THE REBEL SLAM 1: GRENDLE

By syanajane

206K 5.5K 76

Broken hearted si Donita nang aksidenteng mabunggo niya ang bokalista ng bandang pinakapinag uusapan sa campu... More

THE REBEL SLAM 1: GRENDLE
Chapter 1 : First Meet, First Headache
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER THIRTEEN
CHAPTER FOURTEEN
CHAPTER FIFTEEN
CHAPTER SIXTEEN
CHAPTER SEVENTEEN
CHAPTER EIGHTEEN
CHAPTER NINETEEN
CHAPTER TWENTY
CHAPTER TWENTY-ONE
CHAPTER TWENTY-TWO
CHAPTER TWENTY-THREE
CHAPTER TWENTY-FOUR
CHAPTER TWENTY-FIVE
CHAPTER TWENTY-SIX
CHAPTER TWENTY-SEVEN
CHAPTER TWENTY-EIGHT
CHAPTER TWENTY-NINE
CHAPTER THIRTY
CHAPTER THIRTY-ONE
CHAPTER THIRTY-TWO
CHAPTER THIRTY-THREE (FINALE)
The Rebel Slam Special Interview (with School's Editor, Sean Navarro) Part One

CHAPTER TWELVE

5.5K 164 2
By syanajane

CHAPTER TWELVE

"ATE, sino siya?" kinikilig sa bulong ng nakababata niyang kapatid na si Donna. Katabi niya ito sa hapag.

Kanina palang pagpasok ni Grendle sa bahay nila ay napatanga na dito si Donna. Animo'y nakitang dumating sa bahay nila si Lee Min Ho, ng City Hunter, na crush a crush nito.

Hindi pinansin ni Donita ang kapatid. Nanatili siyang nakayuko sa pagkain niya.

Kung siya ang tatanungin ay talaga namang hiyang-hiya siya kay Tito Raf. Grabeng abala na ang ginawa niya dito. Imbes na kumakain ito ng masarap sa mansion nito ay narito ito at pinagtityagaan ang tortang talong, pinritong galunggong at ginisang monggo. Well, special naman ang monggo dahil marami iyong sahog na karne.

"Ate!" Kinuwit pa siya nito.

"Bakit ba?" baling niya dito.

"Sino siya?" Turo ulit nito sa lalaking nasa kabilang side niya.

"Bakit hindi mo itanong sa kanya? May dila naman iyan kaya nakakapagsalita iyan." Muli niyang itinutok sa pagkain ang paningin.

Badtrip pa rin siya hanggang ngayon.

Nakasimangot na ibinalik din ni Donna ang paningin sa pagkain.

"Oh? Talaga? Malapit lang pala ang company niyo sa kainan ko ah!" ani Mang Gilbert kay Tito Raf.

"Ganoon ba? Saan ba iyang kainan mo na iyan at nang madalaw? Masarap itong ginisang monggo mo, ah! Pati itong tortang talong," sabi naman ni Tito Raf na sumubo pa ng pagkain.

Mukhang talagang nasasarapan ito sa pagkain nila. Medyo nakabawas iyon sa guilty niya. Lalo na at tila ganado itong makipaghuntahan sa tatay niya. Buong usapan nga sa harap ng hapag ay mga boses ng mga ito ang maririnig.

"Masarap talaga magluto itong asawa ko. Kaya nga ako nabingwit nito, eh," singit naman ng nanay niyang si Aling Cora. Mukhang magaan din ang loob nito sa bisita nila.

Teka, kung nag-eenjoy ang tatay sa pakikisalo sa hapag nila, kamusta naman kaya ang anak?

Pasimpleng nilingon niya si Grendle na tahimik na tahimik sa upuan nito. Baka hindi na ito humihinga.

Saka niya napansin na nakakamay pala ito at tila ba sarap na sarap sa pinritong isda.

'Marunong palang magkamay ang mayabang na ito?'

Nakatupi ang mahabang sleeve ng damit nito hanggang siko. At tila walang pakialam sa paligid na kumakain.

Tila nahihipnotismong napatitig siya dito. Hindi niya akalaing makikisama ito ng ganito sa kanila. Sa porma, ayos, pananalita at katayuan nito sa buhay, hindi niya akalaing...

Natauhan siya nang biglang lumingon ito sa kanya.

"Why?"

"Ahh..." Napatikhim pa siya. Nahagip ng paningin niya ang mangkok ng ginisang monggo. Agad niya iyong dinampot. "Gusto mo? The best itong ka-partner ng pinrito."

Hindi kumbinsidong tumingin ito sa kaniya. Pero kumuha pa rin ito sa iniaabot niya.

"O, Grendle, okay ka ba diyan?"

Napalingon si Grendle sa tatay niya. Bahagyang ngumiti.

"Okay na okay po."

"Masarap ba, iho?"

"Sobra po."

"Kitang-kita naman. Tingnan mo, ginaya ka pa niya. Nakakamay din," puna naman ng nanay niya.

Napatingin si Grendle sa mga kamay nito.

"Teka, ikaw si Grendle, di ba?" biglang sabi ni Donna.

'Malamang kasasabi lang ni tatay ng pangalan niya, eh,' bulong ni Donita.

"Oo. Ako nga."

"Ikaw 'yung bokalista ng bandang nanalo sa kabilang baranggay last, last week, di ba?"

"Ha?" Tila saglit na nag-isip pa si Grendle. "Hindi ako iyon." Ipinagpatuloy ulit nito ang pagkain.

Antipatiko talaga ito kahit kailan. Sabagay, kelan nga ba hindi? Sa pagkaka-alam niya ay wala itong sinisino.

"Pero--"

"Donna, 'wag mo na nga siyang istorbohin sa pagkain," saway niya sa kapatid. Feeling niya ay may pagnanasa dito ang kapatid niyang hitad na ito.

"Huwag mo daw ako'ng istorbohin, nagsiselos ang ate mo."

Nanlaki bigla ang mga mata ni Donna habang nakatingin sa kanya. Natakpan pa ang sariling bibig.

Bigla naman siyang napatingin kay Grendle. "Ano 'kamo?"

Subalit nagkibit-balikat lang ang lalaki.

"Ate, kayo ba?"

Medyo malakas ang pagkakasabi ni Donna niyon kaya naagaw nila ang pansin ng matatanda.

Gusto niya tuloy sabunutan ngayon ang kapatid niya. Ramdam niya ang pamumula ng pisngi.

"Ano'ng 'kami'? Hindi kami noh!"

"Eh, bakit nagba-blush ka?"

"Manahimik ka nga diyan, Grendle!"

"Alam niyo, kids, there's nothing wrong in having a relationship. It's a part of growing up."

"Tama si Pareng Raf." Tinapik pa ng tatay niya ang balikat nito. Tila ba wala itong katutol-tutol kay Grendle.

"Kung iniisip mo si Gerald, kalimutan mo na siya, anak," sabi naman ng nanay niya na tila concern na concern pa.

"Who's Gerald?"

"Ex-boyfriend siya nitong anak namin, pare."

Oo nga pala, alam ng pamilya niya ang nangyari sa relasyon nila ni Gerald. Sobrang nagworry pa nga ang mga ito sa kanya. Binigyan pa siya ng curfew para masigurong hindi na siya makikipagbalikan sa lalaki.

At ayun na nga. Ang lovelife na niya ang napagkwentuhan sa harap ng mesa.

Hiyang-hiya siyang napayuko sa pagkain niya.

Nakamove on na naman siya kay Gerald, eh. Pero ayaw niya pa ring napapag-usapan ito. Naalala niya lang kasi yung time na ibnreak siya nito pati na ang mga masasakit na sinabi nito. Masakit pa rin pala.

Natauhan lamang siya sa pag-iisip ng malalim nang may kung sinong naglagay ng pagkain sa plato niya.

Napatingin siya kay Grendle.

"Kumain ka na diyan... O gusto mong subuan pa kita?"

Napasimangot siya. "Adik ka talaga."

Muli siyang bumaling sa pagkain niya bagaman tila nawalan na siya ng gana. Tamilmil na kumain siya.

"Here."

Napatingin siya ulit kay Grendle nang hilahin nito ang braso niya.

Namula siya nang mapaharap dito. Paano'y may hawak itong kutsarang puno ng pagkain habang inilalapit iyon sa bibig niya.

"Ano'ng ginagawa mo diyan?" Ito na naman ang pagrarambulan ng kung ano sa dibdib niya.

"Uy!!!" sabay-sabay na tudyo ng pamilya niya. Tatawa-tawa lang si Tito Raf.

Lalo tuloy siyang namula. Bigla niyang naidalangin na sana'y bumuka ang lupa at lamunin na siya sa kahihiyang nararamdaman.

"Nangangawit na ako."

Muli siyang napatingin kay Grendle. There's amusement on his eyes.

Sino ba'ng may sabing subuan mo ako?'

Inilapit pa nito sa bibig niya ang kutsara.

Tila naghihintay din ang mga kasama nila na kainin niya iyon. Tiyak na mapapahiya si Grendle kapag pilit siyang tumanggi. Hindi lang ito, pati ang mga kasama nila.

'Bwisit ka talaga, Grendle! Hindi ko makakalimutan ang gabing ito!!!'

Nahihiyang isinubo niya nasa kutsara.

Nagsipalakpakan pa ang pamilya nila na para bang nasa reception ng kasal.

-----------------------------------

PAGKATAPOS ng masayang hapunan ay nagpaalam na ang mag-ama.

"We have to go, pare. Salamat sa masarap na hapunan," paalam ni Tito Raf.

"Walang anuman, pare... este, balae pala."

Nagkatawanan ang dalawang lalaki.

"Next time, kayo naman ang sumalo sa amin sa dinner, balae."

"Aba, oo naman. Hindi ito ang huling pagsasalo-salo natin. Donita!... Nasaan na si Donita?"

"Nasa labas sila, 'tay. Hayaan niyo namang makapagsolo sila ate at kuya Grendle."

"Oo nga naman, 'tart. Hayaan muna natin silang makapag-usap," lambing naman ng nanay niya sa asawa.

"I'm so glad na tanggap ninyo ang anak ko bilang kasintahan ng dalaga niyo."

Tinapik ni Manong Gilbert ang balikat ni Tito Raf.

"Mabuti kang tao, balae. Sigurado ako diyan. Hindi ako mapagtiwalang tao pero nakagaanan kaagad kita ng loob... Kaya masasabi kong mabuting bata din ang anak mo."

"Oo nga naman. Alam mo bang ni minsan ay hindi man lang naging sweet kay Donita si Gerald sa harapan namin?" anang nanay niya. "Basta't mamahalin niya lang ang anak namin at huwag sasaktan. Okay na kami doon."

Akala ng mga ito ay hindi nila naririnig ang mga pinag-uusupan ng mga ito. Pwes, nagkakamali ang mga ito.

"Ikaw ang may kasalanan nito eh!" mahinang sita ni Donita kay Grendle.

"Ano'ng kasalanan ko?"

"Huwag ka na ngang magplay innocent diyan! Baka gusto mong dagdagan ko ang sakit ng katawan mo?"

"Hindi na gaanong masakit. Magaling palang manghihilot ang nanay mo."

Nang malaman ng nanay niya na ito ang lalaking nadisgrasya niya ay nagprisinta itong hihilutin muna ang lalaki.

"Hindi iyan ang pinag-uusapan natin."

"About our relationship? What's wrong with that?"

"What's wrong?" gagad niya sa sinabi nito. "Tinatanong mo sa akin kung ano'ng mali? Mali lahat dahil hindi naman ito totoo eh. You're just playing."

Bumigat ang dibdib niya sa sinabi. Napakasakit isiping pinaglalaruan lamang siya nito.

Saglit itong natigilan. Maya-maya'y nagbuntong hininga.

"What made you think that I'm just playing?"

Huminga siya ng malalim para mag-ipon ng lakas ng loob. "Kung gano'n, bakit mo ginagawa ito?"

Hindi ito nakaimik.

Lalo lang siyang nasaktan.

"Oy, mga bata. Tinitingnan namin kayo!" narinig niyang sigaw ng tatay niya.

Napailing na lang siya.

"Umuwi na kayo. Salamat sa paghatid. Pasensya na kung masyado kayong naabala."

Akmang tatalikod na siya nang hulihin nito ang kamay niya.

Naghintay siya ng sasabihin nito subalit wala itong sinabi. Nanatili lang itong nakatingin sa kanya.

"Grendle--"

"I don't know," nagbaba ito ng paningin. Pagkuwa'y umiling. "I'll see you tomorrow... Goodnight."

At binitawan na nito ang kamay niya. Pakiramdam niya ay kasamang nalaglag ang puso niya nang bitawan nito ang kamay niya.

Was she really hoping that there's something between them? Was she hoping that Grendle have something special for her?

Mahirap umasa at mangapa sa dilim. Isa lang ang sure niya, Pagkatapos ng mga nangyari ngayon...

Inlove na siya kay Grendle!

----------------------------------------

Continue Reading

You'll Also Like

2.8M 53.2K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
282K 19.6K 90
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
9.1K 294 7
what if one starry night you will meet one of the most powerful man in world without knowing he is?
68.3K 974 33
If I could stop the clock from ticking, i would really do it. Seconds is not enough, I want you in my life forever.