Back in 1763

By midoriroGreen

136K 4.9K 926

Sa pagsapit ng ikalabing walong kaarawan ni ACILEGNA STAR VILLANUEVA ay napagpasiyahan niyang magbakasyon mun... More

x
Bakasyon
Rafael A.P
Panaginip
Ang pagkikita
Yaya?
Polavieja-mansion
Dating Kasintahan
Hawak kamay
Ngiti
Bipolar
Painting
His other side!
Radleigh Polavieja
Fuck You
Nagsisimula na
Still Radleigh
kapahamakan
Don Gustavo El Domingo
Ang Pagtakas
Ang Habulan Sa Gubat (1)
Ang Habulan sa Gubat (2)
Nagseselos
Isla
X
Isang Pangako
Buwan
Pagbabalik sa Kasalukuyan
Back in 1763
Pag-amin
Singsing
Kakampi
Pagsisisi
Plaza Ortiz
Parusa
Bangka
Adios Mi Amor
Art Exhibition

Dare to kiss him

3.4K 158 50
By midoriroGreen

Parang gusto kong manuntok ng makita kong nakahawak ng mahigpit si Minerva sa braso ni Rafael.

Shit lang.

Oo hawak lang iyon pero ibang panahon ito.
Ito iyong panahon kung saan kasalanan ang maghawakan.

Well, ilang beses ko nang nasagi ang balat ni Rafael . Nahawakan na rin niya ang kamay ko. Pero atleast dalaga ako at binata siya right?

Hindi katulad nitong si Minerva na may asawa at anak na! Dammit bakit ba ako nagiging possessive.
Teka parang baliktad ata? Dapat lalaki ang possessive sa girl di ba?

Napataas ang kilay ko sa dalawa.
Para kasing sila lang ang tao sa mundo kung magtitigan.

Ouch! My heart hurts.
Parang nadurog tapos nabudburan pa ng asin.

Tinignan ko si Rafael at mas lalo akong nasaktan ng makita kong nakatingin siya kay Minerva. Parang sila lang ang tao sa paligid.

Tapos may isang emosyon sa mga mata ng binata na ayaw ko ng pangalanan dahil masasaktan lang ako.

Parang nangungulila siya sa babae!
There, nasabi ko rin! Tsk. May lungkot kasi akong nababasa sa mga mata nila pareho.

Tumikhim ako ng malakas kaya biglang binitiwan ni Minerva si Rafael.

Parang gusto ko ulit magtaas ng kilay dahil sinimangutan ako ni Minerva.

Aba! Nabitin ka girl?

Itatanong ko sana pero huwag na. Sayang lang ang laway kong precious. May karapat dapat ditong paggamitan.

I smirk kahit gusto ko ng sumigaw
ng " Mga taksil! Layas!!!"

Tsk. Wala nga pala akong karapatan.

Tapos isa pa itong Rafael na to.
Paasa! Akala ko nagkakamabutihan na kami.

Or maybe ako lang ang umasa... Waaaahhhhhhh!

" Ahmm , nasaan na si Alfonso binibini." Pormal na tanong ni Rafael.
Iyong tonong parang wala kaming pinagsamahan.
Pormal to the highest level.

Parang gusto kong maiyak pero never kong ipapakita sa kanila no!

" Ah nasa loob po ng silid S-Senyor, natutulog po siya."
Malamig ko ring sagot habang nakayuko.

Ayaw kong salubungin ang mga titig niya dahil baka makita niyang nagseselos ako.

Hindi pa naman ako magaling magtago ng saloobin.

" Binibining Minerva, hindi ba ay gusto mong puntahan si Alfonso? " Narinig kong tanong niya sa babaeng katabi niya na kanina pa nakasimangot.

Ano kayang nangyari sa babaeng ito at biglang naging masama ang mood.

" O-opo Senyor Rafael." Malambing at mahinhin nitong sagot.

Hmmp. Eh di ikaw na ang mahinhin.

" Kung ganoon ay puntahan mo na siya. Ikaw naman binibining Acilegna ay maari ng magpahinga." Bigla akong napatingin kay Rafael sa sinabi niya.

Parang gusto namang tumutol ni Minerva dahil hindi sasama sa kaniya si Rafael na puntahan si Alfonso sa silid nito pero hindi na isinatinig pa.

Masunurin na lang niyang pinuntahan ang anak pero bago iyon ay tinignan muna niya ng masama si Acilegna.

Parang mauutot si Acilegna ng sila na lang ni Rafael ang naiwan.
Tapos sinimangutan pa siya ng plastik na Minerva na iyon! Abat naghahanap ata ng away.

Petmalu!

Napatuwid ako ng tayo dahil biglang tumikhim si Rafael.

"Mukhang napagod ka binibini..." May pag-aalala sa boses nito pero baka nagkamali lang ako ng pandinig.

Impossible naman kasi.

Sinalubong ko ang mga titig niya at nagulat ako ng makita kong may pag-aalala talaga sa mga mata niya.

May kung anong humaplos sa puso ko pero paano kung paasa na naman to?

" Ah eh.. Medyo lang po Senyor. Pero mawawala din po ito kapag nakapagpahinga ako. Sige po mauna na po ako sa inyo. Magpapahinga lang po ako sa aking silid."
Mabilis at diretso kong sabi bago akmang lalampasan siya pero napatigil ako ng hawakan niya ang kamay ko.

Jusko po. Heto na naman iyong spark.
Lalong bumilis ang tibok ng puso ko sa simpleng pagsagi ng balat niya sa akin.

Pero bigla akong nadismaya ng bitawan niya ang pagkakahawak niya sa akin.

" Paumanhin binibini sa aking kapangahasan." May kahinaang sabi nito.

Nainis tuloy ako dahil mukhang pinagsisisihan niyang hawakan ako.

Pero noong si Minerva ang humawak sa kaniya ay parang gustong-gusto niya.

Tse! Halikan ko kaya siya para matauhan siya na mas masarap ako kaysa sa babaeng plastik na iyon.

I mean mas masarap akong magmahal hehe.

Hmm. Why not right?

Hindi na rin masamang ibigay sa kaniya ang first kiss ko dahil gusto ko naman siya.

Napatingin ako sa mapupula niyang mga labi.

Ang pupula at mukhang malambot!

Shit. Ano kayang feeling ng mahalikan niya?

Nararamdaman kong nag-iinit ang mga pisngi ko sa mga naiisip ko.

"Ayos ka lang binibini?" Nag-aalalang tanong ni Rafael pero hindi ko sinagot dahil parang hinihipnotismo ako ng labi niya.

" Bakit ka namumula? Kung dahil sa paghawak ko sa iyo ay patawarin mo sana ako. Gusto ko lang kasi sanang ipaalala sayo na kumain ka muna bago mat----"
Napamulagat si Rafael ng bigla kong hawakan ang batok niya .

Marahan kong idinampi ang mga labi ko sa nakaawang niyang labi.

And goodness! Ang lambot nga ng lips niya.

Smack lang ang halikan namin pero parang nasa langit na ako.

1 2 3 4 5 .....10
Nagbilang ako ng 10 seconds bago naisipang lumayo na kay Rafael na animo naestatwa .

Tuluyan ko ng napaglayo ang mga labi namin pero bigla akong nagulat ng kabigin niya ako at siya naman ngayon ang humalik sa akin.

Take note! Hindi katulad ng smack na binigay ko sa kaniya.

This time it's more deeper.

Sinamantala niya ang nakaawang kong labi at bigla niyang ipinasok ang dila sa loob ng bibig ko.

O my goodness!

Humigpit din ang yakap niya sa akin.

Shocks hindi ko tuloy napigilang mapaungol.

"R-RAFAEL..."

Bigla siyang napatigil ng sambitin ko ang pangalan niya or should I say umungol pala ako.

Nakakahiya.

Napasinghap ako ng bigla niya akong binitiwan.

Alam kong namumula na ako ngayon hanggang talampakan.

Pati si Rafael ay mukhang hindi rin makapaniwala ang hitsura!
Para siyang naguguluhan na ewan.

Pero bakit naman siya naguguluhan?

" Binibining Acilegna, ang nangyari kanina....." Hindi niya itinuloy ang pagsasalita bagkus ay bigla na lang siyang umatras.

Nasaktan ako sa reaksiyon niya.

Sasabihin ba niya na kalimutan na lang namin ang nangyari kaninang tsuptsupan? Halikan?Kissing? Etc.

O baka naman sasabihin niya na pagkakamali lang ang lahat?

Alin man sa dalawa ay huwag naman sana.

Napabuntong hininga siya at hindi na talaga niya itinuloy ang sasabihin.

" Magpapahinga ka na muna.
Ipapatawag kita mamaya kay Meldina at may pag-uusapan tayong seryosong bagay."
Parang nananantiya niyang sabi.

Ako naman ay yumuko lang at marahang tumango.

Naku huwag naman sana niya akong sesantihin dahil sa ginawa ko!

Napaangat ako ng tingin ng makita kong naglakad na siya papalayo patungo sa kuwarto niya.

Napahinga ako ng malalim.
Doon ko din napansin na kanina ko pa pala pinipigilan ang paghinga.

Fudge! Anong katangahan na naman ang ginawa mo Acilegna?

Parang tangang hinabol ko naman siya ng tingin.

Napahawak ako sa aking labi .

Ang galing niyang humalik .

Napangiti ako. Kinikilig habang pumapasok sa aking silid.

Pero bigla akong namula ng maalala ko na ako ang naunang humalik sa kaniya.

It's embarrassing!

"Waaa! Nakakahiya ka Acilegna! "
Pinagsusuntok ko ang unan .

Pero maya-maya ay napangiti ulit ako ng maalala ko na hinalikan niya rin naman ako.

Parang korean novel lang ang peg!

Ngunit napakunot noo ako ng maalala ko na.........

saan naman kaya siya natutong humalik ng ganoon?
Akala ko ba conservative siya? Akala ko ba virgin pa ang lips niya like me? Bakit parang expert siya?

Hayy sabagay hindi ko alam kung may karanasan na ba siya sa paghalik dahil wala naman akong maipagkukumparahan sa halik niya.

He's my first kiss!!!

Pero napasimangot ako ng may naisip ako.

Pssss. Huwag naman sanang kay Minerva! Huwag naman sanang sa babaeng iyon siya natuto.

Sana nga hindi sa babaeng iyon.



A/N

Thank you for waiting sa update.
Pasensiya po kong natagalan ..
Anyways don't forget to vote and comment.

Arigato..
God bless!

Continue Reading

You'll Also Like

4.7M 190K 31
"Wattys 2021 Winner in Historical Fiction Category" Sa loob ng labinlimang taon, ang makasal sa kababata niyang si Enrique Alfonso ang tanging pinapa...