They Meet Again (COMPLETED)

By nrizyap

611K 6.9K 1.2K

"I badly need to find him. I really want to see him again" - Kate Blanco. "I freakin' despise her. I never... More

ABOUT THE STORY
CHAPTER 1
CHAPTER 2 (part 1)
CHAPTER 2 (part 2)
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8 (part 1)
CHAPTER 8 (part 2)
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17 (part 1)
CHAPTER 17 (part 2)
CHAPTER 18 (part 1)
CHAPTER 18 (part 2)
CHAPTER 19 (part 1)
CHAPTER 19 (part 2)
CHAPTER 20 (part 1)
CHAPTER 20 (part 2)
CHAPTER 21
CHAPTER 22 (part 1)
CHAPTER 22 (part 2)
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30 (part 1)
CHAPTER 30 (part 2)
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39 (part 1)
CHAPTER 39 (part 2)
CHAPTER 40
EPILOGUE
HEADS UP!
SPECIAL CHAPTER 1
SPECIAL CHAPTER 2
HOW IT ALL STARTED
Teasers

CHAPTER 9

11.9K 135 28
By nrizyap

A/N: Comments please? :)

#TMAWattpad




Kate


Hindi ko na nga talaga napigilan ang mga pangyayari. Napasama na sa barkada namin si Dylan. Ewan ba. Noong dumating ang ibang mga kaibigan ko sa garden noong araw na iyon, medyo nag-alangan din sila dahil nga sa ginawa niya sa akin. Pero pagkatapos nila siyang pagsabihan ng kung anu-ano, tinanggap din nila siya.


Ang nakakatuwa, pinagawang exclusive ni Dylan ang garden para sa barkada at pumayag naman si Tita Carlene. Ibig sabihin, wala nang ibang puwedeng pumasok doon bukod sa aming magkakaibigan puwera na lang kung may permiso namin o kung may bisita kami.


Madalas, buwisit pa rin siya sa buhay ko. Hindi pa rin naman natigil ang pag-aasaran naming dalawa pero parang naging normal na rin naman sa amin iyon. Inaasar nga kami lagi ng barkada pero hindi na lang namin pinapansin.


Unti-unti na rin siyang nakakapag-adjust sa buhay-may-kaibigan. Sa totoo lang, nabawasan nga ang kasungitan niya nang napasama siya sa amin eh. Lagi kasing masaya at nagtatawanan ang barkada kapag magkakasama.


Ang hindi lang talaga maiwasan, ang ibang mga estudyante sa Peregrine University na nagkaroon ng grudge sa amin dahil kaibigan na namin si Dylan. Hindi ko rin alam kung bakit hindi nila matanggap na kami ang naging barkada niya.


Baka nga siguro naiinggit lang ang karamihan sa kanila dahil marami rin talagang gustong makipagkaibigan sa kanya at maging ka-close niya. Wala na rin naman kaming pakialam sa mga naiinggit. Wala rin naman kaming mapapala kung papatulan namin sila eh.


Tuwang-tuwa naman si Derick simula noong hinahayaan na siya ni Dylan na i-drive ang Mustang GT niya. Pangarap nga kasi talaga niyang kotse iyon.


Si Kerry at Nico naman, dahil Business Administration ang course nila, hindi nila puwedeng iwasan ang Mathematics sa buhay nila. Masuwerte sila dahil may bago na silang tutor sa Mathematics. Sino? Walang iba kundi si Dylan. Sobrang galing din pala ng gago sa Mathematics. Akala nga namin pasaway lang talaga siya sa university. May itinatago rin palang talino.


Nandito ulit kami sa garden ngayon. Katatapos lang kasi ng lahat ng mga subjects ng bawat isa sa amin at halata ngayon sa mga kaibigan kong sabaw na sabaw na sila sa kanya-kanya nilang pinag-aaralan.


Si Yannie, nakapatong ang ulo sa braso niya sa table at kanina pa nagrereklamo na ang hirap daw pala ng course niya. Si Eloy, nakatulog na sa bench. Si Nico at Derick, naglalaro lang ng kung ano sa laptop nila. Si Kerry at Lia naman, nagkukuwentuhan lang. Si Dylan, nakasuot ng headphones habang may kung anong ginagawa sa iPhone niya. Ako, gutom.


"Guys, wala bang nagugutom sa inyo?" pagtatanong ko sa kanila. "Kagagaling lang namin sa cafeteria kaninang wala ka pa, Kate" sagot naman ni Lia sa akin. "Lahat kayo?" tanong ko ulit sa kanila.


"Kararating lang din naman ni Dylan kaya hindi namin siya kasama kanina. Siya na lang ang isama mo sa cafeteria para may kasama ka, Bebe Kate" sabi naman ni Nico habang nakatingin pa rin sa laptop niya. Tinawag ko si Dylan pero hindi siya sumasagot. Dahil na rin siguro sa music sa headphones niya.


Nilapitan ko naman siya at kinalabit kaya tinanggal niya ang headphones niya. "Bakit? May sinasabi ka ba?" pagtatanong niya habang nakatingin sa akin. "Kanina pa po kita tinatawag, sir. Tara, samahan mo ako sa cafeteria. Nagugutom ako" sabi ko naman sa kanya.


"Sus! Kaya lumalaki 'yang love handles mo eh" bigla naman siyang tumawa at napansin kong bigla ring nabuhayan at nagtawanan ang mga kaibigan namin. "Ano guys? F.O na ba?" bigla naman silang nagsitigil. "Joke lang naman, Kate! Chill!" sabi naman si Eloy habang medyo natatawa pa rin.


"Ano? Pupunta pa ba tayo sa cafeteria?" tanong naman ni Dylan sa akin. "Samahan mo nga ako eh, diba?" irita kong sagot sa kanya. Tumayo naman siya at ibinaba ang headphones niya sa bench.


"Tara na nga" bigla na lang niyang hinawakan ang kamay ko at hinila ako papunta sa cafeteria. Hindi ako kaagad nakapag-react hanggang makarating kami sa cafeteria.


"Kamay ko naman" sabi ko naman sa kanya. "Sorry, ang tagal mong maglakad eh" sabi naman niya sa akin.


Tumingin na kami ng mga puwedeng makain. Bumili ako ng cookies, chips, at mga inumin para sa barkada. "Grabe, sa'yo lahat 'yan?! Piggy ka na talaga 'no?" bigla siyang tumawa ulit. "At least teacup piggy" bawi ko naman sa kanya.


"Para sa barkada 'yan! Akala mo naman mauubos ko itong lahat. Hawakan mo na nga lang muna 'yung iba para makapagbayad ako" pag-uutos ko naman sa kanya.


Dinala naman niya lahat ng pinamili ko at kinausap ang cashier. "Kuya Jun, paki-charge na lang sa akin lahat nitong pinamili namin. Mamaya ko na lang babayaran" sabi niya sa cashier. "Okay" nakangiting sagot ni kuyang cashier sa kanya.


Iba pala talaga ang nagagawa ng mga kaibigan sa lalaking ito. Bigla na lang naging gentleman.


"Tutal wala naman yatang mga assignment 'yung iba, may lessons ka rin ba na gustong ipatulong? Mura lang 'yung tutorial service ko. 50,000 pesos" pagbibiro ni Dylan habang naglalakad kami pabalik sa garden.


"Huwag na lang. Pag-aaralan ko na lang 'yung lessons ko kaysa naman magbayad ako sa isang tutor na hindi rin naman ako matutulungan" sagot ko naman sa kanya sabay tawa.


"Joke lang naman. Grabe ka talaga sa akin." Pabiro siyang yumuko habang nakasibangot kaya naman hindi ko napigilang tumawa sa kanya. Pagkatapos ng ilang segundo, hindi rin siya nakatagal at tumawa na rin siya.


"Pero seryoso, Kate. Kung kailangan mo ng tulong sa lessons, sabihin mo lang."


"Eh paano kung hindi tungkol sa lessons ang ipapatulong ko sa'yo?" tanong ko sa kanya. Nabanggit na rin naman niya ang salitang 'tulong,' baka naman puwede rin niya akong tulungan sa isang bagay na sa tingin ko, hindi kayang gawin ng mag-isa.


"Ay. K-Kate, huwag naman. Mga bata pa tayo. Hindi ko pa iniisip ang ganyan."


Sandali akong napaisip dahil sa sinabi niya. Nang napagtanto ko ang ibig niyang sabihin, bigla na lang akong natawa at napalo ko pa ang braso niya.


"Aray naman, Kate! Para saan 'yun?!" sabi niya habang hawak ang braso niya.


"Ang dumi kasi ng utak mo! Iba naman kasi 'yung sinasabi ko."


"Ano ba kasi 'yun? Linawin mo kasi."


"May hinahanap akong tao. Baka puwede mo akong tulungan."


"Sino ba 'yan? At anong pangalan?"


"Dati kong kaibigan. Lalaki siya. Kaya lang, hindi ko alam ang pangalan niya."


Bigla siyang napatigil sa paglalakad kaya naman tumigil din ako. Pagtingin ko sa kanya, naka-pokerface na siya sa akin.


"Pambihira naman oh. Magkakaroon ka na nga lang ng kaibigan, di mo pa alam ang pangalan?! Ano ba naman 'yan, Kate!" sabi niya habang iginagalaw ang kamay niyang may hawak na mga plastic ng mga binili namin sa cafeteria.


"Sorry naman. Hindi naman kasi ako ganito katanda noong naging kaibigan ko siya eh. How was I supposed to realize that?! Ano, matutulungan mo ba ako o hindi?!" tanong ko sa kanya habang nakataas ang isa kong kilay.


Ilang segundo ko pang hinintay ang sagot niya. "Sige na nga! Titignan ko kung anong magagawa ko."


Dahil doon, ipinakita ko sa kanya ang isang malapad na ngiti at nagpasalamat na din ako sa kanya.


Pagbalik naman namin sa garden, parang nakaalerto ang mga kaibigan namin. Ano kayang meron? Pagpasok namin, binaba muna ni Dylan sa table ang lahat ng pinamili namin.


