Chapter 5: Letting Love Go

236K 4.6K 550
                                    

Chapter 5: Letting Love Go

DALAWANG araw nang hinahanap ni Terrence si Rachelle sa buong Maynila pero hindi niya kahit minsan nahagilap ang dalaga. Matagal na itong nag-resign sa Sagittarius magmula nang kumalat sa buong kompanya ang pagpapakasal niya kay Eunice. He never had the chance to talk to Rachelle after he was 'caught' on the bed with Eunice.

            Huling pinuntahan niya ay ang kilala niyang kamag-anak ni Rachelle na tinutuluyan nito minsan na malapit lang sa opisina. Ang tiyahin nito ang naabutan niya at sinabi sa kanya na umuwi na raw si Rachelle ng probinsiya isang buwan na ang nakararaan. Kahit minsan hindi nabanggit sa kanya ni Rachelle na taga-probinsiya pala ito. Basta ang alam niya lang ay ulilang lubos na ito. Nang itanong naman niya kung saan ang probinsiya ay ayaw siyang sagutin ng tiyahin. Lubayan na lang daw niya ang dalaga dahil malapit nang magpakasal iyon.

            "Damn it!" naiinis na singhal niya sabay bato ng lata ng beer sa damuhan.

            "Still no sign of Rachelle?" tanong ng kaibigan niyang si Dale na kasama niyang umiinom nang gabing iyon sa isang mataas na burol na hindi masyadong pinupuntahan ng mga tao.

            "She left a voice message saying that she's pregnant with my child. Iyon ang dahilan kaya magpapakasal siya sa kababata niya! Because I cannot take responsibility of her anymore! Kasalanan 'to lahat ni Eunice! Damn that bitch!" he furiously yelled.

            Mahal niya si Rachelle. Halos isang buong taon niya itong niligawan at nang sagutin siya nito ay gumawa agad siya ng mga plano para magkaroon sila ng maraming oras para magkasama. Every time that she's with Rachelle, it was just perfect. Nagpa-plano na nga siyang alukin na ito ng kasal agad dahil kahit pa kasisimula pa lang ng relasyon nila, sigurado naman na siya sa dalaga. Parehas naman silang nasa tamang edad ng pag-aasawa. They're both twenty-eight years old and ready to settle down. Pero bago niya pa maplano ang proposal na gagawin niya ay nagsimula nang manggulo si Eunice!

            Sanay siyang kontrolado lagi ang mga sitwasyon at nangyayari ang mga gusto niyang mangyari. But when Eunice came into picture, everything messed up!

            Oo, aaminin niyang nang una niyang nakilala si Eunice ay nabighani siya sa kagandahan nito. Pero agad naman niyang pinaalala sa sarili na si Rachelle ang mahal niya at hindi si Eunice ang tipo niya kahit gaano pa man ito kaganda. Kaya nga pilit siyang umiwas at lumayo rito dahil nawawala sa plano ang mga bagay na gusto niyang mangyari. Buti na lang at sinagot na rin siya ni Rachelle ng mga panahong iyon, he was back on track.

            Ngunit hindi niya akalaing sagad sa buto ang pagiging bratinella ni Eunice. She was a perfect bitch nang simulan nitong guluhin ang pagsasama nila ni Rachelle and now he's married to her!

            "Ganyan talaga, pare. Pinatulan mo, eh," Dale said. "Nang bumigay ka sa gusto ni Eunice na may mangyari sa inyo, doon pa lang nasira na talaga ang lahat."

            "Ginawa ko lang iyon para tigilan niya na kami! Malay ko ba na isa pala iyong set-up?" pagrarason niya pa. "At wala talagang nangyari sa'min. Wala akong plano. Gusto ko lang din siyang sindakin by doing it harshly. Galit ako noon dahil talagang napuno na 'ko sa kanya."

            Dale threw him a bored look. "Oh, please, Terrence. Huwag mong isisi ang lahat kay Eunice. Bumigay ka pa rin kahit ano pang rason mo. Aminin mo sa sarili mo, gusto mo rin si Eunice pero pinipigilan mo ang sarili mo dahil mas desidido ka na kay Rachelle dahil siya ang ideal girl mo."

            "Mahal ko si Rachelle."

            Umiling-iling ito. "Ang lakas ng loob mong sabihin sa asawa mo na hindi mo siya kayang mahalin dahil hindi niya alam ang salitang 'love', pero ikaw rin mismo, hindi mo alam iyon."

Love at its Best (Love Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon