THE 9 GODDESSES

By South_Paul

85K 2.2K 456

Ang 9 GODDESSES ay isa sa pinaka-sikat na girl group sa pilipinas. Mayroon silang magagaling na Vocals, Dance... More

PROLOGUE or INTRODUCTION
THE 9 GODDESSES #1 - "Out of the nine, who's next?"
THE 9 GODDESSES #2 - "To die or to suffer?"
THE 9 GODDESSES #3 - "Time of death, 6:09"
THE 9 GODDESSES #4 - "Sylvina Fernandez?"
THE 9 GODDESSES #5 - "Here lies the girl on fire."
THE 9 GODDESSES #6 - "Let it go"
THE 9 GODDESSES #7 - "Occisio Alexandrae"
THE 9 GODDESSES #8 - Black Ocean
THE 9 GODDESSES #9 - "Nasaan ang nine sa 9 GODDESSES?"
THE 9 GODDESSES #10 - "Bakit ba kami nagkakaganito?"
THE 9 GODDESSES #11 - Malalim na kadiliman
THE 9 GODDESSES #12 - "Deal."
THE 9 GODDESSES #13 - Cinna's secret
THE 9 GODDESSES #14 - Déjà vu
THE 9 GODDESSES #15 - Checkmate
THE 9 GODDESSES #16 - The Goddess of Death
LAST AUTHOR'S NOTE
EXTRA CHAPTER ONE - Two is better than one
EXTRA CHAPTER TWO - Forbidden affair

EPILOGUE

3.2K 93 31
By South_Paul

*UNKNOWN’S POV*

 


“Run Devil, Run Run, Devil Run Run
Run Devil Devil Run Run”

Matapos ko kantahin ang trademark song ng 9 GODDESSES ay pinalakpakan ako ng mga audience sa studio. Hawak-hawak nila ang lightstick ng 9 GODDESSES at sari-saring banner na iisa lang naman ang mensahe—mensaheng namimiss nila ang grupo.

“We miss 9 GODDESSES!”

 

“Bring back my 9 GODDESSES!”

 

“9 GODDESSES FOREVER!”

Napaka-plastik nila. Nung namumuhay pa ang 9 GODDESSES ay ultimong isumpa sila sa kamatayan. Kung kailan nawalan ng hininga kailan naibigay ang respeto na hinihingi nila nung nabubuhay pa. Ganito talaga ang mundo, napaka-plastik. Kahit sinong sikat ang mamatay—marami mang galit o kaunti—basta namatay, malulungkot ang buong mundo. Kung kailan namatay, kailan nirespeto. Oo, sinusumpa ko sila. Kung hindi dahil sa kanila ay hindi mamamatay ang kapatid ko na si Ate Yeonnie.

Alas dose ng gabi ng namatay ang ate ko. May mga haters daw na nagpasabog ng lugar kung saan nag-shoshooting ang grupo ng aking kapatid. Naging maingay ang media. Sumabog sa buong bansa ang nangyari. Ang mga haters ay nagpost nang mga Rest in peace messages samantala nung mga buhay pa sila ay ultimong gusto na nila sila patayin ng buhay. Mga plastik, dinaig pa nila ang pinaka-retokadong tao sa mundo sa sobrang plastik nila.

“Thank you, Miss Zilla Gomez! Let’s give her a round of applause!” Sabi ng host na si Aira sa kanyang mga audience. Nag-bow naman ako sa kanila. Pag hindi naman kasi ako magbobow ay magagalit sila. Kasalukuyan akong guest dito sa patok na talkshow na Aira Television para sa 5th year death anniversary ng 9 GODDESSES. Limang taon na pala ang nakalipas nung namatay ang ate ko. Isang taon na pala ang nakalipas nung nawalan ako ng masasandalan. Nag-senyales ang direktor para sa isang commercial break. Nagpaalam naman si Aira sa mga televised viewers niya.

Nung commercial time na ay pumunta na akong backstage. Habang naglalakad ay unting-unti kong iaalis ang mga accesories na naka-kabit sa akin. Hindi ako sanay ng ganito para akong nasasaktan to be honest. Pumasok ako sa make-up room na naka-laan para sa akin. Thankfully ay wala namang tao kaya may privacy ako kahit papaano. Ni-lock ko ang pintuan at tinignan ko ang aking mukha. Chinita, May pagka-kulot at may matangos na ilong. Para nga raw kaming kambal ni ate pero mas matangos ang ilong ni ate at mas malaki ang mukha at bibig ko kaysa sa kanya. Tumingin ako sa lamesa at may nakitang isang bouquet ng mga pulang rosas. Kinuha ko ito at binasa ang letter na nakaloob.

“Good luck on your debut.”

Sabi sa letter. Wala mang nakasulat na pangalan pero penmanship pa lang ay kilala ko na kung sino siya. Ganito rin kaya si Kuya Cedric nung debut ni Ate Yeonnie? Binaba ko ang bulaklak at tumingan sa salamin. Napa-singap ako nung makita ang repleksyon sa salamin. Isang sunog na katawan pero siya ay humihinga. Ang kanyang mga kamay ay unaabot ako. Yung mga mata niya ay pamilyar... ang mga mata niya ay kapareho ni Ate Yeonnie!

Nakatingin lang siya ng diretsa sa akin. Biglang kumirap ang mga mata niya. Tumaas ang balahibo ko at nanlamig ang paligid. Hindi ko naiwasang tumili. Kinuha ko ang bulaklak at paulit-ulit na hinahampas sa kanya habang sinasabi sa kanya na lubayan ako. Narinig kong bumukas ang pintuan sa aking make-up room. Inawatan ako ng isang babae, personal assistant ko to be exact. Nahulog ko ang bulaklak at pinanuod kung paano ito nahulog sa sahig. Dahil sa aking ginawa ay natanggal ang mga petals ng rosas. Mabilis kong sinulyapan ang salamin at nakita ko ang aking sarili. N-nasaan na yung kanina?  

“Miss Zilla, ano po yung ginagawa niyo kanina?” Tanong sa akin ng PA ko. Piglas ako sa hawak niya sa aking braso at tinignan siya.

“H-hindi mo ba nakita yung kanina?” Tanong ko sa kanya. Umiling siya bilang sagot sa akin. Nagtaka naman ako sa kanya. Imposible, totoo ang aking nakita. Don’t tell me ako lang ang nakakakita nun. Huminga ako ng malalim para mapakalma ako. “Forget it. Baka nag-hahalucinate lang ako dulot ng stress. Ikuha mo nalang ako ng oreo pampakalma sa akin.” Utos ko sa kanya. Tumango naman siya at umalis na. Naglakad naman ako papunta sa recliner at inilatag ang aking sarili doon.

Why am I hallucinating these things? As far as I remember ay kinalimutan ko na ang lahat. Pero bakit sa pagkakataong ito ay bumabalik ang ala-ala ni Ate Yeonnie? What’s behind with these hallucinations?

***

Pumasok ako sa aking condo unit. Finally, home at last! Sa oras ng pagkapasok ko ay sumugod ako agad sa aking kama. Ito ang aking paraiso. Paraiso sana ngunit ang ingay ng kapitbahay dahil sa dini-demolish na lumang sinehan sa tapat ng condo kaya nasisira ang view sa tuwing titingin ako sa salamin pero hindi ko naman naririnig ang kanilang ingay na ginagawa dahil sa soundproof ito. Sa pagkaka-alam ko ngayong gabi ang demolition date nito since ayaw nilang maabala sa umaga dahil sa laki ba naman ng sinehan nito sakop ang dalawang kalye kaya sa gabi nalang para hindi trapik pag umaga. Minsan nga naiisip kong mag-wrecking ball sa mga wrecking ball sa labas eh. Humiga ako sa aking kama at nilabas ang aking phone. Tinignan ko ang aking official twitter account. As of now ay may 96 notifications ako. Parang ang unti naman ata kumpara kahapon. Bubuksan ko na sana ang aking notifications ng biglang nagreklamo ang aking tiyan. Shocks, hindi papala ako kumakain ng dinner. Pero tinatamad akong magluto. Tinatamad din ako tumawag at magpa-deliver. Pero ang alam ko ay marami pa akong stock ng Oreo. Tumayo ako sa pagkahiga at lumabas ng kwarto. Dimiretso ako agad sa kusina at binuksan ang ref. Nilabas ko ang gatas mula sa refrigerator. Kinuha ko naman ang isang dosenang pakete ng Oreo na nakalagay sa isang basket sa ibabaw ng refrigerator. Kumuha ako ng plato’t bowl. Naglagay ako ng gatas sa bowl. Binuksan ang mga pakete ng oreo at nilagay sa gatas. Ipinatong ko yung bowl sa plato. Ganito ako pag tinatamad magluto, Oreo cereal nalang. Pupunta na sana ako sa kwarto pero hindi pa pala ako nakakakuha ng kutsara. Pumunta ako sa cabinet kung nasaan ang mga dining utensils. Kinuha ko ang kutsara at bumalik sa dining table kung nasaan ang Oreo cereal ko. Pero dahil sa katangahan ko ay nahulog ko ang kutsara. Sa paghulog ng kutsara ay maririnig mo ang kalansing nito sa pagka-hulog.

Pero hindi lang ang kalansing ng kutsara ang aking narinig...

Kasabay ng kalansing nito ang isang kantang tumugtog. Kantang matagl ko nang narinig. Kantang huli kong narinig mula sa kanila limang taon na ang nakalipas. Kantang kinanta ko kanina sa Mahigit dalawang libong taong nanonood sa kanilang mga telebisyon.

“You better run, run, run, run, run, run.”

Kanta nito. Agad akong tumakbo papunta sa aking kwarto at nakita sa lapag ang aking phone. Kahit takot lapitan ay lakas loob akong lumapit. Pinulot ko ito sa sahig at pinause. Weird. Bakit bigla itong tumugtog? Hindi naman pwedeng sira dahil kakabili ko lang nito last week. Or baka may nagawa ako kaya biglang nagka-ganito. Hindi kaya... No, hindi pwede. By the thought of it ay biglang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa takot. Hindi pwede, nag-iilusyon lang ako. Gutom lang ang lahat ng ito. Nilagay ko nalang sa bulsa ang aking phone.

Tumayo ako sa pagka-pulot at naglakad papunta sa kusina. Gustuhin ko man matulog nalang at palipasan ang araw at kalimutan pero hindi talaga kakayanin ng tiyan ko na hindi kumain. Life is food, food is life nga di’ba? Pagkabalik ko sa kusina ay nagulat ako sa aking nakita. Ang ihinanda kong Oreo cereal ay nakakalat na sa sahig. Ang mga Oreo ay may mga kagat na. Ang gatas ay umaagos sa iisang direksyon. Paano ito mahuhulog eh hindi ko naman ito nilagay sa dulo ng table? Imposible namang hanginan ito. Baka naman siguro lumindol ng hindi ko nararamdaman kaya nahulog yung cellphone ko at yung bowl. Pupulutin ko na sana ang bowl nang bigla ako mapatigil sa isang tinig na nanggagaling sa aking likuran. “Salamat sa inihanda mong pagkain.”

Tumayo ang balahibo ko at bumilis ang takbo ng aking puso dahil sa kanyang boses. Mas lumamig din ang paligid kumpara kanina. Yung boses niya. No, wala akong narinig! It’s impossible to hear her voice again! Ilusyon lang ang lahat-lahat. Gutom lang ito, Zilla remember? Dahan-dahan akong lumingon sa kanya at tinignan siya ng masamang tinggin. “Sino ka?! Anong kailangan mo?!”

Ngumisi naman siya at unting-unting lumalapit sa akin habang ako naman ay paatras. “Ikaw, sino ka ba talaga? Sino ka nga ba talaga, Zilla?” Tanong nito sa akin. Wala na akong maatrasan, nacorner na ako. Tinakpan ko ang aking tenga at ipinikit ang aking parehong mata. Hindi! Wala akong naririnig! Kinagat ko ang aking sariling labi para magising sa bangungot na ito. Ngunit nung pagkabukas ko ng mga mata ko ay hindi sinag ng araw ang sumalubong sa akin kundi ang kanyang mukha na malapitan sa akin. Nag-sign of the cross naman ako para matakot siya sa akin at layuan ako pero ngumiti lamang siya. “Isang demonyong, nagdasal? Bago yun ah!” Sabi pa niya.

“A-ano bang kailangan mo? H-hindi ki-kita kilala!” Sigaw ko sa kanya. Bigla naman niyang hinawakan ang aking ulo gamit ang kanyang dalawang malamig na kamay. Anong gagawin niya?

“Alam kong kilala mo ako pero ang sarili mo ay kilala mo ba?” Tanong nito sa akin. Hindi ko siya naiintindihan. Ano ba ang kanyang sinasabi? “Kilala mo ba ang sarili mo, Yeonnie?” Tanong nito sa akin. Ang sunod ko nalang nalaman ay nandilim ang aking paningin at bumalik ang ala-ala.

[FLASHBACK STARTS...]

Iminulat ko ang aking mga mata. Nasa isa akong puting kwarto at nakahiga sa isang malambot na puting kama. Malamig ang paligid dahil sa aircon at nasisinagan ng araw. Nasaan ako? Bakit ako nandito? Biglang bumukas ang pinto at pumasok ang isang pamilyar na mukha. Pumasok ang aking kuya na isang sikat na surgeon. Sinubukan ko siyang tawagin kaso nakaramdam ako ng hapdi sa oras na buksan ko ang aking bibig.

“Don’t make minor or major movements for now.” Payo sa akin ng kuya. Kinuha niya ang isang stool at umupo sa aking kaliwa. “You’re lucky you’re alive. You body was deeply burnt especially you’re back but you still manage to be alive. I am glad after 5 days in coma ay nagising ka na rin. Good thing one-of-a-kind ang boses mo dahil kung hindi baka hindi kita mahalata nung nakita kitang sunog na nagmamaka-awa. Sa apat na nasa shooting venue ay ikaw lang ang naka-survive. Others are parang naiwan ng isang linggo sa sa toaster. You’re surgery will be tomorrow. A surgery from head-to-toe.” Sabi nito sa akin. “Don’t worry. Kaunti lang ng tao ang nakaka-alam na ikaw si Yeonnie. We already told the media na patay ka na.” Sabi niya. Nagulat ako, bakit niya ito ginagawa?

“I am doing this, Yeonnie so you can start again. I know na kung sino ka ngayon ay hindi mo gusto. Kapatid mo ako kaya alam ko na ayaw mo maging kilala bilang Yeonnie ng 9 GODDESSES. I know you want to be known as Yeonnie herself only.  From now on, you will be Zilla Gomez, the secret treasure of our family. You can start again in your dreams. Our team will just keep it a secret.” Sabi niya. Nagpaalam siya at lumabas ng kwarto. A new start? Tanggapin pa kaya ako ng new start na yan?

***

October 8, 2014

 

Iyan ang petsa kung saan ako inoperahan. Ayang mismong araw na yan kung saan mula ulo hangga’t paa ay pinalitan ng mga bagong parte. Matapos ang 3-5 araw na pag-stay sa ospital ay inilagay ako ni Kuya sa isang condo unit kung saan ako mag-iistay. Tinanggal ni kuya ang mga salamin para hindi ko makita ang aking sarili. Gusto niya akong surpresahin.

January 16, 2015

Isang daang araw ang nakalipas. Isang daang araw na hindi ko nakita ang aking sarili. Isang daang araw na nakakulong lang sa isang bahay ng mag-isa. Sa wakas ay tapos na ang isang daang araw na iyon. Sa wakas, oras na para tanggalin ang mga nakabenda sa akin. Oras na para makita ang bagong ako.

Hapon nang dumating si kuya kasama ang kanyang team sa aking condo. Hindi ko mapigilan ang excitement ko. Kaso hindi mawala sa aking isipan ang takot. Pilit pa rin akong niyayakap ng katakutan. Pinaupo ako ni kuya sa isang stool. Inutusan niya akong pumikit kaya ako’y pumikit. Ganito talaga pag-excited, uto-uto.

Itinanggal ni kuya ang aking t-shirt na suot-suot. Kahit nakabenda ako ay gusto ko parang may suot, piling ko kasi hubad ako. Naramdaman kong tanggalin ni kuya ang benda sa aking upper torso. Hindi ko parin makita dahil nakapikit ako pero parang napapansin ko na lumaki ang aking kinabukasan kumpara sa luma itong size.  Sunod na tinanngal ang benda sa aking bandang legs hanggang pababa. Nandun pa rin kaya ang pasa na nakuha ko nung ginawa ko ang sayaw para sa Twinkle? Huli niyang tinanggal ng benda ang aking ulo. Ano na kaya ang itsura ko? Mas gumanda kaya ako o pumangit? Mukha ko pa rin ba ito o hindi na?

Pinabukas ni kuya ang aking mga nakapikit na mata. Binuksan ko naman ito at tumambad sa akin ang aking repleksyon sa salamin. Nagulat ako sa aking transpormasyon. Kung dati’y paru-paro na ako, ngayon siguro ay reyna na ako ng mga paru-paro. Ito ba talaga ako?

Mas pumayat ang aking legs kumpara dati. Nawala ang mga pasa at sugat na namuo sa aking katawan. Namuo ang aking sexy figure hindi tulad dati na slim lang ako. Mas lumaki ang aking dibdib kumpara dati. Mas tumagos ang aking ilong at lumaki ang aking bibig at mukha. Ang dating straight na buhok ay naging kulot na. Nakikita ko pa naman ang aking lumang sarili pero nakatago lang ito. Napatinggin ako sa aking kuya. Kaya pala siya ay mas sikat kaysa sa akin. Mula ulo hanggang paa ay nabago niya ako. His hands aren’t called hands of God for nothing. Kaya pala siya ang gusto ng aking mga magulang dahil siya ang mas magaling kaysa sa akin. Dahil siya ang mas nakaka-angat kaysa sa akin.

Naglakad palayo si kuya at may kinuha sa kanyang bag na dala-dala. Nilabas niya ang isang envelope  mula sa loob. Inabot niya sa akin ang envelope. Kinuha ko naman ito at binuksan ang envelope. Kinuha ko ang papel na nasa loob at binasa. Nagulat ako sa aking binasa. Tinignan ko si kuya. “Is this real, kuya? Is it real?” Tanong ko kay kuya. Nakangiti siyang tumango sa aking tanong. Hindi ko napigilang umiyak sa tuwa. Ang inabot lang naman sa akin ni kuya ay isang invitation para mag-audition bilang next female soloist ng SNSD Entertainment—ang kumpanya kung saan naging miyembro ako ng 9 GODDESSES. Everything in plan worked. Napaganda ng aking simula sa new start na ito. A litteral new start indeed.

[FLASHBACK ENDS...]

