Back in 1763

By midoriroGreen

136K 4.8K 924

Sa pagsapit ng ikalabing walong kaarawan ni ACILEGNA STAR VILLANUEVA ay napagpasiyahan niyang magbakasyon mun... More

x
Bakasyon
Rafael A.P
Panaginip
Ang pagkikita
Yaya?
Polavieja-mansion
Dating Kasintahan
Hawak kamay
Ngiti
Bipolar
Painting
Dare to kiss him
His other side!
Fuck You
Nagsisimula na
Still Radleigh
kapahamakan
Don Gustavo El Domingo
Ang Pagtakas
Ang Habulan Sa Gubat (1)
Ang Habulan sa Gubat (2)
Nagseselos
Isla
X
Isang Pangako
Buwan
Pagbabalik sa Kasalukuyan
Back in 1763
Pag-amin
Singsing
Kakampi
Pagsisisi
Plaza Ortiz
Parusa
Bangka
Adios Mi Amor
Art Exhibition

Radleigh Polavieja

3.5K 148 42
By midoriroGreen

Tumawa ako ng malakas sa sinabi ni Rafael .

" Hahahaha! Nagpapatawa ka ba Senyor?" Grabe sabihan daw ba ako na hindi Rafael ang pangalan niya.

Ano siya nagpalit ng katauhan in just a split of a second?

Pero napatigil ako sa pagtawa dahil bigla siyang lumapit sa akin.

" A- anong ginagawa mo Senyor Rafael!" Napasigaw ako sa gulat ng bigla niya akong pangkuin at ihagis sa kama.

" Waahh! Are you crazy?" Napakunot noo siya at halatang hindi naintindihan ang sinabi ko.

Pero mamaya ay bigla siyang ngumisi.

Napalunok ako kasi ang hot niya grabe.

Pero bakit siya naghuhubad?

" Hindi ko naiintindihan ang sinasabi mo magandang binibini pero inuulit ko, hindi ako si Rafael. At sino ba iyang Rafael na iyan? Lagi ko na lang naririnig ang pangalan niya ah." Madiin niyang sinabi.

Tapos unti- unti niyang inaalis ang butones ng kaniyang pang-itaas na kasuotan.

What?

" Oo na! Hindi na Rafael ang pangalan mo !" Kunware ay pagsang-ayon ko pero duhh, malinaw na siya si Rafael Amadeo Polavieja! Hindi ko lang alam kung bakit niya ipinagpipilitan na hindi siya si Rafael.

Sumang-ayon lang ako sa sinabi niya para tumigil na siya sa paghuhubad.
My goodness! Alam kong makalaglag-underwear ang kakisigan niya pero ayaw ko namang makuha agad agad ang puri ko no.

" P-pero bakit ka naglalive show este bakit ka naghuhubad sa harap ko?" Napatakip ako ng dalawang mata ng makita ko ang abs niyang walo.

Syete lang oh.

Napasmirk ulit siya .

" Hindi ba isa ka sa mga babaeng naghahabol sa akin? Kaya ka basta-basta na lang pumasok dito sa aking silid? Gusto mo akong matikman pwes hindi ako madamot. Iyong-iyo ako ngayon ."
Napalunok pa siya habang pinapasadahan ako ng malanding tingin.

Naku po, anong gagawin ko? Bakit naman kasi biglang naging malandi itong si Rafael? Nabagok ba siya at nabaliw?

Huwag naman sana, pakakasalan ko pa siya eh.

Asa ka pa babae.

Bulong  ng left brain ko.

Pero parang excited naman ata itong lalaking ito sa honeymoon.

Hindi pwede, bawal isuko ang bataan kapag walang kasalang magaganap no.

" Hoy! Ang kapal mo naman, hindi porket gusto kita ay g-gusto na kitang m-matikman!" Napangiwi ako sa words na lumalabas sa akin.

Napatakip din ako ng bibig ng mapagtanto kong umamin ako na gusto ko siya!

Patay!

He's smile widened.

And because of that smile, nahulog akong muli sa kaniya.

" Aha! Ngayon ay inamin mo na talagang gusto mo ako. Mga babae talaga oh, wala man lang natitirang pagkamahinhin sa katawan."
He said that with the tone of bitterness and insult.

" A- anong sinabi mo?" Parang nainsulto ako sa sinabi niya.

Kung kanina ay sigurado akong si Rafael ito, ngayon ay parang hindi na.
Pero iyong mukha, boses, katawan na yummy, amoy na lalaking-lalaki, matang mapupungay ay si Rafael talaga.

Iyong ugali at emosyon sa mga mata niya lang ang naiba.

Maniniwala na ba ako na ibang tao ang kaharap ko ngayon?

Kahit pa malakas pa rin ang tibok ng puso ko kapag tinitignan ko siya na kay Rafael ko lang naman nararamdaman?

Pero baka naman sinapian ng masama at malanding espirito itong si Rafael??

Pero imposible!

" Ang sabi ko pare-pareho kayong mga babae." Pagkatapos niyang sabihin iyon ay tinalikuran niya ako at nagpunta siya sa banyo.

Pero bago siya pumasok ay nilingon muna niya ako.

"Lumabas ka na sa kwarto ko, at kung pwede ayaw na rin kitang makita sa mansiyon ko. Kung sino ka mang babae ka ay nawalan na ako ng gana sa iyo" Napanganga ako sa sinabi niya.

Nag-iinit ang ulo at napabangon ako sa kama.

How dare him?

Wala siyang karapatang insultuhin ako ng ganito.

Kahit pa nababaliw na siya!

Wala siyang karapatan!!!!!!

" Hyaaaa!!!! Wala Kang karapatang insultuhin ako!"
Bago ko mapigilan ang sarili ko ay tinalon ko na siya at sinipa ng malakas ang kaniyang ulo.

" Anong ginaga-----"  Hindi niya natapos ang sasabihin dahil bumagsak na siya sa lapag.

Ang lakas kasi ng sipa ko whew.

Parang bigla akong nakunsensiya ng makita kong napangiwi siya. Nadaganan niya kasi ang sugatan niyang kamao.

" Patawad S-Senyor , hindi ko sinasadya.."  Nagsisisi kong sabi at mabilis siyang dinaluhan pero bago ko magawa iyon ay nakarinig na ako ng mga singhapan.

Paglingon ko sa pinto ay nandoon sina Aling Sintang, Meldina, Minerva at si Polaris!

" Kuya anong nagyari?" Nag-aalalang tanong ng lalaki na nakababatang kapatid ni Rafael.

Walang iba kung hindi si Polaris Polavieja.

Agad niyang dinaluhan si Rafael na ngayon ay masama ang tingin sa akin.

Itatayo na sana ni Polaris ang binata pero tinignan din nito ang nakababatang kapatid ng malamig na tingin.

Okay what was that?

" Kaya ko na ang sarili ko." Malamig nitong sabi sa kapatid saka dahan-dahang tumayo.

Hindi nakaligtas saamin ang pagngiwi niya dahil sa kirot ng kamay siguro.

" Gagamutin ko ang sugat mo kuya Raf--"  Natigil ang pagsasalita ni Polaris ng lingunin ito ni Rafael na ngayon ay nakatayo na malapit sa bintana.

" Hindi ako si Rafael. Nahihibang ka na ba Polaris? Ako ito ang kuya Radleigh mo! " Madiin niyang sabi at mukhang naintindihan naman agad ng kausap niya.

Ako lang ata ang naguguluhan na naman.

Tinignan ko sina Aling Sintang na nanlalaki ang mata at si Meldina na ganoon din. Parang may alam sila na hindi ko alam.

Napalingon ako kay Minerva  na parang nagulat din pero ng magkatinginan sila ni Polaris ay parang nagkaintindihan din sila.

