Fatal Attraction 2: Get Wild

By Whroxie

10.3M 225K 20.4K

The relationship that he wanted and invested has a termination date, a one-month rule that he have always hon... More

Synopsis
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter Sex
Chapter 7
Chapter Sex
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
epilogue
Pre-Order
Special Chapter

Chapter 1

463K 7K 1.2K
By Whroxie

AT  age of twenty-nine Dominick "Dock" del Fierro  has a lot of responsibilities in life. Salungat sa akala ng marami na namumuhay siya na parang isang hari sa isang palasyo.

Dise otso anyos palang siya isinabak na siya sa trabaho ng kanyang  lolo. Tinuruan kung paanong pamahalaan ang kompanya nito. At nang mamatay ang abuelo ay sa kanya naiwan ang lahat ng responsiblidad sa buong kompanya at pamilya.

Tagapangalaga  ng tatlong kapatid at alcoholic na ina, at pinamamahalaan ang isa sa pinakamalaking cruise line  sa buong Asya. Siya na ang tumayong padre de pamilya simula nang iwan sila ng kanyang ama. Kinse anyos siya nang umalis ang kanilang ama at sumama sa ibang babae. Iyon ang naging dahilan kaya halos gabi-gabing lasing ang kanyang ina at tila kinalimutan ng may mga anak pa ito.

Napakabigat ng responsibilidad niya sa mundo. He was born to carry a tons of burden in life, and he's the last person to say that life is easy.

Kapag gusto niya ng katahimikan at takasan muna  pansamamtala ang realidad. Naglalayag siya sa gitna ng karagatan ng ilang araw kasama si Pegasus, ang kanyang yate. Tulad ngayon, isang linggo na siyang nasa laot. He wanted some alone time.  He wanted to be in peace. He wanted to escape  from the world for a while.

Minsan kapag nakakakita siya mangingisda ay nakakaramdam siya ng inggit. Ang simple ng buhay ng mga ito at minsan pa nga niyang pingarap na manirahan na lang sa isang isla at maging mangingisda na lang. He wished he could but unfortunately  he couldn't. Hindi niya kayang pabayaan ang pamilya niya.

Dahan-dahan siyang bumuntong-hininga at pinagmasdan ang papasikat ng araw sa silangang bahagi ng Dinagat Island habang nakatukod ang dalawang braso sa barandelya ng yate. Maaga siyang nagising kaya naisipan niyang lumabas ng cabina.

The view of  the sun fall and rise behind the mighty mountains are his favorite sceneries when he was a kid. Bata palang siya pinaniwala na siya ng kanyang lola na ang pagsikat ng araw ay bagong  simula ng buhay; na laging may kalakip na magandang mangyayari ang pagsikat ng araw.

Pero habang lumalaki siya ay kabaliktaran ang naging paniniwala niya. Sunrise  is the beginning of struggle in life, and the sunset is the beginning  of nightmare  and misery.

Gabi-gabing nag-aaway ang magulang niya noon. Ngayon naman ay gabi-gabing lasing ang kanyang ina. Sa umaga ay iba't ibang source of stress ang na-i-encounter niya sa trabaho. Sometimes, he couldn't help but envy his friends. Tres and Alford came from great families, and  he and Wilson came from assholes, but at least Wilson has a loving mother.

Tumuwid siya ng tayo at dinala sa bibig ang lata ng soya milk at ininom ang natitirang laman. Tuluyan ng kumalat ang liwanag sa buong karagatan. Itinapon niya ang lata sa dagat saka tumalikod para bumalik sa loob ng cabina.

Natigil si Dock sa paghakbang nang biglang may tumama sa likod ng ulo niya na ikinangiwi niya. Niyuko niya ang bagay na tumama sa ulo niya. Lata iyon ng soya milk na itinapon niya. Gumulong iyon habang lumalabas ang tubig mula sa lata. Sadyang pinuno ng tubig bago ibinato pabalik.

