" itinaas nito ang kaliwang kamay niya. "Patingin ng kamay mo."

"Ayos lang ako, ano ka ba?" Natatawang sagot niya.

Relieved itong napabuga ng hangin. "Akala ko, naglaslas ka na sa loob eh. Kung alam ko lang na gagawin ni Papa Rui iyon, ako na lang sana ang sumalo sa bouquet para hindi mo na na-experience ang ganyan."

"Ha?"

"It's your first kiss right? It should be done in a better place and time. Alam ko naman ang feelings mo pagdating kay Papa Rui." Niyakap siya nito. "To think na sa harap pa ng maraming tao ang first kiss ninyo."

"Wait a sec." Kumawala siya sa kaibigan. "Minsan hindi ko ma-dig ang mga pinagsasasabi mo eh. Gusto kong makasiguro kung tama ang mga narinig ko. Puwedeng paki-rewind?"

"To think na sa harap pa ng maraming tao ang first kiss ninyo?"

Napapiksi siya sa sinabi nito pero hindi iyon ang gusto niyang ipaulit. "Move back pa, yung sinabi mo bago iyan."

"Alam ko naman ang feeling mo pagdating kay Papa Rui?"

"'Yan." Humalukipkip siya. "Ano'ng feelings ko ang sinasabi mo?" napasinghap siya nang paluin nito nang malakas ang balikat niya.

"'Sows! Kunwari ka pa, bistado naman na kita. Alam na alam ko namang gusto mo siya eh!" bumubungisngis nitong sabi.

Parang lumindol yata? "O-of course not! Bakit ako magkakagusto sa hinayupak na iyon?" tanggi niya.

"Ha-ha... Alam mo friend," tinapik-tapik nito ang braso niya. "nagtatanim ka pa lang, namumulaklak na."

"Ha? Saang planeta ka ba galing at kung anu-ano iyang sinasabi mo?" napakamot siya sa noo niya. Minsan kasi bigla-bigla na lamang itong magsasalita ng mga bagay na hindi kayang arukin ng utak niya.

Hindi nito pinansin ang sinabi niya. "Friend, the truth will set you free." Anitong tumalikod na. Lumakad na ito pabalik sa mesa nila. Kunot-noo naman siyang sumunod dito.

"Sahara!" tumayo si Jordan at sumalubong sa kanya nang makita siya. "Can you come with me for a minute?"

"Bakit?" takang tanong niya. Pero sumama na rin siya dito when Faith just smiled at iwinasiwas ang kamay bilang pagtataboy sa kanyang sumama sa binata then mouthed "Sige na."

Napansin niyang wala sa mesa nila si Rui. Mabuti iyon, dahil hindi niya alam kung kaya niyang pigilan ang sariling bigyan ito ng flying kick sa ginawa nito sa kanya.

"Gusto ka raw makilala ni Lola." He gestured her to the pathway that leads to the big house.

Hawak siya nito sa siko at nakapagtatakang wala siyang naramdamang kilig. Parang isang kapatid na umaakay sa kanya.

"Ha? Bakit naman ako gustong kilalanin ng Lola mo?" takang tanong niya.

Nagkibit ito ng balikat. "Hindi ko rin alam." He sighed. "Ihanda mo lang ang sarili mo dahil iba ang lola ko, lalo na sa mga babae."

Kinabahan naman siya bigla sa sinabi nito. Ano ba kasing klaseng tao ang lola nito?

Pagpasok nila ay dumiretso sila sa hallway papunta sa library ng mga ito kung saan naghihintay ang lola nito. Kumakabog ang dibdib niya nang huminto sila sa isang pinto.

Kumatok si Jordan. Narinig nila ang sagot mula sa loob. Binuksan na ng binata ang pinto.

"Pasok." Anang isang matandang babaeng nakaupo sa isang sofa doon. "Iwan mo kami Jordan."

"Pero-"

"Huwag mo nang ipaulit pa sa kin ang sinabi ko." Tumayo ang ginang at lumapit sa kanila. Istrikta ang mukha ng ginang at diretsong tumingin sa kanya.

Atubili man ay napilitang lumabas ng kuwarto ang binata. Nakabibinging katahimikan ang bumalot sa kanila nang mapag-isa sila ng ginang. Masusi siyang tinititigan ng ginang na wari ba'y isa siyang mikrobyo sa isang microscope.

"Sahara, right?" sabi nito.

Tumango siya. She cleared her throat. "Magandang hapon po." Aniya at kinakabahang inabot ang kamay nito at nagmano.

Tumaas ang kilay ng ginang sa ginawa niya. Naisip tuloy niyang hindi ito natuwa sa ginawa niya. Hindi ito kumibo at ipinagpatuloy lang sa pagmamasid sa kanya. Naiilang ma'y hindi naman niya alam kung ano ang gagawin.

Umikot-ikot pa ito sa kanya. Mahinang ipinapalo sa kabilang kamay ang hawak na pamaypay. Muntik na siyang mapaatras nang sa pagbalik nito sa harap niya'y ilapit nito ang mukha sa kanya.

"Ahmmm... G-gusto n'yo raw po akong makausap?" tanong niya.

Itinaas nito ang isang kamay. "Huwag ka munang magsalita at hindi pa ako tapos." Napapitlag siya nang bumalik ito sa likuran niya at bigla nitong sapuhin ang puwitan niya at tumango-tango.

"A-ano po ang ginagawa ninyo?" napalayo niyang tanong.

"Shh—you have a nice behind. Perfect to have a child." Itinuro nito ang dibdib niya. "Medyo bothered lang ako diyan."

Nai-krus niya ang mga braso sa dibdib on instinct, mahirap na. "Ano po'ng ibig ninyong sabihin?"

Bumuntung-hininga ito. "Medyo maliit. Wala namang problema sa akin dahil magkakagatas din naman iyan. Kaya lang ang alam ko, Rui like them big."

"Po?" nanlalaki ang mga matang tanong niya.

"Hence, I like you. Bagay ka sa apo ko. Call me Lola Gerry." Nakangiti na nitong hinila ang dalaga sa sofang inuupuan nito kanina. "Call it instinct. Nang makita kita kanina'y alam kong you have a tough personality. Someone like you is perfect for that grandson of mine. Masyadong mapaglaro ang isang iyon." Umiiling na nagsalin ito ng tsaa saka inabot sa kanya.

Diyata't napagkamalan siya ng matanda?

"Ahmm...L-Lola Gerry, nagkakamali po yata kayo. Wala naman po kaming relasyon ng apo ninyo." Nagulat siya nang ibagsak nito ang tasang hawak sa mesa.

"What?" nagpaypay ito sa sarili. "Bernard!" sigaw nito. Biglang bumukas ang pinto ng library at pumasok ang isang may edad na lalaki na sa tantiya niya'y siyang mayordomo ng bahay na iyon.

"Madam."

"Take this lady in the pink room and get Rui. I want to talk to him."

Pink room? Takang bulong ni Sahara sa sarili.

"Understood." Yumukod ito sa ginang pagkatapos ay humarap sa kanya. "Miss Sahara, sumunod po kayo sa akin."

Magtatanong sana siya sa ginang subalit nakita niya itong galit na tumayo at nagpabalik-balik sa paglakad kaya napilitan na lang siyang sumunod sa mayordomo.

Continue Reading

You'll Also Like

1.9M 57.5K 13
OLD SUMMER TRILOGY #2 Being the niece of the volleyball team's coach, Alia is hired to design the uniforms of the players. Seven, who has had a crush...
130K 2.8K 19
Dice and Madisson
1.9M 129K 46
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...