Crush Back

De xianrandal

1.9M 32.5K 2.2K

Charlotte Tamayo believes in love and wanted to settle down before she reaches the age limit at the calendar... Mai multe

Crush Back
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45 - corny lang
46
47
END

12

36.8K 696 60
De xianrandal

12

Iba yung plano ko rito, kaso iba rin yung natatype ko kasi, ewan ko na lang what will this story all about…basa-basa na lang kayo at comment-comment na rin.

*****************************

“So, kailan pa nagsimulang magtrabaho sa iyo si Charlotte?” Tanong ni Cyrus sa kanya.

“empleyado siya ni Papa, pero I hired her as my personal assistant.”

“Personal assistant? Bago iyon ah, akala ko ba may secretary ka na?” Naaliw siya sa ikinikilos ng kaibigan, nakaupo sila at tanaw nila ang grupo nina Charlotte, kanina pa sulyap ng sulyap si Claude Anton sa mga ito.

“I mean, personal analyst rin, may bago kasi akong project ngayon, gusto kong mag invest into a new business, alam naman natin na matalino si Charly, that’s why I hired her.”

“Ahhhhhhhhh. Okay.” Ngisi nito.

“Why are you looking at me like that? Ayoko ng tinatakbo ng isip mo, Cyrus.”

“Wala naman akong sinabi, pero ang ganda ni Charlotte ngayon. Ang sexy, may boyfriend na ba, pare?”

“Kaka break lang, masyado siyang nagpapaniwala sa pag-ibig na iyan, parang babaeng version mo. Gusto ng mag-asawa bago raw siya mawala sa kalendaryo.”

“Updated ka yata, pare!”

“G*go!” Alam niya ang ibig nitong sabihin. Nakita niyang papasok na si JC, ganda lang ng mga ngiti nito, halatang masaya sa buhay nito ngayon. Kung minsan ay naiinggit siya sa mga kaibigan. Si Cyrus, kahit na madalas silang hindi nagkakaunawaan ni Leila, alam niyang masaya ang kaibigan, higit na ganoon ang pakiramdam ni JC, pero siya, parang may kulang. Kailan kaya niya mararamdaman ang sinasabi nilang pag-ibig, napakaimposible naman yata. Pare-pareho lang naman ang nakikilala niyang mga babae.

“What’s up!” Sabi pa ni JC sa kanilang dalawa.

“Okay ah! Iba talaga ang nagagawa ng asawa at mga anak, may alam ng what’s up! Kumusta, pare? Ako okay lang, medyo may problema kami ni Leila pero alam mo naman yun, ang daling suyuin.”

“Dapat yata si Claude ang kumustahin natin. Anong bago sa iyo, Pare?”  Kinuha ni JC ang ibinigay ng bar tender na alak sa kanya,nangako siya kay Mavee na kakaunti lamang ang iinumin. Ayaw niyang mag-alala ang asawa.

“Ako naman ang nakita ninyong dalawa.”

“E ikaw pa lamang ang natitirang single sa ating tatlo.” Asar ni JC.

“Mukhang magkaka lovelife na siya, pare.” Natatawa si Cyrus sa naiisip.

“Really, at sino naman ang napakamalas na babaeng iyan?” Sakay ni JC kay Cyrus, alam niyang maloko ang isang ito.

“Remember Charlotte Tamayo? Yung kaklase natin nung high school, yung babaeng madalas hingan ng papel ni Claude kahit alam naman nating may papel siya.” Sabay tawa.

“Yes! You mean, dalaga pa yun?”

“Yes, and she’s here!”

“Mukhang alam ko kung nasaan siya, yun ay kung saan madalas na napapalingon si Claude.” Asar ni JC, kanina pa kasi niya napansing hindi mapakali si Claude Anton, may nililingon na hindi naman niya maaninag kung sino.

“Tumigin kayong dalawa. Alam naman ninyong matagal akong hindi nadadalaw sa bar nitong si Cyrus kaya nililibot ko lamang ang mga ko sa paligid.” Pagdadahilan niya.

Sabay na na napa “Ahhhh! Ganun ba?” Pagkatapos ay ngumisi.

“Mga  g*go!” Kapag pala ikaw ang inaasar ay maasar ka rin, hindi niya naramdaman iyon nung mga panahong inaasar nila si JC kay Mavee.

“I think I should go and re acquaint myself, baka sakaling maaalala pa ako ni Charlotte.” Dagdag asar pa ni JC. Hindi na nito hinintay pa na makapagsalita si Claude Anton, he walked towards the table where Charlotte and her friends stay.

Napangiti siya habang papalapit kina Charlotte, dun niya kasi natignan ng maayos ang dalaga. She’s more beautiful now than before, mas naging sexy, bumagay ang suot nito sa kanyang personality, medyo sexy nga lang. Knowing Claude Anton, he loves sexy women, pero kung tama nga ang hinala ni Cyrus na may gusto it okay Charlotte, maiinis ito kapag ganitong may ibang lalaking tumitingin sa babeng gusto mo. He was like that to Mavee, he’s possessive.

At susubukan niya ngayon kung tama ang hinala ni Cyrus.

“Hi, Charlotte.” He gave her his killer smile.

Napakunot-noo si Charlotte, sino itong makatulo-laway na lalaking ito na nasa harap niya?

“It’s JC, Jay Craig Chou.” Paalala niya rito. “Cyrus told me that you are here. Good to see you after so many years! You look good.”

Nakanganga yata ang mga kaibigan niya sa kaharap, natatawa siya, typical reaction when they see JC Chou, guwapo ito nung high school sila pero mas guwapo ngayon, pero si Claude Anton pa rin ang crush niya sa tatlo. Ewan ba niya, may something si Antonio na gustung-gusto niya talaga.

“JC! Good to see you too.” She gave her the sweetest smile. “Kayo pa rin pala ang magkakasamang tatlo ano? Just like in high school.”

“Yes. At kilalang – kilala na namin ang isa’t isa. JC is married, Cyrus got a girlfriend. I’m single.” Biglang singit ni Claude Anton mula sa kung saan.

Natawa sina Cyrus at JC, nagkatinginan, mukha ngang tamang hinala sila ngayon. Sa hitsura pa lamang ni Claude Anton na akala mo ay inagawan ng candy, mapaghahalata mo talagang nitong mabaling ang atensiyon ni Charlotte sa iba.

“So? Paki ko sa pagiging single mo?” Biglang sabi ni Charlotte. Biglang kinalabit siya ng mga kasama niya.

“Ano ka ba, anak yan ng boss natin, baka nakakalimuta mo.” Paalala ni Imee sa kanya.

“Saka, wag kang nagsusuplada, ang hu-hunk ng mga kaharap natin, nakakahiya.” Sabi pa ni Charina sa kanya.

“Hmp!” Oo nga pala, nakalimutan niya, naman kasi si Antonio! I eemphasize na talaga na single siya, feeling niya kasi nang-aasar ito, yung single eh double meaning. Masyado na talaga siyang praning sa break-up nila ni Segundo Dimabanaag.

“Oo nga naman, Charlotte. Can we stay here with your friends? Sagot ko ang inumin.” Si Cyrus. This night will be exciting for them.

“Sure!” Sabay-sabay na sabi ng mga katrabaho ni Charlotte, siyempre naman ano, libreng inumin na iyon sa isang kilalang bar. Ipinakilala naman ni Charlotte ang mga kasamahan. Nagulat silang lahat nung malaman nila na ang may-ari pala ng lugar eh si Cyrus, talagang big time ang magkakaibigang ito.

“So, how’s Claude Anton as a boss?” Tanong ni Cyrus kina Charlotte.

“Super okay. Cool na boss si Sir.” Sabi pa ni Charina, siyempre naman ano, mahirap nang magsalita ng against sa boss nila, isa pa, hindi naman nila ito madalas na nakakasalamuha, si Charlotte ang may direct contact rito.

“What about you, Charlotte?” Gusto nang mainis ni Claude Anton sa trip ng mga kaibigan, pero excited rin siyang marinig ang sagot ni Charly.

“Okay naman.” Safe na sagot ng dalaga.

“Uy! Ayaw magsabi ng totoo, Claude Anton. Don’t worry, Charlotte, kapag pinatalsik ka nito, I hihire kita bilang personal secretary ko.” Sabay kindat ni JC sa kanya. Kung siguro binata ito ay kikiligin siya, pero hindi eh, saka siguro kahit binata hindi pa rin siya kikiligin, wala kasing dating si JC Chou sa kanya.

“Tama na yan. May over time pa tayo bukas, Charly. Baka nakakalimutan mo.” Hala! Seryoso ang boss niya.

“Overtime? Hindi ba walang pasok bukas?”

“Meron, kakailanganin kita, I was just about to inform you, kaya tama na ang inom, ihahatid na kita.” He said seriously.

“O? Hindi pa nga kami nag-iinit, Claude Anton, besides, give Charlotte a break, papaano makakapag-asawa iyan kung napakaistrikto mong Boss, tama ba?” Hingi nito ng opinion sa mga kasamahan.

“Tama nga po, Sir.” Si Leomer.

“Wala naman sigurong magagalit kung uumagahin ka ngayon, Charlotte ano? Minsan lang naman tayo magkita.” Dagdag pa ni JC.

“Ah, wala naman.” Sabagay, matagal na rin siyang hindi nakakapaglibang.

“So what are we waiting for! Sandali at mag-oorder ako ng maiinom.”

“Teka, may maghahatid naman sa inyo pauwi, just in case na matatagalan tayo?” Cyrus just wanted to be sure.

“Ako ng maghahatid kay Imee.” Leomer volunteered.

“Ako na kay Charina.” Sabi pa ni Johannes.

“What about you, Charlotte?”  Tanong ni Cyrus.

“Kasama ko si Pikoy, I can manage.” Confident na sabi nito.

“No, ako ang maghahatid sa iyo.” Claude Anton said in his boss like tone.

Confirmed!

*********************

Hindi ko na alam saan na papunta ang story...wahahahaha! Push lang!

-Xian-

Continuă lectura

O să-ți placă și

415K 7.3K 71
Irish is a girl that tries her best to live a life as a strong, independent woman. One day her whole world became a total "sh*t show" as how she call...
3M 145K 72
[THE BADASS BABYSITTER] Para sa isang Presidente ng bansa, malaki ang expectation nito sa mga anak niya. You should be the best for him to be proud o...
68.7K 1K 5
"You don't find love... love finds you!"
4.6M 167K 57
Juariz Bachelors #1 [BXB] [MPREG] STATUS: COMPLETED Si Austine Villaluz ay isang fresh graduate sa kursong general education. He loves kids and would...