They Meet Again (COMPLETED)

By nrizyap

611K 6.9K 1.2K

"I badly need to find him. I really want to see him again" - Kate Blanco. "I freakin' despise her. I never... More

ABOUT THE STORY
CHAPTER 1
CHAPTER 2 (part 1)
CHAPTER 2 (part 2)
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8 (part 1)
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17 (part 1)
CHAPTER 17 (part 2)
CHAPTER 18 (part 1)
CHAPTER 18 (part 2)
CHAPTER 19 (part 1)
CHAPTER 19 (part 2)
CHAPTER 20 (part 1)
CHAPTER 20 (part 2)
CHAPTER 21
CHAPTER 22 (part 1)
CHAPTER 22 (part 2)
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30 (part 1)
CHAPTER 30 (part 2)
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39 (part 1)
CHAPTER 39 (part 2)
CHAPTER 40
EPILOGUE
HEADS UP!
SPECIAL CHAPTER 1
SPECIAL CHAPTER 2
HOW IT ALL STARTED
Teasers

CHAPTER 8 (part 2)

11.4K 153 9
By nrizyap

A/N: Comments please? :)

#TMAWattpad





Kate


Habang naglalakad ako, sinusundan pa rin ako ni Dylan. Wala nga yata siyang ideya sa gagawin ko. "Kate, saan ba talaga tayo pupunta? Huwag mong sabihing pasusunurin mo ako sa comfort room tapos..." heto na naman siya.


"Ano? Babawiin ko na ba 'yung pagpapatawad ko sa'yo?" sabi ko naman sa kanya habang hindi tumitingin at naglalakad pa rin. "Joke lang naman. Ito naman, di na mabiro" sabi niya.


Pagdating namin sa harap ng garden kung saan nakatambay sila Nico at Derick, napansin ko namang nagsikunot ang mga noo nila nang nakita nila kung sino ang kasama ko.


Paglapit ko naman sa kanila, inasahan ko nang maraming gustong sabihin ang dalawa sa akin at inasahan ko ring tatanungin nila ako kung bakit kasama ko si Dylan.


"Kate, bakit kasama mo 'yan?" nagsimula na si Derick. "Oo nga, Bebe Kate. Bakit mo naman 'yan dinala dito?" sumunod naman si Nico. "Hindi ako pumunta dito para makipag-away" singit naman ni Dylan.


"Kahit anak siya ng may-ari nitong university, wala pa rin siyang karapatang umapak dito sa tambayan natin kapag nandito tayo" ayan na naman si Derick.


"Tsaka 'yan din 'yung nagpaiyak sa'yo noong isang araw, diba Bebe Kate?" napansin kong kinuyom ni Nico ang palad niya. "Aba, oo nga 'no. Ano? Square na lang oh" sabi naman ni Derick. Heto na naman sila.


"Nico, Derick, sandali lang. Nagpaliwanag na siya sa akin. Nag-sorry na rin siya. Iyon ang nangyari doon sa gymnasium nang nagpunta ako. Kaya puwede bang makipag-ayos na lang din tayo sa kanya?" napansin ko namang nagkatinginan ang dalawa at pagkatapos niyon, sabay din silang tumingin kay Dylan at sa akin.


"Bebe Kate, sige na oh. Tig-isa lang naman eh" pagmamakaawa ni Nico. "Oo nga, Kate. Minsan lang naman eh. Babawi lang kami sa ginawa niya sa'yo" dagdag naman ni Derick.


"Huwag na, guys. Tapos naman na eh. Tsaka hindi tayo puwedeng magpaka-bayolente dito sa university grounds" kunyaring sabi ko naman sa kanila.


Pero sa totoo lang, ito talaga ang plano ko. Kapag natauhan siya sa gagawin nila Nico at Derick, baka maisipan niyang tigilan at layuan na lang ako. Mabuti na rin iyon para wala nang hahadlang sa mga plano ko sa buhay.


"Kate, pabayaan mo sila. I deserve this" sabi naman niya.


Hindi na hinintay nila Nico at Derick ang sasabihin ko at agad silang lumapit kay Dylan. Sa suntok ni Derick sa kanya, dumiretso si Dylan sa poste ng garden habang nakahawak sa kaliwang pisngi niya.


Hindi pa man nai-aayos ni Dylan ang sarili niya, sinuntok na siya ni Nico sa parehong pisngi at napahawak na naman si Dylan sa pisngi niya.


Nakita kong may sugat na sa kaliwang bahagi ng labi niya kaya naisipan kong awatin na sila. Pero bago pa man ako makapagsalita, may dumating at nauna na sa akin.


"What is happening here?!" lumapit ang isang magandang babaeng mukhang nasa 40 na ang edad at nakadamit ng elegante. "OMG! Dylan, anak, are you okay?!" inalalayan niya si Dylan papunta sa bench ng garden.


"Ma, okay lang ako. You shouldn't have come" sagot naman ni Dylan. Ibig sabihin, mommy niya ito? Ang may-ari ng Peregrine University? Naku, lagot.


"Bakit ako hindi lalapit kung nakita ko nang sinuntok ang anak ko? This is the first time na may sumuntok sa'yo. What the hell's going on?! You three, what is wrong with you?! Boys, bakit niyo siya sinuntok? At ikaw, miss. Bakit hindi mo pa inawat?!" natatarantang pagtatanong niya sa amin na may halong galit.


Magpapaliwanag na sana ako pero inunahan na ako ni Dylan. "Ma, ako ang nauna. Ako ang may kasalanan. Long story pero malaki ang kasalanan ko kay Kate. Gumanti lang para sa kanya 'yang dalawang kaibigan niya" dahil sa sinabi niya, kumalma naman ang mommy niya.


"I'm really sorry kung napagtaasan ko kayo ng boses. Masyado lang akong nag-alala nang nakita ko ang anak ko" paghingi niya ng tawad sa amin. "Okay lang po" sagot namin nila Nico at Derick.


"Sana maintindihan niyo din siya. Wala lang talaga siyang pakialam sa paligid niya most of the time kaya hindi niya namamalayang nakakasakit na siya. Kasasabi lang ni Dylan na Kate ang pangalan mo diba, iha?" pagtatanong niya sa akin. "Opo. Kate Blanco po" sabi ko naman sa kanya.


"Your name sounds familiar. I'm not sure if we've met before but anyway, kung anuman ang kasalanan ni Dylan, please forgive him. Wala lang talaga siyang mga kaibigan kaya ganyan siya" pagpapaliwanag naman niya. "Naku, okay na po. Nagpaliwanag na siya kanina sa akin" sabi ko naman.


"Really, Ma? Do you really have to say that?" naiiritang tanong ni Dylan sa mommy niya.


"Anak, sinabi ko iyon para maintindihan ka nila. You know what? I think it's time for you to have friends. Ika nga, no man is an island. Take this opportunity, anak. Boys, anong mga pangalan niyo?" pagtatanong niya sa dalawang kaibigan ko.


"Ako po si Nico, siya po si Derick. Mga kaibigan po kami ni Kate" pagpapakilala ni Nico. "Pasensya na rin po pala kung nadatnan niyo kami kanina. Tinutulungan lang po kasi namin si Kate dahil matindi rin po talaga ang atraso ng anak niyo sa kanya" pagpapaliwanag naman ni Derick sa mommy ni Dylan.


"It's okay. Mabuti na ring matauhan paminsan-minsan itong anak ko. By the way, I'm Dylan's mom. Call me Tita Carlene." sabi ng mommy ni Dylan habang nakangiti sa amin.


"Teka nga, Ma. Bakit ka ba nandito?" pagsingit naman ni Dylan.


"Tumawag sa akin ang Administration Office eh. Sabi gumawa ka daw ng scene sa gymnasium nitong university natin. What was that about?" pagtatanong ng mommy ni Dylan sa kanya.


"May kaugnayan 'yun sa nagawa kong kasalanan kay Kate. Basta mahabang kuwento, Ma. Pero napatawad na din naman niya ako so, everything's good" pagpapaliwanag naman ni Dylan.


"That's great. Okay then. Kung ganun, aalis na muna ako. Marami pa rin akong dapat asikasuhin. Pumunta ka sa clinic at ipagamot mo 'yang pasa at sugat mo, anak. Kate, Nico, and Derick, I hope you can accept Dylan as your friend. Kate, I'd love to know more about you and I hope to see you soon. Nice meeting you, guys" nakangiting sabi ni Tita Carlene sa amin.


"Sige po. Nice meeting you rin po" sabi naman namin. Nagpaalam na rin si Tita Carlene sa amin at sumakay na rin siya sa isang magarang kotse.


Hawak pa rin ni Dylan ang kaliwang pisngi niya hanggang ngayon. Malamang masakit pa rin ang bahaging iyon pagkatapos ng malalakas na suntok nila Nico at Derick.


Lumapit ang dalawa kay Dylan kaya bigla naman akong naalerto. Baka kasi ipagpatuloy lang nila ang pagsuntok sa kanya. Nagulat na lang ako sa ginawa nila. Magkasunod nilang iniabot ang kamay nila kay Dylan at nag-shake hands naman sila.


Mas ikinagulat ko ang sinabi ni Nico. "Ang garden na ito nga pala ang official na tambayan ng barkada kapag walang klase. Welcome to the club, bro."





Continue Reading

You'll Also Like

87.3K 2.7K 36
By: SimplyChristy0818 / Christine Marcos DO you know the feeling of HATING your enemy but LOVING him eventually? At dahil sa galit mo sa kanya ay ipi...
2.7M 167K 56
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
88.7K 1.3K 37
Five Years Late is a coming-of-age story of a person's journey to personal growth and self-acceptance by embracing the inevitable changes in her life...
41.2K 952 12
[Taglish] [Sidestory to Mayumi:ASNTST] [SaRoGranDi Series Book 2] Of course, they'll end up with each other. And yes, they got married and lived the...