What the fuck! Ako lang ata ang naguguluhan sa nangyayari.

Naluluha rin silang lahat. Lalo na si Polaris! Anong ganap?

" Aling Sintang, maaari bang ikaw na ang gumamot sa sugat ko." Tinignan ni Rafael or kung sino man siya ang matandang mayordoma.

" O-opo Senyor R- Radleigh." Magalang niyang sabi at nagulat ako sa binanggit niyang pangalan.

Radleigh? Who the fuck is that creature?

" Binibini, linisin mo na rin itong buong kwarto ko. " Utos nito sa dalagita na gulat pa ring nakatitig sa nangyayari.

" Lahat ng hindi ko tinawag ay lumayas na sa kwarto ko ngayon din!" Madiin niyang sabi.

Parang gustong magprotesta ni Polaris pero umalis din naman ito kasama si Minerva na mukhang ayaw ding umalis.

Samantalang ako ay parang natuod at hindi makagalaw.

Rafael? Radleigh? Sino ba talaga kayo?

Napatalon ako ng may bumulong sa aking tainga.

" Hmm , binibini ang sabi ko ay makakaalis ka na." Nakangiti niyang sabi sa akin pero may pagbabanta sa boses niya.

" O baka gusto mo talagang ituloy ang hindi natin natapos kanina?" May mapaglarong ngisi sa kaniyang mga labi.

Namula naman ulit ako pero ng maalala ko na hindi ko pala kilala ang taong nasa harapan ko ay napaatras ako.

Nagseryoso naman siya sa naging reaksiyon ko.

" S-sino ka ba talaga?" Tanong ko sa kaniya na tinawanan niya lang. As in sarkastikong tawa .

"Hindi ba dapat ay ako ang nagtanong sa iyo ng ganyan?" Sarkastiko niyang sagot.

Tinignan ko siya ng matalim.
Ganoon din siya sa akin.

Kung nakakamatay lang ang tingin ay siguradong nakabulagta na kami ngayon.

Natigil lang kami ng tumikhim si Aling Sintang.

" Ah Senyor, lilinisan ko na po ang sugat ninyo para hindi magkaroon ng iba pang epekto." Magalang nitong saad. Tumango naman si Radleigh daw at umupo na sa upuang kahoy na nasa tabi ko.

Ngumiti pa ito sa akin ng nakakaasar.

Tinignan naman ako ni Aling Sintang
at mahina niyang sinabi na
" Lumabas ka na muna binibining Acilegna."

Tumango naman ako kahit naguguluhan pa sa nangyayari.

Ah mamaya na lang ako magtatanong kay Meldina.

Pero bago pa ako makahakbang palayo ay may humawak sa kamay ko.

Nilingon ko ang lapastangan at walang iba kundi si Rafael or Radleigh.

Seryoso siyang nakatingin sa akin.

Dug dug dug dug dug dug dug.

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko
pero hindi ko ipinahalata.

" Aling Sintang , sino ba itong babaeng ito? " Tanong niya sa mayordoma.

Ouchy! Bakit nasasaktan ako?

Alam ko sa puso ko na siya si Rafael at kailangan kong malaman kung anong nangyayari sa kaniya.

Bakit siya tinawag na Radleigh ni Aling Sintang?

Ano iyong tinginan nina Polaris at Minerva?

May amnesia ba siya?
Pero hindi naman nabagok ang ulo niya ah?

" Siya po ang tagapag-alaga ng pamangkin niyong si  Senyorito Alfonso , Senyor." Magalang na sagot ni Aling Sintang na nagpabalik sa akin sa realidad.

Ahhh! Ang daming tanong sa utak ko.
Pero kailangan kong maghinay-hinay para masagot ang lahat ng ito.

At alam kong may isang taong makakasagot sa mga katanungan kong iyon.

Walang iba kundi si Polaris , ang nakababatang kapatid ni Rafael na nag-aaral ng medisina.

Tinignan ko si Rafael at nagulat ako ng makitang nakatitig siya sa akin .
Wala na namang emosyon sa kaniyang mga mata.
Parang gusto niyang basahin ang iniisip ko, pero sorry na lang siya mahirap akong basahin.

Or that's what I thought?

" Kung may binabalak kang babae ka ay huwag mo ng ituloy." Malamig niyang sabi bago marahas na binitawan ang kamay kong hawak niya.

Napasinghap naman ako ganoon din sina Meldina at Aling Sintang.

Napahawak ako sa kamay ko at nakita kong namumula ito.

Tumalikod ako dahil alam kong naiiyak na ako.
Why so harsh Rafael? Or should I say Radleigh?

" Aling Sintang, Meldina,  lalabas na po ako." Pagpapaalam ko kina Aling Sintang  habang nakatalikod pa rin.

Alam kong kabastusan na nagpapaalam ako tapos nakatalikod naman, pero ayaw kong makita nilang nasasaktan ako at naluluha.

" O sige anak, magpahinga ka na muna." Nag-aalalang sagot naman ni Aling Sintang.

Narinig kong may biglang padabog na umupo .
Sino pa nga ba?  Siguradong si Rafael slash Radleigh.

"S-Senyor R-Raf---"
Magpapaalam na rin sana ako sa kaniya pero napatigil ako dahil bigla siyang nagsalita.

" RADLEIGH binibini, Radleigh Polavieja ang pangalan ko. " Madiin niyang sabi na para bang ipinapaintindi talaga sa akin na hindi siya si Rafael.

" Aalis na po ako." Pagpapaalam ko na lang at hindi na muling binanggit pa ang pangalan niya. Ayaw ko siyang tawaging Radleigh dahil para sa akin ay siya si Rafael Amadeo Polavieja!

Mabilis akong naglakad palayo at binuksan ang pinto .

Saka lang ako nakahinga ng maluwag ng makalabas ako pero kasabay nun ay dumaloy ang masaganang luha sa aking pisngi.

Napahawak ako sa aking dibdib.

Bakit ang sakit?

Parang pinipiga ang puso ko.

Hinang- hina akong naglakad papasok sa kwarto ko saka humiga sa kama.

" Diyos ko, kayo na pong bahala sa akin." Mahina kong dasal saka dahan- dahang pumikit.

Gusto ko ng makita sina mama at papa, gusto ko ng bumalik sa dati kong buhay , gusto ko ng bumalik sa panahon ko.

Pero may parte din ng puso kong ayaw umalis dito sa 1763. Gusto kong tapusin ang misyon ko at matulungan si Rafael . 

Ang sabi ni Enigma, iyong anghel na nagdala sa akin dito, ay kailangan ko daw baguhin ang pananaw sa buhay at pag-ibig ni Rafael. Pero bakit may nangyayaring ganito?

Bakit may Radleigh Polavieja na naman? Hindi kaya may ......

Oh no. Sana ay nagkakamali ako ng naiisip.

Mabilis akong nagmulat ng mga mata saka tumayo sa aking kama.

Muntikan pa akong mahilo dahil nabigla ang katawan ko pero binalewala  ko na lang.

Kailangan ko ng makausap si Polaris.
May gusto akong itanong sa kaniya.

Nagmamadali akong lumabas sa aking silid para  hanapin ang kwarto nina Minerva at Polaris.

Pero naalala ko na hindi pa pala kasal ang dalawang iyon kaya naman  Minerva Alcaraz pa ang pangalan ni Minerva.  Kaya pala medyo bitter ang babaeng iyon ng banggitin niya ang apilyedong Polavieja noong una kaming nagkita-kita . Nabanggit kasi sa akin minsan ni Aling Sintang na kailangan daw munang makapagtapos ni Polaris ng medisina bago sila magpakasal.

Pero ano bang malay ko, baka kahit hindi pa sila mag-asawa ay iisa lang ang kwarto nila?

