Chapter 4: Loveless Marriage

242K 4.4K 364
                                    

Chapter 4: The Loveless Marriage

INABOT ni Eunice ang wedding invitation niya sa kanyang kuya Eugene.

            Kinuha nito iyon, binuksan at binasa.

            "So, it's true," anito maya-maya. "Natuloy pala talaga ang kalokohan mo."

            Napatingin siya rito. "Sina Uncle Johnny ang nagpilit na magpakasal ako kay Terrence, Kuya," defensive na sabi niya.

            Napailing-iling ito. "Alam mo ba kung anong tawag sa ginawa mo, Eunice? 'Pikot'. Why do you have to do that? Ganoon ka kadesperada?"

            "I just fought for my love," giit niya.

            Sarkastikong ngumisi ang kapatid. "Eunice, what do you know about love?"

            She crossed her arms. "Eh, ikaw, Kuya? What do you know about love?" balik tanong niya rito. "'Yun ba yung sabi mo sa'kin noong bata ako? What is that, again?" patuyang sabi niya.

            Tinitigan niya ito nang diretso sa mga mata. "Love is when everybody leaves you, but there will always be that someone who will stay?" Umiwas ng tingin ang kapatid niya. "But did you stay, Kuya? You just left me when you know na ikaw na lang meron ako. Ikaw lang ang kapatid ko pero iniwan mo pa rin ako. If that's how you define love, you're doing it all wrong, Kuya. So, wala kang karapatan para kuwestyunin ako kung anong alam ko sa pagmamahal."

            "Eunice, you don't understand-"

            "If you don't like to go to your little sister's wedding, then don't!" matigas na sabi niya at saka mabilis itong tinalikuran.

            Kahit kailan ay hindi na sila muling magkakasundong magkapatid.

❤❤❤

PAGKALIPAS ng dalawang buwan ay mabilis na naidaos ang kanilang kasal. Maraming mga bisita ngunit wala ang kapatid at mga malalapit na kaibigan ni Eunice. Pero wala na siyang pakialam doon. Ang mahalaga ay kasal na siya sa taong mahal niya.

            Sa reception ay hindi siya magkandaugaga sa pag-eestima ng mga bisita. Si Terrence kasi ay hindi niya mahanap sa paligid. Naisipan niyang lumabas muna sa veranda ng napakalaking mansion ng kanyang uncle Johnny kung saan dinaos ang reception ng kanilang kasal. Gusto niya sanang makapagpahinga sandali.

            "Totoo pala talaga ang tingin ko sa mga rich, spoiled brats."

            Bigla siyang napalingon. Si Terrence ang nakita niya. May hawak itong isang bote ng beer.

            "Terrence! I've been looking for you. Hinahanap ka ng mga bisita."

            Patuyang ngumisi ito. "I don't need to entertain them. Tutal ikaw lang naman ang may gusto sa kasalang ito, 'di ba? Ikaw ang umasikaso."

            Napayuko siya at napakagat-labi upang pigilan ang pag-iyak.

            "Spoiled brats like you will really do everything just to get what you want." He pitilessly lifted her chin. "Akala ko sa mga materyal na bagay lang kayo ganoon. Pati rin pala sa tao, Eunice? O bagay lang din ang tingin niyo sa'min?"

            Hindi siya makapagsalita. Ginawa lang naman niya iyon dahil sa pagmamahal dito.

            Lumayo ito sa kanya. "Nagawa mong pikutin ako para nga naman mapasa'yo ako. Congratulations! We're now married, Mrs. Aranzamendez. A job well done." sarkastikong wika pa nito.

Love at its Best (Love Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon