My Tag Boyfriend (Season 1)

By OppaAnja

41.3M 686K 172K

Anong gagawin mo kapag may na-tag kang maling tao sa status mo sa Facebook? Ang masaklap pa nito, nabasa ng b... More

My Tag Boyfriend
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
A/N: MTB First Monthsary Celebration 02-02-14
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Ako Puso mo Lyrics
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50 (Special Chapter)
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Author's Note
My Tag Boyfriend Book

Chapter 43

553K 9.8K 2.4K
By OppaAnja

Chapter 43

Sitti's P.O.V

          "Para sa ating susunod na activity..."

          Kanina pa ako hindi mapakali dito sa pwesto ko sa tabi ni Kaizer.

          Paano ba naman kasi, mula pa kagabi hindi na ako pinatahimik ng lalaki na ito. Tapos idagdag pa yung sinabi nya sa akin kaninang umaga doon sa may dining table. Yung tungkol sa hindi sya makakain ng maayos dahil nakatingin ako sa kanya?

          Sino ba naman ang hindi mapapakali na makatabi yung taong umagaw ng first kiss mo at naging dahilan ng kawalan mo ng tulog at pamumula ng pisngi mo sa umaga huh?

          Ang nakakainis pa dito, para ako lang yung affected sa aming dalawa. Na parang wala lang kay Kaizer yung  mga pinaggagawa nya. No big deal. Ganoon pa din yung itsura nya. Snob at medyo masungit. Ay hindi pala medyo. Masungit talaga!

          Tapos yung mga babaeng hilig gawing topic sa bulungan nila yung pangalan ko obvious na din yung pag-iwas sa akin. Ni hindi na nga nila ako tinitingnan eh!

          Tapos ang nakakainis pa ulit, lagi syang tumatabi sa akin kahit na wala namang nagsasabi na tabihan nya ako.

          Parang kanina lang nung assembly namin, ang pagkakatanda ko, si MM katabi ko. Tapos ngayon nagulat na lang ako na sya katabi ko at si MM ay nasa pinakadulo na ng pila ng group namin katabi si Margaret.

          Speaking of Margaret, sya lang yung hindi natinag sa pagsumpong ng kasungitan ni Kaizer kanina. Panay pa din kasi yung pagtataray nya sa akin tuwing mapapatingin ako sa gawi nila.

          Sus! Akala naman nya sya yung tinitingan ko eh si MM naman.

          "Miss Sandoval!"

          Seryoso ba talaga si Kaizer doon sa sinabi nya na gusto nya ako? Seryoso ba sya doon sa sinabi nya na may gusto sya sa akin o trip nya lang ako pagtripan?

          Alam nyo na? Na baka may pinaplano syang masama. Na papa-in love-in nya ako sa kanya tapos kapag nalaman nya na in love na ako sa kanya, gaya ngayon, aasarin na nya ako.

          Or worst, gagawin nyang pangblackmail sa akin yung feelings ko para sa kanya.

          Nakakainis! Bakit ba ang complicated ng love?!

          "MISS FELICITY SANDOVAL!"

          "Y-Yes Miss?!" mataas at gulat na sabi ko nang bigla na lang sumigaw si Ma'am na nakatayo na pala sa harapan ko.

          "I'm checking your attendance and I've been calling your name for about a minute now!" sermon sa akin ni Ma'am. "Miss Sandoval, if you don't have time to listen to my instructions for this activity, you're free to go and start cleaning the whole house, now!"

          Lihim akong napalunok.

          Ako? Paglilinisan ng buong bahay namin? Yung retreat house? Bakit? Saka ano ba yung activity na gagawin namin? Kung papasok na naman kami sa haunted house, willing akong linisin buong bahay.

          "A-Ano nga po ulit yung activity, Miss?" alanganing tanong ko.

          Tinaasan lang ako ng kilay ni Ma'am at damang-dama ko na mukhang nasagad ko na yung inis nya.

          "Pfft!"

          Napatingin ako sa tabi ko at nakita ko sya, si Kaizer, na nagpipigil ng tawa nya.

          Tsk! Nakita nyo? Nagawa pa akong pagtawanan ng tao na 'to dahil lang sa hindi ako nakikinig kay Ma'am kanina.

          Paano pa kaya kung malaman nya na may gusto na ako sa kanya?

          Nanlaki mata ko sa naisip ko saka sandaling natigilan.

          Bigla akong kinabahan sa naisip ko.

          Paano nga kapag nalaman na ni Kaizer na may gusto na ako sa kanya? Pagtawanan nya kaya ako? Aasarin nya ba talaga ako? Ipagkakalat nya ba sa school na nabikitima din ako ng mukha nya?

          Ipapahiya nya ba ako sa buong Eastton at ipagkakalat sa buong school na gusto ko sya?

          "Miss Sandoval ano ba?!"

          Muntik na akong mapatalon sa gulat nang makarinig ako ng malakas na snap. Napatingin ako sa harapan ko, sa Professor namin, at nakita kong nabali na nya yung hawak nya ballpen sa sobrang inis sa akin.

          "I-I'm sorry, Miss." nahihiyang sabi ko sabay yuko.

          "Focus, Miss Sandoval! Focus!" madiing sabi ni Ma'am sabay alis sa harapan ko at nagtawag ng mga pangalan ng iba ko pang kasama.

          "Okay ka lang?"

          Narinig kong nagtanong sya sa akin pero hindi ko sya sinagot. Ni hindi ko na nga sya nilingon. Nanatili lang akong nakayuko at nakatingin sa damuhan na tinatapakan namin.

          Hindi ako nag-aalala doon sa sermon ni Ma'am. Hindi ako natatakot na paglinisin nya ako ng buong retreat house o di kaya papasukin ulit kami sa loob ng haunted house.

          Mas natatakot ako na malaman ni Kaizer na gusto ko na din sya.

          Paano kung makompirma nya na gusto ko na nga talaga sya?

          Anong gagawin nya kapag nalaman nyang in love na ako sa kanya?

Kaizer's P.O.V

          "Ano kayang ulam natin ano?"

          "Bakit ako tinatanong mo?" inis na tanong ko kay Kris sabay harap sa kanya. "Mukha ba akong taga-serve ng kakainin natin?"

          "Aba malay ko! Hindi naman masamang magtamang-hula di ba?" natatawang sabi nya sabay akbay sa akin pero mabilis ko ding inalis yung kamay nya sa balikat ko.

          "Aish! Ano ka ba Kaizer! Lambingin mo naman ako paminsan-minsan!" naka-pout na sabi ni Kris. "Hindi mo na ba ako mahal?"

          "Manahamik ka bakla." bagot na sabi ko saka mas naunang bumaba sa hagdan.

          Ang boring talaga ng retreat camp na 'to! Tsk! Kung wala lang si baliw dito mamatay na ako sa sobrang pagkabagot ko dito eh!

          Tanghali na pero wala pa din kaming ginagawa. Mamayang gabi pa daw yung activity namin tungkol sa introducing our inner self. Tsk! Daming alam ng school na 'to.

          Agad akong napangisi nang makita ko si Sitti na papaupo na din sa pwesto nya doon sa mesa kaninang umaga.

          Mabilis akong naglakad papunta sa kanya kaya lang nung nakita na nya ako, mabilis syang tumayo at kinausap si Patty.

          Napakunot-noo ako doon sa ginawa nya. Di ko kasi nakuha kung bakit kailangan pa nyang umalis agad nung nakita nya ako.

          Tapos naging malinaw lang sa akin ang lahat nang makita kong tumayo si Patty at naupo sa pwesto ni Sitti kaninang umaga.

          Iniiwasan nya ako. Tsk!

          'Baka naman mali ka lang ng iniisip, Kaizer.' sabi nung boses sa utak ko. 'Baka si Patty yung gustong makipagpalit at hindi si Sitti.'

          Napapatango na lang ako nang makuha ko yung sense nung sinabi ng boses sa utak ko.

          Tama. Hindi naman imposible iyon. Saka bakit naman ako iiwasan ni Sitti eh okay na kami kagabi?

          Hinalikan ko sya. Di nya ako tinulak. Ibig sabihin gusto na nya din ako.

          'Tama. Wag kang paranoid, Kaizer. Wala lang 'yan.'

          Pero hanggang sa lumipas yung mga oras na magkasama kami sa loob ng retreat house, mas lalo kong napapansin na iniiwasan ako ni Sitti.

          Parang kanina lang, kami ni Sitti yung nautusan na maglinis sa may sala. Pero alam nyo ba ginawa nya? Nakipagpalit sya kay Margaret at sya yung tumulong kay Mobi na maghuagas sa kusina.

          Pero hindi ko ulit pinansin yung hinala ko. Imposibleng iwasan ako ni Sitti.

          'Hindi nya gagawin iyon.'

          Pinabayaan ko na lang nung una. Pero hanggang sa dumating yung hapon, ganoon pa din sya. Umiiwas. Para nga syang naglagay sa pagitan naming dalawa ng isang malaking pader, ng malaking space. Na sa tuwing susubukan kong lumapit sa kanya, mas lalo syang lumalayo sa akin.

          Kaya sa bandang huli, hindi na lang din ako kumilos at pinanood ko na lang sya sa mga ginagawa nya.

          'Ano bang problema mo?'

Sitti's P.O.V

          "May problema ba kayo ni Kaizer?"

          Muntik na akong mapasigaw sa gulat nang may biglang magsalita sa likuran ko.

          Tatayo na sana ako at maglalakad palayo kaya lang ng malingunan ko si Mobi hindi ko na tinuloy yung plano ko.

          "Ikaw pala..."

          Sandaling tumingin sa akin si MM saka sya naupo sa tabi ko at tahimik na kumain ng marshmallows nya.

          Hindi din ako umimik at tahimik na lang tumingin sa mga dumadaan tao sa tapat ng retreat house namin.         

          Sya nga pala, nandito ako ngayon sa labas ng retreat house, sa may isang gilid kung saan may nakalagay na gawa sa narra na upuan at may maliit na mesa sa tapat ko.

          "Kanina ko pa napapansin na iniiwasan mo si Prince." bigla akong napaharap kay MM nang bigla syang magsalita. "Anong nangyari?"

          Sandali lang kaming nagtitigan ni MM pero sa bandang huli ako din ang naunang bumawi ng tingin ko saka bumuntong-hininga.

          "Ano, Mobi..." panimula ko. Ginamit ko din yung full name nya ngayon. "Naranasan mo na bang ma-in love?"

          Nakatingin lang ako sa damuhan habang mahinang sinisipa yung mga dama sa harapan ko habang hinihintay ko yung pagsagot ni Mobi.

          May hula ako na wala pa ding karanasan sa love si MM. Wala kasi sa mukha nya. Saka alam ko namang marshmallows lang yung mahalaga kay MM kaya imposibleng unahin pa nya yung love kaysa sa marshamallows nya.

          Pero hindi naman masamang matanong di ba? Mas maganda kasi magtanong ng mga ganito sa mga kapwa ko din tao. Ang hirap kasi magbase ng sagot sa nararamdaman ko lang.

          Gusto kong makasiguro. Gusto kong masiguro kung in love na ba talaga ako kay Kaizer o nadala lang ako doon sa ginawa nya kagabi na pagkiss sa akin.

          Wala sa loob na napahawak ako sa tapat ng labi ko nang maalala ko yung nangyari kagabi.

          Pero mabilis ko ding inalis ang kamay ko saka marahas na umiling para alisin yung alaala na iyon sa utak ko.

          Naiinis ako kay Kaizer at sa mga ginagawa nya at pinagsasabi! Masyado nyang nagugulo utak ko!

          "Love?" biglang sabi ni MM na nagpaharap sa akin sa kanya. "Hindi ko alam kung na-in love na ba ako pero may gusto akong tao."

          "Huh? Talaga?!" gulat at nanlalaki ang mata na sabi ko.

          Okay. Mukhang mali ako. Mukhang na-in love na nga si Mobi noon.

          "Bakit mo pala natanong?" biglang sabi ni MM sabay harap sa akin.

          "H-huh?!" gulat na sabi ko. Hindi ko kasi inasahan na tatanungin nya ako kung bakit ako natanong ng ganoon. "W-Wala lang! Natanong ko lang!"

          "Ah." napapatangong sabi nya sabay sumubo na naman ng ilang piraso ng marshmallows nya.

          "Alam mo ba kung bakit ako mahilig sa marshmallows?" biglang tanong ni MM matapos ang ilang minutong katahimikan sa pagitan naming dalawa.

          "Huh?"

          'Bakit napunta sa marshamallows yung usapan namin? sa isip ko.

          "Alam mo ba bakit mahilig ako sa marshmallows?" tanong nya ulit sabay humarap sa akin.

          "Dahil gusto mo?" alanganing sagot ko.

          Ngumiti muna sya sa akin. "Tama. Kasi gusto ko." sabi nya sabay tingin na naman sa kawalan at sabay naming pinanuod yung mga taong dumadaan sa harapan ng retreat house.

          "May nakikita ka bang special sa marshmallows?" tanong na naman nya.

          'Marshmallows na naman?!' hindi makapaniwalang sa isip ko.

          "MM, bakit mo ba ako tinatanong ng—"

          "May nakikita ka ba?" putol nya sa mga sasabihin ko.

          Tumingin muna ako sa kanya sandali saka bumuntong-hininga at sinubukang mag-isip ng pwede kong isagot doon sa tanong nya.

          "Wala?" alanganing sagot ko na naman.

          Napapatango si MM sa sagot ko. Buti naman. Akala ko kasi aawayin nya ako kasi wala akong nakitang espesyal sa paborito nyang pagkain sa mundo.

          "Iyon na yung sagot ko sa tanong mo."

          "Huh?!" hindi makapaniwalang sabi ko. "Paano ko naging sagot yung pagiging walang espesyal sa marshmallows?"

          Ngumiti ulit sa akin si MM saka nya pinatong yung isang kamay nya sa ulo ko at marahang pinat yung ulo ko.

          "Ikaw walang nakikitang espesyal sa marshmallows. Ako meron kasi mahal ko sila." sabi nya. "Parang sa pagmamahal, madaming tao ang hindi nakakakita sa espesyal na bagay na meron doon sa taong gusto natin. Pero tayo meron. Kasi sa pagmamahal, nakikita natin yung mga bagay na hindi nakikita ng iba."

          Lumalim yata yung mga guhit sa noo ko doon sa naging sagot ni MM.

          Okay. Tama nga sila. Na kay MM ang lahat ng karapatan para tawagin syang weirdo sa school namin. Kahit ako na-weweirduhan sa mga sagot nya eh!

          "Hindi mo ako nakuha ano?" sabi nya saka alis ng kamay nya sa ulo ko.

          Umiling lang ako bilang sagot sa kanya.

          "Walang sino man ang makakapagsabi kung paano malalaman na mahal nila ang isang tao kundi yung taong nagmamahal mismo. Sila lang ang makakaalam ng sagot sa mga sarili nilang tanong." sagot ni MM. "Isang tao, isang puso. Ikaw lang ang makakaalam sa puso mo at mga gustong gawin nito."

          Medyo nagbuffering ng ilang segundo yung utak ko doon sa mga sinabi ni MM pero maya-maya lang ay naintindihan ko na din yung mga pinagsasagot nya sa akin.

          'So ibig sabihin, ako lang talaga ang makakapagsabi na in love na nga ako kay Kaizer ganoon ba?'

          Sandali akong nakipagtitigan kay MM saka ako natawa.

          "Alam mo, ang weird mo talaga!" natatawa pa ding sabi ko. "Isa lang tinanong ko pero madami ka ng naging sagot. Hindi ko alam kung genius ka ba o weird lang talaga."

          "At least napasaya na ulit kita di ba?"

          Bigla akong natahimik doon sa huling sinabi nya. Matagal akong napatingin sa mukha nya, nagtataka kung ano ibig sabihin nya. Isang ngiti naman yung sinukli ni MM sa akin."

          "Kanina ko pa napapansin na may problema best friend ko kaya kita nilapitan."

          Biglang na-overwhelm yung puso ko sa sinabi ni MM.

          Na-guguilty tuloy ako na pinagsabihan ko sya ng weird. Para na tuloy akong isa sa mga babae sa school namin. Para ko na din syang nilait gayong nag-aalala lang pala sya sa akin.

          Napayuko ako. "Sorry."

          "Para saan?"

          Nag-angat ako ng ulo ko saka binalik yung tingin ko sa kanya. "Kasi tinawag kitang weird."

          "Bakit hindi ba?"

          Sandali ulit kaming nagtitigan ni MM. Magsosorry ulit sana ako kaya lang bigla na naman nyang pinatong yung isang kamay nya sa ibabaw ng ulo ko at marahang pinat iyon.

          "Wag kang mag-alala, best friend. Hindi ako nasaktan na tinawag mo akong weird." nakangiting sabi nya. "Saka okay na din iyon. At least napatawa kita di ba?"

          Napangiti na din ako sa sinabi nya. "Salamat MM ah?"

          "Para saan?" takang tanong nya ulit.

          "Kasi nilapitan mo ako." sabi ko. "Hindi ko na kasi alam gagawin ko eh."

          Tama. Kung hindi dumating si MM ngayon, baka nag-iisip na naman ako ng paraan kung paano hindi ko makakasama sa iisang lugar si Kaizer kahit na napaka-imposible noon kasi nakatira kami ngayon sa iisang bahay.

          Hindi naman sa hindi ko na sya iiwasan. Iiwasan ko pa din naman sya.

          Natatakot kasi ako. Natatakot ako na kapag nagkalapit kami marinig nya yung tibok ng puso ko. Natatakot ako na malaman nya yung nararamdaman ko.

          Natatakot ako na malaman nyang na-in love na nga ako sa kanya.

          Natatakot akong asarin nya ako, pagtawanan, iblackmail...

          Natatakot akong ma-reject.

          Nakakainis yung puso ko. Sa dami ba naman kasi ng magugustuhan, yung sikat pa. Yung school heartthrob pa namin. Yung varsity player pa. Yung pinakasikat na lalaki sa school pa namin yung napili nyang magustuhan.

          Nakakainis di ba? Kasi nagkagusto ako sa isang tao na hindi ko kapantay. Yung taong kahit kailan di ko mapapantayan.

          At doon ako natatakot.

          Alam ko na nasabi na sa akin ni Kaizer na gusto nya ako.

          Pero paano kung malaking joke lang iyon? Kasi napaka imposible nung sinabi nya eh!

          Isang sikat na school heartthrob magkakagusto sa isang anti-social na gaya ko?

          Napaka imposible di ba?

          Paano kung sinabi nya lang iyon para mas galingan ko pa yung pag-arte ko bilang tag girlfriend nya? Paano kung sinabi nya lang na gusto nya ako para tigilan na sya ng mga babaeng naghahabol sa kanya? Paano kung sinabi nya iyon kasi gusto nya lang ako protektahan?

          Paano kung imagination ko lang pala ang lahat?

          Ito yung mga gumugulo sa akin kanina pa kaya iniiwasan ko na mapalapit kay Kaizer. Na gumagawa talaga ako ng paraan para maiwasan ko sya.

          First time kong ma-in love at ayoko na matapos iyon ng ako ang nasasaktan.

          Ang layo kasi namin eh! Sino ba namang matinong tao ang mag-iisip na magiging bagay ako sa isang gaya ni Kaizer? Kahit sarili ko nga ayaw maniwala sa bagay na iyon eh.

          Pero mabuti na lang at dumating si MM. Medyo napagaan nya yung nararamdaman ko.

          "Salamat talaga huh?" sabi ko kay MM sabay ngumiti.

          "Basta kung anong sinasabi nito," sabi ni MM sabay turo sa tapat ng dibdib ko. "Sundin mo. Wag kang makikinig dito." dagdag nya sabay turo sa noo ko.

          "Anong ibig mong sabihin?" kunot-noong tanong ko.

          "Puso yung nagmamahal, Sitti hindi utak." sabi nya saka tumayo. "Lagi mo sanang tandaan 'yan."

          Matapos tumayo ni MM dala-dala yung marshmallows nya, iniwan na nya akong mag-isa dito sa may labas.

          Ngayong ako na lang yung mag-isa, pinag-isipan kong mabuti kung ano ba yung ibig sabihin ng huling sinabi ni Mobi.

          "Puso yung nagmamahal, Sitti hindi utak."

          "Puso ang nagmamahal..." ulit ko sabay napahawak sa tapat ng dibdib ko.

          Tapos biglang pumasok sa utak ko yung mukha ni Kaizer habang tumutugtog sya ng gitara kagabi at kumakanta.

          Bigla akong napangiti sa naisip ko sabay tumingin sa panghapon na langit.

          'Totoo palang gusto na kita.'

         

Kaizer's P.O.V

          "Nakita nyo si Sitti?" tanong ko sa isang kaklase namin na lalaki.

          "Nakita ko sya sa labas kanina kasama si...sino nga ulit 'yon 'tol?" sabi nya sabay tanong sa katabi nyang lalaki. "Yung weird nating kaklase?"

          "Ah! Si Dela Cruz ba?

          "Oo! Sya nga!"

          Hindi ko na pinatapos pakinggan yung dalawa kong nakausap saka umalis na lang sa harapan nila.

          Lalabas na sana ako sa pinto para hanapin yung dalawa kaya lang nakita ko agad yung ulo nung dalawa doon sa labas ng bintana.

          Nakita ko silang nagtatawanan. Mukha silang masaya. Tapos ko lang napansin...

          Na bagay pala silang dalawa. Si Mobi at Sitti.

          Sandali ko silang pinanood. Pero maya-maya umalis na din ako at hindi na tumuloy lumabas ng bahay.

         

Mobi's P.O.V

          "Saan ka galing, Mobillow?"

          "Dyan lang." sabi ko. "Naghahanap ako ng mga marshmallows—"

          "Pwede ba tayong mag-usap, Mobi?"

          Napalingon kami ni Kris nang marinig namin boses ni Prince sa likuran namin.

          "Hindi pa ba tayo nag-uusap?" takang tanong ko.

          "Mabilis lang 'to. Tatawagin na din tayo mamaya para sa assembly." sabi nya sabay tumalikod sa akin at nauna ng umalis.

          "Anong problema ni Kai Kai? Ang seryoso ah! Kanina pa yan! Inaway mo ba sya Mobillow?"

          Hindi ko na lang sinagot si Kris at sumunod kay Prince sa may second floor ng bahay.

          Nakita kong pumasok sa loob ng kwarto namin ni Prince kaya sumunod din ako sa loob at sinara yung pinto.

          "Tungkol ba 'to kay best friend—"

          "May gusto ka ba kay Sitti?" putol ni Prince sa sasabihin ko saka sya seryosog humarap sa akin.

          "Paanong gusto?"

          "Mahal mo ba sya? May nararamdaman ka din ba kay Sitti?"

          Sandali kong tiningnan si Prince. At sobrang seryoso ng mukha nya ngayon.

          "Wala." mabilis na sagot ko. "Gusto ko sya kasi best friend ko sya. Iyon lang."

          Hindi nagsalita si Prince. Nakatingin lang sya sa akin.

          Pero maya-maya lang, inis syang napasuklay sa buhok nya saka biglang naupo doon sa sahig ng kwarto namin.

          "Argh! Nakakainis ang babae na iyon! Hinahayaan nya akong maghinala sa mga kaibigan ko!" inis na sinabunutan ni Prince yung buhok nya.

          Pinanood ko lang sya doon sa pagkainis nya sa sarili nya. Tapos maya-maya pa umayos na sya ng tayo at humarap sa akin.

          "Pasensya na Mobi." mahinahong sabi nya. "Naiinis lang kasi ako."

          "Naiinis?" ulit ko. "O nagseselos?"

          "Huh?! Ako?! Magseselos? Sa inyo?! Hindi ah!"

          Ngumiti na lang ako sa paraan ng pananalita ni Prince. "Sinungaling ka."

          "Hindi ah!"

          "Sinungaling."

          "Hindi!"

          "Sinungaling."

          "Hindi nga sabi eh!"

          "In love na din si Sitti sa'yo."

          "Sinabi ng hindi—" biglang nabiten sa ere yung sasabihin sana si Prince saka sya natigilan. "Anong sinabi mo?"

          Tumango-tango na lang ako bilang sagot sa sinabi nya.

          "Kaya di ka dapat magselos sa akin, Prince." sabi ko sabay subo ng dalawang marshmallows. "Kasi may gusto din sa'yo si—"

          "Hindi totoo yan." putol nya sa sasabihin ko. "Iniiwasan nya ako."

          Napangiti na lang ako nang makita ko yung nahihiyang itsura ni Prince.

          Ngayon ko lang ulit sya nakita na ganito kasigla magmula nung iwan sya ni Mia.

          Sino ba ako para humadlang sa dalawa kong kaibigan di ba?

          "Mobillow! Kai Kai! Naglalabas na naman ng apoy yung ilong nung dragon!" biglang bumukas yung pinto ay iniluwa si Kris. "O ano 'to? Akala ko pa naman nagsasapakan na kayo! Boo! Ang kokorni nyo! Nasaan yung sapakan?"

          Hindi kami pinansin ni Prince saka na sya naunang lumabas sa aming dalawa ni Kris.

          "Anong nangyari?"

          Humarap ako kay Kris saka sya sinagot. "Mukhang nakalimutan na nga ni Kaizer si Mia."

          "Talaga?" hindi makapaniwalang sabi ni Kris pero maya-maya lang ay napangiti na din sya. "Eh di maganda! Effective pala si Sitti ano?"

          "Mali ka dyan." sabi ko sabay napatingin kay Prince na pababa na ng hagdan. "Effective silang dalawa para sa isa't-isa."

          "Huh?" lito at malakas na sabi ni Kris. "Di kita nainitindihan Mobillow! Ini-alien talk mo na naman ba ako?"

          Hindi ko na sinagot si Kris saka sabay kaming bumaba para sundan si Prince.

    

A/N: Sensya na daming typos. Di ko na in-edit 'to. Hoho! Comment po kayo ah? Salamat! Gusto ko sana yung mahahaba. :))

Continue Reading

You'll Also Like

11.2M 187K 34
Georgina is homeless and broke, and her ex-boyfriend came to her rescue by letting her temporarily stay in his house. But with the two of them living...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
15.1M 357K 62
Sequel of Famous Meets Bad Girl: "I can admit, I'm a different person now than I was three years ago.." she said. She was intently looking at the man...
5.6K 247 57
"You will always be my Angel, My Angela Marquez." - Angelo Flores Started: January 6, 2019 Finished: April 20, 2019 Edited version: July 26, 2020