Chapter 22: Love Always Trusts

187K 3.5K 199
                                    

Chapter 22: Love Always Trusts

""Love always trusts." This does not mean gullibility; it does mean that love is not suspicious and doubting of the other person's character and motives without good reason, even if his actions offended you." –Steven Cole

"Love is always ready to allow for extenuating circumstances, to give the other person the benefit of the doubt, to believe the best about people." -Keith Krell

***

More than a month later...

SAMPUNG minuto muna ang pinalipas ni Eunice bago bumangon ng kanyang higaan. Hindi niya nakakalimutan ang sinabi noon ni Terrence na kapag bagong gising ay huminto muna sandali at magpasalamat sa Diyos sa isang panibagong araw.

            Nag-inat inat muna siya at pagkatapos ay dumiretso na sa banyo para makaligo at makapag-ayos. Pagkatapos ng isang oras ay nakaayos na siyang bumaba at dumulong sa hapagkainan.

            "Good morning, Ma'am Eunice!" bati sa kanya ni Mang Emman, ang all-around helper sa bahay.

            "Good morning, too, Mang Emman," nakangiting bati niya rito habang umuupo sa puwesto niya sa hapag.

            "Parang na-late po ata kayo ng gising ngayon?" ani pa nito habang nilalagay ang hinandang breakfast para sa kanya.

            She crossed her legs and reached for the table napkin. "Nakalimutan ko po kasing mag-set ng alarm kagabi. Buti nga po at sanay ang katawan kong magising nang maaga, kundi mamayang hapon pa 'ko magigising." Ipinatong niya ang table napkin sa ibabaw ng hita at nagsimula nang kumain. "Kain po tayo," aya niya sa matanda.

            "Katatapos ko lang, hija. Magpakabusog ka para marami kang energy para sa araw na ito."

            "Salamat po, Mang Emman," nakangiting pasasalamat niya sa matandang kasambahay. Pagkatapos ng naging aksidente isang buwan na ang nakararaan, isa ito sa mga taong hindi iniwan ang tabi niya lalo na sa pinagdaanan niya.

            Magana siyang kumain ng agahan. Ngayon, kumakain na rin siya ng kanin at hindi na nagwi-wheat bread lang. Nasa kalagitnaan siya nang pagkain nang tumunog ang doorbell.

            "Mang Emman!" tawag niya rito. "Nandyan na po yata sila Josh at Karl? Could you open the gate, please?"

            "Yes, Ma'am," Mang Emman immediately responded.

            "Good morning po, Ate Eunice!" sabay na bati ni Josh at Karl sa kanya.

            "Hi, girls! Good morning," bati niya pabalik sa mga ito. "Come. Join me for breakfast," aya niya sa kanila.

            "Maraming salamat, Ate Eunice," sabi ng mga ito at saka umupo sa magkabilang tabi niya ang dalawa.

            Kinumusta niya ang mga ito at saka sinimulan nilang pag-usapan ang pinunta ng dalawa. Noong isang araw kasi ay lumapit sila sa kanya upang magpatulong para sa darating na mini-fashion contest sa eskuwelahan nila. Alam ng dalawa na fashion designer siya kaya naman baka raw matulungan niya si Josh na magiging model ng klase nito para sa show.

            "Ako na pong bahala sa interview ko po sa inyo at ang pag-edit sa video presentation," Karl said to her.

            "Kapag nanalo po kami sa show or kahit maging runner-up lang, masaya na po ang buong klase," wika pa ni Josh. "Makaka-uno po kaming lahat sa isang subject namin."

Love at its Best (Love Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon