Love at its Best (Love Series...

By FGirlWriter

6.8M 123K 9.8K

What is love? Written ©️ 2014 More

Prologue: What is Love?
Chapter 1: Love at First Sight
Chapter 2: Chasing Love
Chapter 3: Love to Fight For
Chapter 4: Loveless Marriage
Chapter 5: Letting Love Go
Chapter 6: Love to Pretend
Chapter 7: Love that is Patient
Chapter 8: When Love is Kind
Chapter 9: It does Not Envy
Chapter 10: Does Not Parade Itself
Chapter 11: Is not Puffed Up
Chapter 12: Does not Behaved Rudely
Chapter 13: Always Beautiful
Chapter 14: The Ex-boyfriend, First kiss, and Bestfriend
Chapter 15: Is Not Self-seeking
Chapter 16: Not Easily Angered
Chapter 17: Keeps No Record of Wrongs
Chapter 18: Does Not Delight in Evil
Chapter 19: Rejoices with the Truth
Chapter 20: Surrendering to Love
Chapter 22: Love Always Trusts
Chapter 23: Love Always Hopes
Chapter 24: Love Endures All Things
Finale Chapter - Chapter 25: This is Love
Epilogue: Love at its Best

Chapter 21: Love Always Protects

200K 3.6K 495
By FGirlWriter

Chapter 21: Love Always Protects

"Love doesn't broadcast the problems of others. Love doesn't run down others with jokes, sarcasm or put-downs. Love defends the character of the other person as much as possible within the limits of truth. Love won't lie about weaknesses, but neither will it deliberately expose and emphasize them. Love protects." –Steven Cole

***

HUMIHIKBI si Rachelle habang tinutupi ang ginawa niyang sulat para sa dalawang taong naging mahalagang parte ng buhay niya. Nanghihinang ibinaba niya ang ballpen na ginamit at saka nilagay ang dalawang sulat sa ilalim ng unan niya.

            "Ate..." untag sa kanya ng kinakapatid niyang si Chelsea.

            Mabilis niyang pinunasan ang mga luha.

            "O, nandito ka pala," nakangiting wika niya.

            Nginitian din siya nito. "Kumusta ka na, Ate Rachelle?"

            Nagkibit-balikat siya. "Nanghihina na sa bawat araw."

            Nawala ang mga ngiti nito at ipinatong ang dalang mga prutas sa ibabaw ng side table ng kamang hinihigaan niya. "Ayaw mo pa ring magpagamot, ate?"

            Marahan siyang umiling. "Sinabi naman na ng doktor na nasa huling stage na 'ko at hindi na talaga malulunasan."

            "Hindi ka ba lalaban para sa asawa at anak mo, Ate?"

            Mapait siyang napangiti. Mag-iisang buwan na siya sa ospital ngunit kahit minsan ay hindi siya binisita ng asawa niyang si Alfred kasama ang mag-iisang taong gulang nilang anak na si Renz. Anak niya si Renz mula sa dating nobyo na si Terrence ngunit tinanggap nang buong puso ni Alfred ang anak niya nang magdesisyon itong panagutan siya.

            Sa nakalipas na mahigit na isang taon mula nang magbuntis siya ay hindi siya iniwanan ni Alfred. Lagi itong nasa tabi niya. Hindi ito sumuko hanggang sa tuluyang mahulog ang loob niya rito at mahalin na rin ito. Inalis ni Alfred ang sakit na dinulot ng relasyon niya kay Terrence.

            Mahal na mahal siya ng asawa. Mahal na mahal niya rin ito. Ngunit magmula nang ma-diagnose siya na may stage four breast cancer at napagdesisyon niyang huwag na lang lumaban, nagtampo sa kanya si Alfred. Hindi raw siya nito bibisitahin hanggang sa mapagdesisyunan niyang lumaban.

            "Wala naman tayong pera para ma-maintain ang chemo kung sakali. Hindi pa natin alam kung magtatagumpay iyon," nanghihinang sabi niya. Hindi naman kasya ang kinikita ni Alfred na isang simpleng store manager sa isang sikat na department store sa Cebu City. Mas mabuting mag-ipon na lang ang asawa niya para sa kinabukasan ng anak nila.

            Napabuntong-hininga si Chelsea. "Bakit kasi ang hirap natin, eh."

            Natawa pa siya at tinapik-tapik ang kamay nito na nasa ibabaw ng higaan. "Siguro... h-hanggang dito na lang talaga ako." Sa kabila nang pagngiti ay nangilid ang luha sa mga mata ni Rachelle.

            Kung hindi lang sinabi sa kanya ng doktor na wala na talagang pag-asa, susubukan naman niyang lumaban. Sino bang ina ang gustong maiwan ang anak niya? Sino bang asawang babae ang gustong mabiyudo agad ang asawa niyang lalaki?

            Ngunit alam ni Rachelle na may plano ang Diyos sa kanila. Alam niyang may plano ang Diyos para sa kanya, kay Alfred, kay Renz... kay Terrence at Eunice.

            "Ate Rachelle, naisip mo ba na kung kayo ni Terrence ang nagkatuluyan ay may pag-asa ka pang mabuhay? I mean, Terrence is rich. Mapapagamot ka niya kung ikaw ang naging asawa niya."

            Umiling si Rachelle. "Hindi ko na naiisip iyan. Hindi ko na naiisip na may iba akong asawa maliban kay Alfred. Kung mabubuhay ulit ako,  kung may susunod na buhay, pipiliin ko ulit s-si Alfred..."

            "Kahit walang Eunice na umeksena sa inyo ni Terrence?" biro nito.

            "Hindi puwedeng mawala si Eunice." Napapikit siya nang maramdaman ang pagkahilo. "Terrence and her were meant to be."

            Umingos si Chelsea. "Masyado kang mabait, Ate. Nakakainis ka."

            Tipid siyang napangiti. "Marunong lang siguro akong magpatawad. Matagal naman na iyon. Mahigit isang taon na rin. Ang mahalaga, nakita kong si Alfred talaga ang mahal ko."

            "Sa totoo lang, Ate, naiinis pa rin ako kapag naalala ko ang mga ginawa ni Eunice sa'yo. Pero tama ka rin na wala naman tayo sa puwesto para husgahan siya sa mga ginawa niya." Inayos nito ang mga bulaklak na malapit sa bintana ng ospital. Pang-apatan ang kuwarto ng ospital kung saan siya nanatili ngunit sa nakalipas na mahigit tatlong linggo ay siya na lang ang natira roon.

            Huminga nang malalim si Rachelle. May sumasakit na naman sa kanya pero ayaw niyang ipakita sa kinakapatid niyang nahihirapan siya.

            "Ate? O-Okay ka lang?" nag-aalalang tanong nito.

            "N-Naalala mo 'yung s-sinabi k-ko sa'yo?"

            Umupo ito sa gilid ng kama niya. Tumango ito. "Kung sakaling dumating ang oras na mahanap ka ni Terrence at baka kasama niya si Eunice, subukan kong ilayo sila sa mga galit mong kamag-anak?"

            She lightly smiled. Kung siya mismong sinaktan ay nakapagpatawad at nakapag-move on na, iba naman ang mga kamag-anak niya. "Pagtanggol mo s-sila, ha?"

            Napalabi ito.

            "Chelsea?"

            "Oo na, Ate. Hindi ko hahayaan na pagsalitaan nila si Eunice o si Terrence. We'll try to protect them."

            "Dahil..."

            Humalukipkip ito. "Dahil kahit ano pang mali ang nagawa sa'yo ni Eunice, hindi na dapat pa iyon isiwalat para sa ikahihiya niya. Dahil panigurado baka napagsisihan naman na niya iyon."

            "Eunice is not that bad. Marami lang talagang nagagawa ang pag-ibig. Tuwid man o baluktot." Nang nagtatrabaho pa siya noon sa Sagittarius, nakita niya naman na mabuting tao ang pamangkin ng boss niya. Lagi pa nga siya nitong nginingitian at binibigyan pa minsan ng merienda kapag nabibisita ito sa opisina ng tiyuhin nito. Nagsimula lang ang pagma-maldita nito nang dumating ang panahon na naging sila ni Terrence.

            "Nagkataon lang na baluktot ang naisip niyang paraan para ipaglaban ang pag-ibig niya," dugtong pa ni Chelsea. Ilang beses na rin nilang napag-usapan iyon ng kinakapatid. Ito lang kasi ang nakakaintindi sa kanya at ang kanyang asawa. "Pero hindi rason iyon para ipagkalat pa natin sa lahat 'yung ginawa niya. Na parang nanghihingi tayo ng awa sa iba..." Ikiniling nito ang ulo. "Bakit nga ba? Ano nga ba 'yung sabi mo?"

            "Love bears all things," pagpapaalala niya rito. Napahugot siya ng hininga nang may sumakit na naman sa kanya. Umayos na siya ng paghiga.

            Tumango ito.

            Hinawakan niya ang braso nito kahit nahihirapan siyang iangat ang mga kamay. Parang namamanhid ang buo niyang katawan. "Kaya kayo ni Jao," tukoy niya sa kasintahan nito. "Huwag kayong mag-aaway publicly. Huwag niyong ipakita sa mga tao na nagkakasakitan kayo. Protect one another. D-Don't expose each others' faults."

            Ngumiti ito. "Tatandaan ko 'yan, Ate. Maraming salamat."

            Ibinaba niya ang kamay. "S-Sabihin mo kay Alfred, bisitahin niya na 'ko. I really miss him s-so much," mahinang sabi niya.

            "Ate, ayos ka lang ba?"

            "May dalawang sulat sa... sa ilalim ng unan," aniya na hindi pinapansin ang tanong nito. Mas tumitindi ang sakit sa dibdib niya. She felt like something is crushing inside her. Tiniis niya ang sakit. Pawisan na siya ngunit hindi pinahalata kay Chelsea ang nararamdaman.

            "Para kanino 'to, Ate?" tanong nito habang tinitingnan ang mga sulat na nakuha nito.

            "I-Ibigay mo kay A-Alfred at k-kay..." Huminga siya ng malalim. "K-Kay... Eunice..."

            Tumango ito.

            Pinikit niya ang mga mata. "Mag.. magpapahinga muna ako, C-Chelsea..."

            "Sige, Ate."

            "I-Ihalik mo 'ko sa anak ko. S-Sabihin mo, mahal na mahal ko siya, ha?"

            "Ate Rachelle? Sandali, may nararamdaman ka ba? Tatawagin ko ba ang doktor?" natatarantang wika ni Chelsea.

            Napalunok siya. "I-I'm fine. Matutulog lang ako."

            Pumasok sa isipan niya si Renz...

            Si Alfred...

            Si Terrence at si Eunice.

            And Rachelle fell asleep...

            ...forever.

❤❤❤

DAHIL SA nalaman na kondisyon ni Rachelle, hindi magawang maging masaya ni Eunice. Hindi na natuloy ang huling araw na pamamasyal nila ng asawa sa Monte Amor. Inaya na lang agad ni Eunice si Terrence na bumalik na sila sa siyudad ng Cebu upang maumpisahan na nilang hanapin si Rachelle.

            Honestly, Eunice's heart sank when she heard that Rachelle is dying from breast cancer. Hindi niya kahit minsan naisip na ganoon pang balita ang malalaman niya tungkol sa dating karibal.

            "Eunice..."

            Tinapos ni Eunice ang pagliligpit ng mga gamit niya bago nilingon ang asawa. "I feel bad," malungkot na sabi niya.

            He sighed. "Me, too. H-Hindi ko inaasahan na iyon pa ang malalaman ko. I mean..." Napaupo ito sa higaan at napabuga ng hangin. "I-I just never expected it."

            Sinara niya ang kanyang maleta at saka tumabi rito. Mas malalim ang pinagsamahan nito at ni Rachelle, at kahit pa siya na ang mahal ni Terrence, naiintindihan ni Eunice na mananatiling espesyal si Rachelle para kay Terrence dahil ito ang ina ng unang anak nito.

            Hinawakan nito ang kamay niya. "Kahapon ko lang din nalaman pero inasikaso muna kita dahil nga nahalata kong may problema sa'tin."

            "But now we're okay," nakangiting sabi niya at saka malambing na yumakap dito. "We're real life partners na talaga. Let's find them together from now on, okay?"

            "We will. We'll find them together," he promised.

            Pagkatapos nilang mag-ayos ng mga gamit ay nagsimula na silang magpaalam sa mga kamag-anak nito.

            "Babalik ka rito, hija, 'di ba?" sabi ni Mama Theresa.

            Tumango siya. Sigurado na siya na magmula ngayon, she can visit Monte Amor with Terrence and their future family anytime.

            "Matapos lang po lahat ng unfinished business, babalik po ako rito, Mama." Niyakap niya nang mahigpit ang biyenan. She missed her mommy because of the way her mother-in-law took care of her and looked at her like her own daughter. Kung buhay lang siguro ang mommy niya ay magkakasundo ang mga ito.

            "Pagbalik niyo dapat may baby na, ha?" tukso pa ni Papa Enzo.

            Napangiti si Eunice at saka niyakap nang mahigpit ang biyenang lalaki. "We'll try, Papa," biro niya pa.

            "Eunice!" tawag ni Andrew. "Huwag mo sana kaming makakalimutan."

            "Our goddess cousin-in-law!" untag pa ni Peter. "Pagbalik mo, magsama ka pa ng maraming diyosa, please?"

            "Paspas'a sa time, oy. Parang kahapon lang nang makarating kayo rito tapos ngayon aalis na kayo?" umiiling-iling na sabi pa ni Demie. "Balik kayo rito, ah!"

            Isa-isa niyang niyakap ang anim na pinsang lalaki ni Terrence at saka bumeso naman sa mga babae at bata nitong mga kamag-anak.

            She experienced how to have a very big and fun family because of them. And she knew that she'll forever be a part of this wonderful family clan.

            "Sigurado ka, pinsan? Hindi mo na ipapa-check kotse mo?" tanong ni Matthew kay Terrence.

            "Okay na, Matthew. Wala naman sigurong problema ang kotse."

            "Sabagay. I'll just call you kapag may nakuha na ulit akong bagong impormasyon. I'll make sure to pass it to you kapag nasa Cebu City na kayo."

            "I'll count on that," tumatangong sabi ni Terrence at saka nagpasalamat sa pinsan. "We really need to find Rachelle as soon as possible."

            Nakakaintinding tumango si Matt. "Mag-iingat kayo."

            "Eunice, let's go?" tawag sa kanya ng asawa.

            Kumaway si Eunice sa mga taong nakasama niya sa apat na araw na pananatili niya sa Monte Amor. Hindi pa man siya nakakaalis ay sabik na muli siyang bumalik.

            Pagkasakay niya ng kotse ay agad iyong pinaandar ni Terrence. They were hitting the road for one hour straight already when she noticed Terrence. Parang uneasy ito sa pagmamaneho.

            "Terrence?"

            "Y-Yes?"

            "You looked uneasy. May problema ba?" nag-aalalang tanong niya. "Iniisip mo ba si Rachelle at ang baby mo?"

            Umiling ito at pinilit na ngumiti. Tutok ang mga mata nito sa kalsada at mahigpit ang hawak sa manibela. Pababa na sila ng bundok. Walang ibang sasakyan na paakyat o kasabay nilang pababa kaya naman solo nila ang kalsada. Terrence was driving smoothly.

            Eunice pouted her lips. "You looked like you have a problem talaga."

            He chuckled. Pero pati ang tawa nito ay halatang ninenerbiyos. "Naalala ko lang..."

            "Ang alin?"

            "Naalala ko lang noon. The times that I always ignored you. I hurt you so much back then," anito. Bumilis nang kaunti ang andar nila.

            "I deserved that I think. Ang alam ko lang kasi noon ay sa'kin umiikot ang mundo. Then, when I saw you, I wanted you so bad that I thought that it's just you and me in this world," she admitted. "I need to learn things the hard way because I forgot that 'love' isn't just about romance. I forgot that there are people around us... People that loves me but I failed to see."

            Inabot ni Terrence ang isa niyang kamay at masuyong hinalikan ang likod niyon.

            "But you know, naisip ko na maganda na rin siguro na ngayon ko natutunan ang mga kailangan kong malaman. I met amazing people that brought me some answers about what love is," natutuwang wika niya. She's closer to her daddy Johnny now. Her friendship with her close high school friends got better. Tapos na rin ang issue sa pagitan nila ng kuya Eugene niya.

            And now, Terrence loves her.

            One last and that's Rachelle. Eunice will strive hard to find her before it's too late. Gusto niyang makahingi ng tawad ng personal kay Rachelle. Wala na siyang pride na dapat pang isipin dahil ngayon ay lagi niya nang sinusubukan na paibabawan ang pag-ibig sa puso. Gusto niyang magmahal na katulad ng mga taong malalapit sa kanya.

            Their love were forgiving, unconditional, and true.

            "Eunice," Terrence muttered.

            "Yes?"

            "I'll tell you something corny but don't laugh," saway agad nito. Their speed became faster.

            She laughed.

            "Wala pa nga, eh."

            Tumawa ulit siya. "Okay, okay. Nothing's corny kapag ikaw ang nagsasabi," sabi naman niya rito.

            "Alright." Tumikhim ito. "Kung may susunod na buhay man, hahanapin kita roon, Eunice. At kapag nahanap kita... hindi na kita sasaktan," madamdaming wika nito. "I'll love you, only you, and we'll together experience love at its best."

            Eunice bit her lower lip. Hindi siya natatawa. Parang gusto niyang maiyak. "B-Bakit mo naman sinasabi 'yan ngayon?"

            Sumulyap ito sa kanya. "I love you so much, Eunice."

            She sweetly smiled. "I love you more, Terrence." Nangilid ang luha sa mga mata niya. Something's really wrong. Biglang nanikip ang dibdib niya. "But w-what's the p-problem?"

            Mabilis ang pagkabog ng puso ni Eunice. Hindi niya alam ngunit sinimulan na rin siyang kabahan. Lalo na nang bumilis na naman ang pagmamaneho ni Terrence.

            "Terrence, please slow down."

            "Do you know h-how to pray, Eunice?" his voice broked.

            Napalunok siya. "You taught me how."

            Tumango ito. Napatili siya nang mas bumilis pa lalo ang takbo ng kotse.

            "Terrence! Slow down!"

            "Close your eyes, baby," he ordered. "Close your eyes. Pray, Eunice."

            Nanginginig na humawak siya sa kamay nito na nasa manibela. "W-What's happening, Terrence?" natataranta nang wika niya. "What's happening?!"

            May pilit itong tinatapakan sa paanan nito nang paulit-ulit. "Do y-you trust me, Eunice?"

            "T-Terrence..." she started crying. They have no brakes!

            "Do you trust me?!" sigaw na ni Terrence.

            "Yes, yes, I do..." Anong gagawin nito?

            "Then, c-close your eyes... Baby, please..." pakiusap na nito.

            Lalo pang bumilis ang takbo ng kotse at tuluy-tuloy lang ang pagbaba nila sa kalsada.

            Napakapit si Eunice nang mahigpit sa seat holder at saka mariing pumikit.

            God, please save us. Please... please... God, please.

            Paulit-ulit niyang sabi sa isip. Kasing bilis na ng kotse ang pagtibok ng puso niya. Bigla niyang naalala kung paano niyang nakita sa news ang crashed car na sinakyan ng mommy at daddy niya.

            "K-Kailangan ko ng p-pader o puno na p-puwede nating pagbanggaan! Damn it!" nanginig na sabi ni Terrence.

            "Terrence!" she screamed as she felt the car swayed. She hysterically cried. Gusto niyang buksan ang mga mata ngunit hindi niya kaya.  She wanted to reach her husband pero sinisigawan siya nitong kumapit nang mahigpit sa upuan niya. "We can't die!"

            "I'll protect you, Eunice! You can't die! H-Hold on, baby... You'll be safe. Trust Him all the more!"

            Tinakpan niya ang magkabilang tainga nang makarinig ng malalakas na busina.

            She felt a huge impact pushed her forward.

            Nawala ang ingay sa buong paligid.

            Naramdaman niya ang pagtama ng ulo niya sa malambot na bagay at ang pagtusok ng mga matutulis na bagay sa kanyang balat. She wanted to scream in pain but she can't even breathe.

            "E-Eunice..." she heard Terrence hardly whispered.

            She can still hear her heartbeat.

            But darkness took over.

❤❤❤

SA NANLALABONG paningin ay bumalik ang liwanag para kay Eunice. Ngunit agad din siyang napapikit dahil sa dami ng ilaw na nakikita niya. Hindi niya magalaw ang buong katawan. May kung ano ring nakalagay sa tapat ng ilong at bibig.

            Bakit ang ingay ng buong paligid?

            "Boss, ang driver's seat ang pinakanapuruhan, eh," narinig niya.

            "Mao jud. Parang sinadya na mas iyon ang ibangga sa puno. Tsk tsk."

            Napaungol siya. Nasaan si Terrence? Bakit ang daming nag-uusap? Bakit may mga sirena ng ambulansiya?

            "Eh, nailabas na ba ang naipit na katawan?"

            "Malapit na."

            "Humihinga pa ba?"

            "Imposible. Nabagsakan ba naman ng puno ang mismong side niya. Masuwerte ang babaeng ito, walang nangyari sa kina-uupuan niya. Napuruhan lang siya sa mga nabasag na salamin."

            Nanghihinang umungol si Eunice. Naramdaman niyang may agad na lumapit sa kanya at inasikaso siya.

            Naalala niya na ang lahat. Nawalan sila ng brakes ni Terrence kanina. Pagkatapos ay hindi niya na alam...

            Si Terrence? Si Terrence ba ang pinag-uusapan ng mga ito?

            "Nailabas na! Nailabas na!"

            "Buhay pa ba?"

            Nagkaroon ng komusyon nang muling magmulat si Eunice ngunit masyadong mahapdi ang mga mata niya.

            Oh, God, what happened? Please... please save Terrence.

            "Hindi na tumitibok ang puso. Dead on the spot, boss."

            Nangilabot ang buong katawan ni Eunice. Suddenly, the world stopped.

            No.

            No.

            Terrence...

            Naalala niya ang sinabi nito kanina...

            "Kung may susunod na buhay man, hahanapin kita doon, Eunice. At kapag nahanap kita... hindi na kita sasaktan...I'll love you, only you, and we'll together experience love at its best."

            Eunice's heart cried in pain.


***

Let's get connected!

Official FB Pages: FGirlWriter and C.D. De Guzman

~~~

Join our family!

FB Group: CDisciples

Twitter: CDisciplesHome

Continue Reading

You'll Also Like

7.3K 227 5
It all started with that site where you get to talk with strangers.
7.8M 64.6K 8
Love. Foolishness. And the foolish.
2.7M 75K 82
"If tomorrow comes and I forget about this, and I forget about you, will you still love me?" Yesterday. Love. Nothing else matters to Lee Gabriel tha...
10.1M 162K 41
PART 2 OF Practicing My First Real Kiss. May first kiss na ba kayo? AKO? HINDI KO ALAM! Pero, considered bang first kiss kahit 'NAKALIMUTAN' mo na? ...