High School Zero

By Alesana_Marie

5.9M 193K 48.5K

Tammy Pendleton has three goals. 1. To become King 2. To bring honor to her school 3. To find her childhood f... More

Copyright
Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter 3.5
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Extra #1
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Extra #2
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-Two
Chapter Thirty-Three
Chapter Thirty-Four
Character List
Chapter Thirty-Five
Chapter Thirty-Six
Chapter Thirty-Seven
Chapter Thirty-Eight
Chapter Thirty-Nine
Chapter Forty
Chapter Forty-One
Chapter Forty-Two
Chapter Forty-Three
Chapter Forty-Four
Chapter Forty-Five
Chapter Forty-Six
Chapter Forty-Seven
Chapter Forty-Eight
Chapter Forty-Nine
Chapter Fifty
Chapter Fifty-One
Chapter Fifty-Two
Chapter Fifty-Three
Chapter Fifty-Four
Chapter Fifty-Five
Author's Note

Chapter Thirty-One

84.3K 2.8K 526
By Alesana_Marie

Chapter Thirty-One


Fsssshhhh! BOOM!

Sunud-sunod ang mga fireworks sa langit. Ngayon ang unang araw ng school festival sa Pendleton High. Nakabukas ang gate ng eskwelahan para sa mga outsiders. May iba't ibang booths sa labas ng building.

Marami na ang tao na pumasok sa school at naglilibot.

"Kyaa! Tignan nyo yung guard! Ang cool niya!"

"Nasaan?! OMG oo nga! Gusto kong magpa-picture!"

"Girls, punta tayo ron! Mukhang masarap yung mga pagkain!"

"Honey, galingan mo sa pagbato ng bola! Kunin natin ang grand prize!"

"Mommy, gusto ko ng cotton candy!"

Mula sa second floor ng building, nakatayo at nakamasid ang Principal at Vice Principal. Tama ang desisyon nila na gamitin ang pictures ng dalawang Kings upang makakuha maraming bisita. Sa kanilang website, inilagay nila ang larawan nina Tammy at Nino upang makahatak ng mga tao.

"Mukhang matagumpay ulit ang school festival natin ngayon, Principal," masayang sabi ng Vice. "Hindi masasayang ang malaking budget na ibinigay ni Chairman."

"Hindi pa tayo nakakasigurado. Masyado pang maaga. Siguraduhin ninyo na walang magiging problema," masaya man ay may bahid parin ng kaba na sabi ng Principal.

Mabuti ito para mabawasan ang hindi magandang marka ng eskwelahan nila sa mata ng publiko. Kailangan nilang ipakita na normal din ang mga estudyante nila, nagkataon lang na saglit na naligaw ng landas ang mga ito. Sino ba naman ang hindi nagkakamali lalo na noong mga bata pa sila? Madaling matukso at madaling makontrol ng emosyon.

Kaya naman tuwing festival ay ginagawa nila ang lahat upang kahit papaano ay magbigay sila ng magandang kulay sa mga tao.

***

Isang grupo ng apat na babae ang nagkumpulan sa ilalim ng puno. Nakatingin sila sa mga tao na dumaraan. Nang makita nila ang announcement sa website ng Pendleton High last week, kaagad silang nag-desisyon na pumunta.

"Nakita ninyo na ba kung nasaan siya?" tanong ni Lovely.

"Hindi pa nga e. Baka nandyan lang siya sa paligid!" sagot ni Kristin.

"May mapa na ibinigay ang school, diba? Ano ba yung booth nila?" tanong ni Ara.

"Hihihi! Excited na ako makita ang mga Alpha!" masayang sabi ni Lisa.

"Sana pati mga Kings makita natin!"

"Unahin natin si Tammy Pendleton! Magpa-picture tayo kasama siya!"

"Unahin natin yung mga booths ng first years."

"OKAY!"

***

Ngiting ngiti si Willow habang pumapasok ng Pendleton High. Taas noo ang ginawa niyang pagpasok sa gate ng eskwelahan. Ngayon, hindi na siya bawal pumasok dahil open para sa lahat ang festival. Wala nang machine gun na pupuntirya sa kanya at hindi na niya kailangan magbayad para makakuha ng school id mula sa iba. Normal na ang kanyang paglalakad at hindi parang ninja na nagtatago sa mata ng mga tao.

Nilanghap niya ang hangin at pinakiramdaman ang masiglang paligid. Maraming estudyante na katulad niya na pumunta. Karamihan ay grupo ng mga magkakaibigan. Kahit na nag-iisa siyang naglalakad, hindi siya naiinggit sa mga ito. Hindi siya nagdala ng ka-eskwela niya dahil hindi niya gustong magkaroon ng kahati sa atensyon ni Tammy.

Para kay Willow, kahit si Tammy lang ang kaibigan niya sa mundong ito, kontento na siya at masaya. Para sa kanya, ang pagkakaibigan nila ni Tammy ay hindi matutumbasan.

"Tignan ninyo sa stage!!!"

"Namamalikmata ba ako?!"

"Si Kara C!!!"

"Panoorin natin!!!"

Napatingin si Willow sa stage kung saan kumakanta ang isang rising star na si Kara C. Pop song ang genre ng kanta nito kaya naman naging lively ang paligid na bumagay sa festival.

"Nasaan kaya si Tammy?" tanong niya sa sarili. Kung may cellphone lang sana ang kaibigan niya maaari niya itong tawagan. Gustong gusto na talaga niyang bilihan ng cellphone si Tammy pero alam niyang balewala rin dahil sa rules ng Mama nito. "Oh well. Hahanapin ko nalang siya gamit ang friendship radar. Hihihi!"

"Ms Outsider!!!"

"Eek!" Napatalon sa gulat si Willow. Saglit niyang nakalimutan na legal siyang nakapasok sa school, tumingin siya sa paligid upang hanapin ang tumawag sa kanya.

"Hahaha! Nandito ka, Ms Oustider!" tumatawang sabi ni Nix. Nasa magkabilang bulsa ng pantalon ang mga kamay nito.

"Excuse me, hindi ako outsider!" naiinis na sagot ni Willow.

"Oho? Bakit ka lumingon?" nakangiting tanong ni Nix. Hindi nito mapigilan na tuksuhin ang babae.

"H-Hindi naman ako lumingon, ah! Tumitingin lang ako sa paligid. Masama ba? At bakit ba ang dami mong tanong?" Hindi talaga gusto ni Willow si Nix. Para sa kanya ay kahati niya ito sa kaibigan niya.

"Nagugutom na ako. Kailangan ko pang pumasok sa security room para manood sa CCTV. Aaah..." Tumingin ito kay Willow.

"A-Ano naman ngayon?" Nagkaroon ng kakaibang pakiramdam si Willow. Kaagad siyang humakbang palayo sa lalaki.

"Gusto mo bang malaman kung nasaan si Tammy?"

"Oo! Nasaan siya?" tanong niya sa kumikislap na mga mata. May pakinabang din pala ang lalaki.

"Sasabihin ko sa'yo, pero may kapalit."

Nablanko ang mukha ni Willow sa narinig. Bago pa siya makapag-salita ay nagbilin na ito.

"Bumili ka ng lunch set sa booth 2-A sa second floor! Dalhin mo sa security room sa first floor!" sabi ni Nix bago matulin na tumakbo. Balak nitong bumili ng lunch pero nang makita ang mahabang pila ay kaagad itong umurong. Si Reo ang in charge sa pagluluto at kilala ito bilang mahusay na cook kaya naman marami ang pumila roon. Bukod pa roon ay marami rin itong fangirls.

"Ferragamo!!! Ano ang tingin niya sa'kin, utusan?! At hindi man lang siya nagbigay ng pera! Ang kapal ng mukha non! Grr!" Inis na inis si Willow habang naglalakad. Magkaganon man ay pumunta parin siya sa second floor para bumili ng pagkain nito. Ito ay dahil sa sensitibo siya sa mga salitang 'pagkain' at 'gutom'.

***

Sa lahat ng booths sa Pendleton High, ang may pinaka-malaking booth ay ang class 1-A at class 1-D. Ang class 1-D ay umo-okupa sa gym ngayon, doon sila nagtayo ng 'Maze of Death'. Para itong isang horror house ngunit nasa isang maze at puno ng traps. Maraming naintriga sa lugar at pumunta roon.

Ang class 1-A naman ay sa field ng school.

Sa gitna ng soccer field, doon itinayo ang isang malaking obstacle course. Ang unang obstacle ay monkey bars kasunod ng wall climbing at balance beam. Ang dalawang obstacles ay madaling nalalagpasan ngunit pagdating sa balance beam ay maraming nabibigo.

Ang balance beam ay nasa gitna ng isang malawak na inflatable pool. Kailangan lang tumulay doon at lumagpas. Ngunit may apat na babae na gumagamit ng mga cannons para patamaan ang mga tatawid ng water balls. Dahil doon, mabilis na nalalaglag sa tubig ang mga kalahok.

May isa pang obstacle kasunod ng balance beam pero natatakluban ito ng parang kuweba na props. Hindi nila alam kung ano ang nasa loob nito.

Kapag nalagpasan ang kweba, maaari nang umakyat sa tower na may tatlong palapag ang taas gamit ang lubid para sagipin ang prinsesa. Ang prinsesa na iyon ay walang iba kundi si Tammy Pendleton.

Ang premyo ng mananalo ay isang dinner date kasama si Tammy. Kaya naman marami ang pumila sa obstacle race. Ang fee para makasali ay two hundred pesos.

"Bwahahaha! Ang daming kita ng section natin! Bwahahaha!"

"Siguradong number one na tayo nito! Two hundred per person tayo!"

"Boy, hwag ninyong kukupitan 'yan!"

Tinignan ni Sid ang mahabang pila ng mga lalaki. Karamihan sa mga ito ay ka-eskwela rin nila. May iba ring mga bisita na naakit sa mukha ni Tammy na inilagay nila sa poster sa may entrance. Ginamitan lang nila ng photoshop ang picture ni Tammy. Isang vintage ball gown na kulay gray ang kinuha nila sa internet at pinalitan ang mukha ng modelo ng mukha ni Tammy. Malinis ang pagkakagawa nito at mukhang kinuha sa fairytale book.

Ang buong section nila ay naka-suot ng costumes. Mga villagers at knights para sa mga lalaki, at evil queens costume para sa grupo nina Helga.

*SPLASH*

"May isa na naman nalaglag sa pool!"

"Tuwang tuwa sina Helga sa pag-gamit ng cannon. Mga sadista."

"Muntik na ako maawa sa mga sumali, e. Pero wala talaga dapat na makalapit kay Tammy para mas lumaki ang kita natin."

"GOOD JOB, GIRLS!"

"Ipagpatuloy nyo lang 'yan!"

Tuwang tuwa ang mga nanonood sa grand stand kung saan kita nila ang buong obstacle course. Ang iba sa kanila ay kumakain at nagpo-post ng pictures sa social media accounts nila.

Dahil sa positive reviews ng mga tao sa festival, marami ang naengganyo na pumunta. Hindi nagtagal, mas dumami pa ng mga tao na pumasok sa Pendleton High.

***

Sa tower, inip na inip na nakaupo si Tammy sa taas. Hindi siya nakapunta kahapon para tumulong sa pag-gawa ng props dahil pinasama siya ng Mama niya sa kanyang Ninang. Ngayong umaga lang niya nalaman ang entry ng section nila.

Nandoon parin ang panghihinayang na hindi siya nakatulong sa pag-aayos. Masaya siguro ang mga ito habang inayos ang buong obstacle course. Gusto talaga niyang makasali para sa team work.

Habang tinitignan niya sina Helga na naglalaro ng cannon, mas lalo siyang nakaramdam ng pagka-inip. Ito lang ba ang gagawin niya buong maghapon hanggang sa matapos ang festival? Hindi niya gusto na umupo lang at manood.

Gusto na talaga niyang lumabas at umikot sa school. Baka sakaling makita na niya ang taong hinahanap niya. Dahil festival ngayon, pwede na siyang pumasok sa building ng mga seniors.

Tinignan ni Tammy ang obstale course, hindi naman ganoon kahirap ang mga ito. Wala ba talagang may kaya na lumagpas kina Helga?

***

Pagod na pagod si Willow nang pumunta siya sa security room para mag-deliver ng pagkain ni Nix. Hindi niya inakala na sobrang haba ng pila at siksikan. Matapos niyang ibigay ang pagkain, hindi na siya nag-abala na singilin ang lalaki at diretsong tinanong kung nasaan si Tammy.

Ngayon ay papunta na siya sa field para hanapin ang kaibigan niya.

"Miss, sandali!"

Awtomatikong napalingon si Willow. Bigla siyang nainis. Bakit ba siya palaging lumilingon?

"Huli ka!"

Lumapit ang isang babae at lalaki sa kanya at kaagad siyang pinosasan sa mga kamay. Nablanko saglit ang kanyang isip.

"EH?!"

"Huli ka, Miss! Kailangan mong sumama sa'min!"

"Pero nagmamadali ako!!! Magkano ba ang kailangan ninyo? Magbabayad ako!"

Umiling ang dalawang estudyante. Hinawakan siya sa braso ng babae at hinila papunta sa kung saan.

"Sandaliiii!" halos umiyak na pigil ni Willow. "WAAAH!!! Kailangan kong puntahan si Tammy! TAMMY!!!"

***

Todo ang tawa ni Nix habang pinapanood si Willow sa screen. Alas-dos na ng hapon pero hindi parin nito nakikita si Tammy. Kawawa naman, napaka-malas nito.

Sa tabi niya, sumipol si Seb habang may tinitignan sa screen. "Rolls Royce Phantom, 563-hp twin-turbo V-12. Nakita mo na ba ang interior design niyan? Para kang hari kapag nasa loob."

Tumingin si Nix sa tinitignan ni Seb. Nakita niyang huminto ang isang kulay purple na kotse sa tapat ng gate ng Pendleton High.

Napahimas siya sa kanyang baba. "Nasa four hundred hanggang five hundred thousand dollars ang halaga niyan. Mga hari lang talaga ang makakabili niyan."

"May importante ba tayong bisita? Si Chairman?"

"Si Chairman? Malabo. Nasa Dubai 'yon ngayon."

"Hinack mo na naman ba ang computer ni Chairman? Alam na alam mo ang schedule niya, ah."

"Ano naman ang makikita ko sa laptop non? May ipinagawa lang siya sa'kin kaya alam ko," sagot ni Nix.

"Kung ganon, sino 'yan?"

Bumukas ang pintuan ng kotse at bumaba mula sa passenger seat ang isang matangkad na lalaki na nasa twenties ang edad. Ang buhok nito ay kulay abo at naka-ponytail. Natatakpan ng itim na salamin ang mga mata nito. Nakasuot ito ng simpleng puting v-neck t-shirt at puting pantalon. Nang makita ito ng mga tao, kaagad silang napahinto.

Ang misteryosong lalaki ay humihila ng atensyon kahit sa simpleng paglalakad lang nito papasok sa school.

"Lalaki ba 'yan o babae?" nagtatakang tanong ni Seb dahil sa ganda ng mukha nito.

BLAG!

Napalingon si Seb kay Nix at nakita itong nalaglag sa inuupuan na swivel chair.

"Okay ka lang?"

"GAH!" Tinuro nito ang screen. "A-Ano'ng ginagawa niya dito?!"

"Kilala mo?"

"GAAAHHH!!! Malaking problema!"

Nagtaka si Seb sa ikinikilos ni Nix. Ngayon lang niya ito nakitang natakot nang ganito.

***

Mabilis na napatayo sa inuupuan si Tammy. May kakaiba siyang naramdaman. Dumungaw siya sa bintana ng tower at nakita ang susunod na challenger. Kaagad siyang natigilan nang makita ang naka-all white na lalaki.

Nagtataka siyang tinitigan ito. Nakabalik na siya?

Nag-umpisa na ito sa pag-lagpas sa mga obstacles. Maihahalintulad sa pusa ang galaw ng lalaki, maliksi at elegante. Mabilis nitong nalagpasan ang dalawang obstacles at ngayon ay papalapit na sa balance beam. Ngunit bago ito tumpak doon ay inalis nito ang suot na silver na kwintas.

Napa-higpit ang hawak ni Tammy sa kanyang palda. Kuminang ang kanyang mga mata.

Nang tumapak sa balance beam ang lalaki, kaagad na kumilos sina Helga. Gamit ang mga cannons, pinatamaan nila ito ng water balls.

Ngunit hindi katulad ng mga naunang challengers, hindi tinamaan ng water balls ang lalaki. Gamit ang kwintas nito, para itong latigo na tumatama sa mga water balls kaya naman kaagad itong pumuputok bago pa tumama sa lalaki.

Namangha ang mga nanonood. Ngayon lang may nakagawa nito.

Kakaibang ngiti naman ang sumilay sa mga labi ni Tammy. Kung papanoorin ay mukhang simple lang ang technique na iyon, ngunit kailangan ng lakas para gawing sandata ang isang simpleng kwintas.

Hindi nga siya nagkamali, ang taong iyon ay si Cecil.


***AN

Ayo! I'm alive! Belated Happy Halloween! Nag-enjoy ba kayo? Dumalaw ba kayo sa sementeryo? Nag-linis ba kayo at nag-alay? Nanood ba kayo ng mga horror films or docu sa tv? Nagbasa ba kayo ng horror books? Awoo~! (>.<)

BTW. Pinalitan ko name ni Rowan. Cecil na siya ngayon. Tinatawag nyo kasi siyang Mr Bean. Hahaha! Si Mr Bean na nalitaw sa isip ko kapag iniimagine ko siya. Heol~

Continue Reading

You'll Also Like

671K 47.3K 74
During the spread of the deadliest virus in 2054 Philippines, Santhy Gozon struggles to survive to reach the last quarantine. *** A sixteen-year-old...
1.6M 63.9K 52
Emily Devereaux had everything...until it was stolen from her on the night she found her parents dead and their mansion burning. She almost died in t...
416K 13.6K 124
"Don't you ever read and stole my diary or else I'll take your life away" -Anna FANFIC EPISTOLARY
19.1M 579K 53
She vowed to stay. She just needed a keeper for maintenance. Henrietta Arturia is a drop-dead, gorgeous ice princess and yeah, a Freniere Mafia Reape...