Elemental Gunji-teki Academy

By MasayahingShana

614K 16.5K 854

15 element power 15 elemental army Here at my story, army has an another meaning. It has an another story. A... More

Welcome Message
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter to Era 2
Era 2 (Book 2)

Chapter 8

11K 293 14
By MasayahingShana

ALTAIR

Gabi na. Oras na ng pagtulog ngunit kanina pa ako nakahiga rito at nagpapagulong-gulong sa kama ko. Hindi ako makatulog.

Naalala ko si Lucian. Aish. Buset na isip.

Buti pa si Eunice nakatulog na ng mahimbing. Pero dahil na rin ata sa pagod.

Bumangon ako at dumungaw lang muna sa bintana.

Napakatahimik. Buong campus ay nagliliwanag dahil sa mga ilaw na nananatiling nakasindi. Mga nagkikislapang bituin sa langit ay talagang magandang pagmasdan. Matatanaw rin mula rito ang mga nagtataasang gusali ng academy.

Naalala ko tuloy ang unang pagpasok ko sa paaralang ito. Wala akong alam at bigla-bigla na lang ini-enroll ni papa rito.

Wait. Si papa ang nag-enroll sa akin rito pero wala man lang sinasabi sa akin. Basta maganda lang daw itong paaralan at dito ako nababagay.

Naalala ko ang unang araw na nagkwento sa akin si Eunice. Kaya raw niya nasisiguro na may kapangyarihan siya ay dahil anak siya ng elemental army.

Naka-enroll ako rito ibig sabihin ay isang elemental army si papa. Sa pagkakaalam ko ang trabaho niya ay isang doktor. Tapos naikwento sa akin naman ni papa na dating nagtatrabaho sa isang tech company si mama.

Napatingin ako sa mga palad ko. Iwinasiwas ko ang palad ko, nagbabaka sakali ako na may magawa akong kakaiba. Kaso wala. Nagmukha lang akong ewan dito sa bintana. Wala pa rin akong kapangyarihan.

Paano kaya kung wala talaga akong kapangyarihan? Omg.

Pero hindi naman ata ako basta-basta i-e-enroll ni papa sa paaralang ito kung hindi niya alam ang totoo rito.

Argh. Sumasakit ulo ko. Kapag makaharap at makausap ko na si papa, talagang tatadtarin ko siya ng tanong.

Huminga ako ng malalim para maibsan ang gulo sa isip ko. Ngayon naman ay namimiss ko ang mga araw na hindi pa ako naririto. Namimiss ko na si papa, bahay namin, at mga kaklase ko noon. Nakakamiss yung normal na buhay. Dito kasi papunta ata sa military training talaga ginagawa namin.

Hays. Ang daming pumapasok sa isip ko kaya mas lalo lang akong hindi makatulog.

***

"Bakit ba kasi natulog ka habang nakadungaw sa bintana? Dapat agad kang bumalik sa paghiga nang makaramdam ka na ng antok," sermon sa akin ni Eunice sa akin habang patungo kami sa classroom.

"Sorry na. Hindi na mauulit," sabi ko na lang habang nakahawak sa leeg ko.

Nang matagal-tagal na akong nakadungaw kagabi sa bintana, unti-unti na akong nakaramdam ng antok ngunit hindi ako bumalik sa paghiga sa higaan ko. Sunod ko na lang namalayan ay nagising na lang ako na nasa may bintana pa rin kaya heto't medyo masakit leeg ko.

"Sa clasrooom ba yung ingay na naririnig ko?" Biglang tanong ni Eunice nang malapit na kami sa classroom.

May naririnig kaming sigawan at tila nagbabangayan. Dahil dun, nagmadali kaming dalawa na makarating agad. Tumambad sa amin ang nagkakalat na upuan at mesa sa buong silid. Ang mga classmates naman namin na nandito  na ay nakasiksik sa gilid na parang may iniiwasan. Habang si Rusty at Rex ay nakatayo sa gitna.

Pero ang agaw pansin ay ang daming lupa rito. Naghakot ba sila ng lupa?

"Anong nangyayari rito?" Mahinang tanong ni Eunice.

Magsasalita sana ako ng biglang may lumitaw na mga squares na hologram sa paligid ni Rex.

"Woah! May kapangyarihan na siya?" Pagulat na tanong ni Eunice.

"Wow," sasambit ko sa sarili ko dahil sa mangha. Ang cool kasing tingnan ni Rex.

Namangha pa ako nang biglang nag-liwanag ng kulay brown ang mga palad ni Rusty. Ikinumpas niya ang kanyang kamay sa ere at ang mga lupang nagkakalat sa classroom ay parang namagnet papunta sa kamay niya. Pagkatapos ay tila inihampas ni Rusty yung lupa tungo kay Rex na naiwasan naman niya.

Kinumpas kumpas naman ni Rex ang kamay niya at may hologram naman na lumitaw sa harap niya at may mga tila cards na hologram na lumabas dito patungo kay Rusty. Nailagan din niya iyon. Maski kami na mga kaklase niya ay napaatras at may ilang kamuntikan pang matamaan. Ngunit tila wala namang may balak na pumagitan sa dalawang nag-aaway.

Mukang titira pa sabay yung dalawa ng biglang may lumitaw na malaking ugat ng halaman sa likod nila at pareho silang nagapos.

"Ano ba kayo?!" Halos tumalon ako sa gulat ng biglang may nagsalita sa likod ko na boses ng lalaki. Liningon ko.

Si... Lucian? Lucas? Lucius? Hindi ko makilala! Galit kasi expression niya eh!

"Nag aaway kayo gamit ang kapangyarihan niyo na kakagising lang ngayon? Ano gusto niyong mangyari? Makasakit ng iba? Makapatay?" pagpapatuloy niya.

Lumapit siya sa dalawa. Ikinumpas niya kamay niya tapos naglaho ng paunti-unti ang ugat na gumapos sa dalawa. Tila nahimasmasan naman ang dalawa.

Wait nga lang. Naalala ko na! Sa triplets, iba-iba ang kakayahan nila. About nature yung ugat ibig sabihin ay si Lucas ang isang to! Tama! Dahil about daw nature ang kapangyarihan niya.

"Hala! Anong nangyari dito? Bakit ang daming lupa?" Agad na tanong ni Philip na kakarating pa lang.

"Paktay. Andito na si sir," biglang sambit ni Eunice kaya napasilip ako at iba pa naming kaklase sa labas ng classroom. Totoong nandito na nga si sir.

Nang makapasok na si sir sa classroom, kitang-kita namin ang pagkabigla niya sa hitsura ng buong silid. "Class, anong kabulakbolan ang ginawa niyo ha? Bakit sobrang kalat dito?"

"Pasensiya na sir. Nagkainitan kasi ng ulo sila Rex at Rusty," ani Lucas.

Habang ang dalawang nag-away kanina ay parehong nakayuko. Nilapitan sila ni sir at mabilis na piningot.

"Palagi na lang kayo nag-aaway na dalawa. Nauubos na pasensiya ko," nanggigigil na sambit ni sir.

Napa-"aray" na lang ang dalawa at humingi ng tawad.

Hinarap naman kami ni sir. "Kayo naman, walang may nakapagsabi man lang o nakasaway sa dalawang ito. O baka may nakasaway nga pero hinayaan niyo munang magkagulo-gulo itong silid na ito. Hays. Pare-pareho kayo," galit na sabi ni sir sa amin.

Natahimik na lang kaming lahat.

Bumuntonghinga si sir. "May punishment kayo. Una, linisin niyo itong classroom. Pagkatapos ay pumunta kayo sa quadrangle. Bilisan niyo."

Pagkarinig namin nun, agad kaming kumilos para maglinis. Baka mamaya ay madagdagan pa ang punishment namin na kung ano man.

"Psst. Anong pinag-awayan ng dalawang yun?" Rinig kong tanong ni Eunice kay Miku.

"Eh di ano pa ba ang bago? Nagi-insultuhan sila tapos nang magkapikunan, nagsuntukan. Sa gitna ng suntukan nila bigla na lang may lumitaw na hologram sa paligid kay Rex tapos lupa naman kay Rusty," sagot ni Miku.

Ahh. Dahil sa away, nagising na ang kapangyarihan nila. Nung nagtra-training sila, hindi iyon magising-gising. What if makipag-away kaya ako nang sa ganun ay magising na rin ang kapangyarihan ko?

"Hey. Wag kang tumayo lang diyan. Tumulong ka sa paglilinis," biglang may bumulong sa kanang tenga ko kaya nabigla ako at saka niya sinadyang bungguin ako sa balikat ko.

Amputs! Kung di ako nagkakamali, si Lucius yun dahil sa asal niya. Bwesit.

Inayos ko ang mga upuan na nakatumba at tinanggal ang mga lupa. Habang ang iba kong kaklase naman ay kaniya-kaniya ng gawa rin.

Napalingon ako kay Lucius na ina-arrange ang ibang libro sa shelf na nagkalat pero nakatingin siya sakin while smirking.

Inirapan ko lang siya. Nang-aasar ba siya? Problema niya? Hindi ko naman siya inaano ah?

"Nag-aaway ba kayo ni Lucius?"

Napalingon ako sa nagtanong. Si Lucas ata 'to.

"Hindi ko alam sa kaniya," sabi ko at dinampot ko ang walis na nasa paanan ko.

Napabuntong hinga naman si Lucas.

"Kung ano man ang ginawa niya, ako na ang humihing ng pasensiya. Hayaan mo at pagsasabihan ko siya," aniya.

Buti pa itong si Lucas, mabait. Hindi na ako magtataka kung magka-crush ako sa kanya.

***

Pagkatapos naming maglinis sa room, deritso na kami sa quadrangle kung saan naghihintay si sir.

"Form five lines! Ayusin niyo. Bilis," agad na utos ni sir sa amin.

Ginawa namin.

Tumayo ng matuwid si sir sa harapan namin. "Hindi lang puro papaano niyo makokontrol ng kapangyarihan ang matututunan niyo sa akademyang ito. Kagaya ng mga sundalo ng mga pangkaraniwang tao, ididisiplina rin kayo. Pero huwag kayong mag-alala. Napakasisiw lang ng ipapagawa ko sa inyo ngayon. Deritso training na rin ang punishment niyo," ani sir.

Parang kinakabahan ako.

"Sisiw lang ito. Tatayo lang kayo ng matuwid riyan hanggang twelve-thirty. Ang oras ngayon ay alas-otso."

Uhm... Siguro kaya ko yan. Masakit nga lang sa paa.

"Habang nakatayo kayo, wala dapat akong makikitang gumagalaw sa inyo. No unnecessary moves; dapat maintain ang good posture ninyo hanggang mag-twelve thirty; dapat maayos ang linya ninyo; at wala magrereklamo. Naintindihan?"

"Sisiw," rinig kong komento ng isa sa mga kaklase ko.

Pero hindi siya sisiw sa akin. Para kaming statuwa nito.

May lumapit na dalawang studyante kay sir at inabot ang mga libro. Anong gagawin sa mga libro?

Kumuha si sir ng isang libro at inilagay iyon sa ulo ni Eunice dahil siya ang nasa unahan. Muling kumuha si sir ng libro at ipinatong niya sa ulo ni Rex.

O-oh.

"Umayos ng tayo," utos ni sir sa akin.

Agad akong umayos ng pagkakatayo at ipinatong niya sa ulo ko ang isang libro.

"Walang dapat na malaglag na libro. Easy lang no?" Ani sir nang matapos na niya kaming lagyan ng libro sa ulo.

Sa ngayon, easy. Malay ko na lang mamaya. Parang hindi na.

Habang nakatayo kami rito na parang mga estatuwa, ang ibang section ay patuloy sa active training nila.

Okay lang kami sa mga una. Ngunit nakakaramdam na ako ng kakaiba sa binti ko. Gusto kong igalaw. Kaso nakabantay si sir sa amin.

Nakita ko pa nga sa peripheral view ko na inapakan ni sir ang paa ni Rusty dahil nakabend ang isang binti niya. Pinagsabihan naman ni sir ang isa pa sa mga kaklase ko sa likod nang mahulog ang libro sa ulo niya.

Awkward ang kalagayan namin dito. Okay lang kung awkward lang pero gustong-gusto ko nang umupo. Mainit din dahil sa sikat ng araw. Parang magkaka-stiff neck pa ako nito dahil iniiwasan ko na ma-move ulo ko para hindi malaglag ang libro na nasa ulo ko.

Patagal ng patagal, lumalala na ang nararamdaman ko sa paa ko at nagugutom na rin ako.

***

"Okay. You can now move," sa wakas ay sabi ni sir sa amin.

Agad kaming umupo. May ilan pang humiga.

"Napaka-easy lang ng pinagawa ko sa inyo ngayon no?" Tila pang-aasar ni sir sa amin. "It's already 12:30. Take your lunch." At saka nagpaalam si sir.

Ngunit walang may pumansin sa amin dahil sa iniinda namin.

"Ganito pala ang pakiramdam maging estatuwa," rinig kong sabi ni Philip na nakahiga.

"Oh my goodness. Hindi ko na halos maramdaman mga paa ko," komento naman ni Mariz.

Umupo ako at pinisil-pisil ko ang mga binti ko dahil sa kakaibang pakiramdam. Parang masakit na namamanhid. Argh. Basta.

Naramdaman kong may umupo sa tabi ko. Nang lingonin ko kung sino, napatitig ako sa kaniya. Isa siya sa mga Imperial.

"Akala mo siguro hindi ko nalaman na ikaw ang isasama ni Lucian sa meeting niya," aniya.

Aish! Si Lucius 'to for sure.

"Ano naman ngayon? Anong problema mo dun?" Tanong ko sa kaniya.

"Tss. Pwede naman ako ang isama niya o si Lucas. Siguro may something kayo."

Napakunot ako ng noo ko. "Pinagsasasabi mo? Anong something-something?"

Sumimangot siya. Tumayo at agad siyang umalis.

Luh. Parang ewan. May sayad ata sa utak ang lalaking yun. Something-something kuno.

*****

Continue Reading

You'll Also Like

5.9M 173K 54
White Academy Sa paaralang ito nag-aaral ang mga hindi ordinaryong tao dahil meron silang natatanging kapangyarihan. At tanging Whitenians lamang ang...
191K 9.2K 85
Aerin Sandoval, an adopted child who lived in the world of mortals and received maltreatment from her aunt and cousins, turns out to be an immortal a...
206K 8.4K 50
I just escaped from life threatening situation. But I found myself in another situation that is difficult for me to handle. In a place where powers...
319K 11.5K 40
She's neither a princess or a noble. She is chosen to be a vessel to hold a power that humanity don't know. A power that will change the world.