Nanlaki ang mgamata ko matapos ang kanyang ilusyon na nilikha sa aking isipan. Dahan-dahan niyang tinanggal ang kanyang kamay sa aking ulo. Tinignan ko siya ng masama. Ang kaninang kulay brown niya na mata ay naging puti. Nang-form ang mga nerves sa kanyang bandang utak. Kahit nakakatakot siya ay nagagalit pa rin ako. Bakit niya kailangan ipailala? Bakit kailangan niyang ibalik ang ala-alang matagal ko nang sinunog? “Ano ba ang kailangan mo sa akin, Yoona?” Tanong ko sa kanya. Napangiting demonyo  naman siya nung nabanggit ko ang kanyang pangalan.

“Akala ko ba hindi mo alam ang aking pangala—“ Sabi niya pero hindi ko siya pinatapos.

“ANO BA ANG PUTANG INANG KAILANGAN MO?!” Pasigaw ko na tanong sa kanya. Napahalakhak naman siya.

“Wala, gusto lang kitang i-congratulate sa iyong success.”

“Kung aasahan mo na magpapasalamat ako, pwes wag kang umasa dahil hinding-hindi ko yun gagawin. Mabuti na sigurong mauna na ako dahil may mas kailangan pa akong gawin kaysa makipag-usap sa isang walang-kwentang tao na matagal nang patay.” Sabi ko. Naglakad ako palayo sa kanya. Hindi niya naman ako pinigilan at hinayaan akong dumiretso sa aking kwarto. Pumasok ako sa kwarto at agad na nilock ang pintuan. Napasandal ako sa naka-lock na pintuan habang nakapikit at hinahawakan ang aking ulo. Bakit siya bumalik? Anong kailangan niya?

Iminulat ko ang aking mata at nagulat sa aking nakita. Pitong babae ang nasa loob ng kwarto ko. Ilan ay nakatayo, nakaupo sa sahig at naka-dapa pa ang isa sa aking higaan. Hindi ko alam kung ano ang kailangan nila para magtipon-tipon sa iisang kwarto pero ito ang nakakasiguro ako, sigurado akong patay na sila.

“Hindi mo man lang ba kami papasalamatan? Kung hindi kami namatay ay wala ka kung nasaan ka man ngayon. Hindi mo man lang ba papasalamatan ang mga walang kwenteng tao na matagal ng mga patay?” Bulong ng isang boses sa aking kaliwa. Lumingon ako at nakita si Yoona.

“Wala akog dapat pasalamatin!” Sabi ko sa kanya. Tumingin naman ako sa pitong babae. “Oo, hindi ko kayo papasalamatan! Kahit naman hindi ko kayo patayin ay mapapsakin naman ang solo ko. Kailangan ko lang naman maghintay pero naiinip ako! Tsaka mamatay rin naman kayo, walang permenente sa mundo.” Sabi ko. Nanlaki naman ang kanilang mga mata. “H-hindi ako natatakot sa inyo dahil tulad pa nung buhay kayo,” Sabi ko at tinignan sila isa-isa. “WALA PA RIN KAYONG MGA KWENTA!” Sigaw ko sa kanila.

Namula ang kanilang mga mata. Humagis ang mga kagamitan ko sa loob ng silid. Ang mga ilaw ay patay-bukas. Unang tumili si Yoona. Sumunod sa kanyang tili ay sina Hannah, Sunny at Fiona. Huling tumili naman sina Cinna, Alexandra, Stephanie at Jessica. Tinakpan ko naman ang aking tenga at nakitili na rin. Bigla namang may bumulong sa aking kaliwa. “Mamamatay ka rin kung paano ako namatay, isinumpa ko yan sa mga huli kong hininga.”

“WALANG MAMAMATAY! HINDI AKO MAMAMATAY!” Sigaw ko. Lumabas ako ng kwarto at patakbong lumabas ng aking condo unit. Habang tumatakbo sa hallway ay napalinggon ako para tignan kung hinahabol nila ako. Hindi nila ako hinahabol pero kadiliman ang humahabol sa akin. Ang mga ilaw sa likod ko ay nagsasara. Hindi ko alam kung ilusyon ko lang ito o realidad pero tinggin ko ay lahat ng ito ay katotohanan. Pumasok ako sa fire exit. Mas delikado kung mag-eelevator ako. Bumaba ako sa mga hagdan. Hinahabol pa rin ako ng kadiliman. Kahit pagod ay patuloy pa rin ako sa pag-takbo hangga’t sa nasa dulo na ako. Ang buong akala ko ay dumidiretso itong fire exit na ito sa main lobby ng condo pero diretso pala ito sa likod ng condo. Kahit hindi alam kung saan patungo ay diretso lang ako. Diretso lang tas biglang liko.

Pumasok ako sa gate. Hindi naman siya talaga gate kundi mga yero lang na color blue. May mga nakasulat pero hindi ko na pinansin dahil baka mahabol nila ako. Madilim ang paligid. Tila ba parang nasa labas ka ng haunted house. Makaluma ang building at maalikabok. Bigla naman nakaramdam ako ng panlalamig. Isa lang ang ipagsabihin nito, malapit na sila. Tumakbo na ako papasok sa lumang building. Kahit madilim ay diretso lang ako. Malawak ang daan at madumi. Bigla akong nakaramdam ng hagdanan kaya tumaas ako rito. Sa pagtaas ay sumalubong sa akin ang isang malawak na hallway. Diretso lang ako rito hanggang sa nauntog ako sa isang kahoy. Kinapa ko ito ay may nakapa akong matigas na pabilog—isang doorknob. Binuksan ko ang pinto kung saan ako nauntog. Pumasok ako rito at dumiretso lang hangga’t sa biglang bumagsak ang aking kanang paa. Sinubukan ko itong tanggalin pero mukhang stuck na ito.

Mawawalan na sana ako ng pag-asa ng bigla kong naalala na nasa bulsa ang aking phone. Agad kong kinuha kong phone na nasa bulsa at pinaliwanag ang aking baba. Nahulog ang aking paa sa isang butas na para bang sinadya. Inilawan ko naman ang paligid gamit ang aking phone. Tumambad sa akin ang maraming upuan at isang malaking screen. Teka! Mga upuan? Malaking screen? H-hindi! Hindi ito maari...

Paraiso sana ngunit ang ingay ng kapitbahay dahil sa dini-demolish na lumang sinehan sa tapat ng condo...

 

 Minsan nga naiisip kong mag-wrecking ball sa mga wrecking ball sa labas eh.

 

Mamamatay ka rin kung paano ako namatay, isinumpa ko yan sa mga huli kong hininga.

Biglang nawarak ang screen na nasa harapan. Nawasak ito dahil sa isang bilog na gamit. Kulay itim ito at kung titignan mo palang ay matigas ito. Isang wrecking ball. Umusog ito at nag-swing back ang wrecking ball. Tumingin naman ako sa paligid kung sakali ma’y makikita man akong pwedeng maka-alais sa aking posisyon ngayon.  Sa halip na makakita ako ng mga kagamitan ay nakita ang ang mga myembro ng 9 GODDESSES na pareho naming pinatay ni Jereos. Nakaupo sila sa mga cinema seat nang naka-talikod at parang pinapanuod ako. Lumingon ako sa wrecking ball at nakita na ilang centimetro ang layo nito mula sa aking ulo.

~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#

Vote, Comment, Share and Support 

Continue Reading

You'll Also Like

53.4K 310 2
Book I . Magiczard Academy: The Heartless Princess Book II . The Legendary's Legacy
64.7K 2K 23
Charm Academy is a magical school where Ariela studied.Then this is the continue of her life. I was inspired by Miss April and also my bias, EXO SEHU...
1.2M 26.1K 38
fantasy story with a bit of romance. take not A BIT ONLY. I'm not that expert to write a romance or love story, so this will be more on a fantasy sto...
550K 3.3K 8
Sapphire Quinzel was transferred to another school along with her best friend for an unknown reason by her grandfather Felix Hart. What could be her...