Nilibot ko ang buong second floor ng mansiyon na napakalawak.

Ang daming kwarto pero lahat ay nakasara. Susuko na sana ako sa paghahanap ng silid nina Polaris or ni Minerva pero may nakita akong kwarto sa pinakadulo na medyo nakabukas.

Nakakunot-noo ko itong nilapitan.

" Polaris, ano ba talaga ang nangyayari?!" Medyo pasigaw na boses ni Minerva ang narinig ko.

Napatakip ako ng bibig sa narinig ko.
Nakasandal ako ngayon sa pader malapit sa pinto .

Si Rafael kaya ang pinag-uusapan nila?

" Hinaan mo nga yang boses mo at baka may makarinig sa iyo." Tila nagtitimpi namang sagot ni Polaris sa babae.

" Ano pa bang dapat isekreto eh alam na naman nina Sintang at ng anak niya ang kalagayan ni Ginoong Rafael." Humina ang boses ni Minerva at parang pumiyok pa ito. Naiiyak ba siya?

" Oo nga at alam nila,  pero hindi lahat ng kasambahay dito ay alam ang sakit ni kuya lalo na ang mga baguhan. Hindi nila alam na may dalawang katauhan si Kuya Rad-Rafael. At ayaw kong isipin nila na nababaliw ang kapatid ko." Nahihirapan ding sagot ni Polaris. 

Alam kong isa ako sa mga baguhan na sinasabi niya. At nakokonsensiya ako dahil noong una ay naisip ko rin na nababaliw na nga si Rafael.

Pero ngayon ay parang gusto kong puntahan si Rafael at manatili sa tabi niya. Tama nga hinala ko.

May dalawang katauhan si Rafael.
Split personality kung tawagin sa modern world.

" Masyado ng nahirapan si kuya ng may nangyari sa atin kaya ayaw ko ng dagdagan pa ang kasalanan ko sa kaniya. Babawi ako at sisiguraduhin ko na makakahanap ako ng lunas sa sakit niya." Determinadong sabi ni Polaris.

Hindi rin naman pala masama ang kapatid ni Rafael na ito. Siguro ay may rason siya kung bakit niya pinatulan si Minerva.

" Hmmp. Anong ipanlulunas mo sa sakit sa utak ha? Wala ! Kaya nga ako nawalan ng gana sa kaniya ay dahil baliw siya. Hindi na siya gagaling pa."
Sagot naman ni Minerva na nagpakulo ng dugo ko.

Lumalabas na talaga ang ugali ng babaeng ito. Sarap upakan at pagsasampalin.

Napakuyom na lang ako ng kamao.

Narinig ko pang nagsalita ng Spanish si Polaris at parang minumura niya si Minerva pero umalis na ako doon.

Ayaw ko ng marinig pa ang pan-iinsulto ng babaeng iyon kay Rafael.

Oo , sakit sa utak ang split personality pero hindi ibig sabihin nun na baliw na si Rafael. Sigurado akong may isang bagay na nakapag-trigger kung bakit siya nagkaroon ng ganoon.

Ngayon na alam ko na ang nagyayari kay Rafael ay tutulungan ko siya sa abot ng aking makakaya.

Ngayon ay kailangan ko munang tanungin si Aling Sintang sa mga nalalaman niya sa dalawang katauhan ni Rafael.

Napabuntong hininga ako saka determinadong lumabas ng mansiyon.  Pupunta ako sa bahay nina Aling Sintang at doon sila hihintayin.

AN
Salamat sa paghihintay. Just comment your thoughts 😂😂
Malapit na po ang exam kaya busy po ang author niyo😍😍, baka medyo matagal ang next update.
 

Continue Reading

You'll Also Like

4.7M 190K 31
"Wattys 2021 Winner in Historical Fiction Category" Sa loob ng labinlimang taon, ang makasal sa kababata niyang si Enrique Alfonso ang tanging pinapa...