"Sino ang nagtapon nito?" Bumalik  siya sa  gilid ng yate at ang nakakunot na noo ay lalong nalukot nang makita ang isang babaeng palutang-lutang sa tubig habang nakatingala sa kanyang yate.

Ano ang ginagawa ng isang babae sa gitna ng dagat? Hindi naman siguro ito sirena. Agad na hinagilap ng mata ang bangka na maaaring pinanggalingan nito pero wala.

"Dayo ka 'no?" Hiyaw nito kaya muli niyang ibinalik ang tingin sa babae.

"Kailangan ko pa bang maglagay ng karatola rito na 'basura mo, ibulsa mo'? Kayong mayayaman wala talagang pagpapahalaga sa likas yaman."

Pagkatapos  siyang bungangaan ay lumangoy ang babae sa kabilang bahagi ng yate. Patakbo namang tinungo ni Dock ang kabilang bahagi para sundan ito. And there, may isang bangka. Tinungo nito ang  bangka at sumampa ang babae roon. Sa pagsampa nito ay tumaas ang laylayan ng suot na puting daster dahilan para lumantad ang  suot nitong itim na cycling short.

Pabulong-bulong ito habang inaayos ang lambat. Muli itong  bumaling sa direksiyon niya.

"Ang kaunti ng huli kong isda dahil sa 'yo! Puwede bang huwag mong itambay ang yate mo rito dahil nabubulabog ang mga isda!" Sinamahan pa nito ng wasiwas ng kamay. Bumuka ang bibig ni Dock para sana humingi ng pasensiya pero itinikom rin niya iyon kapagkuwan nang walang maisip na maaring  sabihin.

Binuhay ng babae ang makina ng bangkang de motor at nang paandaran nito ang bangka ay noon siya medyo nahimasmasan sa pagkatulala.

"Miss, sandali!" Nilingon siya ng babae.

"Ano ang pangalan mo?"

"I don't  talk to stranger!" Don't  talk to stranger, eh, kanina pa nga ito salita nang salita.  Nang tuluyang paandarin nito ang bangka ay nagmadali siyang bumaba sa lower deck.

"Nognog, pakihanda ang speed boat," utos niya sa Bente singko anyos na deckhand na nakasalubong niya.

"Ngayon na, boss?"

"Ngayon na. Hurry up! May hahabulin lang ako." Patakbo naman nitong tinungo ang parking ng speedboat ay inilabas mula roon ang speedboat.

Nang makasakay sa speedboat ay agad niya iyong  pinaharurot. Malayo na ang bangkang kinalululanan ng babae   pero dahil sa bilis ng speedboat niya at sa kakaragkarag na bangka nito ay inabutan niya ang babae.

"Bakit ka sumunod?" Pagalit  nitong tanong. Pasigaw rin dahil sa ingay ng motor ng bangka nito.

"I'm Dock."

"Hindi ko tinatanong ang pangalan mo!" Pagtataray pa nito. Dedma naman siya sa pagtataray ng babae.

"Ano ang ginagawa mo sa gitna ng dagat? I thought you are a mermaid."

"Ano bang ginagawa sa gitna ng dagat? Naglaba?" Marahan siyang natawa sa pamemelosopo ng babae.

Sinulyapan niya ang isang baldeng  naglalaman ng isda.

"Nangisda ka? Mag-isa ka lang?" Nakasimangot siyang  tinitigan ng babae.

"Bakit ba ang dami mong tanong? Ang tsismoso mo!"

"Questioning  is not a crime." Pasigaw silang nag-uusap nito.

"Ano ba ang kailangan mo? Alam mo ang dami kong gagawin ngayong araw. Ang kaunti ng huli ko kaya kaunti rin ang kita. Ngayon kailangan ko pang mag-angkat ng isda sa ibang mangingisda para may maibenta. Kung bakit ba naman kasi sa dinami-dami ng puwede mong pagtambayan, e sa lugar pa kung saan nagkukota ang mga isda."

"Oh, I'm sorry! Hindi ko naman alam, eh. Magkano ba ang usually  na kinikita mo?" Tinaasan siya nito ng kilay.

"Babayaran ko na lang. Tapos bibilhin ko ang isda mo." Mas lalong tumaas ang kilay nito.

"Seryoso ako!" Inihinto nito ang bangka. Puwesto naman siya sa harapan niyon. Tinitigan siya nito ng matagal na sandali bago nagbigay ng presyo.

"Ten thousand."

"Alright. Kaso wala akong dalang pera. Balik tayo  sa yate." Ngumisi ito at umiling. 

"Umalis ka na diyan at baka sagasaan kita. Hindi mo ako masisilaw sa yaman mo, ugok ka! Kilalang-kilala ko ang hilatsa niyong mayayaman. Dadalhin mo ako sa yate mo at pagkatapos ano? Pagsasamantalahan!"

"What? Gusto lang kitang bayaran sa perwesyong nagawa ko. Hindi ako masamang tao."

"Kung gusto mo talagang makatulong, Mister, ialis mo na lang ang yate mo. Sana bukas pagbalik ko wala na ang yate mo. Nagdudumi ka sa dagat, eh!"

"So, babalik ka pa bukas?" Nakaramdam siya bigla ng excitement. So may chance  pa na makita niya ulit ang magandang fishrerwoman na 'to.

"Alis!" Pinangdilatan siya nito. Itinabi niya ang speedboat. Nakontento na lang si Dock na ihatid ng tanaw ang papalayong babae.

Gumuhit ang ngiti sa labi niya. Ngayon lang siya naka-encounter  ng babaeng mangingisda. Hindi ito mukhang  mangingisda. Mas bagay itong  maging model.

SINABI ni Dock  sa piloto na huwag munang aalis. Dapat ay kanina ang alis nila at babalik na sila ng Maynila. But that woman made him change his plan. Gusto niyang makita ulit ang babae bukas. Hindi siya papayag na hindi malaman ang pangalan nito. He was about to sleep but that woman hunting  him. Hindi mawala sa isip niya ang babae. He can't  help but imagining her.

She was the most gorgeous  and hottest  fishrerwoman he had ever seen. Her wet hair wild and untamed, framing her pixie-like face, free from makeup, her sun-kissed skin was glowing  from the rays of the sun.

Inabot niya ang magnetic alarm clock  sa side table at sinet ang alarm ng alas kwatro ng madaling araw. Siguradong maagang babalik ang babae. Mukhang madilim pa nasa laot na ang babae kaya pagsikat ng araw ay tapos na rin ito sa pangingisda. Muli niyang ibinalik ang orasan sa side table. Iniunan ang dalawang braso at pinilit ang sariling makatulog.

Pag-ingay ng orasan ay agad ngang nagising si Dock. He excitedly went to the  upper deck, wearing he's  sweatpants and jacket. He let his eyes rove the sea as he searched for a fishing boat. Naikot na niya ang buong upper deck pero walang bangka sa malapit sa kinaroroonan ng kanyang yate.

"She didn't  come back," he muttered disappointed.

HUMIKAB si Geallan habang nag-uunat ng braso. Nakatulog pala siya pagkatapos ihagis ang lambat sa tubig. Kalat na ang liwanag. Sana na naman marami siyang huli ngayon para hindi sayang ang tatlong oras na pagpapalutang-lutang sa gitna ng laot. 

Kapag wala siyang kinita patay na naman siya nanay niya nito. Kurot, sampal at  sabunot na naman ang premyo niya pagnagkataon at kung mamalasin ay sasamahan pa ng tadyak. Masakit pa nga ang cheekbone niya sa sampal na natamo mula sa ina dahil tatlong daan lang ang kinita niya kahapon.

Namaywang siya at pinagmasdan ang malaking yate hindi kalayuan kung saan naroroon ang kanyang bangka.

"Nakapakagandang yate!" Buong maghanga niyang usal.

Ano kaya ang itsura ng loob niyan? Madami kayang silid? Sabi ng iba my Jacuzzi  raw ang mga yate. Pangarap niya sanang magtrabaho sa isang barko. Iyong kapitbahay nilang nagtatrabaho sa isang cruise ship  nakapagpatayo na ng isang malaking bahay. Malaki raw ang kita sa barko. Sayang lang at ayaw siyang pag-aralin ng nanay niya.

Bente kuwatro anyos na siya pero ito pa rin siya, mangingisda pa rin. Pero hindi pa rin siya nawawalan ng pag-asa. Naniniwala siyang balang-araw ay matutupad din niya ang pangarap niya.

Inalis niya ang kanyang balabal at ipinatong iyon sa tabla. Hinawakan niya ang dulo ng lambat na nakakabit sa dulo ng bangka at sinimulan iyong hilain.

"Bakit ang bigat?" Reklamo niya  ng hindi niya magawang mahila iyon. Bahagya siyang suminghap nang maisip na baka marami nga siyang huli. Muli niyang sinubukan itaas pero hindi niya talaga mahila iyon. 

Nagpasya si Geallan na lumusong para makita ang nahuli. Sumisid siya pailalim. Namangha siya nang makitang marami nga siyang huli, pero dismeyado nang makita ang pinakadahilan kung bakit hindi maiangat ang lambat.

May isang malaking drift wood na nasabit sa kanyang lambat.  Paniguradong magkakapunit ang lambat niyang ito. Mas sumisid pa siya pailalim at sinubukang alisin ang malaking kahoy. Ang sanga ng putol na puno ang pumasok sa lambat. Masyadong mabigat at hindi niya maalis ang pagkakapulupot ng lambat.  

Nagpasya si Geallan na muling pumaibabaw sa tubig para kumuha ng hangin. Ang tangkang pag-ahon ay natigil nang masabit ang paa niya sa lambat. Niyuko niya  at ilang sandaling pinagmasdan ang paa na pumasok sa butas ng lambat. Bigla ang pagragasa ng alaala noong bata pa siya. Parang bigla siyang dinala sa nakaraan.

Limang taon siya noon nang mangyari ang ganito.  Isinama silang magkapatid ng kanilang  tatay sa pangingisda. Itinulak siya noon ng kapatid niya at nasabit ang paa niya sa lambat na muntik na niyang ikamatay kung hindi maagap ang kanyang ama. Nailigtas siya ng ama pero ito ang nasawi dahil inatake ito sa puso at hindi na nakaahon pa sa tubig.

Nanglaki ang mata niya at ikinumpas ang paa sa sobrang pagkataranta. Sumikdo ang dibdib niya nang lukubin siya nang matinding takot at nawala sa focus. Hindi  na alam ni Geallan ang tama at dapat gawin nang biglang bumalik sa kanyang  alaala ang ganitong pangyayari noong bata pa siya.

Inabot niya ng kamay ang paa at pilit iyong inalis pero hindi niya magawa. Pinangangapusan na siya ng hininga. Nag-angat siya ng tingin nang may maramdamang may humawak sa kanya.

Isang lalaki! Ang lalaki sa yate. Sinubukan nitong  alisin ang paa niya mula sa pagkakasabit sa lambat. Patingin-tingin ito sa mukha niya habang inaalis ang paa niya. Mukhang nahihirapan. Mariin niyang ipinikit  ang mata. Nauubusan na siya ng oxygen.  Marahan niyang binayo ang dibdib. Mamamatay na yata siya? Kailangan niya ng hangin!

Muling nagmulat ng mata  si Geallan nang may lumapat sa bibig niya. Ang lalaki! Sakop nito ngayon ang bibig niya. Pinisil nito ang panga niya para ibuka ang kanyang  bibig, inilapat nitong  maigi ang bibig nito sa kanyang bibig saka bumuga ng hangin. Ang naninikip na dibdib ay nakalma nang makatanggap ng hangin ang baga niya. Ginawa niya rin ang ginawa ng lalaki.  Nakatitig ito sa mga mata niya habang nagpapalitan sila hangin.

Gumalaw ang labi nito at bahagya siyang suminghap nang marahan nitong sipsipin at kagatin ang labi niya bago nito iyon pinakawalan. Tinitigan pa nito ang labi niya bago muling binalikan ang paa niya. Ilang sandali lang ay napakawalan nito ang paa niya. Hinapit siya sa baywang at kasama siya nitong iniahon.

Humahangos siyang makaahon sa tubig. Ang bilis-bilis ng tibok ng puso niya. Mahigpit siyang yumakap sa lalaki habang nanginginig ang katawan sa takot. Hindi niya mapigilang mapahikbi.

"Sshh! Ligtas ka na." Alo sa kanya ng lalaki at masuyong hinaplos ang kanyang likod.  Ilang sandali silang nasa ganoong posisyon bago siya nito isinakay sa speedboat  nito at dinala sa yate.

Nanginginig pa rin ang mga tuhod niyang sumalapak sa swim platform ng yate.

"Akala ko mamamatay na ako!" Muli na naman siyang humikbi at sa pagkakataon na ito ay mas malakas. Hinaplos ng lalaki ang likod niya. 

"Bakit ka ba kasi nangingisda na mag-isa? Napakadelikado ng ginagawa mo! Paano kung hindi kita nakita? 'Di patay ka na!" Lalong naiyak si Geallan.

"Salamat, Manong, ah! Utang ko ang buhay ko sa 'yo. Sabihin mo lang kung ano ang maaari kung gawin, gagawin ko ang lahat." Umiiyak niyang sabi.

"Samahan mo na lang akong mag-almusal. Nagutom ako, eh." Pinahid niya ang luha.

"Sige, manong!" tatango-tango niyang sagot.

"Huwag mo rin akong tawaging manong. Dock. Dock ang pangalan ko. Ano ang pangalan mo?"

"Geallan. Geallan ang pangalan ko."

"Geallan," Bigkas nito. Bakit ang ganda ng pangalan niya kapag ito ang bumibigkas. Ang sosyal pakinggan. Ang arte ng 'G at L'.

"Iyong mga isda!" Tumayo siya. Kailangan niyang madala iyon sa bagsakan. Kapag tinanghali siya wala ng bibili niyon.

"Ang staff ko na ang bahala sa mga isda mo." Tumayo na rin ito.

"Kailangan  ko munang maibenta 'yon."

"Ako na ang bibili ng mga 'yon. Kailangan  ko rin ng supplies dito." Kinuha nito ang kamay niya at hinila  siya papasok ng  yate.

"Samahan mo muna akong mag-almusal." Wala nang nagawa si Geallan kundi ang magpatianod na lang. Kung rapist  man ito, lalaban siya hanggang kamatayan bago nito makuha virgin island niya.

---

Yung kay Miguel. Itutuloy ko 'yon. Kaso need ko pong mabasa ulit  'yon bago ko ituloy.  Tapusin ko lang ang Down and Dirty. May binabago lang akong kaunti.  Ito naman. Paunti-unti lang update. Kapag hindi ako nakaharap sa laptop at nakahiga lang. Ito sinusulat ko sa cp.

----
Dominick "Dock" del Fierro

Continue Reading

You'll Also Like

446K 12.9K 38
Calle Dyosa #4 **[Highest Rank in Humor: #11, #5 in gxg]**
40.8K 1.9K 22
Mighty Jocks Series Book # 01
1.9M 80.6K 22
All Ave Maria wants is to love and be loved at naranasan niya ito sa piling ni Tyrone. She thought that everything is perfect between them, walang ka...
26.6M 1M 72
He's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's legal guardian before anything else. Their...