Love at its Best (Love Series...

Da FGirlWriter

6.8M 123K 9.8K

What is love? Written ©️ 2014 Altro

Prologue: What is Love?
Chapter 1: Love at First Sight
Chapter 2: Chasing Love
Chapter 3: Love to Fight For
Chapter 4: Loveless Marriage
Chapter 5: Letting Love Go
Chapter 6: Love to Pretend
Chapter 7: Love that is Patient
Chapter 8: When Love is Kind
Chapter 9: It does Not Envy
Chapter 10: Does Not Parade Itself
Chapter 11: Is not Puffed Up
Chapter 12: Does not Behaved Rudely
Chapter 13: Always Beautiful
Chapter 14: The Ex-boyfriend, First kiss, and Bestfriend
Chapter 15: Is Not Self-seeking
Chapter 16: Not Easily Angered
Chapter 17: Keeps No Record of Wrongs
Chapter 18: Does Not Delight in Evil
Chapter 19: Rejoices with the Truth
Chapter 20: Surrendering to Love
Chapter 21: Love Always Protects
Chapter 22: Love Always Trusts
Chapter 24: Love Endures All Things
Finale Chapter - Chapter 25: This is Love
Epilogue: Love at its Best

Chapter 23: Love Always Hopes

183K 3.6K 236
Da FGirlWriter

Chapter 23: Love Always Hopes

"...love "hopes all things." This is simply a step beyond believing... Of course, "always hoping" doesn't mean that we sit back and just watch God do His thing. Rather it means that we get actively involved in the process as He molds the future according to His perfect plan. Love hopes and expects the best..." –Keith Krell

***

"MUKHANG mahihirapan din tayo na mahanap si Alfred at ang baby kung palipat-lipat din sila ng tinitirhan. Ganoon ang nangyari noon kaya nahirapan kaming hanapin si Rachelle," imporma ni Matthew kay Eunice habang kausap ito sa cellphone.

            Napabuntong-hininga si Eunice at napatingin kay Terrence na patuloy pa rin sa malalim na pagtulog nito. "Ituloy pa rin natin ang paghahanap, Matt. Hindi naman siguro nagtatago si Alfred... Maybe, he just needed time alone dahil sa nangyari kay Rachelle."

            "Iyon din ang tingin ko. Sige, Eunice. Tatawagan kita ulit kapag may nahanap ulit akong lead," paalam sa kanya ni Matthew.

            Pagkatapos ng tawag ay itinago na ni Eunice ang cellphone sa bag at saka naglagay ng rubbing alcohol sa kamay.

            "Terrence, kaunti na lang siguro mahahanap din natin si baby Renz," kausap niya rito. Marahan niya pang hinagod-hagod ang benda sa ulo ng asawa na halatang may mga buhok na muling tumutubo. Kinalbo kasi ito pagkatapos ng aksidente upang tahiin ang malaking hiwa na natamo nito sa ulunan.

            "Ang sabi sa'kin nina Chelsea at Cara, kamukhang-kamukha mo raw ang baby." Pinasadahan niya rin ng masuyong haplos ang mga nakapikit nitong mga mata. She misses his brown eyes and the way it looks at her.

            Kasunod niyang hinaplos ang mukha nitong mas pumayat. "Nanghingi nga ako ng picture para kung sakaling m-magising ka at hindi pa namin nahahanap ang baby, at least, makikita mo na siya kahit sa picture lang muna."

            Tinitigan ni Eunice nang matagal si Terrence. Kahit may mga nakakabit sa ilong at bibig nito, kahit maraming nakaturok sa kamay at braso nito, at kahit sobra na itong nangangayayat –para kay Eunice, Terrence is still the most handsome guy she instantly fell in love with once upon a time in a coffee shop.

            "It's time for a sponge bath, Terrence," she whispered. Lumabas sandali si Eunice at nagpa-assist sa isang nurse.

            Mabilis ang naging paggaling ni Eunice mula sa aksidente. Naghilom nang mabilis ang lahat ng pasa at sugat na natamo niya. Maging ang pagkapilay ng paa niya ay umayos pagkatapos ng apat na araw na pananatili niya sa isang ospital sa Cebu. At nang malaman niya ang totoong kalagayan ni Terrence, nangako siya sa sariling siya ang mag-aalaga sa asawa. Although, Terrence's parents and his other relatives help her, sinisigurado niya na lagi pa rin siyang nasa tabi ni Terrence. Kaya nga hindi na siya nagdalawang-isip pa na iwanan niya na ang nagsisimula pa lang na career sa Paris.

            Pumasok ang isang nurse na may dala-dalang malinis at maligamgam na tubig at tuwalyita. Pinatay na rin nito ang aircon nang umpisahan niyang tanggalin ang hospital gown na suot ni Terrence. Inalalayan siya nito sa pag-angat ng katawan ng asawa.

            Inumpisahan niya nang punasan ang buong katawan ng asawa. Habang pinupunasan niya ang dibdib nito pataas ay patuloy ang pagkukuwento niya rito.

            "Alam mo, Terrence. Bukas ng umaga, sisimulan ko nang tulungan sina Karl at Josh. I think ang magbabantay muna sa'yo ay sina Gwen at Alyn. Lumuwas kasi sila rito para mabisita ka ulit," aniya pa habang pinupunasa na rin ang braso nito pababa sa kamay nitong walang suwero. "Baka bisitahin ka rin ng staff mo sa opisina by tomorrow afternoon. Nami-miss na kasi nila ang paborito nilang engineer at boss. Nabalitaan ko pa nga na si Nunaly, yung secretary mo? Sila na raw ni Arman."

            Tinulungan siya ng nurse na maingat na matalikod si Terrence para naman mapunasan niya rin ang likod ng asawa. Mabilis ngunit maingat ang mga kilos ni Eunice dahil baka lamigin si Terrence. Sanay na siya sa ginagawa kaya naman kahit patuloy siya sa pagsasalita ay sigurado niya ang hawak na oras.

            "And Daddy Johnny's kind of worried. Maraming kliyente sa Sagittarius ang hinahanap kang talaga. Bakante rin ang posisyon mo kaya medyo hirap sina Daddy. But Sagittarius is doing good," she continued as she was about to finish wiping his feet.

            Sinuotan niya na muli ang asawa ng bago at malinis na hospital gown.

            "Mauna na po ako, Ma'am," paalam ng nurse na si Cath na laging tumutulong sa kanya.

            "Thank you, Cath," nakangiting pasasalamat niya nang matapos na ang ginagawa nila.

            Lumabas na ang nurse bitbit ang mga dala nito kanina.

            Humarap muli siya sa asawa. "Wake up na, Terrence. Please, wake up. Maraming naghihintay sa'yo..." bulong niya sa asawa. Nangilid ang mga luha sa mga mata niya.

            Ilang araw pa ba siyang maghihintay? Ilan pang linggo? Buwan? Taon?

            "Mrs. Aranzamendez?" ani pagkatok ng doktor ni Terrence na si Dr. Rescober.

            Agad na pinahid ni Eunice ang mga luha bago hinarap ang doktor. "G-Good evening, Doc," nakangiting bati niya rito.

            "Good evening, Misis. I'll just check Mr. Aranzamendez, again."

            Tumango siya at binigyan ng espasyo ang doktor. Nagsimula na itong tingnan si Terrence.

            "Is there any instance that your husband slightly moved any part of his body?" the doctor asked.

            Umiling siya. "W-Wala po."

            Tumangu-tango ito pagkatapos ay tahimik na pinagpatuloy ang pagtingin kay Terrence. Pagkatapos nang ilang minuto ay natapos din ito.

            "Mrs. Aranzamendez, may I talk to you in my office?" seryosong sabi nito.

            Biglang kinabahan si Eunice ngunit hindi niya iyon ipinahalata sa doktor. Tumango na lang siya at saka sumunod dito. Nag-appoint ito ng isang nurse na sandali munang titingin kay Terrence.

            "Misis, I'll get straight to the point," panimula agad nito pagkarating nila sa opisina nito.

            "W-What is it, Doc?" She bit her lower lip to prevent her tears from falling. Hindi niya gusto ang tono nito.

            Napabuntong-hininga ito. "Walang kahit anong improvements sa asawa mo, Misis. Magmula nang mailigtas kayo sa aksidente hanggang ngayon, ganoon pa rin kahina ang pagtibok ng puso niya."

            Napayuko siya. "W-What are you trying to say, Doc?" mahinang wika niya.

            "Kung magpapatuloy na ganoon ay ibig sabihin, the only thing that's keeping your husband alive are the machines."

            "But you said that his brain was functioning well naman and... a-and—"

            "Misis, what's the use of the brain if his heart can't beat enough to supply proper blood circulation in his body?" the doctor patiently added. "Habang-buhay na lang bang susuportahan ng mga machines ang pagtibok ng puso niya?"

            Hindi niya na napigilan ang paghikbi. Ito ang ayaw niyang marinig. Ito ang katotohanang pinipilit niyang alisin sa isip. "B-but... gigising pa siya... Gigising pa siya, eh..."

            "It's your choice, Misis, if we'll continue to support his life by the machines or... we let him rest in peace."

            Tuluyan na siyang napaiyak at mabilis na tumakbo palabas ng opisina ng doktor. Takip-takip ang bibig at nanginginig ang mga balikat na bumalik siya sa kuwarto ni Terrence.

            "T-Terrence..." Hinawakan niya ito sa braso. "Terrence, gumising ka naman na. Please... please, baby, wake up..." She lightly shook his arm. "P-please... Ayaw na nilang maniwala na magigising ka pa, eh. Please, Terrence..." Nanghihinang napaupo siya sa upuang nasa tabi ng kama nito.

            "Terrence! Terrence! Gumising ka na, please..." Napahagulgol na siya. "T-Terrence, 'di ba mahal mo 'ko? Then c-come back to me, baby. Please! Please, Terrence!"

            "Kung naririnig mo 'ko, Terrence, please give me a sign!" pakiusap niya habang patuloy ang pagbagsak ng mga luha.

            "Please, baby, give me a sign that you'll wake up! Wake up! Wake up, Terrence!" malakas na niyang sabi habang niyuyugyog na nang malakas ang braso nito.

            Ngunit mabilis niya ring binitiwan iyon at tinakip ang mga kamay sa mukha. Hindi niya na alam kung patuloy pa ba siyang maniniwala na magigising ito. Hindi niya na alam kung kaya niya pang matakbuhan ang reyalidad.

            Terrence will not wake up anymore.

            Kahit ilang araw, linggo, buwan, o taon pa ang hintayin niya.

            Tumayo siya at niyakap ito. She let her head rest on his chest. "T-Terrence... I love you... but I think fate don't want us to be together." she silently whimperred.

            "Terrence, I don't want to let you go... But I can't keep you forever. I'm losing hope, baby... Please..." she begged as if he could hear her. "... wake up."

            She cried and cried and cried. But Terrence, still, didn't wake up.

❤❤❤

WALA SA sariling pumasok si Eunice sa maliit na chapel ng ospital. Pangatlong araw na magmula nang kausapin siya ng doktor ni Terrence. At kanina lang habang kausap niya ang mga biyenan ay mas humina pa lalo ang heartbeat ni Terrence.

            Sa ngayon ay tinitingnan ulit si Terrence ng mga doktor. Iyon kasi ang unang pagbabago sa kalagayan nito at pagkatapos ay ganoon pa?

            But the doctors where silently telling them that... hindi na magtatagal pa si Terrence kung pahina pa lalo ang tibok ng puso nito.

            Tulalang umupo siya sa pinakadulo ng maliit na chapel. Medyo maraming tao sa loob ngunit unti-unting nagsialisan ang mga iyon pagkalipas ng mga minuto. Hindi alam ni Eunice kung anong gagawin. Parang... hindi niya na alam kung paano pa magdadasal.

            "Papa God, please keep our mommy safe," malakas na dasal ng isang batang babae.

            "And, sana po... maging baby boy ang kapatid namin," dugtong pa ng katabi nitong batang lalaki.

            "Ha?" biglang tingin ng batang babae sa batang lalaki. "Ayoko ng baby boy! Dapat baby girl!"

            "Ang daya mo! Dapat baby boy so I can share my robots and trucks sa bago nating brother."

            "No way!" umiiling na sabi ng batang babae. "Baby sister dapat so that we can play barbies when she grows up."

            "Baby brother! Sige ka, kapag 'di ka pumayag sasabihin ko kay Bernard na crush mo siya!"

            "Hindi kaya! Kapag 'di ka pumayag na baby sister, I'll tell Jewel na may crush ka sa kanya."

            "Pharaoh. Duchess," saway ng isang lalaki na kasama ng mga ito. Must be their father. "Ayaw ni Papa God ng nag-aaway."

            "Sorry, Daddy," sabay pa na sabi ng dalawang bata.

            Umalis ang batang babae sa tabi ng ama at lumipat sa pinakalikod na upuan sa chapel. Sinundan naman ito ng kapatid nitong lalaki. Hindi na iyon napansin ng ama ng mga ito dahil matamang nagdadasal ang lalaki.

            Tumingin sa kanya ang magkapatid nang mapansin siguro ng mga ito na tinitingnan niya rin ang dalawa.

            Pinilit niyang ngitian ang mga ito. "Hi," bati niya sa kanila.

            Nginitian siya ng batang babae. "Hello po!" mahinang sabi nito at saka tumabi sa kanya. Sumunod ang kapatid nitong lalaki rito.

            "Baka mapagalitan kayo ng Daddy niyo."

            Umiling ang lalaki. "Hindi po. Tapos naman na po kaming mag-pray."

            "Anong pangalan niyo?"

            "My name is Duchess Zaila G. Aguilar," buong sagot ni Duchess. Kinalabit nito ang kapatid.

            "And my name is Pharaoh Julius G. Aguilar."

            "Wow! Nice meeting you, two. I'm Eunice," pagpapakilala naman niya.

            "Hi, Miss Eunice!"

            "Pinagpe-pray niyo Mommy niyo?"

            Sabay na tumango ang dalawa. "Opo!"

            "Mommy's giving birth na daw po kasi, eh," Duchess added.

            "Nag-a-ask po kami kay Papa God to protect our new baby and our mommy. Para po maging safe sila," paliwanag pa ni Pharaoh.

            "Oh, I see," tumatangu-tangong wika niya.

            "Kayo po, Miss Eunice?" tanong ni Duchess. "Sino po pinagpe-pray niyo?"

            Umiling siya. "Hindi pa 'ko nagpe-pray, eh," she softly said. "But... gusto ko sanang ipagdasal ang asawa ko."

            "Is he sick?" Pharaoh innocently asked.

            "Kind of. Natutulog kasi siya. A-And... sabi ng mga doktor, baka... hindi na raw siya magising." Eunice can't believe that she's telling her problems to little kids.

            "Bakit daw po?"

            "Ahm..." Napalunok siya. "'Yung heart kasi niya, baka malapit ng... hindi t-tumibok." Nagbabadya na naman ang mga luha niya. Mukhang pati sa harap ng mga bata ay maiiyak siya.

            "Hindi na po siya mase-save ng doctors?"

            Umiling siya.

            "Pero... may heartbeat pa po siya, 'di ba?"

            "Oo... pero mahina na."

            "Pero may heartbeat pa rin. Eh 'di, mabubuhay pa siya!" sabi pa ni Pharaoh.

            "Oo nga po. Sabi ni Daddy, lagi raw pong may hope."

            Tipid siyang napangiti. She wished she can be as positive as these two innocent children in front of her.

            Pero ano pa bang pag-asa ang makikita niya kung ang katotohanan naman ay malinaw nang sinasabi na sumuko na siya?

            "Pharaoh, Pharaoh," tawag ni Duchess sa kapatid nito.

            "Why?"

            "What did Daddy said to us? Yung tungkol sa... sa love?"

            Parang nag-isip si Pharaoh. Maya-maya ay nagliwanag ang mukha nito. Lumapit ito sa kapatid at bumulong. Tumangu-tango naman si Duchess.

            "Miss Eunice..." nakangiting wika ni Duchess habang hinahawakan ang kamay niya.

            "Yes?"

            "Love niyo po ang husband niyo?" inosenteng tanong nito.

            "So much," tumatangong sagot naman niya. "I love him so much..."

            "Sabi po ni Daddy, ang love daw po laging full of hope!" ani Duchess.

            "At saka po," Hinawakan din ni Pharaoh ang isa niya pang kamay. "Lagi raw pong positive ang love. Hindi daw po dapat tayo nag-iisip ng pangit na magha-happen."

            Napakunot ang noo ni Eunice. How come these little kids can tell those kind of words?

            "Love... always... hopes..." dahan-dahan pang sabi ni Pharaoh.

            "Magigising pa po ang asawa niyo, Miss Eunice! Kasi po ise-save siya ni Papa God."

            She bit her lower lip. Humapdi ang mga lalamunan sa pagpigil sa pag-iyak. Those innocent words sound so true.

            "Excuse me."

            Napalingon siya at nakita ang isang guwapong lalaki na nakangiti sa kanya.

            "Daddy!" magkasabay na sabi ng magkapatid at saka lumapit sa ama ng mga ito.

            "I'm sorry, kung nagulo ka ng mga bata," he apologetically said. "Eunice, right?"

            Tumango siya. "How d-did you know my name?"

            Napakamot ito sa ulo. "Ah, eh... naririnig ko kasi kayong nag-uusap ng mga bata. Pasensya ka na."

            Umiling siya. "I-It's okay. I had fun talking to them naman."

            "Ahm... I heard about what you're going through," pasimpleng sabi nito.

            Napatango siya. "And your kids were good in advising."

            "Eunice... totoo ang mga sinabi ng mga bata," anito. "Love always hopes for the best. Keep on hoping for the best for your husband."

            "M-Malinaw naman na wala na talagang pag-asa. Sinabi na iyon ng mga d-doktor..."

            "But believe in Him. Keep the faith in your heart, Eunice. The world can't save your husband, but God will. This is the time in your life that you got to put all your trust in Him and keep hoping for the best," marahang sabi nito.

            Nangilid na ang luha sa mga mata niya. "But what if—"

            "Take a leap of faith, Eunice. Pray," nakangiting paalala nito sa kanya. "We have different hardships in life, but love keeps our hopes high."

            Napalunok siya. "I need a m-miracle..."

            "Papa God will give you po," singit ni Duchess.

            "Kasi love ka Niya po," sabi naman ni Pharaoh.

            "You don't have to ignore the reality," wika pa ng lalaki. "But love believes on the promises of God, na lahat ng nangyayari sa buhay ay para sa ikabubuti natin. He promised that for those who love Him."

            Hindi makapagsalita si Eunice. Ngunit magmula nang maaksidente sila ni Terrence, ngayon lang niya nagawang ngumiti nang totoo
mga pisngi.

            Her heart saw a light at the end of the tunnel.

            "Always hope for the best, Eunice. Keep the faith."

            Tumango siya. Now she knows what to pray. "T-Thank you, err—"

            "Prince," pagpapakilala nito.

            She chuckled while wiping her tears away. "Wow. Looks like you have royal bloods," she joked. "Is their mommy a princess?"

            He laughed. "I call my wife a princess. Pero reyna talaga siya sa puso ko."

            "So, cheesy," kantiyaw ni Pharaoh.

            "Yuck. So corny," Duchess teased.

            Tumawa lang si Prince. "Kayong dalawa isusumbong ko kayo sa mga crush niyo. Ano nga pangalan nila? Jewelry at saka Bernard?" biro nito sa mga anak.

            "Nooooo!" At nagsimula nang kulitin ng dalawa si Prince.

            "Thank you, Prince. I hope your wife delivers well," buong pusong pasasalamat niya. Their words came when she almost lose hope.

            "Salamat din, Eunice. I do hope that your husband would wake up soon enough."

            Kumaway at nginitian siya nina Duchess at Pharaoh pagkaalis ng mga ito.

            They looked like a very happy family. Prince and his children had that love... that faith.

            Huminga siya nang malalim at muling naalala ang asawa. Kung siya ba ang nasa kalagayan nito ngayon, mabilis ba siyang susukuan ni Terrence?

            She closed her eyes and bowed her head.

            Lord God, I trust in You.

❤❤❤

"S-SIGURADO ka ba, hija?"

            Buo ang loob na tumango si Eunice sa mga biyenan. "We'll continue waiting and... praying, Mama, Papa. Maghihintay tayo hanggang sa magising si Terrence. Hanggang sa tumitibok ang puso niya, ibig sabihin lumalaban siya. L-Lumaban din tayo. Maniwala rin po tayo."

            Niyakap siya ng mga ito. "We'll continue praying, hija." naiiyak na sabi ni Mama Theresa.

            "You're right. We can't loose hope," Papa Enzo agreed.

            Bumitiw siya sa mga yakap ng mga ito at saka lumapit sa higaan ni Terrence. She kissed his forehead and closed her eyes. Pagkuwa'y tinapat niya ang tainga sa tapat ng pumipintig nitong puso.

            Napakahina nga niyon ngunit patuloy ang pagtibok.

            "I'll keep on hoping as long as your heart's still beating, Terrence," pangako niya sa asawa.

            She will patiently wait and hope for that miracle from the only one who can make Terrence stir to life, again.

❤❤❤

"I'LL BE back later afternoon, Terrence," paalam ni Eunice kay Terrence. Nasa hospital lobby na ang mga pinsan nitong nagprisintang magbantay rito habang magpapahinga siya.

            Uuwi lang siya sandali upang makapamalit ng damit at tapusin ang ipinangako niya kina Karl at Josh. Malapit na ang fashion show ng mga ito para sa school.

            Hinalikan niya sa pisngi ang asawa. "I love you so much," she sweetly murmured to him. "I'm still waiting for you to wake up, you know that. Come on, baby, if you can hear me, give me some sign..." huling hirit niya pa.

            Nakatitig si Eunice ng limang minuto rito ngunit wala pa ring nangyari. Walang kahit anong maliit na pagkilos mula rito. Napabuntong-hininga siya at sandaling napapikit.

            Please, God... magising na po sana ang asawa ko...

            Pagkatapos niyon ay lumabas na si Eunice. Nakasalubong niya pa ang mga pinsan ni Terrence na sina Demie, Charlette,  at pati ang kinakapatid nitong si Claire. Lumuwas talaga ang mga ito galing ng Monte Amor para matulungan siya sa pagbabantay kay Terrence.

            Habang sa naiwan niyang kuwarto ay nanatili lang ang nakahigang si Terrence na hindi gumagalaw.

            Hanggang sa isang segundo, umangat nang mabilis ang mga daliri ni Terrence sa kamay...

***

Let's get connected!

Official FB Pages: FGirlWriter and C.D. De Guzman

~~~

Join our family!

FB Group: CDisciples

Twitter: CDisciplesHome

Continua a leggere

Ti piacerà anche

504K 13.7K 45
Highest Achievement: Rank #156 in Romance Category (CROWN - Book 1) Napasok sa isang magulong high school life ang tahimik na si Yuya Ichinose. Paano...
502K 17.6K 28
Hanggang saan mo kayang ipaglaban ang pag-ibig na kinakalimutan na ng mundo? Written ©️ 2020
4.9M 76.9K 28
With the consistent ups and downs of life and marriage, how can love continue to prevail? Paano magiging matatag sina Eunice at Terrence para sa isa'...
1.6M 96.8K 35
FLAMES: F- Forever, L-Love, A-Angry, M-Married, E-Enemy, S... Sinister ... Isang taon na nahinto ang sikat na estudyante sa Sto. Cristo, naaksidente...