Chapter 8: When Love is Kind

240K 5.3K 348
                                    

Chapter 8: When Love is Kind

"Kindness is patience in action. A kind person is disposed to be helpful. He seeks out needs and looks for opportunities to meet those needs without repayment. He is tender and forgiving when wronged." 

- Steven Cole, Bible.org

***

TERRENCE chuckled and started unbuttoning his long-sleeved polo in front of her!

            Napalunok si Eunice. Oh no! What now?

            Pasimple sana siyang tatalikod pero nauna na nitong ginawa iyon. Naglakad ito patungong banyo. Pagkasara nito ng pinto ay doon lang nakahinga nang maluwag si Eunice. She thought that Terrence would strip infront of her! Sa totoo lang nabato siya sa ginawa nito. It's not that she's acting like a virgin, pero hindi niya lang alam kung ano ang iisipin kung naghubad nga ito sa harap niya. Memories of last year before she left, still lingers on her mind. That one night that she felt so loved by Terrence.

            Lasing kasi.

            Napailing-iling na lang si Eunice. Kinuha na lang niya ang maleta at kumuha ng pantulog, tuwalya, at toiletries. Bukas na lang niya aayusin ang mga gamit. Umupo siya sa kama at nilibot ang tingin sa buong kuwarto. She's still slowly absorbing the fact that she and Terrence would share a bed for a whole month! No, she's not expecting that something would happen, again, but if-

            "Eunice?"

            Mabilis na napalingon si Eunice kay Terrence na kalalabas lang ng banyo. Nakapantulog na ito at halatang antok na antok na ito.

           "You can use the bathroom now," anito at saka humihikab na sumampa sa kama.

            Tumango naman siya at agad na pumasok ng banyo. When she's done, maingat siyang lumabas ng banyo. Lumapit siya ng kama at nakitang mahimbing na natutulog si Terrence. Humugot siya ng malalim na hininga at saka tumabi rito.

            Paglapat ng likod niya sa malambot na kama ay saka lang niya naramdaman ang pagod sa buong araw. Patagilid siyang humiga paharap kay Terrence. Nakadapa ito habang natutulog ngunit ang ulo ay nakabaling sa side niya. Nakatitig lang siya sa guwapong mukha nito. Sa likod ng isip niya ay naglalaro pa ang nalamang bagong definition sa love. Pinag-iisipan kung totoo din kaya iyon?

❤❤❤

NAALIMPUNGATAN si Eunice dahil sa matipunong braso na pumulupot sa baywang niya mula sa likod. Nagising na siya nang tuluyang mas hinapit siya nito at lumapat ang likod niya sa solido nitong dibdib. Napalingon si Eunice at ganoon na lang ang pagsinghap niya nang halos maglapat na ang mga labi nila ng asawa. Bahagya siyang lumayo at nakitang natutulog pa si Terrence.

            Napangiti na lang siya maya-maya. "I wish I can wake up every morning like this," she whispered.

            "Why wish? Make it come true."

            Impit na napatili si Eunice nang magsalita ito. "What the-? Terrence!" Gising na pala ito!

            His lips curved into a playful grin before he opened his eyes. "Why?" he huskily asked and hugged her tighter. Mas nagkadikit sila nito ngayong nakaharap na siya rito.

            Namumungay pa ang mga mata nito. At bakit ganoon ang mga ngiti nito? Why... why so sexy? Ganito ba si Terrence magmahal? Parang nang-aakit lagi?

Love at its Best (Love Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon