My Handsome Katipunero

By JanelleRevaille

912K 38.2K 10.2K

[HIGHEST RANK: #1 in Historical Fiction - April 22, 2018 #3 in Historical Fiction - November 14, 2016] ✔COMP... More

My Handsome Katipunero
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
KABANATA 31
KABANATA 32
KABANATA 33
KABANATA 35
KABANATA 36
KABANATA 37
KABANATA 38
KABANATA 39
KABANATA 40
KABANATA 41
KABANATA 42
KABANATA 43
KABANATA 44
ANTONIO HIDALGO
ANTONIO HIDALGO
WAKAS
Author's Note
Questions and Answers
Highest Rank Achieved
Special Chapter: Moon, Stars and Fireflies
Special Chapter: The Moth and the Flame
HAPPY INDEPENDENCE DAY!

KABANATA 34

12.7K 562 221
By JanelleRevaille

[PLEASE READ]

Kaunting paalala lang po. Sana naman po ay respetuhin niyo ang mga likha namin. Kung maaari ay huwag niyong pag-uusapan ang akda ng ibang manunulat sa comment section ng ibang manunulat. Nakakasakit po ito sa aming damdamin. Nadodown po kami dahil dito. RESPETO nalang po iyon para sa amin. Salamat.

At sa mga papaaccept sa facebook, comment or ipm niyo na lang fb names niyo. Di kasi na ko nang-aaccept ng basta basta.
-

"Kristin, pasensya ka na kay ate Bernarda. Hindi naman talaga siya ganun," Corazon said habang naglalakad kami pabalik sa bahay. "Atsaka kay kuya Antonio. Alam kong hindi niya sinasadyang masabihan ka ng ganun. Pagod lang siguro siya."

I sighed, "You don't have to apologize for them. Ayos lang ako." Who am I kidding? I'm not fine. I was really hurt. I want to explain my side but.. No one will believe me anyway. Magaling ang babaeng yun sa pagbabalat-kayo. Saka, mas matagal nilang nakasama si Burandai. Mas paniniwalaan nila yun kaysa sa babaeng mag-iisang taon palang nilang nakilala.

Nakita ni Corazon ang nangyari kagabi. Well, not exactly the whole scene. Dun sa part na naitulak ko na si Burandai. But I told her what happened. Hindi naman siya sumagot at niyakap lang ako saka ako sinamahan pabalik sa silid namin. Hindi niya ako iniwan hanggang sa makatulog ako. Natulog akong basa ang mga mata. Sobra akong nasaktan dahil sa sinabi ni Antonio. Pero ang mas masakit ay noong hindi niya ako pinagpaliwanag. Mas pinaniwalaan niya ang nakita niya. Pero bakit ka ba niya paniniwalaan ang taong nakilala pa lang niya. It was foolosh of me to expect that he'll choose me over his childhood sweetheart.

After what happened last night, madaling araw palang ay nagising agad ako at sumama kay Corazon papunta sa kakahuyang malapit sa bahay upang mamitas ng mga dahong gamot para kay Tandang Sora. Mamayang gabi pa siguro darating si Matias dala ang mga gamot mula kina Lola Adelina. Saka, ayoko munang makasalubong sina Antonio o Burandai. I wanted to talk to Antonio and tell him what really happened pero pinangungunahan parin ako ng pride ko. So, it's better if I just avoid them.

Sumikat na ang araw nang mapagdesisyunan namin ni Corazon na bumalik ng bahay. Nakuha naman na namin ang mga kakailanganin. It's not enough but it'll do. Kaya eto kami ngayon at naglalakad na pabalik.

"Napansin ko ang pagbabago sa ugali ni ate Bernarda," napalingon ako kay Corazon. "Malaki ang ipinagbago niya. H-hindi naman siya ganoon. Mahinahon siya. Sa tuwing may kinakaharap na problema ay nasusolusyunan niya ito ng mahinahon."

"Anong ibig mong sabihin?" kunot-noong tanong ko.

She bit her lower lip, "Napapansin ko ang pagiging balisa nito. Parang hindi na siya ang ate Bernarda na palangiti at masayahin. Minsan rin ay nagiging makasarili na siya. At.."

"At?"

"Kahiy kailan ay hindi niya sinuway ang kanyang ina. Masyado niya itong mahal. Ang tanging pagsuway na ginawa niya ay ang pagigipagkita kay kuya Antonio, pero maliban doon ay wala na. Kaya nakakagulat ang kanyang pagluwas mula San Juan at ang kanyang paglalayas," naguguluhang sabi nito. "Wala man akong nasabi sa sinabi mo kagabi, naniniwala ako sayo."

Itinaas niya ang sleeve ng kanyang damit. She showed me a red mark on her wrist, "Masyadong napahigpit ang paghawak niya sakin nung ikinuwento ko ang pagiging malapit niyo sa isa't isa ni kuya Antonio."

My eyes grew wide. May namuo na namang galit sa dibdib ko. Hinawakan ko ang kamay niya, "Sinaktan ka niya Corazon."

"Kasalanan ko naman. Nakalimutan kong may pagtingin pala siya kay kuya Antonio. Nakalimutan kong sensitibo siya sa ganitong bagay."

Umiling ako, "Wala kang kasalanan. Hindi ako sigurado pero.." I paused. Last night, Burandai was really acting weird. She's already weird. Pero kagabi, para siyang wala sa sarili. Galit na galit siya at muntikan niya pa akong makalmot. She looked obsessed over Antonio and she sees me as a threat. At sa sinabi ni Corazon, it's way out of Burandai's character. It's just a hunch, but I think she's.. mentally unstable. 'Di ako eksperto sa mga ganito. I'm a fine arts student not a psychologist. But when my brother was diagnosed with PTSD and Paranoia, I began reading books about mental health hoping that I'd find a way to cure my brother.

I sighed saka binitawan ang kamay ni Corazon, "W-wala pala. Kalimutan mo na." I don't have the credibility para sabihin ang ganung bagay. May namumuo mang konklusiyon saking isip kung bakit ganun ang inasal ni Burandai kami, hindi ko ito pwedeng sabihin lalo na't hindi naman ako eksperto sa ganitong bagay. I maybe wrong. Saka, she doesn't concern me anyway. "Sa susunod na saktan ka uli niya, sabihin mo lang sakin, okay?"

Nag-aalangan siyang tumango. I smiled, "Halika na at magluluto pa tayo ng agahan."

Di lang nagtagal ay nakarating na kami sa bahay. Pero di pa man kami nakakalapit sa maliit na gate ng bahay ay agad kaming napahinto. May isang babae at isang lalaking nakatayo sa harapan ng gate at nakatingin sa bahay na para bang may hinahanap.

"Anong ginagawa niya dito?" mahinang tanong ni Corazon.

Kunot-noo akong napatingin sa kanya, "Sino?"

"Si Doña Florencia. Florencia Villaroman. Ang ina ni ate Bernarda," sagot nito. Hindi nito inalis ang tingin sa babae. Ibinalik ko ang tingin sa babae.

The woman looks like she's in her late fifties but she looks young. The woman was tall and lean. She was wearing a transluscent collarless chemise with a bell shaped sleeved. Isang tapis na kakulay ng kanyang pang-itaas ang nakapatong sa mahaba at kulay itim nitong saya. Her jet black hair was tied into a bun. Hawak-hawak nito ang isang kulay itim na pamaypay habang pinapayungan naman siya ng lalaki na sa tingin ko ay katulong niya.

Nahigit ko ang hininga ko nang dumapo ang tingin nito samin. The way she moved was full of elegance. She was so prim and proper that you'd mistake her for a queen. She radiates an aura of authority and power. Pero mukhang matagal nang hindi sumisilay sa mukha nito ang ngiti. So, this was Bernarda's mother.

"Corazon," the woman called.

Lumapit naman sa kanya si Corazon, "Doña Florencia, ano pong sadya ninyo?"

The woman raised her brow, "Nasaan si Bernarda? Dalhin mo siya rito ngayon at kami'y uuwi na."

"Ipagpaumanhin niyo po doña Florencia ngunit sa tingin ko po'y hindi pa handa si ate Bernarda na makita kayo."

I saw how the woman's cheeks twitched in irritation while giving Corazon a degrading look. "At sino ka naman upang magdesisyon sa mga gagawin ng aking unica hija?"

Corazon bowed her head, "Ako po'y humihingi ng paumanhin ngunit sinasabi ko lamang ang katotohanan."

"Nagagawa mo na pala ngayong sumuway. Nawala lamang ang iyong ama't ina ay naging ganyan ka na." Okay, she's crossing the line. Corazon is sensitive with these kind of topics especially if it involves her late parents. Saka mukhang matagal na niyang kilala si Corazon, she should know this already. Alam ko na ngayon kung saan namana ni Burandai ang ugali niya.

I inhaled and was ready to charge and defend Corazon nang biglang lumabas ng bahay si Tandang Sora.

"Corazon, Kristin," Tandang Sora called. "Papasukin niyo ang bisita." Seryoso lamang ang mukha ng Tandang Sora. Walang makikitang kahit na anong emosyon dito ngunit halata ang pagiging kalmado nito.

Tumango si Corazon at sinunod ang sinabi ng Tandang Sora.

-

"Tulungan na kita," I volunteered saka kinuha kay Corazon ang dalawang tasang dala. Ngumiti siya at sabay na kaming pumunta sa sala.

Pagkarating doon ay naabutan namin si Tandang Sora na nakaupo sa couch na palagi niyang inuupuan. Tahimik lamang nitong tinitignan si Doña Florencia na nakaupo sa sofa habang inililibot ang tingin sa buong sala.

"Tatlong taon na rin ang nakalilipas noong pinutol ng inyong pamilya ang koneksiyon niyo sa Katipunan," I heard Tandang Sora said nang makalapit kami sa kinaroroonan nila. Inilapag ko sa maliit na mesang nasa harapan nila ang mga dalang tasa.

"Nagtanim ba ng galit ang Supremo?" tanong ni Doña Florencia.

Umiling si Tandang Sora at napangiti, "Kailanman ay hindi ito ginawa ng Supremo. Naiintindihan niyang nais na ng iyong pamilya na lumagay sa tahimik lalo na't bago pa man maitatag ang katipunan ay nakikipaglaban na ang inyong pamilya para sa kalayaan."

I poured the hot tea on Doña Florencia's teacup. Itinaas ko ang paningin upang tignan ang doña ngunit nagulat ako nang mapansing nakatingin siya sakin.

"Sino naman ang dalagang ito?" taas kilay nitong tanong. Sasagot na sana ako nang biglang nagsalita si Tandang Sora.

"Siya ay anak ng aking kamag-anak, Doña Florencia."

Doña Florencia nodded, "Ganoon ba?"

I sighed saka pumunta sa puwesto ng Tandang Sora ang nilagyan din ng tsaa ang tasa nito. Pagkatapos nito ay pumwesto kami ni Corazon malapit sa hapagkainan.

Lahat kami ay napalingon sa pintuan nang pumasok mula rito sina Antonio at Santiago. Antonio's sleeves were rolled upto his elbows. Halatang galing ito sa pagsisibak ng kahoy. Masaya silang nagkukuwentuhan ngunit mabilis na napawi ang mga ngiti sa labi nila nang dumapo ang tingin sa babaeng nakaupo sa sofa. Ibinalik ko ang tingin dito at napansin kong sumilay sa mga mukha nito ang isang ngiti. Pagkatapos ay tumayo ito. "Ah, Santiago, hijo!"

Santiago gulped at dahan-dahang lumapit sa doña. Inilahad ni Doña Florencia ang isa nitong kamay at tinanggap naman ito ni Santiago. "Magandang araw sa inyo, Doña Florencia. Ikinagagalak kong makita kayong muli," bati nito saka hinalikan ang likod ng kamay ng doña.

She smiled at Santiago's gesture, "Ako rin, hijo." But the smile faded after that at muling sumeryoso ang mukha nito. Seriously? Is it just me or Burandai's bloodline has some serious case of mood swings? "Ngunit nalaman kong ika'y isa ng pugante na ngayon."

Napalingon ako kay Corazon nang bigla itong napakapit saking braso. Diretso ang tingin nito kay Santiago at halata sa mukha nito ang pag-aalala at pagkabahala. May nakikita rin akong takot sa mga mata nito. Gently, I patted her hand to assure her that everything will be fine. Ibinalik ko ang tingin kay Santiago na pilit ngumingiti.

"Ika'y pinaghahabol na pala ngayon ng batas. Ang pamilya Iglesias, isang kilalang pamilya sa Kalookan. Ang iyong mga kapatid ay mga abogado at doktor. Tiyak kong ikinahihiya ka na ng iyong pamilya ngayon," the woman taunted. I saw how Santiago's expression darken because of the woman's insult. Naikuyom ko ang mga kamao ko. Napakainsensitive pala ng Doña Florencia'ng to. Pangalawang beses na to ngayong araw. Does she always have to hit a nerve everytime she opens her goddamn mouth? Masyado siyang mapangmataas. She thinks of herself as someone who is high and mighty. Like she's the one sitting on top of the food chain. I now know where Burandai inherited her manners. Sa ina niyang kung makatingin sa ibang tao ay akala mo mga langgam sila. And sadly, I could see the old me in her. Wow, I was this hateful before?

Pansin ko ding parang hindi nila kayang sumagot at depensahan ang sarili nila sa mapang-aping doña. Why?

Lumingon si Doña Florencia kay Tandang Sora na nakaupo pa rin sa kanyang upuan, "Ika'y tumutulong na rin na pala ng mga makakasalanan ngayon, Tandang Sora?"

Hindi sumagot ang matanda kaya ibinalik na lamang ng doña ang tingin nito kay Santiago. She patted Santiago's shoulder, "Ngunit huwag kang mag-alala, hijo. Di hamak na mas may kwenta ka pa sa hampas-lupa mong kaibigan." Her gaze landed on Antonio who was standing behind Santiago. Seryoso ang mukha nito at nakatingin sa Doña.

I gritted my teeth. This woman is really crossing the line. Sumusobra na siya.

"Hindi ako naririto upang bumisita. Narito ako upang sunduin ang aking unica hija."

"Paumanhin, Doña Florencia ngunit nalaman kong sinasaktan mo raw ang iyong anak?" seryosong tanong ni Tandang Sora. I saw how her face turned grim when she found out that Bernarda's being abused. Tandang Sora treats everyone in this house as her own family. If one is hurt, then she'll do what she has to do as a parent. And that includes standing up for her children.

Doña Florencia stifled a laugh, "Iyon pa rin ba ang dahilang ibinibigay niya sa inyo?" Tumahimik siya sandali bago muling bumalik sa pagiging seryoso ang mukha nito. "Pasensya na Tandang Sora ngunit kahit kailan ay hindi ko pinagbuhatan ng kamay ang aking anak. Ito ang nag-iisang bagay na hinding hindi ko kayang gawin."

"Ngunit may mga sugat at pasa siya," nagulat ako ng magsalita si Antonio. Bakas sa boses nito ang galit. He didn't utter a word even after being insulted pero nung tungkol na kay Burandai ang usapan ay nagsalita na siya.

I felt a sudden lack of saliva. Wow, he's.. standing up for her. Ganun na ba talaga siya righteous o sadyang... may gusto siya kay Burandai?

Napahinga ng malalim ang doña. She traced her fingers on the intricate carvings of the sofa. "Ikaw, Antonio, ang dahilan ng mga pasa at sugat na iyon."

Nagulat siya sa sagot ng doña. "Anong—" hindi na naituloy ni Antonio ang kanyang sasabihin nang bigla itong lumapit sa kanya. My eyes widened when her palm landed on Antonio's cheeks. Umalingawngaw sa buong silid ang tunog ng pagsampal nito kay Antonio.

I was about to walk towards them but Corazon stopped me.

"Sa tuwing hindi ka nakakapunta sa pasekreto niyong pagkikita ay sinasaktan niya ang kaniyang sarili," nagpupuyos na sabi ni Doña Florencia. Nanatili siyang mahinahon pero kitang-kita sa mukha nito na gusto pa niyang saktan si Antonio. The calm and elegant Doña Florencia was gone. It was replaced by a mother who'll do anything for the welfare of her child. "Baliw ang anak ko sa iyo. Sa iyo na umiikot ang kaniyang mundo! Hindi na niya nagagawang alagaan ang kaniyang sarili, hindi na niya magawang mahalin ang kaniyang sarili dahil ang lahat ng iyon ay ibinigay niya sayo!"

Antonio remained silent. Bakas sa kanyang pisngi ang bakas ng malakas na sampal ng doña. His eyes were starting to hold emotions of guilt. I didn't remove my gaze from him. Nanatili siyang nakatayo at muling tinanggap ang isa pang sampal mula kay doña Florencia.

"Florencia, tama na!" narinig kong saway ni Tandang Sora pero hindi ko inalis ang tingin kay Antonio. Corazon was still holding my arms.

"Kasalanan mo ang lahat ng ito! Hindi ba't pinaghiwalay ko na kayo noon? Pinagbilinan na kitang huwag lumapit sa aking anak! Ginawa ko ito para sa ikabubuti ninyong dalawa. Pero hindi ka nakinig! Hindi ka nakinig! "

Isa. Dalawa. Tatlo. Bawat sampal ay tinanggap niya. Sa sobrang daming sampal ang pinakawalan ng doña ay kinailangan na siyang pigilan ni Santiago.

"Nagbago na ang aking anak nang dahil sa iyo! Walang mabuting naidudulot ang pagdikit niya sayo! Hindi ka nakinig! Ngayo'y nagkakaganito na ang aking anak! Bakit? Bakit ayaw mo siyang layuan?"

"Kaibigan ko po si Bernarda," he answered without removing his eyes frim the ground.

"Puwes, kung ika'y tunay na kaibigan ng aking anak, parang awa mo na. Layuan mo na siya!"

My eyes remained on Antonio. He didn't answer. Kahit ilang masasakit na salita na ang natanggap niya, nanatili siyang nakayuko. "Why?" I asked myself. Why are you doing this, Antonio? Why aren't you standing up for yourself? Bakit hinahayaan mo lang siyang gawin ang lahat ng yun sayo? Ganun ka na ba kabait na kahit minamaliit ka na ay tinatanggap mo parin? Do you always blame yourself? Why are you still holding on?

Are you doing this because Burandai means so much to you?

"Bitawan mo ako, Corazon," malamig kong sabi kay Corazon.

"Pero, Kristin—" di ko na siya hinintay na sumagot at mahinang tinabig ang pagakakahawak niya sa braso ko. "Kristin-"

I don't care if you love her. Wala akong pakialam kung si Burandai ang tinutukoy mo noong sinabi mong umiibig ka na. I don't care if you don't return my feelings. All I want is to protect you. I have made that promise the moment I realized my feelings for you. And seeing you, the most wonderful person God has given me, being degraded like this is something I can't accept. So, let me.

Pero bago pa man ako makalapit ay biglang dumating si Burandai.

"Ina!" sigaw nito at lumapit kina Antonio. "Anong ginagawa mo? Bakit mo sinaktan si Antonio?"

"Bernarda..." Antonio muttered. I stopped.

Huminahon si Doña Florencia kaya binitawan na siya ni Santiago. "Bernarda, hija. Umuwi na tayo."

Umiling si Burandai at hinawakan ang kamay ni Antonio, "Hindi na ako sasama sa iyo, ina. Sasama na ako kay Antonio. Siya na ang lalaking papakasalan ko." Nahigit ko ang hininga ko. "Hayaan mo na ako sa kung saan ako masaya, ina."

"Isang magandang kinabukasan lamang ang hangad ko sa iyo. At hindi mo iyon makukuha kung ikaw ay mananatili rito. Hindi ito ang buhay na nararapat sayo,"

Umiling si Burandai, "Hindi kayo ang magsasabi kung anong buhay ang nararapat sa akin. Buhay ko to at ako ang magdedesisyon kung anong klase na buhay ang gusto ko. At ito ang buhay na gusto ko, ang buhay kapiling si Antonio."

I bit my lower lip. Burandai can confidently declare her love for Antonio. It's something that I can't do. She is willing to go against all odds for him. Ganun din naman ako. We love that same person. And we're willing to do anything for him. Pero ang pagkakaiba namin ay siya, malaya niyang naipapahayag ang damdamin niya habang ako ay pinipigilan ng mga what ifs. And... I don't belong in this timeline.

"Bernarda.."

"Buong buhay ko, simula pagkabata, lahat ng mga sinasabi mo ay sinusunod ko. Nais kong manatili rito sa kalookan ngunit inilayo mo ako rito at dinala sa San Juan. Inilayo mo ako sa mga tunay kong kaibigan," she paused. "Pilit mo akong ibinagay sa marangyang pamumuhay ng principalia. At ngayon ay ipapakasal mo ako sa isang lalaking hindi ko pa kilala? Sa isang lalaking hindi ko naman mahal?"

Umiling si Doña Florencia at pilit na lumalapit sa anak, "Hija, ginagawa ko ito para sa ikabubuti mo. Nagbago ka na dahil sa pakikisama mo sa mga taong ito!"

"Nagbago na kung nagbago! Mahal ko siya ina!" Humarap siya kay Antonio, "Hindi ba't iniibig mo rin ako, Antonio? Sabihin mo sa aking ina kung ano ang iyong nararamdaman."

Burandai waited for Antonio's answer. I waited for his answer. I braced myself. Hinanda ko ang puso ko sa maaaring sagot nito. Will I be able to take it?

The moment Antonio's gaze landed on Burandai, I closed my eyes.

-

Aagahan ko po ang KABANATA 35. Masaya kasi ako sa KABANATA 35.

-
Hi. Don't forget to VOTE and COMMENT.

Continue Reading

You'll Also Like

164K 7.6K 36
•Highest Ranks• #13 Historical Fiction #1 Rizal #1 Ibarra #1 StarCrossed #4 History #1 NoliMeTangere #1 PhilippineHistory #1...
1.5M 54.7K 36
In a snowy castle, far, far away from everyone, lives a girl. Her hair is as dark as the night sky, her skin is as white as snow, and her lips is as...
10.2K 2.2K 45
Joanna Beatrice is a part of a special section, but she doesn't feel like she belongs because she's not as smart as her classmates. She's a happy-go...
60.6K 677 6
Magaling ka bang magpanggap at magtago ng nararamdaman? Mahilig ka rin bang tumanggi sa mga katotohanang tungkol sa sarili mo? Ako si Zhavia. Lahat a...