Chapter 2: Chasing Love

337K 5.1K 419
                                    

Chapter 2: Chasing Love

"GOOD morning, Uncle Johnny!" masiglang bati ni Eunice sa tiyuhin nang maabutan niya itong nag-aalmusal kinabukasan.

            "Good morning, sunshine. Ang aga mong nagising ngayon," anito habang nagbabasa ng diyaryo. Sanay itong umaalis at pumapasok sa trabaho na hindi pa siya gising. Ang karaniwang gising niya ay tanghali na.

            Bumeso siya rito. "Well, Uncle, I want to join you for breakfast," she sweetly said bago umupo sa upuang katapat nito.

            Ibinaba ng tiyuhin ang binabasang diyaryo at tinanggal ang reading glasses na suot. "I already gave you money to buy your Prada shoes, right? What is it this time?"

            Eunice chuckled. Naglagay siya ng cereals sa kanyang bowl. "Kilalang-kilala mo talaga ako, Uncle, ha?"

            "Of course. Ako ang nagpalaki sa'yo. Para na kitang anak. Siyempre, alam ko na may kapalit 'yang mga paglalambing mo," natatawang sabi nito.

            "Uncle naman, eh. Hindi ba puwedeng gusto lang talaga kitang makasabay sa pagkain?"

            "Maybe yes, maybe no. But more on... no. So, what is it this time, Eunice?" anito habang nagbabasa na ulit ng diyaryo.

            She smiled playfully. "Is Terrence single, Uncle?" diretsong tanong niya.

            Napatingin agad ito sa kanya. "What?"

            "Is he single? Because you know, Uncle, I think..." Pinatong niya ang siko sa lamesa at nangalumbaba. "I think... he caught my heart when I met him yesterday. I think I'm in love."

            Ganoon na lang ang paghalakhak ni Uncle Johnny.

            Napasimangot si Eunice. "Uncle! There's nothing funny sa sinabi ko!" Parang gusto niya rin tuloy na mahiya dahil sa pagtawa nito.

            Huminto naman sa pagtawa ang uncle niya. "Oh, Eunice. You never fail to surprise me. First, ang paghinto mo muna sa pag-aaral and now you're in love with a guy you just met yesterday?"

            She pouted her lips. "Pero, it is possible naman diba? I mean, Terrence is so gorgeous, Uncle! The way he smiles and looks at me..." She dreamily sighed.

            "Maybe you just like him. Physically attracted to him, perhaps. But love? It's too early to say, Eunice. Too much early," he stressed out.

            Pinaikot niya ang paningin. "Okay, fine. But still, gusto kong malaman kung single ba siya o hindi."

            "What if he's single?"

            "Aayain ko siyang mag-date!" sagot niya agad. At iyon talaga ang gagawin niya.

            Kumunot ang noo ng uncle niya. "Eunice, girls don't ask guys for a date."

            "Uncle, ang conservative mo pa rin talaga! It's a new generation. Pina-practice na ang equality ng lalaki at babae. Sino bang may sabi na nakakahiya kung ang babae ang unang gagawa ng move? It's just the society talking, the people dictating the norms."

            Umiling-iling ang uncle niya. "Okay, okay. Pa'no kung may girlfriend siya?"

            Napasimangot siya. She doesn't like the thought of Terrence with another girl. "I'll do anything just to get him," determinadong wika niya.

            Her uncle chuckled. Akala siguro nito ay nagbibiro siya.

            "So, is Terrence available, Uncle?"

Love at its Best (Love Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon