CBS#3: Babysitting Dakota

By ImperfectPiece

60K 1.7K 325

Clingy Boys Series#3: Babysitting Dakota Sasha needs money. ASAP. Kaya kahit na maging katulong siya sa kabil... More

Babysitting Dakota
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14

Chapter 4

4.7K 177 37
By ImperfectPiece

BABYSITTING DAKOTA
C H A P T E R - 4
After a year.




Kagagaling niya lang ng palengke.





Siya na muna ang umako ng gawain ni Tina dahil may lagnat ito. Ayaw niya namang pagmartsahin ito sa palengke na may mataas na temperatura. Dahil siguro sa walang pahinga at sa dami ng gawain sobra itong napagod kaya nagkalagnat. Kahit na iisang tao lang naman ang nakatira dito na pinagsisilbihan nila, lahat sila ay abala dahil sa pagkalaki-laki ng bahay. Isa pa, isa ding masakit sa ulo ang hari dito.

Napagpasyahan niyang saglit na munang ilapag ang mg dala-dalang pinamili sa kusina dahil pakiramdam niya ay nanlalagkit na siya sa pawis. Pero habang papalapit siya sa sala ay narinig niya ang boses ng kanyang Sir Dakota.



"I don't like the taste. Throw it." Dakota demanded.


"Hala, sorry po sir. Ipagtitimpla—" Naputol naman ang kausap nito dahil sa pagsabat ng kanyang Sir sa iritadong boses.


"No need. I need, Sasha." He demanded the servant nonchalantly.


"Pero kasi sir, nasa palengke pa po siya at hindi pa dumadating." Dahilan ng ninenerbyos na katulong.



Sumilip siya sa hamba ng dingding na nagdurugtong sa kusina at sala ng bahay. Nakita niyang hinihilot ni Dakota ang sintido at alam niyang naiinis na ito. Napailing siya dahil sa inasal nito sa katulong na kaharap kaya naisipan niyang lumabas na at ipakita ang prisensiya niya at sagipin ito.

"Call her. Tell her to go home—"

"—Sige na, Ate Julie. Ako na po ang bahala pakiayos na lang po yung mga nabili ko sa kusina."


Para bang nakahinga ng maayos ang mas nakakatandang katulong ng makita siya nito. Ngumiti ito sa kanya ng pilit at medyo nanlalaki ang mata, para itong ewan na matigas ang leeg na tumango-tango at dali-daling naglakad palampas sa kanya papunta ng kusina. Gusto niyang matawa. Hindi kasi sanay ang mga ito sa ugali ni Dakota.


"What took you so long?" Nakakunot ang noo ni Dakota na nakaupo sa sofa habang nakatitig ito sa kanya ng may pagkainis.


Napamewang siya. "Wag mo akong ineenglish ha. Nakakapagod mamalengke kaya wag mo akong tinatanong." Sipat niya.



Nagtaas naman ng kilay si Dakota. "Hindi mo man lang ako naisip? Paano ako dito?" Pagmamaktol nito na parang bata.

Siya rin ay nagtaas ng kilay. "May kamay at paa ka naman ah. Anong paano ka rito?"



"It is you who I always need, Asha. Kanina pa ako nagugutom." Sumimangot ang binata.


Hindi ito kakain kung hindi siya ang maghahanda ng kakainin nito. Hindi niya ba alam kung anong meron pero kapag hindi siya ang kumilos para dito, hindi nito iyon tatanggapin. Katulad na lang ng kapeng nanlalamig na sa center table na si Ate Julie ang nagtimpla.

"Magbibihis lang ako at ipaghahanda kita. Sandali lang."

Agad siyang tumalikod para sana pumunta na sa kwarto niya ng bigla ay may humablot ng kamay niya. Nakita niya na lang ang sarili na hila-hila ni Dakota papunta ng kusina. Pagdating nila doon ay wala ng tao o bakas man lang ni Ate Julie, maging ang mg pinamili niya wala na din. Siguro ay mabilis nito iyong nailigpit.

"Don't mind. I don't care if you stink, I want you to feed me."

Napairap siya sa ere. Kung hindi niya lang talaga ito amo, kanina niya pa ito piningot!

"Sige. Umupo ka na diyan—"

"No, I'll eat with you."

Napabuntong hininga siya at napailing. May saltik talaga ang isang 'to.

"Sige." Sagot niya na obviously ay pilit.


Ibig sabihin kasi kung gusto nitong kasama siyang kumain ay doon sa sila sa mismong kusina kakain. Sa may lutuan to be exact. Mayroon kasing maliit na table doon para doon kumain ang mga tauhan dito. Hindi niya kung bakit dito gustong kumain ni Dakota samantalang napakalapad at haba namam ng mesa nitong nasa labas na nakalaan para sa kanya.


"Gusto ko ng hipon. Could you cook that for me, Sha?" Para itong batang umupo sa mesa kaya pinalo niya ang hita nito.


"Bumaba ka nga riyan! Mesa iyan."
Suway niya.


Hindi naman sumunod si Dakota na hindi niya na ikinagulat. Tinalikuran niya na ito para ipagsandok ng ulam. "Hipon ang niluto ko. Nakakalimutan mo na ba na sinabihan mo ako kagabi—"

Natigil siya ng makitang nasa gilid na ng kanyang mukha ang mukha ni Dakota. Bigla ay isiniksik nito ang ilong sa leeg niyang pawisan.


"You don't even smell. Bakit ka pa magbibihis?" Takang tanong ni Dakota na malapit pa rin ang mukha sa kanya pagkatapos siya nitong amuyin.


"Tumigil ka nga. Bakit mo ba kasi ako inaamoy? E ikaw? Naligo ka na ba?" Tanong niya at muling pinagpatuloy ang pagsasandok.


"Hindi pa. Kakatapos ko lang magpaint ng umalis ka. Gusto kong makita mo pero wala ka naman." Umupo na ito sa upuan ng ilapag niya ang kanin at iba pang ulam kasama ang hipong nilagyan niya ng softdrinks ang timpla. Gusto kasi iyon ni Dakota.


"Nasa palengke nga ako." Kumilos siya muli si Sasha at kumuha ng pinggan, kutsara't tinidor.

"That isn't your duty." Ani ni Dakota.

Hinarap niya si Dakota para magpaliwanag. "Hindi nga. Pero may sakit si Tina at ayoko naman pagkilusin pa siya kaya ako na ang gumawa."

"That is so kind of you."

Umingos siya at may pagkasarkastikong ngumiti. "Huwag mo na akong utuin dahil alam ko na ang gusto mong ipagawa."


Walang ano-ano ay umupo siya sa harap ni Dakota at pinagbalat ito ng hipon. Ganito lagi ang senaryo nila kapag hipon ang gusto nitong kainin. Tinuruan niya naman nitong magbalat pero ayaw naman matuto ng binata kaya hanggang ngayon ay siya pa din ang nagbabalat para dito.

Nang sumubo si Dakota ay nangunot na naman nag noo nito. "Why are sitting in there?"

"Puno ang bunganga mo kaya tumihimik ka at nguyain mo 'yan." May babala sa tinig ni Saha.

Agad na itinikom ni Dakota ang bibig. Tumayo ito at inilipat ang inuupuan sa tabi niya maging ang pinggan rin nito para magtabi sila. Hinayaan niya na lamang ito sa kawirduhan at saka isinubo sa binata ang kakabalat niya lang na hipon.


Isang taon na siya rito. At sa loob ng taon na 'yon ay mas nakilala niya si Dakota. Simula ng umalis ang Mayordoma sa kanila isang taon na din ang nakakalipas at medyo malaki na din ang ipinagbago nito. Kung noon ay mukha itong menopausal baby dahil sa sobrang sungit, ngayon ay para bang katumbas nito ang limang bata na nuknukan ng kulit.


Pero kapag silang dalawa lang ang magkasama. Kaya hindi rin sanay ang mga tauhan sa bahay na kausap o nasa paligid si Dakota ay dahil iba ang ipinapakita nitong ugali sa iba. Sa kanya lang ito ganito. Sa kanya lang makulit at sa kanya lang nagiging maluwag pagdating sa mga gusto nitong sabihin.


Hindi niya alam kung baki ganoon. Masaya naman siyang kahit papaano ay nagiging maluwag na ito, pero hindi pa rin nagbabago ang pakikitungo nito kapag nasa labas na ito at hindi lang silang dalawa ang magkasama. Ilang ito at hindi kumportable.


"Pagkatapos nito maligo ka na." Ani niya ng makita niya ang bakas ng maliit na tuyong pintura sa noo ni Dakota, inilapit niya rin ang sarili ng kaunti at pabirong inamoy din ito. "Amoy hipon ka na din."


Sumimangot si Dakota ng makita siyang tumawa. "I don't stink. It is you you actually." Tumawa siya muli at natigilan ng biglang subuan siya ni Dakota sa mismong kutsarang galing sa bibig nito. "There. Stop laughing."


Aba muntik na siya mabulunan don ah! Totoo namang amoy hipon na talaga ito. Halos isang malaking bowl na ang puno ng pinagbalatan niya pero magana pa ding kumakain si Dakota.

"Aalis pala ako bukas." Naramdaman niyang natigilan si Dakota sa gilid niya.

"Saan ka pupunta?"

"May kadate ako, nakachat ko siya sa—"

Bigla na lamang na pabalang na tumayo si Dakota dahilan para umuyog ang mesa at hinugot sa bulsa niya ang cellphone niya pagkatapos ay uminom ito ng tubig.


"Ayaw mo na kumain? Saka teka 'san mo dadalhin 'yang cellphone ko?" Nagtataka siya sa kinikilos nito.

May inis sa mga mata nito ng titigan siya. "Bahala ka na sa buhay mo at makipagdate ka na doon."


Yon lang ang sinabi nito pagkatapos ay iniwan siya nito sa kusina. Napakurap-kurap siya.



Nagbibiro lang naman siya ah.



***


ImperfectPiece

Continue Reading

You'll Also Like

6.8M 138K 51
PUBLISHED UNDER POP FICTION (SUMMIT BOOKS) The Neighbors Series #2 Highest Rank: #1 in General Fiction ** Meet the rich, gorgeous, hot and sexy Sapph...
24.4M 713K 34
She was kidnapped by the mafia prince, Lander Montenegro, at the age of five. He stole almost half of her life, so it's only fair that he repays her...
27.5M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...
133K 6.2K 43
You don't have all the time in the world. Iyon ang totoo. Blessed to have survived her fatal illness and learning more to live with it, Polka tries t...