"Anong meron?" tanong ko sa kanilang lahat. "Kate, bisita mo daw siya kaya pinatuloy na namin dito sa garden" pagkasabi ni Lia niyon, narinig kong may papalapit sa likod ko kaya naman napalingon ako. Hindi ako makapagsalita noong una pero nang natauhan na ako, bigla ko na lang siyang niyakap.


Nagulat siya sa ginawa ko pero niyakap din niya ako pabalik habang tumatawa. "Aki! Na-miss kita! Kailan ka pa nakarating? Bakit hindi ka man lang nagtext o tumawag? Grabe ka! Hindi ka man lang nagpaparamdam!" marami pa dapat akong sasabihin pero tumigil na muna ako.


"Woah there. Slow down! Haha. Kararating ko lang kahapon. Sa condo ako nagsstay ngayon. Medyo busy lang talaga, that's why. Ikaw? Kamusta ka na?" tanong niya habang nakangiti pa rin siya sa akin. "Sobrang okay" sagot ko naman sa kanya habang nakangiti rin.


"So, kailan kayo babalik ni tita sa States? Gusto kasi kayong i-invite ni mommy sa get-together this year" tanong niya naman ulit sa akin.


"Naku sorry, hindi na kami babalik eh. Siguro after college na lang pero for vacation na lang kung sakali. Gusto ko na kasing tapusin ito dito at 'yun din ang sabi ni mommy sa akin" napansin ko namang na-disappoint si Aki sa sinabi ko.


"Akala ko pa naman makakapag-bond tayo ulit" malungkot na sabi niya. "Don't worry. Puwede naman tayong mag-bond habang nandito ka eh. Anyways, ito nga pala ang mga kaibigan ko. Si Lia, Kerry, Yannie, Derick, Eloy, Nico, at Dylan. Guys, siya si Aki. Close friend ko siya sa States" isa-isa ko silang itinuro kay Aki at nag-hello naman siya sa lahat.


Si Dylan, tumango lang sa kanya. Pagkatapos ko siyang ipakilala, niyaya ko muna siya sa di kalayuan para makapag-usap kasi napansin kong medyo out-of-place na rin ang mga kaibigan ko sa amin.



Dylan


"Mga bro, kilala niyo ba 'yun?" pagtatanong ko kila Nico, Derick, at Eloy. "Ngayon lang din namin nakita yun, bro" sagot naman ni Derick. "Kung makangiti at makatingin naman kay Kate, parang close na close sila" sabi ko naman habang nakakunot ang noo ko.


"Bakit, Dylan? Selos ka kay Aki? Uuuuuyyyy! Hahaha" pang-aasar naman ni Kerry. "A-Anong selos?! Hindi 'no. Bakit naman ako magseselos? Madamot lang talaga ako sa kaibigan" at lahat naman sila napa-"weh?" sa sinabi ko.


Totoo naman ang sinabi ko. Simula nang maging kaibigan ko silang lahat, ayaw ko nang may ibang nakikipagkaibigan sa kanila. Ayaw ko kasing maging second option sa mga kaibigan ko. Lalo na kay Kate. Siya kasi ang pinakauna kong naging kaibigan sa kanilang lahat.


Paano pa ngayong nagpapatulong siya sa akin sa paghahanap ng kaibigan niya? At paano nga kung nahanap ang kaibigan niya? Malamang panibagong kahati na naman iyon sa oras niya bilang kaibigan ko.


Tutulungan ko ba siya? Matatawag ba akong masama o selfish kung sasabihin kong hindi ko siya matutulungan? Ewan.


Di ako mapakali habang kausap niya ang Aki na iyon. Sabihin na nating "close friends" nga sila pero wala pa rin akong tiwala sa lalaking iyon.


"Guys, next time, huwag niyo nang papasukin 'yun dito ah" sabi ko sa kanila. "Hala, bakit naman? Eh bisita naman siya ni Kate. Akala ko ba puwede tayong magpapasok ng bisita dito sa tambayan?" pagtataka ni Lia.


"Alam mo bro, napaghahalataan ka eh" singit naman ni Nico. "Oo nga. Iba naman na yata ito, bro" sabi ni Eloy at nagtawanan naman silang tatlo nila Nico at Derick.


"Ano bang sinasabi niyo? Ah basta. Kahit na sino nang bisita o kakilala niyo ang papasukin niyo dito, huwag lang 'yang Aki na 'yan" sabi ko naman sa kanilang lahat.






Continue Reading

You'll Also Like

26.9K 703 36
Chrisshane, Justine and their friends are already in college. They will now face a new set of challenges that will change their lives. MY ESCORT IS...
1.9M 24.4K 48
Soon to be Published Solana's mother works as a maid for Yleo's family, but in an unexpected event her mother passes away. Before it disappeared fro...
2.1K 965 57
Si Gwyn ay isang simple estudyante lang na nag hahangad na maging masaya at maging malaya, she also wants the person she loves to like her. But one d...
11.8K 151 11
Age doesn't really matter? Sabi nila age doesn't matter if you truly love someone pero minsan isa lang kasi ang nagmamahal sa ganitong relasyon...